Share

Chapter 134

Gaya ng naisip na plano ni Sandro, pumayag si Paulo. Balak din nilang sabihan sana si Laurence pero bigla na lang itong lumalayo sa kanila kaya naman hinayaan na lang nilang dalawa dahil ang mahalaga magawa nila ang plano nila.

Dalawang linggo na ang lumipas nang malaman nila ang tungkol sa relasyon ni Igneel at Kristine. Nalaman din nila na umamin si Kristine kay Igneel pero tinaggihan ni Igneel dahil may asawa na siya. Kaya ngayong araw, kaharap ni Kristine ang dalawa na sina Paulo at Sandro.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Kristine.

Nasa airport siya ngayon dahil pabalik na siya ng Amerika. Grabe ang sakit na naramdaman niya nang ma-reject siya ni Igneel. Nagkatinginan sina Sandro at Paulo at hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi na nila kay Kristine kung bakita sila nagpapakita kay Kristine ngayon.

"Gusto ka naming tulungan para makuha si Igneel..." diretsong sabi ni Paulo.

Noong una ay hindi maitindihan ni Kristine ang sinasabi nila pero nang mapaliwanagan siya nilang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status