Share

Chapter 24

PATULOY NA LAMANG sina Silver, Benjamin at Sofie sa paglilibot ng tables, hinayaan na lamang nila si Evie makipagsaya sa ibang katrabaho. They both want her to enjoy so they let her be.

"Kailan kaya ako makakahanap rin ng ganyang sekretarya? Mabait naman din si Matt pero kung anong trabaho, trabaho lang. Can't go on an extra mile." biruan pa nila.

Natawa naman si Benjamin na umiinom na ng scotch on the rocks.

"She's one of the kinds. Maaasahan talaga siya sa lahat."

"So I guess, makakasama ulit kayo sa akin sa San Fabian to celebrate New Year?" saad pa ni Silver at hindi ito inaasahan ni Benjamin kaya napatingin sa kanya.

"Bring her, she might enjoy there too." pagtukoy pa ni Silver kay Sofie na nakatingin sa kanila at malamang ay narinig din nito ang pagiimbita niya.

"Sure!" masaya namang sagot ni Sofie at kumapit pa sa braso ni Benjamin.

"I'll invite Khalil and Ingrid too."

"O -- okay then. We -- we will come." nagaalangan man, pumayag na lamang din siya.

"That's great!"

At ngayon ay may kakampi na siya para makumbinsi naman si Evie na sumama ulit sa kanya sa Pangasinan dahil pumayag na si Benjamin. Matagal na niya itong pinaplano, para mas mapalapit siya sa dalaga.

"Ehem! Mic test, mic test!" saad naman ng nasa pwesto ng live band. Napatingin naman silang lahat doon sa nagsalita, it was Kyle.

"Ahm, I would just like to invite a beautiful co-worker and a friend of ours. For sure, kilalang-kilala niyo kasi -- super ganda at hard working pa."

Napatingin naman din sina Benjamin at Silver sa nagsalita sa harap.

"May I please call, Miss Evie here at front."

Nanlaki naman ang mata ni Evie dahil hindi niya akalaing siya pala ang sinasabi nito kanina na balak niyang pakantahin sa harap.

"Woah!"

Nagkantyawan naman ang lahat at pinipilit si Evie na magpunta sa harap ngunit tumatanggi ito.

"Nako! Bakit ako?!" hindi pa rin makapaniwala si Evie at nahihiya na kahit pa tinatawanan niya ang mga ito.

"Evie! Evie! Evie!" nagsimulang sumigaw si Benjamin at napatingin din sa kanya si Silver.

Sumunod naman ang lahat sa pagtawag ng pangalan ni Evie kaya nasulyap niya ang boss sa hindi kalayuang table at sinimangutan.

"Evie! Evie! Evie!"

"Fine!" tila napasuko rin nila si Evie at napapayag kayo lalong lumakas ang kantyawan sa kanya.

Napapangiti na lamang din si Silver habang sinusundan ng tingin si Evie na naglalakad patungong harapan kung nasaan ang live band.

Mahinang sinuntok pa ni Evie si Kyle dahil sa pag-corner nito sa kanya. Pero inabot naman sa kanya ang mic.

"Go Evz!" hiyaw pa ni Benjamin at pinapalakpakan si Evie.

"Ahm, mic test. Good evening everyone." saad pa ni Evie habang hawak ang mic. Humarap siya sa banda na tila may sinabi.

Maya-maya pa ay tumugtog ang acoustic guitar at nagsimula muling nagpalakpakan ang mga tao.

*Summer after high school when we first met..

We'd make out in your Mustang to Radiohead..

And on my 18th birthday we got matching tattoos..

Halos mapanganga naman si Silver ng marinig si Evie na kumanta. Biglang pumasok sa isip niya na yan ang unang kinanta sa kanya ni Evie habang nagkakantahan sila parehas thru phone calls noon. Alam niyang maganda ang boses ni Evie ngunit ngayon pa lamang niya maririnig itong kumanta ng personal.

*Used to steal your parents' liquor and climb to the roof..

Talk about our future like we had a clue..

Never planned that one day I'd be losing you..

Natahimik naman ang buong crowd sa pakikinig ng pagkanta ni Evie. Karamihan ay napapabulong dahil hindi inaasahang maganda pala ang boses ni Evie sa pagkanta.

*In another life

I would be your girl

We'd keep all our promises

Be us against the world..

In another life

I would make you stay

So I don't have to say

You were the one that got away

The one that got away..

"Ang ganda pala ng boses ni Miss Evie. Sana noon mo pa siya pinapakanta sa mga events natin." saad pa ng ginang na asawa ng isang investor na nakasama nila sa table.

Nangiti naman si Benjamin na tila naging proud kay Evie. Abot langit naman na ang kilay ni Sofie sa pagtataray dahil walang bukambibig si Benjamin kundi ang sekretarya niya.

*I was June and you were my Johnny Cash

Never one without the other, we made a pact

Sometimes when I Miss you I put those records on.. Woah..

*Someone said you had your tattoo removed

Saw you downtown singing the blues

It's time to face the music, I'm no longer your muse..

*But in another life

I would be your girl

We'd keep all our promises

Be us against the world..

In another life

I would make you stay

So I don't have to say

You were the one that got away

The one that got away..

Kinakabahan man, hindi naman nagpapahalata si Evie para hindi siya masintunado sa pagkanta. Habang sinasambit ang bawat lyrics ng kanta, tumatagos ito sa puso niya kaya hindi niya mapigilang mapapikit na lamang din. Kasabay nun ang pagsariwa na naman niya sa alaalang pinagsamahan nila ni Silver noon. Hindi sa sinasadya niyang ito ang kantahin, ngunit ito kasi ang unang kantang nakita niyang nasa podium na nasa harapan kung saan nakalagay ang song lyrics ng mga kanta kaya ito na lamang din ang sinabi niyang kakantahin.

*The one.. The one..

Oh the one, the one, the one..

*All this money can't buy me a time machine, no..

Can't replace you with a million rings, no..

I should've told you what you meant to me..

'Cause now I pay the price..

Halos hindi naman makurap si Silver sa pagtitig kay Evie habang kumakanta. Pakiramdam niya, para sa kanya talaga ang patama ng bawat lyrics ng kanta kaya tila naaapektuhan siya. Labis siyang nalulungkot kaya humahalam ang mga luha sa mata niya na pilit niyang pinipigilang pumatak. Damang-dama niya rin ang lungkot sa tinig ni Evie at naiinis siya sa sarili dahil nais niya itong mapawi na.

*In another life

I would be your girl

We'd keep all our promises

Be us against the world

In another life

I would make you stay

So I don't have to say

You were the one that got away..

The one that got away...

Woah oh oh! The one..

Pagbirit pa ni Evie na lalong nakapagmangha sa lahat. Tila isa siyang professional at mas gugustuhin ng lahat kung siya na lamang ang kakanta hanggang sa matapos ang party.

*In another life

I would make you stay

So I don't have to say

You were the one that got away

The one that got away...

Malakas na sigawan at palakpakan ang sumalubong kay Evie ng matapos siyang kumanta. Doon naman siya nakaramdam ng hiya kaya kaagad na nagpaalam sa harapan. Sinasalubong din siya ng mga pagbati ng kahit na sinong makasalubong niya habang naglalakad. Dumiretso naman siya sa iniwang table kanina kasama ang mga katrabaho.

"Grabe Miss Evie! *sobs tagal-tagal ko ng napapakinggan yung kantang yun pero ngayon lang ako napaiyak nun!" naluluhang saad pa ni Fe habang nagpupunas ng luha. Natatawa naman sa kanya ang ibang katrabaho kaya natawa na lamang din si Evie.

"Lahat naman yata ng kakantahin ko, umiiyak ka? Hindi ko malaman kung complement ba yun? Haha!"

Nagkasiyahan naman sila saglit at aksidenteng napasulyap si Evie sa gawi nila Silver. Nakatingin na ito sa kanya na parang nangungusap ang mga mata. Nakaramdam siya ng kaba at hiya dahil narinig siya nitong kumanta. Hindi niya alam kung iinsultuhin ba siya nito kaya naiwas na lamang siya ng tingin.

Little did she know, nakatingin rin pala sa kanya si Benjamin. At napansin ni Benjamin na nakatingin lamang si Evie kay Silver kaya sinulyapan niya ang kaibigan na nakatingin lang din kaya Evie. Hindi niya naiwasang makaramdam ng inggit o pagka-intimidate dahil sa dalawa. Nagyuko siya ng tingin dahil nakaramdam din siya ng lungkot. Tila wala na sa kanya ang atensyon ni Evie.

Nagngingitngit naman si Sofie sa tabi ni Benjamin dahil bukod sa hindi siya masyadong pinapansin nito, panay pa ang sulyap at tingin ng binata kay Evie. At lalong nakapagpainis sa kanya na hinangaan pa si Evie ng karamihan.

Kahit pa nagkakasiyahan ang lahat, pilit namang nakikisama si Evie kahit kanina pa niya gustong magpakawala ng emosyon. Lumipas lang ng ilang minuto ng makabalik siya sa mga kasama, nagpaalam ito at nagmamadaling lakas patungong restroom.

Mabilis na pumasok si Evie sa pinakadulong cubicle. Naupo siya sa takip ng bowl at doon sinapo ng dalawang kamay ang mukha niya. Napapabuntong hininga siya dahil sa kaba at lungkot. Unti-unti namang humalam ang luha sa mga mata niya at kalaunan ay pumatak na ang mga ito. Labis na naman siya nakakaramdam ng sakit at lungkot.

Mabilis niya ring pinupunasan ang bawat patak ng luha niya upang hindi rin masira ang makeup niya. Napapasinghot-singhot pa siya at tingala para hindi na maiyak.

Bwisit! Sana pala Dark Horse na lang ang kinanta ko! Pahamak ka Katy Perry!

Biglang pumasok sa isip niya kung naapektuhan man lang ba si Silver sa kantang iyon. Pakiramdam niya kasi siya lang ang nasasaktan.

Makalipas ng ilang minuto, dahan-dahan siyang lumabas na ng cubicle at mabuti ay walang ibang naroon. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at inayos ang buhok niya. Mabuti na lang at may baon siyang lipstick dahil nag-smudge na ito.

Nang mapansin ni Benjamin na wala si Evie sa kinaroroonang table nito kanina, pasimple din siyang tumayo na.

"Where are you going?" pagsita naman kaagad ni Sofie.

"Restroom lang." mabilis niyang tugon at kaagad na umalis. Naiwan naman si Sofie na nakanganga na lang.

Napansin naman siyang medyo tulala at nakatingin sa kawalan si Silver habang hawak ang rock glass ng scotch whisky. Umusog ng upuan si Sofie upang makalapit kay Silver.

"Hey?" bati niya rito kaya napatingin sa mata niya lang si Silver. "Mr. Silver, right?" nangingiti naman nitong tanong pa pero hindi siya sinagot ni Silver. "I've seen you and Evie having a good chemistry." pilit na pagsisimula ni Sofie ng conversation kay Silver ngunit hindi siya sinasagot nito kahit pa alam niyang naririnig siya ng binata.

"She's really pretty, isn't she? Nililigawan mo ba siya?"

At doon naman napatingin muli si Silver sa kanya.

"Well, as I see, mukhang gusto mo si Evie as your employee, why don't you give her an offer to work for you?" wala ng prenong suhuwesyon ni Sofie.

"She won't accept it. She's too loyal and dedicated to Benjamin's company." walang buhay lang na sagot ni Silver rito sabay inom sa baso niya.

"Everything has a price. Good offer lang, papayag din yan."

"Not her."

NANG makalabas si Evie ng restroom, saktong nakasalubong niya rin si Benjamin na galing sa men's room.

"Oh? Benj!" pagtawag naman niya rito na halatang nabigla rin sa kanya ngunit kaagad na ngumiti.

"Hey, gorgeous!"

Bigla naman ding tumugtog ang banda ng slow love songs.

"Wanna dance?" paghaya pa ni Benjamin rito ng kamay niya.

Nangiti na lamang din si Evie at inabot ang kamay rito. "Sure!" magkahawak kamay silang naglakad patungong harapan kung saan ang dance floor. May mga nauna na kasi roong ibang couples na magkayakap habang sumasabay sa saliw ng kanya.

Pumuwesto sila sa gilid lang malapit sa table nila at saka napahawak si Benjamin sa kaliwang beywang ni Evie habang hawak ang kanang kamay nito. Si Evie naman ay napahawak sa kanang braso ni Benjamin at nakapahawak rin sa kaliwang kamay nito. Sabay ang galaw nila sa saliw ng kantang Versaće on the floor.

"Di ba dapat si Sofie ang i-first dance mo?"

"Eh ikaw ang nasa tabi ko eh, kaya ikaw muna." nakangiting sagot naman ni Benjamin.

"Sana all talaga inuuna." nagtawanan na lamang sila sa mga pasaring at hugot ni Evie. Isa rin ito sa mga kinatutuwa ni Benjamin sa kanya.

"Kamusta naman ang pagsama kay Silver? Balita ko, nagpa-appointment pa daw kayo kay Francis Liberan?"

Nanlaki naman ang mata ni Evienat nakaramdam ng hiya. Buong akala niya ay lihim lamang ito.

"Ah, ahm.. Alam mo pala?" naiilang pa nitong tanong.

"Why not? Kahit naman ako magpapa-appointment doon kung ikaw din ang makaka-date ko." biro pa ni Benjamin na kinatawa ni Evie. Ngunit sa loob-loob ng binata, totoo ito.

"So bakit hindi mo dinala doon si Sofie, aber?" natatawa pang tanong nito sa boss.

"Hmm.. Siya na nagpa-ayos sa sarili niya. Sinundo ko lang siya sa bahay nila. Halos isang oras pa ko nagintay roon kaya nausisa ako ng parents niya."

"Oh? So you meet the parents.." tila nangaasar pa si Evie kay Benjamin.

"Malay ko ba? Buong akala nilang boyfriend niya talaga ako eh."

"Hindi pa ba?"

Napatingin naman ng seryoso si Benjamin kay Evie at nanlaki naman ang mata ni Evie sa reaksyon ng boss niya.

"Benj, grabe ka!"

"I just wanted to take it slow."

"Hahaha! Slow your face!"

At nagkatawanan naman silang dalawang habang patuloy sa pagsaliw ng kanta.

Halos umusok naman ang ilong ni Sofie nang makita sina Benjamin at Evie na nagsasayaw sa dancefloor.

"Ugh? Seriously?" saad niya kaya napasulyap ulit sa kanya si Silver.

Nakita naman ni Silver si Sofie na masama ang tingin sa may dancefloor kaya sinundan niya ito ng tingin. Halos umusok din ang matangos na ilong niya at namilog ang mga mata. Hindi siya makapaniwalang nagsasayaw na pala ang dalawa sa harapan. Pakiramdam niya, nasalisihan siya.

Lalo siya nakaramdam ng inis dahil nakikita niyang mukhang masaya ang dalawa na nagtatawanan habang naguusap. Kung minsan naglalapit ang mga mukha nito na parang nagbubulungan saka tatawa. Napakuyom naman siya ng kamao niya.

"Com'on! Stand up!" utos ni Sofie na nakatayo na kaya napalingon siya rito. "Let's dance too! Com'on!" hinatak na nito si Silver sa braso.

Naiinis man si Silver sa ginagawa sa kanya, pumayag na rin siya. Gusto niya talagang makalapit din doon sa dalawa at alam niyang nagseselos na rin ang date ni Benjamin.

Kaagad na kumapit si Sofie at hawak sa balikat ni Silver. Mabuti na lamang na matangkad talaga ito para hindi aabot ang leeg niya. Halos dulo lang ng daliri niya lang ang dumidikit sa magkabilang beywang ni Sofie. Medyo naasiwa rin kasi siya rito. Pumuwesto sila sa likuran lang din banda nila Benjamin at Evie.

Mula sa pwesto nila, rinig na rinig nila ang pagsasalita at pagtatawanan ng dalawa. Lalo naman din sila nagngingitngit.

Pilit na dinadala ni Sofie si Silver papalapit sa dalawa, hindi naman ito makontrol kaagad ni Silver kaya napapaatras na lamang siya hanggang sa mabangga na niya ang likuran ni Benjamin. Halata namang nagulat sina Benjamin at Evie sa nangyari.

"Oh? Silver! Sofie!" bati naman ni Benjamin sa mga ito ng hindi inaasahang mabangga sila.

Natanaw ni Evie sina Silver at Sofie na nagsasayaw rin. Bigla naman nawala ang ngiti niya.

"Let's switch!" seryosong saad naman ni Silver at wala na ring nagawa si Benjamin.

Ngiting abot batok naman si Sofie ng magtagumpay ang plano niya. Kaagad itong yumakap kay Benjamin at kumapit rin ang binata sa beywang niya.

Si Evie naman ay natutuod ng mabilis hawakan at ipulupot ni Silver ang mga kamay sa beywang niya. Bigla siyang nanginig at kinilabutan.

"Taas mo kamay mo sa balikat ko." utos naman ni Silver rito dahil parang hinaharang ni Evie ang mga kamay niya sa dibdib ni Silver.

Dahan-dahan naman din sinunod iyon ni Evie at ngayon ay mas malapit ang mga katawan nila sa isa't isa. Nagsimula naman ang kantang Mabagal.

Napariing pikit naman si Evie at tila nagpipigil ng marinig ang intro ng kanta. Bigla namang natawa ng bahagya si Silver ng marinig ito.

"What a timing!" komento pa nito dahil ito ang kantang pinagdu-duet nilang kantahin noon habang magkausap sa phone.

"Gusto kitang isayaw ng mabagal.. Gusto kitang isayaw ng mabagal.."

Mahinang pagkanta pa ni Silver at alam niyang naririnig iyon ni Evie. Patuloy naman sila sa pagsaliw sa kanta.

"Hawak kamay.. Pikit mata.. Sumasabay sa musika.. Ah... Gusto kitang isayaw ng mabagal.."

Feel na feel naman ni Silver ang pagkanta niya habang nakapayakap sila ni Evie sa isa't isa at nag-slow dancing.

Bawat bitaw ng lyrics ni Silver ay ninanamnam din niya. Hindi man aminin ni Evie sa sarili pero pinapakinggan niyang mabuti ang pagkanta ni Silver. Hindi mawala ang mga kalabog sa dibdib niya pababa sa tiyan niya. Nanlalamig rin ang mga kamay niya.

"This is exactly the perfect scene I want to do it with you when I'm imagining that song." saad naman ni Silver kaya napatingala si Evie sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila at hindi malaman ni Evie kung bakit tila napako na siya roon.

Naghahabol ng hininga si Evie ngunit hindi siya nagpapahalata. Nagpatuloy si Silver sa pagkanta kahit pa sa pambabaeng stanza na.

Gustong-gustong yakaping mabuti ni Silver si Evie ngunit ayaw niyang malagay ito sa kahihiyan. Alam niyang naiilang na si Evie ngunit ayaw niyang bitawan ito.

Bigla namang inilapit ni Silver ang mukha sa tainga ni Evie, ramdam na ramdam nila ang bawat buga ng hininga nila ngayon. Natutuod na lamang din si Evie rito.

"I want to kiss away your pain if you just let me." bulong ni Silver na kinalakihan ni Evie ng mata. Lalong bumilis ang pagtibok ng puso nila.

"Please stop." pilit na saad ni Evie kahit nababasag ang tinig niya.

"I still love you --" bulong pa ni Silver at doon nangilid ang mga luha ni Evie. Halos hingalin siya sa nerbyos. "And I'm not losing hope."

HANGGANG sa matapos ang party, ni hindi na makangiti si Evie. Napansin na nila itong lahat kaya nagpasya na silang magkaayaang mauna ng umuwi. Labag man sa kalooban ni Sofie, nais na rin umuwi daw ni Benjamin.

Nagiintay naman sina Evie at Sofie sa may entrance ng venue dahil kinuha pa nila Silver at Benjamin ang mga sasakyan nila sa parking sa likod.

"I don't understand why we have to go home too eh ikaw lang naman ang hindi na maganda ang pakiramdam?" pasaring pa ni Sofie sa tabi niya at naka-crossed arms.

Natutulala at nakahawak naman si Evie sa magkabilang siko niya dahil kanina pa hindi mawala ang panlalamig niya kahit pa nakasampay na sa balikat niya ang coat ni Silver. Hindi niya malaman kung dahil sa lamig lang ng venue, sa see-through niyang gown o dahil sa tensyong nadama sa mga sinabi ni Silver sa kanya.

I still love you, and I'm not losing hope..

Mariing napapikit si Evie nang maalala na naman ang mga sinabi ni Silver kanina. Mahina ito ngunit alam niyang narinig niya iyong mabuti. Sa tuwing naiisip niya iyon ay may mariing kirot din sa dibdib niya. Bigla siyang nablanko at pinasasalamat na lamang niyang walang kahit isang patak ng luha pa siyang pinapakawalan.

Naunang dumating ang Porsche ni Benjamin at huminto sa harapan nila. Kasunod na nun ang isa pang puting kotse na hindi pamilyar model.

"Omg? Is he driving a Tesla car?!" hindi makapaniwalang saad ni Sofie ngunit hindi siya pinansin ni Evie dahil lutang pa ito.

Nang bumaba sina Benjamin at Silver, halos napamangha si Benjamin ng makita ang bagong kotse ni Silver.

"Nice one, dude!" pag-apir niya pa rito habang minamasdan ang kotse.

Napatingin naman si Silver kay Evie na nakatingin sa malayo, ni hindi sila nito tinitingnan kaya nilapitan na niya.

"Shall we?"

Hindi umimik si Evie, ni hindi niya tiningnan si Silver. Nang alalayan siya nitong maglakad papalapit sa kotse, nahinto naman sila at automatic na nagbukas ang pintuan ng kotse mula ilalim pataas. Aminado si Evie na maganda at kakaiba ang kotse nang mapatingin siya rito ngunit hindi siya ganung ka-impressed. Sumakay na lamang din siya roon ng hindi talaga nagsasalita.

"See you tomorrow!" paalam pa ni Sofie bago tuluyang nakasakay sa kotse ni Benjamin.

Pagkasakay ni Silver, saka pa lamang nagsara ang pintuan ng kotse nila. Alam niyang hindi nadadala at nai-impress si Evie sa mga magagarang sasakyan, ngunit hindi ibig sabihin nun ay hindi ito interesado masyado.

Naunang pinaandar ni Benjamin ang Porsche niya saka sumunod si Silver roon, naghiwalay na sila ng landas ng makalabas ng highway.

"You okay?" panimula pa ni Silver at panay sulyap kay Evie.

"I don't know."

"Mukhang kailangan mo na nga talagang magpahinga."

Naging tahimik na muli sila hanggang sa makarating ng compound ni Evie.

"Can I walk you by your door?" tanong pa ni Silver kaya napalingon naman sa kanya si Evie.

Isang tungo lang ang sinagot nito sa kanya ngunit napangiti naman siya. Inalalayan niya itong makalabas ng kotse at umalalay sa likuran ni Evie habang naglalakad sila.

Nang mahinto sila sa tapat ng pintuan, hinarap naman na ni Evie si Silver ngunit ang mukha nito ay parang pinagsasakluban pa rin ng langit at lupa.

"Ayaw mo na ba talagang mag-smile? Para namang napakasamang bagay ng sinabi ko."

Napapaisip pa rin si Evie at bumuntong hininga.

"Siguro? Lalo kung dapat kalimutan na."

"Evie.. --"

"How -- how ironic that you're not losing hope pero ikaw ang naunang bumitaw?" sumeryoso naman na ang mga tingin ni Evie rito.

"I'm not losing hope that someday, you'll forgive me."

Napa-smirk naman si Evie rito. "As if namang hindi ka makakakain kung hindi kita patatawarin di ba?"

"I'm not giving up though."

Natawa naman na si Evie ng tuluyan.

"Not giving up pero ikaw nga yung unang sumuko sa atin noon?" alam ni Silver na puno ng sarkastimo ang sinasabi ni Evie kaya hindi niya magawang mangiti rito. "Tell me, what do you want?" biglang sumeryoso ulit si Evie na nakikipagsukatan ng tingin kay Silver.

Si Silver naman naman ngayon ang natutuod. Alam niyang nasasaktan pa rin ito kaya ganito na lamang siya tratuhin na ni Evie. Gusto niyang pawiin ang galit at sakit na iyon.

Hinubad na ni Evie ang coat ni Silver at inabot ito sa binata.

"Ako na lang magbabalik nitong mga gamit doon sa boutique."

"You don't need to, it was all purchased."

Hindi naman inaasahan ito ni Evie.

"Hindi mo kailangang gumastos sa akin."

Nagkibit balikat na lamang din si Silver sa kanya.

"Salamat sa paghatid." at tumalikod na si Evie para buksan ang pinto.

"I mean it. This time, I will justify." pahabol pa ni Silver na nakapagpatigil kay Evie na isara ang pinto niya ng makapasok siya.

Nagkasukatan naman sila ng tingin bago tuluyang isinara nito ang pinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status