"Bakit ka nandito, Simon?" Tila hindi nag-aalalang ngumiti si Fiona.Hindi sumagot si Simon, nagsumbong naman si Sebastian, "Tito, sinampal po ng matandang babae na 'yan si mommy noong nakaraan, at ngayon ay kinidnap niya ako. Hindi po siya mabait. Tulungan niyo po ako tumawag ng pulis."Kumunot ang noo ni Simon nang marinig ito. Sinaktan niya si Sharon noong nakaraan?Bigla niyang naalala na nakita niya nga ang bakas ng palad sa mukha ni Sharon noon.Naningkit ang kaniyang mga mata, mababakas ang katakot-takot na aura mula rito. "Fiona, bakit mo ito ginagawa sa bata?"Ngumiti lamang si Fiona, "Simon, tungkol ito sa kasalanan ni Howard at mga personal na bagay. Hindi mo na kailangang mangialam."Nasa test center sila. Malinaw na ipapa-paternity test ni Fiona ang bata para malaman kung anak nga ito no Howard."Simon, ibigay mo sa akin ang bata." pinilit niyang magawa ang plano niya ngayong araw.Tiningala ni Sebastian ang matangkad na lalaki at kinurap ang mga mata. "Tito, hindi
Labis na naguguluhan si Fiona. Paanong naging anak ni Simon ang batang 'yon? ginawa niya ba talaga 'yun kasama si Sharon?Mahabaging langit, sisimulan na bang akuin ni Simon ang responsibilad sa kanila at pakakasalan si Sharon?Niyukom ni Fiona ang kanyang mga kamao sa galit.Inilabas ni Simon si Sebastian sa private hospital at tinawagan si Sharon para sabihing nakita na ang bata. Sinabi niyang iuuwi niya ang bata at mabuting umuwi na rin ito.Habang pauwi, nakaupo ang dalawa sa loob ng kotse. Inalog ni Sebastian ang laamn ng kanyang mga binti at tiningnan ang matangkad at gwapong lalaki sa tabi niya. Nagtanong siya, "Tito, ano pong nangyari sa matandang babae?"Tumaas ang kilay ni Simon at pinaningkitan ito. "Sinabi ko sa kaniya na ako ang tatay mo, kaya hindi ka niya guguluhin pa."Umupo nang tuwid si Sebastian at nagtanong, "Ganoon lang kasimple?"Tumango nang kaunti ang lalaki. "Oo."Hirap si Sebastian na paniwalaan ito. "Ganoon po ba kayo kagaling? takot ba siya sa inyo?"
Tila hindi magawang maintindihan ni Sharon ang kahulugan ng mga sinabi ni Simon, ngunit hindi niya na ito inisip pa. Pagkatapos, tiningnan niya ang dumi sa katawan at hindi mapigilang mapangiti. “Maglilinis muna ako. Hintayin niyo ako.”Tiningnan niya naman muli ang kanyang anak. “Sebastian, tulungan mo si Mommy na asikasuhin ang bisita.”“Sige po.” Kaagad na kinuha ni Sebastian ang laro nila ng chess na hindi pa tapos. “Tito, ituloy po ba natin?”“Okay.” Nanatili si Simon para samahan siya.Nakatulala silang tiningnan ni Sharon. Mukha nga talaga silang mag-ama.Naging tensyunado ang kanyang puso, at hindi niya ito masiyadong inisip. Tumalikod siya at nagtungo sa banyo.Nang makalabas si Sharon mula sa pagligo, narinig niya ang boses ng batang sumisigaw sa tuwa, “Checkmate! Nanalo ako! Nanalo rin ako!”Lumakad siya patungong sala at nakita ang anak na masayang sumasayaw habang bahagyang nakangiti naman si Simon. Hindi siya mukhang dismayado sa pagkatalo. Para nga itong hari dahi
Labis ang pagtatakang tiningnan ni Sharon ang gwapong lalaki. Bakit siya nito binigyan ng marriage agreement?“Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin, President Zachary.” Natagalan bago niya magawang makapagsalita.Hindi maintindihan ang ekspresyon ng lalaki. “Malinaw ang sinasabi sa agreement. Kailangan ko ng asawa, at kailangan ng anak mo ng isang ama.”Sandaling nabasa ni Sharon ang buong agreement kanina. Sinabi rito na magiging kasal sila, ngunit magiging sikreto ito at asawa lang siya nito sa papel.Gayunpaman, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit siya ang pinili nito?“President Zachary, kailangan nga ng anak ko ng isang ama, pero hindi naman kailangan na maging ikaw ‘yun.”“Kailangan maging ako ‘yun.” mabilis itong sumagot, hindi nagpapatalo ang tono.Nagtataka niyang tiningnan ang malalim at maiitim nitong mga mata at pinakinggan ang mga sinabi nito, “Limang taon na ang nakalilipas, sa Monarch Hotel.”Nang sabihin niya ang mga salitang ito, naramdaman ni Shar
Marahil napansin niya ang pagdududa sa mga mata nito, kaya’t sinabi niya, “Anak ko si Sebastian. Kaya’t sa tingin mo ba ay hahayaan kong tumira siya malayo sa akin? Kahit na hayaan ko, hindi ang pamilya Zachary.”Naintindihan na ni Sharon ngayon. Kung alam ng mga Zachary na anak ni Simon si Sebastian, siguradong hindi nila hahayaang manatili ang bata sa kaniya!Kukunin nila ang bata at dadalhin sa pamilya Zachary.Magulo ang kanyang isip nang hawakan niya ang kamay nito nang mabilis. “Hindi mo makukuha ang anak ko sa akin!”Bahagyang tumaas ang kilay ni Simon, at mayroong kaunting ngiti sa kanyang mga labi. “Kaya naman inaalok kita ng kasal.”Naging napakatahimik ni Sharon. Alam niyang kapag kinuha ng mga Zachary ang anak niya, wala siyang kapangyarihang pigilan ang mga ito.Ibig sabihin ba nito ay wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang pirmahan ang kasunduang ito?Bigla niyang naisip ang kanyang anak na laging gustong makita ang kanyang tatay. Dagdag pa rito, natukso n
Matapos tingnan ang mga litrato, kumunot ang noo ni Dr.Collins at sinabi, “Pamilyar ang taong ito. Bigyan mo ako ng oras para alalahanin…” Dahil walang litrato ang lalaki na nakaharap, mahirap kay Dr.Collins na alalahanin ang tao.“Ayos lang. Hindi niyo po kailangan magmadali.” Hindi mapakali si Sharon, pero hindi tama na madaliin niya ito.“Ah, naalala ko na. Kahawig ng lalaking ito si Dr.Wayne John. Nasa surgery department siya.”“Wayne John? Sigurado po ba kayo?” Kuminang ang mga mata ni Sharon.“Oo, kahawig niya. Subukan mong magpunta sa surgery department at magtanung-tanong.”“Salamat, Dr.Collins.” Nais kaagad makita ni Sharon ang Wayne John na ito.“Walang anuman. Sobra ang pagka-guilty ko dahil hindi ko nagawang iligtas ang tatay mo noon.”Nang napansin ni Sharon na nag-alinlangan ito kung magsasalita pa, muli siyang nagduda. “Dr.Collines, marahil ay mayroon pa kayong hindi sinasabi sa akin tungkol sa pagkamatay ng tatay ko noon?”Nagbago ang ekspresyon ni Dr.Collins, a
Huminga nang malalim si Sharon at sa wakas ay nagsalita, “Ki.. kilala mo na siya. Si Tito Simon.”Nagulat si Sebastian. “Ibig niyo pong sabihin ay tatay ko po ang masungit na tito na yun? Binibiro niyo po ba ako, Mommy?”Naging seryoso ang mukha ni Sharon. “Hindi ito biro.” Kinakabahan niyang pinanood ang pagbabago ng ekspresyon ng bata. Matatanggap niya ba ito?“Hindi na nakapagtataka kung bakit sobrang magkamukha kami. Siya pala ang dad ko!”“Kung ganoon, tanggap mo ba siya bilang dad mo?” tanong ni Sharon.“Siyempre po, tanggap ko po kung siya ang tatay ko. Mommy, mayaman po ang masungit na tito na yun. Magagawa niya tayong masuportahan.”Kumibot ang labi ni Sharon nang marinig ito. Anong tumatakbo sa isipan nito?Bago pa sila matapos sa kanilang pag-uusap, tumunog ang telepono ni Sharon. Si Simon ito na nagsabing nasa baba na siya. Pinababa na sila nito.Binaba niya ang telepono, at masiglang hinila ng bata ang kanyang kamay. “Bumaba na tayo, Mommy.”Hindi pa rin gumagalaw
Nananakit ang sentido ni Sharon. Hindi ba’t peke lang naman ang kasal na ito? Hindi niya kailangang seryosohin ito, tama?Habang nagsisimulang lumubog ang araw, nakarating na rin ang Maybach sa mansyon ng pamilya Zachary.Huminto ang kotse sa harap ng napakalaking fountain, at mula sa bintana ng kotse, nakita ni Sharon na mayroong isang tagasilbing naghihintay.Kinailangan niyang aliwin ang sarili bago kagatin ang bala at lumabas sa kotse. Pagkatapos, mayroon siyang biglang naisip. “Oh sandali. Sa tingin mo ba ayos lang na dumating kaming walang dala?” Naalala niya ngayon na dapat ay bumili man lamag siya ng regalo.“Sapat ng mayroon kang dalang anak.” Pakiramdam ni Simon ay sapat na ang pag-alala nito.“Pumasok na tayo,” lumingon siya at sinabihan ang batang lalaki.Tiningnan ni Sharon ang likod ng walang emosyong lalaki at nilabas bahagya ang dila bago ito sundan.Sinalubong sila ng mga butlers at tagasilbi sa bahay. Sa sala, nakaupo si Douglas sa main sofa habang hawak-hawak