DANNY POVAng hangal ko. Mali... hindi dapat sa ganitong sitwasyon ako nagtapat. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko, hindi ko na magawa. Lalo't bumakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha niya. "Sir... pinagsasabi mo?" Kumabog ng malakas ang puso ko. Napatitig na lamang ako sa kan'ya.Hindi ko alam kung paano sagutin ang tanong niya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kan'ya ang nararamdaman ko. Gayong puro kabaliktaran ang ginagawa at pinapakita ko sa kan'ya. Humigpit ang kapit ko sa baywang niya. Kasabay ang unti-unting pag-awang ng bibig."Arrianne..." "Aray..." da¡ng niya, nang biglang sumugod si Martha at hinila ang buhok niya.Handa na sana akong sabihin sa kan'ya ang lahat. Kaya lang itong baliw na si Martha panira. Walang kadala-dala ang babaeng 'to. Hindi pa rin niya matanggap na hindi ko siya kayang gustuhin. Hindi ko kayang gustuhin ang babaing walang ginawa kun'di agawin ang lahat na hindi naman sa kan'ya. Pati mga anak ko. Muntik nang mapahamak noon dahil sa ka
Bakas sa mukha ni Dennis ang excitment na ipakita sa Tita Arrianne nila, ang drawing niya. Nakamot ko ang ulo. Nalilito kasi ako kung paano ipapaliwanag sa kanya na hindi muna nila pwedeng puntahan ang Tita nila. Ayoko rin na magtampo ang anak ko. Sumulyap ako sa Nanny Flor ni Dennis. Mabuti na lang at kaagad nitong naintidihan ang ibig sabihin ng tingin ko. Tumango siya at nilapitan si Dennis. Hinaplos nito ang ulo ng Anak ko, saka umupo sa harap namin para magpantay sila ng anak ko."Dennis, you still have homework to do, right?" Nanny Flor asked. Pero ang mga mata nasa akin. Ang lapit niya sa amin dahil kandong ko nga kasi ang mga bata."Yes," Dennis said, nodding. Nilapat niya ang pisngi sa dibdib ko. "Then, do your homework first, and when you finish, you can show Tita Arrianne your drawings, okay?" Nanny Flor said in a long line. Napangiti ako. Ang galing kasi ni Nanny Flor kumausap, ang lambing. Sana lang mapapasunod niya si Dennis."But I want her to see my drawing right now
Buntong-hininga ang narinig kong tugon ni Nanay. Sumandal din siya sa tabi ko. Sandali akong sumulyap sa kan'ya, naghintay na magsalita siya, pero nanatili siyang tahimik. "Ingat po kayo sa pag-uwi, Nay," tampo kong sabi. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero parang wala naman siyang balak na magsalita. Kapag ganito siya, lalo lang akong nasasaktan. "Sa totoo lang, Danny," halos pabulong niyang sabi.Sumandal uli ako sa dingding. Babalik na kasi sana ako sa silid, saka naman siya nagsalita. "Noong una ay nag-aalala ako para kay Arrianne. Ang init kasi ng dugo mo sa kan'ya. Kunting mali niya lang, galit ka na kaagad. Awang-awa ako sa kan'ya sa tuwing pagagalitan mo siya na madalas wala sa lugar." "Sinabi ko na naman sa'yo, Nay, kung bakit gano'n ako ka init kay Arrianne," tugon ko sa tunong nagtatampo." 'Yon na nga, mas lalo akong nag-alala, dahil hindi mo na lang basta pinag-iinitan si Arrianne. Iba ka na kung makatingin! Tingin na parang hinuhubaran mo na siya." Palo sa braso ko
Hindi ko alam kung bakit tawang-tawa siya. Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Bukod kasi sa panay ang tawa niya ay panay din ang hampas sa kamay ko. Sa sobrang tuwa niya ay nakalimutan na yata niya na boss niya ako. "Arrianne ... anong nakakatawa?" Hindi na ako nakapagpigil, talagang nagtanong na ako. Nakakaloko na kasi ang tawa niya. Mahal ko 'to, pero sarap nang takpan ang bibig niya. "Sir... ano po kasi ..." tawang-tawa pa rin siya. Maluha-luha na rin ang mga mata niya."Arrianne ..." med'yo irita ko nang sambit sa pangalan niya.Pambihirang babae. Hindi niya alam, kung gaano ako kinakabahan habang binubuksan ang usapang ito. Tapos siya, tawang-tawa?"Arrianne, ano ba? Tumigil ka na nga sa kakatawa!" Hindi ko na napigil ang magtaas ng boses."Pasensya na po, Sir Danny," sabi niya. Kumalma na rin siya sa pagtawa, kasabay ang pagpahid ng mga luha. "Hindi ko kasi mapigil ang sarili na hindi matawa, sir, kapag maalala 'yong nangyari." Kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa do'n s
"Puro ka naman kalokohan, Sir!" sikmat niya. "Do'n ka na nga sa sofa." Turo niya ang sofa."Ayoko, dito lang ako. Ayokong sumakit ang katawan ko!" madiin kong sabi.Akmang uupo na ako sa kama. Pero tinulak niya ako. "Do'n ka na nga, Sir. Bahala ka na kung paano mo isiksik ang sarili mo do'n. Wala ka sa ayos, sir!" pabulong niyang maktol. Umikot pa ang mga mata."Sino ba ang may ayaw na humiga ako sa sofa, hindi ba kayo? Tapos ngayon, may pamaktol-maktol ka na. Ikaw ang wala sa ayos," kunwari inis kong tugon. Baka sakaling magbago ang isip at payagan akong humiga sa tabi niya. Pero wala na talagang pag-asa. Ang haba na ng nguso.Mahinang tawa naman ang narinig namin mula kay Mercy na lalong ikinainis ni Arrianne. "Tawa-tawa ka d'yan, Ate Mercy, halika na nga rito, si Sir Danny na d'yan!" tawag niya, pero ang matang matatalim ay nakatutok pa rin sa akin. Tumayo kaagad si Mercy na may mapanuksong ngiti. "Paano ba 'yan, sir ... hindi ka lumusot ... galingan mo na lang sa susunod," bulon
Arrianne POV "Arrianne, halika na. Kain na," tawag ni Ate Mercy."Nand'yan na po," matamlay kong tugon. Buntong-hininga ang kasabay ng pag-upo ko. "Alam mo, Arrianne ang OA mo na, lagi ka na lang gan'yan. Nakakalito ka rin. Dapat nga ay natutuwa ka dahil mabait na si sir Danny sa'yo," dada' niya habang inaabot sa akin ang ulam. "Ang tamlay mo. Kapag gan'yan ka, iisipin ni sir na hindi ka pa nga magaling. Ikaw din, mas matatagalan ang pahinga mo."Napasimangot ako. "Paanong hindi ako magiging ganito. Wala na akong ibang ginawa rito kun'di umupo at tumunganga. Mas magkakasakit ako nito, Ate Mers!" maktol ko."Kita mo 'yang ugali mo, ikaw na nga ang inaalala ng mga boss natin. Ikaw pa ang may ganang magmaktol. Kami nga, e gusto na ring magkasakit para maranasan din namin ang umupo at tumunganga na lang," sabi niya. Buntong-hininga na lamang ang tugon ko. Kahit kasi anong sabihin ko, pareho pa rin ang kalalabasan. Lagi nilang sinasabi na dapat magpasalamat na lang ako dahil mababait an
DANNY POV Hindi pa ako tuluyang nakapasok ng gate pero kaagad nag-init ang ulo ko sa nakikita. Kasalukuyang inaagaw ni Mang Arturo ang hawak na hose ni Arrianne. Ang tigas talaga ng ulo niya, kahit paulit-ulit ko na ngang sinabi sa kan'ya na magpahinga muna. Dinaan ko pa sa paninisi at sermon, sundin niya lang ang mga utos at bilin ko. Pero wala talaga, ayaw pumasok sa utak niya.Lahat ng klase ng pag-intindi sa ugali niya ay ginawa ko na. Kahit minsan nakakasakit na ng damdamin ang mga inaakto niya na parang walang paki' sa kabutihang pinakapakita ko. Alam ko at ramdam ko, feeling niya ay kinokontrol ko siya. Kailan niya pa kaya niya marealize na kaya ginagawa ko ang lahat ng ito ay hindi dahil sa gusto kong kontrolin ang buhay niya. Kun'di dahil mahal ko siya.Pero wala din naman akong paki. Sabihin na niya ang dapat sabihin pero hindi ko hahayaan na gawin niya lahat ng gusto niya na alam kong hindi naman makabubuti sa kalusugan niya. Kahit kasi sabihin niya na okay na siya, alam
She came to a standstill and met my gaze, but she said nothing. Her look and scorching glare imply that she is trying to contain her anger.Napangisi ako. Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa pagmamaldita at pagsusungit niya. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kan'ya. Huling-huli ko ang pag-iba ng ekspresyon niya habang papalapit ako."S-sir, lalabas na nga po ako, d'yan!" utal niyang sabi. Turo niya pa ang maindoor. Ang laki pa ng mga hakbang niya papunta roon. Nauna na nga siyang lumabas at iniwan ako. Ang bait naman pala niya kapag tinakot. Hindi ko mapigilan ang matawa. Pero matapos ang sandaling tawa na 'yon ay malakas na buntong-hininga. Sa ngayon, nagawa ko pa ang tumawa, ewan na lang mamaya kung makakatawa pa ba ako. Mabagal ang ginawa kong paghakbang palabas ng pinto. Ang bigat kasi ng katawan ko. Ang sikip ng pakiramdam ko. Utak ko nga parang sasabog na. Halo-halo kasi ang nararamdaman ko. Excitement, kaba, tuwa. Pero mas nangingibabaw ang pangamba. Pangamba na