MjPasado alas nuebe na nang ganap akong ihatid ni Lance sa boarding house ko. Pagkatapos kasi naming kumain ni Lance sa Shanghai ay napagpasyahan pa naming gumala sa sa buong Las Piñas. Ang magagandang spot ng City ay hindi nakaligtas sa aming dalawa. Marami pa sana kaming lilibutin kaso alam kong limitado lang ang oras kaya naman ay iginiit ko kay Lance na uuwi na ako.Hindi naman tumanggi ang binata sa kahilingan ko. Dis oras na din kasi ng gabi kaya nagpumilit na akong umuwi. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang maisip kong nasaan na kaya nakarating ang dalawa. Hindi ko na din kasi nakita ang dalawa sa aming paglabas kanina ni Lance. Hindi ko na din pinagaksayahan ng panahon na hanapin siya dahil inaantok na din ako. Dire-diretso na kaming lumabas ng Shanghai at hindi na nagtagal doon. "Tahimik ka yata? May masakit ba sa iyo?" Puna ni Lance habang hindi inaalis ang tingin sa dinadaanan. "Kanina pa kita napapansing tahimik e."Sinubukan ko namang magdahilan. "Medyo nahihilo
Lance Nakikita ko sa mga mata ni Mj ang hindi malamang gagawin dahil sa mga oras na iyon. Hawak-hawak niya ang malaking kumpol ng pinagsamang mga red roses na isa-isang kong ipinabibigay sa pamamagitan ng mga pinakiusapan kong bumigay na personalidad. Sinadya ko iyon para hindi masyadong obvious sa babae at para na din mas masorpresa ito.Bale kung tototalin ay nasa eighteen na iyon plus pa ng tatlong roses na nasa likuran ko. Sinadya ko talagang itago iyon para hindi niya makita. Iyon ang huling sorpresa kong ibibigay sa kaniya at heto na nga ako, papalapit na sa kinaroroonan niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mukha niya at hindi mapakaling awra habang papalapit ako ng papalapit.Suot ko naman ang pinakamatamis na ngiting maibibigay ko ever since sa kahit na sinong babae. Hindi ko iyon pinakawalan at nawawala sa mga labi ko.Alam kong hindi ako effortless na tao pero lalong hindi ako grandeng manligaw kasi never naman ako nanligaw like this before.I had never been serious i
Liza Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nakita ko si Jarred na naglalakad sa papunta sa isang direksiyon. Laglag ang balikat niya, malamlam ang mukha at parang naiiyak na pasuray na naglalakad papasok sa loob ng lugar na iyon.May malaking basement kasi ang school kung saan doon na ka-reserved lahat ng mga transportasyon na ginagamit ng mga mag-aaral ng St. Luke University.Iyong mga motor naman na may mapupuwestuhan sa mga gilid ay allowed naman na doon na lamang sa mga lilim at bakanteng lugar dahil baka mapuno ang buong basement sa dami ng mga sasakyan.Walang kiming tinawag ko ang pangalan niya."Jarred!" Hindi na muna niya ako nilingon dahil hindi din niya tiyak kung saan banda nanggagaling ang boses at pagtawag. Muli kong inulit ang pagtawag sa kaniya.Mabuti naman at nakita na niya ako kaagad at nakilala na din siyempre.Dahan-dahan akong lumapit ako sa kaniya at hinihintay naman niya akong makalapit sa kinaroroonan niya."Ano'ng nangyari?" Kaswal kong tanong sa kaniya d
JarredI was left muted and shocked. Hindi ko alam kung ano'ng nasabi ko at parang daig pa ni Liza ang na-humiliate ng sobra para magreact ng ganoon.Ang concern ko lang naman ay kung bakit walang kaide-ideya si Liza sa nangyayari sa kaibigan niya. Iyon lang naman ang point ko pero nag-rant na kaagad si Liza.Nakapagtataka lang naman kasi na walang silang kaalaman tungkol sa buhay pag-ibig ng isa't isa. Simple lang lang ang tanong ko pero hindi ko inaasahang ganoon kalala ang magiging response ni Liza sa mga tanong ko.Para nang nakalimutan nito ang lahat-lahat kahit pa ang mga pinagsamahan nila.Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa pamomroblema. Ngayong galit na din si Liza sa akin, saan pa ako kukuha ng dahilan o paraan para maabot pa si Shella Mae?Mas lalo lang nabawasan ang tansiyang makapagusap pa kami ni Shella Mae. Sa sobrang lungkot ng buhay ko at hindi ko na matake over na problema ay isang bagay ang sumagi sa isipan ko.I just want it for tonight. Just tonight. I want ju
Jarred “Pakiusap, huwag kang pupunta doon. Mapapahamak ka lamang sa kaniya!” pagsusumamo ko kay Shella Mae nang malaman kong pupuntahan nito si Steve para lang makipagkita rito.Ang lalaking nabanggit ay siyang bagong nobyo niya matapos ang tatlong buwang cool off namin. Nagulat na nga lamang ako nang malaman ito mula mismo sa kaniya.Hindi naman ako selfish para pigilan ang babae sa naging desisyon nito. Isa pa ay wala naman akong karapatang maging hadlang sa mga bagay na nagpapasaya rito.After all, hindi naman ako naging mabuting nobyo sa kaniya. Isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit siya naghanap ng bagong nobyong aniya ay ipapalit sa akin. Mas higit pa daw si Steve kaysa sa akin at mahal na mahal daw siya nito.Hindi naman ako tutol sa pagkakaroon niya ng bagong pag-ibig pero kung si Steve man lang, magpapakaselfish na lang ako. Kilala ko si Steve. Maging ang buong pagkatao nito ay hindi nalihim sa akin. Playboy si Steve at marami ng naging karelasyon ngunit walang sineryuso. A
Mj Kanina ko pa tinatanong si Liza kung ano ang sasabihin nito pero parang wala naman itong balak sabihin iyon sa akin. Medyo nakakaramdam na din ako ng pagkaasar sa kaibigan ko dahil kanina pa ay hindi pa niya ako magawang deretsuhin. Ano ba talaga ang gustong sabihin nito? Kakaiba ang takot na nakalarawan sa mukha nito sa tuwing tatangkain nitong sabihin ang nasa loob nito. Narinig ko kanina na nabanggit nito ang pangalan ni Jarred.Maraming bagay ang naglalaro sa isipan ko kanina habang pautal-utal siyang nagsasalita. Hindi kaya ay may relasyon na ang dalawa at matagal na pero hindi ko lang alam? O pwedeng ding buntis ito at si Jarred ang ama? Ano ba kasi iyon, Lizzzaaaaa? "Ano nga ba kasi iyon at parang hindi ka mapalagay na masabi?" Untag kong muli na napasulyap sa cellphone upang i-check ang time. "Ano ba ang tungkol kay Jarred na dapat kong malaman?"Eh kasi nga, matagal na kaming magkakila—" naputol bigla ang sasabihin ng babae nang bigla ay may tumawag sa phone ko. Awtomat
Two weeks later....Mj"Babe, are you free tonight?"Isang pamilyar na boses ang aking narinig buhat sa monitor. Napapitlag na sumagot ako sa tawag na iyon."Yes, I am free tonight. Bakit naman?" Tugon ko na hinaluan ng pagtataka ang tono ng boses."I just want you to ask if you wanna mind to join me to hang out tonight?"Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ng lalaking isang linggo ko pa lang naging nobyo. Bale one week pa lang bago naging officially kami na.Mahina lang ang pagtawa ko pero hindi ko alam na narinig pa niya iyon."For what naman ang narinig ko? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Saglit akong kumalma dahil parang nagbago ang ambiance ng paligid ko dahil sa tanong niyang iyon. "I heard you chuckle, right?" Dagdag nito na may kasamang diin ang huling sinabi.Tumikhim naman ako at inalis ang humaharang sa tila barado kong lalamunan."Yeah, but I don't mean it. Natawa lang ako kasi parang naging habit mo na ang dinner date kasama ako? E di'ba, kahit noong nanliligaw ka pa a
Jarred"Red ..."Mapupungay na iminulat ko ang aking mga mata. Nakagisnan kong humahaplos ang kanang kamay ni Crystal sa mukha ko. Nakangiti ito ng ubod tamis sa akin at walang halong pagpapanggap. Isang linggo pa lang ng maging kami na ni Crystal. Hindi ko nga alam pero kung paanong kaybilis ng panahon na naging kami na agad. Noong una ay puro pagpapakita lang ng motibo ang ginagawa nito. Hanggang sa unti-unti na ring nakukuha niya ang loob ko.Hindi ako mahilig sa mga babaeng mahilig mag first move lalo na siya ang lalaki. Gayunman, iniisip ko na lang na isa itong magandang pagkakataon para makapagsimula ako.Sa katunayan ay nasa bahay kami ngayon at nasa kwarto ko mismo! Kagabi lang ay ganap nang isinuko nito ang pagkakababae sa akin. Hindi naman ako ang unang lalaki sa buhay nito kaya hindi na ito birhen nang angkinin ko kagabi. Hindi naman ako nagtaka o nagdamdam pa.Wala na din iyon sa akin dahil alam kong sarili ko ay hindi ko ring magawang maging tapat sa pag-ibig ko dito.