HINDI ito ang tanawing gustong makita o maiwan ni Arianne pag-alis niya sa kanila. Pero kagabi pa ay tigmak na ng luha ang kaniyang ina. Kasulukuyan siyang nasa kwarto at nagliligpit ng kaniyang mga dadalhing gamit nang biglang pumasok ang kaniyang ina. Nakabukas naman ito kaya hindi na nagawang kumatok.
“Tuloy na tuloy ka ba talaga at ‘di na papipigil pa?” anang kaniyang ina habang abala siya sa pagliligpit.“O Inay, nandiyan pala kayo.” Sagot na lamang niya na medyo nagulat. “Kanina pa po ba kayo diyan?”Tiningnan niya ang ina na umupo sa tabi ng kaniyang kama. Makulimlim ang mga mata nito, nagbabadyang anumang segundo ay mapapaluha. Tinigil niya muna sandali ang ginagawa at hinarap ito. Mahina niyang nilapitan ang ina at hinuli ang dalawa nitong kamay. Gusto niya itong kausapin sa kaniyang pasya.“Inay, ‘di ba napag-usapan na natin ito kagabi?” sabi niya parang batang kinakausap ang walang muwang na ina. “Saka alam niyo namang mahina ang sahod dito sa atin sa Palawan, ‘yung iba nga sa ating mga kapitbahay, napilitang mag-abroad para makaranas ng malaking sahod? Eh ako nga, sa Cebu lang?” dagdag pa niya para payapain ang loob nito. Bagamat ayaw niyang iwan ito, wala siyang maisip na paraan para makatulong sa kanila.“Eh gusto ko sana ‘yong malapit lang anak eh, ‘yong magkikita pa rin tayo sa gabi, magkakasamang magkukuwentuhan. ‘Di ba gusto mo rin naman iyon?” wika ng kaniyang ina parang nag-aasal bata.‘Di niya napigilang tumawa sa huling sinabi nito. Talagang tunay na inosente ang kaniyang inay. Napakabuti ng puso nito dahil nag-aalala ito sa kaniya, at higit doon, siya rin ang palagi nitong iniisip.“Malapit lang po iyon at any time ay makakauwi po ako kapag gusto ko. Kung gusto niyo next month uuwi ako ano po? Tutal, magbi-birthday kayo. Ayos na po ba ‘yon, Ha inay? Pagpapatuloy niya para lang hindi ito masyadong malungkot ng sobra sa kaniyang pag-alis.“E ‘di sige, kung talagang ‘di ka na papigil ay ikaw ang bahala. Sige na nga at tutulungan na kita.”“Ang bait talaga ng nanay ko. Payakap nga po.”Yumakap siya rito at gumanti naman ang ginang ng yakap na mahigpit. Di na nito napigil ang lumuha. “Mag-iingat ka doon, h’wag mong pababayaan ang iyong sarili. Wag mo ring kakalimutang tumawag palagi sa amin lalo na sa mga kapatid mo upang makibalita.” Mahina nitong pinahid ang mga luha.Napapangiti siya habang kumakalas sa pagkakayakap dito.‘Ang mga nanay talaga’, sa isip niya na gustong matawa dahil hanggang ngayon ay binibeybe pa rin siya.“Opo”. May halong pang-asar na sagot niya.“Nakapagpaalam ka na rin ba sa tatay mo?”“Oo naman po.” Mabilis niyang sagot sa ina. “Sa katunayan, sa kanya ko unang sinabi ang balak ko. Alam niyo naman ang Itay, kahit nasasaktan basta para sa ikabubuti ko, pipiliting magpapakatatag.”Tumango lamang ang kaniyang ina bilang pagsang-ayon. Tiyak niyang wala na siyang magiging problema sa dalawa dahil napapayag na niya ang mga ito.“O hala, bilisan munang magligpit at baka maiwan ka sa byahe mo.” Wika ng kaniyang nanay na parang nataranta. “Ano pa ba ang dadalhin mo? Sabihin mo na nang maihanda ko na kaagad?” dagdag pa nitong nagpahid ng luha.Natawa siya sa biglang pagbago ng mood nito. “Nay, mamayang alas kwatro pa po ng hapon ang flight ko. Ala-una pa lang po. Masyado naman kayong excited. Para naman pong kayo ang aalis.”Napangiti ang ginang dahil sa mga pinang-aasta nito. Medyo bumalik ang lakas ng loob niya nang makita itong nakangiti.“Ah, oo nga pala”. Sabi pa nitong nakangiti pa din. “Ano ba itong nangyayari sa akin.”“’Yan. Kung ganiyang mukha sana ang makikita ko pag-alis ko, e ‘di sana po matatag ako at panatag na makakaalis mamaya.” Parinig niya rito.“Pasensiya na anak.” Tugon nito. “Di ko talagang maiwasang maging malungkot, syempre alam mong mamimiss ka naming ng sobra pag wala ka na rito.” Dagdag pa nito na muling nabago ang ekspresyon ng mukha.“Alam ko naman po iyon Inay,” saway niya rito. “Ako din naman po. Pero kung ang lungkot na iyon ay hahayaan kong pumigil sa mga pangarap ko, para saan pa at nakapagtapos ako?”Natahimik sandali ang ginang. Napayuko at ilang Segundo pa bago nag angat ng mukha .“Naiintindihan ko Anak.” Mahinang sagot ng ginang. “Ang mas mabuti pa siguro ay doon na muna ako sa kusina, baka masira ko pa ang desisyon mo.” Pagbibiro nito na hinaluan ng maluwag na pagkakangiti.Napangiti na rin siya ulit. “Kayo po ang bahala.”“Sige anak, lalabas na muna ang inay mo at nang maasikaso ang meryenda mo. Ano bang gusto mong meryenda?”“Kahit po ano Inay, basta galing po sa inyo at inihanda po niyo.” Masayang tugon niya rito. Tumango lang ang ina at lumabas na nag kaniyang kwarto.Sinundan niya ng tingin ang papalabas na ina. Nang ganap itong mawala sa paningin niya ay naiwan siyang nag-iisip. Iniisip kung ano ba nag magiging buhay niya doon sa Cebu. Noong nakaraang martes lang siya tinawagan ng inaaplayang hotel na on interview na lang daw siya. Nitong Miyerkules ay muling tumawag ang ahente ng nasabing kompanya na online interview na ang magaganap at kapag pumasa siya ay kaagad-agad ay magrereport siya bilang on-duty sa mismong lokasyon ng Hotel Uno sa Cebu.Hindi naman siya minalas sa kaniyang Job application at sa kaniyang sheduled interview. Madali niyang nasagot ang mga tanong ng mananayam. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil graduated naman siya sa Kursong Bachelor of Science in Hospitality Management. Hindi naman sa pagmamayabang, pero gumradweyt siya ng cum laude sa isang pampublikong paaralan ng Puerto Princesa City, Palawan.Kaya heto na siya ngayon, ilang oras na lang ay lilipad na upang sundan ang kaniyang pangarap. Hoping in there, better future is waiting. New journey will start to spring. Walang masamang maniwala at umasa ito ang palagi niyang sinasabi sa bawat pagharap sa lahat ng hamon ng buhay. At alam niyang magagawa niya ang lahat ng bagay basta may tiwala siya sa sarili niya.Lulan ng eroplanong Cebu Pacific, mapayapa at matatag ang loob na nakasakay si Arianne dala-dala ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Kung ano ang sayang naramdaman niya noong nakaharap siya sa entablado bitbit ang diploma ng pagtatapos, ay kagaya din ng sayang tangan niya ngayon habang nakatingin sa labas ng bintana at tanaw ang mga ulap. Ngayon ay ganap na siyang beynte dos anyos na taong gulang. Fresh Graduate kaya walang kaekspe-experience sa field ng hotel management kahit pa sabihing ito ang kursong kaniyang napagtapusan ay mas importante pa ring may sapat na kaalaman at karanasan pagdating sa mga ganitong bagay. Naniniwala naman siyang kaya niyang lampasan ang lahat ng iyon at mabilis niya lang matutunan ang bawat tasks.Saglit niyang hinamig ang sarili sa paglalakbay-isip. Pilit niyang isinantabi muna ang mga iyon. Ipinikit ang mga mata, huminga nang malalim at binalak na makatulog. Medyo kinakabahan siya pero mas umaapaw ang eksaytment sa puso niya. Sa wakas, unit-unti nang ma
Matapos ang isang gabi ng ganap na paghihintay, ngayon ay binabagtas na ni Arianne ang daan patungong Hotel Uno kung saan sa magtatrabaho. Sakay ng isang bus, parang ninanamnam ni Arianne ang bawat bago at kakaibang amoy ng hangin sa syudad. Nakasuot siya ng itim na shades, nakablouse ng kulay puti at paldang itim. Sa kaniyang ayos ay hindi siya mahihinuhang disente o fashionista, pero sa kaniyang pigura, mababakas na isa siya sa mga gustong makikipagsapalaran malayo sa pamilya. At ang taglay na awra ng katapangan at determinasyon ay isa sa mga pangunahing character ng tunay na may pangarap. MAGKAHALONG kaba, eksaytment at pag-asam ang parehong nararamdaman ni Arianne habang papasok na sa opisina ng kausap niya kaninang umaga sa cellphone. Hindi naman siya nahuli sa time dahil sa katunayan, advance ng 5 minutes ang relo niya. Ginawa niya iyon para mas maaga pa siya sa kaniyang time sched. Una na niyang binati ang mga nakakasalubong sa kaniya ngunit hindi kilalang personalidad. Ugali n
MATULING lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngayon ay magtatatlong buwan nang nagtatrabaho sa Hotel Uno si Arianne. Nakapagpasuweldo na rin siya at nakapagpadala ng pera sa kaniyang mga magulang. Kinsenas kada isang buwan ang kanilang sahuran. Pakasahod niya ay agad siyang nagpapadala sa magulang.tulad ngayon, sahuran na naman ulit kaya napatawag na naman siya sa kanila. “O nay, hello po, natanggap niyo na po ba ang perang padala ko?” bungad niya ng matiyak na nasa linya na ang mga ito. Sakto namang kailangang-kailangan ng mga ito ng pera dahil nag aaral na si Joshua, ang kaniyang pangalawang kapatid sa College. Kursong Criminology naman ang napili nito. Hindi naman siya tumutol sa kagustuhan ng kapatid. Bata pa lang kasi ay pangarap na talaga nitong maging pulis. Tatlo lamang silang magkakapatid. Ang kanilang bunsong kapatid ay kasalukuyang nasa high school na. ang tanging kita ng tatay niya sa pangingisda at at munting pwesto nila sa palengke ang siyang bumubuhay at tumutustos
NAPANSIN ni Jake na nakangiti ang dalaga habang patuloy nilang ninanamnam ang sweet music. Napansin niya ring tila malalim ang iniisip nito bagamat nakatitig lang ito sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na humanga siya sa babae, pero nang una pa lang niya itong makita ay para may kakaibang paghanga na agad siya rito. Kahit pa ang aksidenteng pagkakabangga niya rito noon ay hindi na maalis-alis sa isip niya ang mukha, boses at ekspresiyon nito nang magalit. Lalo itong nagiging kaakit-akit sa kaniyang paningin pag nagra-ratle.Hindi niya ugali ang mag-sorry at lalong di niya papel ang pinapalengke ng isang babae. Siya ay si Jake Domingo, ang COO ng Hotel Uno. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya na pagtatarayan siya ng isang staff lamang ng Hotel.Nagawa pa nga niya itong asarin habang paitaas ang elevator kahit ang dapat na ginawa niya ay nagsorry sa babae. Iyon ang unang tagpo na naging daan para magkakilala sila ng babae. Araw-araw ay palagi siyang nagpapadala ng chocolates o bulaklak
Hindi na nakasagot si Arianne dahil may biglang may mas maawtoridad na boses ang bumasag sa katahimikan ng lahat. Lahat din ay kapwa nagulat at maang na napatingin sa may-ari ng boses na iyon.“Haven’t you heard me? I said, what is going on here!” dagdag nito sa mas mataas at mabagsik na boses.Saka pa lamang nahimasmasan ang lahat. “Sir Blake John, Kayo pala.” Puno ng paggalang na wika ni Grace. “Ang tanong ko ang sagutin mo. What is going on here? Mahirap ba sagutin ang tanong ko?” asik nitong pahayag at nasa mukha nito ang pagkainis. Dahan-dahang tumayo si Jake mula sa pagkakaluhod. “Jake Domingo. What’s bring you here?” anito ng mapansin si Jake.“I was here because it’s my girlfriend’s day!” pormal na tugon ni Jake. Hinapit nito sa beywang si Arianne bago nagsalitang muli. “I’m here to support and celebrate the 24th birthday of my girlfriend.” Natural na kilos lang ang galaw ni Jake. Hindi nasisindak o hindi rin nangangailangang magpaliwanag ng higit pa doon. “Did we bother you,
"YOU'RE all animals!” malakas na sigaw niya sa kaharap. Hindi pamilyar sa kaniya ang mga mukha pero pwede niyang isalarawan ang mga ito. Una ay isang mesteryosang ginang na kasing-edad ng Nanay niya,nakasuot ng mamahaling damit at nadaramtan ng mga mamahaling alahas. Pangalawa ay isang ama na hindi rin magkasing layo sa edad ng tatay niya ngunit desente manamit at mahihinuhang mula sa mayayamang pamilya at isa pang lalaking may taglay na nakakaakit na karisma, matangos ang ilong at mapuputi ang mga tuwid at pinong mga ngipin. Pero imbis na paghanga ang nararamdaman niya sa mga ito, bakit puro pagkamuhi? Kulang na lang isumpa niya ang mga ito.“Pagbabayaran niyo ng mahal ang gagawin niyong ito sa akin!” Muli ay naibulalas niya. Puro ngisi lang ang iginanti ng tatlong pinapanood siya habang pilit na kumakawala sa pagkakagapos. Para siyang isang pasyenteng manganganak pero ang pinagkaiba lang, gapos ang dalawa niyang kamay at mga paa. Kahit ang lalaking nasa harapan niya ay hindi rin maba
GAYA ng napagkasunduan, nagkaroon ng matagumpay dinner date sina Arianne at Jake. Dinala ng binata ang dalaga sa di naman gaanong mamahaling restaurant. At tulad ng inaasahan, muling nagproposed si Jake sa dalaga. Pero hindi gaya ng dati, hindi na nagkaroon pa ng kahit na anong romantikong presentasyon maliban sa banda na siyang naghaharana sa kanila. Unang dumating sa nasabing restaurant si Jake. Ilang minuto din ang hinintay niya bago makita na paparating na si Arianne. Suot nito ang damit na ipinabili niya at ipinadala. Ang totoo, hindi siya ang bumili noon o pumili. Nagpatulong siya sa isang sikat na make-up artist at marahil ay ito na rin ang sumukat ng damit na nababagay para kay Arianne. Napamaang pa siya ng makitang papasok na si Arianne. Sobrang ganda nito sa suot nito ngayon. Walang-wala si Lovi Poe kumpara rito. Lalo siyang napahanga nito sa natatagong kagandahan nito. Nang malapit na ito sa kinaroroonan niya ay nginitian siya nito ng ubod tamis. Gumanti naman siya ng ngiti
MATAPOS ang naganap kahapon sa pagitan nina Blake John at Jake ay lalong lumaki ang pagkamuhi niya sa lalaki. Bukod kasi sa trabaho at impluwensiya ay gusto na rin nitong ipangalandakan na talunan siya sa lahat ng bagay kahit sa babae.Noon ay kakatapos lamang niyang naligo at dahil weekend ay wala siyang pasok. Pinili niyang magkulong sa kwarto at magpahinga. Matapos tuyuin ang katawan at buhok ay sinipat niya ang sarili sa isang mahabang salamin. Larawan siya ng isang matipuno at mala-adonis na lalaki. Taglay ang kaputiang minana sa ina at height na nakuha naman niya sa ama. Matalino siya at may potensiyal sa pagkanta. Mahilig din siyang sumayaw at sumali sa mga contest. Isa din siyang sikat na varsity player ng basketball sa kanilang buong campus.Tinuwid niya ang sarili at sinipat ang katawan sa salamin. Sa harap ng salamin ay iginala niya ang sariling tingin sa sarili mula ulo pababa sa kaniyang tiyan. Litaw na litaw ang kaniyang six pack abs na madalas pinagkakaguluhang makita n