Kinaumagahan ay nagkita sila ni Lish Anne. Mabuti na lang dahil siya ang naghatid kay Megumi sa paaralan.Natuwa si Greta dahil kinausap na naman siya ng anak niya. "Bakit mo binugbog ang anak mo?" "Greta, dinisiplina ko lang si Keila dahil nag-mamalabis na siya. Hindi na niya ako ginalang bilang nanay niya. Can you please step aside? I'm in a hurry. Nakaharang ka sa dinadaanan ko," sabi ni Lish Anne sabay irap."Hindi ganoon ang tamang pagdisiplina sa bata, Lish Anne! Sobra na iyon. Alam mo ba na against the right of a woman and a child ang ginawa mo sa kaniya?""Ano ang alam mo sa pagdisiplina, Greta? If you are a disciplined woman you would not ride another woman's husband!"Tinuro ni Greta ang mukha ni Lish Anne. "Hindi ako ang pinag-uusapan natin dito, Lish Anne, kun'di ang anak mong si Keila! Babae ka at alam ko na alam mong mabigat na kaso ang ipapatong sa iyo kapag nag sumbong ang bata sa awtoridad," gigil na sabi ko. Binigyan lang ng mapang-insultong ngiti ni Lish Anne si
"P-Parker? Hindi mo ako kilala? A-Ako ito," aniya.Nakatingin lamang sa kaniya ang lalaki. Halata sa lalaki na hindi na nga niti nakikilala si Greta. Greta was denying the fact that she could sense what's going on. "I don't really know who you are, miss." Tumingin ang lalaki kay Lish Anne. Pati si Greta ay tumitig na rin kay Lish Anne na pinipigilan ang matuwa dahil sa nangyari. "Lish Anne? Ano ang nangyari?!" tanong niya kay Lish Anne. Tumungo si Lish Anne sa kama at inalalayan nito si Parker. Hinahagod ni Lish Anne ang balikat ni Parker. Nakatitig lang sa mag-asawa si Greta habang nanatiling nakabuka ang kaniyang bibig at halos lumuwa na ang kaniyang mga mata. She tried her best to compose herself properly in the midst of this obvious situation. "Parker, ako ito, si Greta. May anak ka ka sa akin, si Megumi. T-Tama, Parker. Si Megumi ay anak natin. Sa katunayan ay nandito ka ngayon sa ospital dahil sa ginawa mong pagligtas sa anak natin," aniya na pilit pinapasok sa kokote ng l
Tinawagan niya si Nate pero hindi sinagot ng lalaki ang kaniyang tawag. Hindi niya masisi ang lalaki. Maraming negosyo si Nate. Busy malamang ito sa mga negosyo. Ayaw niyang tumungo sa lugar na ito pero wala siyang magawa dahil pakiramdam niya ay dito niya matatagpuan ang nais niyang kaginhawaan. Nakailang bote na siya ng alak pero pakiramdam niya ay kulang pa ito. Sinabihan niya si Lexi na dalawin ang dalawang bata. Mabuti na lang talaga dahil mapakikiusapan ang kaibigan niya. Hindi siya inyawan ni Lexi muna noong naging magkaibigan na sila.Tumunog ang smartphone niya kaya ay sumulyap siya sa screen nito. Sinagot niya ang tawag mula kay Lexi."Greta, nasaan ka ba?" tanong ng kaibigan niya. Gusto niya naman talagang pumunta sa kaibigan niyang si Lexi pero hiyang-hiya na siya. Alam niya na hindi siya huhusgahan ng kaibigan niya kapag iiyak na naman siya sa tapat nito at sasabihin ang mga poot at sakit sa puso niya pero siya na kasi ang naawa kay Lexi na palagi na lang nagiging pa
She was obviously drunk. Kung kanina ay hindi niya ramdam ang matinding epekto ng alak sa kaniya, ngayon ay dama niya na ito nang lubusan. Nakangiti siyang tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Nagpapaka-hero na naman ang lalaki. "Kanina ay tinawagan kita pero hindi mo man lang sinagot ang tawag. Ngayon nandito ka na at nilatag mo na naman sa mesa ang iyong hero-like card. Stupid. Kanina pa kita kailangan," sabi niya kay Nate. Umupo ang lalaki sa tapat niya. "May ginawa lang ako kanina na importante ng bagay, Greta. Ikaw, bakit ka nandito?" "Baliw. Ano pa bang ginagawa mo rito?""Una sa lahat, hindi ako baliw, Greta. Pangalawa, nandito ako dahil ako ang nagmamay-ari ng bar na ito.""Lahat na lang ay pagmamay-ari mo, Nate. Ikaw ang may-ari ng beach kung saan nagfieldtrip ang mga bata. Tapos ikaw rin ang may-ari nito? Really?" natatawang sabi niya sa lalaki. Humalakhak ang lalaki. The man leaned forward. "Yes, Greta. Ikaw na lang ang hindi ko pagmamay-ari," bulong ng lala
Dinala siya ng lalaki sa guestroom. Kahit na komportable at malinis ang kuwarto ay hindi siya makatulog sa dami ng kaniyang iniisip. Lumakas ang takot sa puso nisa na baka hindi na maalala ng lalaki ang anak nila at baka hindi na siya maalala nito. Ilang taon niyang niloko ang kaniyang sarili sa pagsabi niya na galit siya sa lalaki. All of that was not anger but regrets for not making the man choose her and the child she was carrying. She was wishing that her sorrow that turns into happiness. Sinubukan niyang e-let go ang lalaki noon pero pagdurusa lang ang kaniyang natamo. Napabuga na lamang siya ng hangin nang kaniyang maalala ang reaction ng lalaki nang siya ay makita nito. Puno ng pagkalito at pagkagulat ang lalaki kanina nang sinabi niya rito na may anak sila.Nais niyang sabihin kung paano sila nagkita noon. Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon na ipaliwanag pa nang mas maigi ang mga bagay ay ginawa niya na ito.Tunog ng pagkatok sa pinto ang pumukaw sa kaniyang nakalutang
Umaga na pala. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras dahil siya ay nakatulog matapos siyang lumuha nang marami. Sa halip na umahon mula sa kamang kinahihigaan niya ay tumagilid siya at tumalukbong pa. Masakit ang kaniyang katawan. Pati ang ulo niya ay halos mabasag na dahil sa sakit. Parang tinutusok ng karayom ang gilid ng kaniyang ulo. She sighed a few times but that thing doesn't change how she feels physically. Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo nang maalala ang katarantadahang ginawa niya kagabi. "Puta," mura niya nang lumantad sa isipan niya kung paano siya pumangibabaw kay Nate at kung paano niya inakit ang lalaki.Muli siyang bumuga ng hangin bago inalis ang kumot na tumakip sa buong katawan niya. Pumikit siya nang mariin ay agad siyang sumipa-sipa sa ibabaw ng kama. Dinalaw na naman siya ng matinding hiya. Paano niya haharapin ang lalaki? The man chose to leave her alone. Nag-walk out si Nate kagabi at hindi siya ginalaw nito. May mga makabuluhang linya pa na bi
Nakatulala siya subalit ang mga luha niya ay nag-unahan sa pagdaloy pababa ng kaniyang pisngi. She has a blurry eyesight because of the tears stuck in her eyes. Tanging ang blurry na shadow ng lalaki ang nakita niyang lumabas mula sa shop.As she blinked, healthy tears dropped from her eyes."Sana hindi mo ako pinigilan kanina, Greta. Ang bastos ng lalaking iyon. Kung makaasta ay parang diyos! Nakakainis!""Lexi, hayaan mo na siya. Tayo na lang ang umintindi sa kaniya dahil sa sitwasyon niya ngayon. He's not in his stable mind kaya siya nagkaganoon," pagtatanggol niya sa lalaki."Pinagtanggol mo pa talaga. Kahit na ano pa ang kondisyon niya ay hindi ka niya puwedeng bastusin na lang nang ganoon na lang, Greta. Ano ba ang nangyayari sa kaniya?"Huminga siya nang malalim. Kahit hindi pa oras ay hininto niya ang kaniyang pagluha. "May temporary amnesia si Parker, Lexi," tugon niya sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Lexi nang marinig nito ang sabi ni Greta. "Totoo ba?""Oo, Lexi. Iya
Hapon na. Inayos ni Greta ang kaniyang sarili. Ang kaniyang medyo tuwid na buhok ay tinali niya na para bang ensaymada sa likod ng kaniyang ulo. Hinubad na rin niya ang kaniyang suot na apron. Kinuha niya ang salamin at agad niyang niretouch ang kaniyang make up. "What's with you, Lexi? Grabe ka naman makatingin sa akin. Are you accusing me of something?""Nakakatawa. Iba ang hatak ni Nate ah! Fluent na fluent ka na talaga magsalita ng ingles dahil sa kaniya. Naimpluwensyahan ka na talaga niya. Sana pati ang puso mo ay maimpluwensyahan niya. Jowain mo na kasi.""Lexi, ito na naman tayo sa usaping ito. Palagi mo na lang pinipilit sa akin si Nate."Bumuntong-hininga ang kaniyang kaibigan. "Bigyan mo ng chance ang tao. Hindi mo ba nakikita ang mga effort niya? Alam mo ba na mas mabuti pa nga siya kaysa naman sa Mr. Amnesia na iyon, ano! Si Nate ay nakikita ang halaga mo, samantalang si Parker naman ay walang pakialam sa iyo. In fact, tinutulak ka na niya palayo, Greta. Ano pa ba ang da