Share

Chapter 25

NAMULAT NI EVIE ang mga mata dahil sa malakas at sunod-sunod na tahol ni Steve. Hindi ito palatahol na aso unless may tao sa pintuan niya kaya kahit pumupungas-pungas siya, bumangon na siya.

Itinukod niya ang dalawang kamay at itinulak ang sarili upang makabangon dahil padapa siyang natutulog. Kinukusot-kusot niya pa ang mga mata na kalahati dilat lang ng lumabas ng kwarto niya at nasilip ang wall clock sa sala niya. 6:27am pa lang.

"Steve? Ano bang iniingay mo dyan?" inaantok pa rin niyang tugon at padausdos na naglalakad patungo sa aso na tahol ng tahol sa may pintuan.

Walang anuman ay binuksan niya ang pintuan niya ang pinto upang silipin ang labas.

Bigla namang buong nadilat na nito ang mga mata ng makita ang nasa harapan niya.

Si Benjamin na akmang kakatok sa pinto niya. Naka-blue polo shirt, black maong shorts at rubber shoes ito.

"Benj?! Wh -- what are you doing here?!"

Biglang ngiti na lamang din si Benjamin dahil nakita siyang bagong gising.

"Ang cute mo pa rin talaga kapag bed head noh?" komento naman nito.

Lalo nanlaki ang mga mata niya ng makita rin si Silver na nakasandal sa railings ng hallway na naka-orange v-neck shirt, brown maong shorts at brown sneakers, nakasuot rin ito ng cap.

"Ah -- anong ginagawa niyo rito?" hindi pa rin ito makapaniwala kung bakit nasa labas ng pintuan niya ngayon ang dalawang lalaking ito na wala man lang paabiso.

"Surprise! Can we come in?"

Binuksan naman na ni Evie ng malaki ang pinto para makapasok ang mga bisita niya.

"Wow! We've known each other for almost three years pero ngayon lang ako nakapunta ng bahay mo?" natutuwa na namamangha naman si Benjamin habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay ni Evie.

Masama naman ang tingin ni Evie kay Silver dahil malamang ito ang nagdala rito sa bahay niya. Tila patay malisya naman si Silver at dumiretsong pasok na rin sa bahay niya. Nang makalagpas ito sa kanya ay saka niya sinara ang pinto.

Arf!

"Oh wow! Hello there!" natuwa naman si Benjamin ng makita si Steve na pasalubong sa kanila. Lumapit sa kanya ang aso at nahawakan din niya ito. "Evz? I didn't know you had a dog until now! -- whatta good boy! What's his name?"

"Steve."

"Hello there Steve!"

Nang makalapit si Silver kay Benjamin, biglang lapit ni Steve rito na tila mas sabik na sabik ng makita siya.

Natuod naman si Silver at hinawakan si Steve. Patay malisya siyang kilala na niya toh.

"Mukhang mas mabait yung aso mo kay Silver ah?" natutuwang sita pa ni Benjamin nakapamewang.

Nagpapatay malisya pa rin ang dalawa tungkol rito.

"Ah ahm.. Anong mayroon? Bakit kayo napasugod dito?" direktang tanong na ni Evie sa dalawa.

"Ah ahm --" napatingin naman muna si Benjamin kay Silver bago balik ng tingin kay Evie. "We're going on a vacation! Surprise!" masigla nitong anunsyo.

Napatanga naman si Evie at nagtataka pa rin.

"Vacation? Sa -- saan?"

"Sa beach house ulit ni Silver. I really fell in love on that place!"

Hindi pa rin makapaniwala si Evie ngunit puno ng pagtataka.

"Com'on Evz! Fix yourself and let's go!"

"Wi -- wait? Bakit kasama ako?"

"Of course kasama ka!"

"Hindi naman work related, hindi ko naman siguro kailangan --"

"Hindi nga, but you are one of my closest friend, you know Silver as well. Saka alam ko namang wala ka na namang plans ngayong bagong taon kaya -- tara na! Dapat maaga tayong magbyahe para hindi abutan ng trapik sa daan."

Natutulala pa rin si Evie at naguguluhan dahil nawiwindang siya sa pagsugod ng mga ito sa bahay niya. Tapos ngayon ay bigla siyang isasama sa getaway na naman.

"This is an ambush! I -- I have plans!" tila palusot pa niya.

"I won't buy that, Evz!" saad pa ni Benjamin habang naglalakad sa dining hanggang kitchen niya. "Come with us! Susunduin pa natin si Sofie."

"Really? Sofie?"

"Oo. We invited Khalil and Ingrid too, sige ka? Ayaw mo bang makita si Ingrid?" tila pangungunsensya pa nito.

"Gusto ko syempre noh!" napapaisip naman si Evie at nasulyapan ng tingin si Silver na sobrang patay malisya. Dahan-dahan pa itong nauupo sa sofa pero nilapitan ito ni Steve. Mukhang hindi matatanggi ang closeness niya sa aso.

Napairap na lang si Evie at sinundan si Benjamin sa kitchen niya.

"Coffee?"

"Yes, please. Pero huwag ka ng magluto ng breakfast, let's have a stop over on our way."

Pinaghanda naman ni Evie ng kape ang mga ito, napansin niyang lumapit na si Silver at naupo sa dining.

"Where's your restroom?" biglang tanong ni Benjamin.

"There. The white door." pagturo pa ni Evie at dumiretso na doon si Benjamin.

The moment maisara ni Benjamin ang pinto ng banyo biglang binitawan ni Evie ang kutsara at hinarap si Silver na painosenteng nakatingin sa kanya. Sinamaan pa niya ito ng tingin.

"Ikaw nagdala sa kanya rito?"

Umiling naman si Silver. "He knew your place, remember?"

"Oo pero never pa siyang nakakarating dito."

"He already knew your house number. Buti na lang pinapasok kami ng guard."

Napaisip naman si Evie kung papaano iyon nalaman ni Benjamin.

Ay oo nga pala! Sa resumé ko.

Pagka-serve niya ng kape sa dalawa ay dumiretsong banyo na siya para makaligo.

Habang umiinom ng kape niya si Benjamin, napansin niya sa kitchen counter ang dalawang gift baskets, yung isa ay pamilyar sa kanya at ang isa ay nakita niyang puno ng doggy treats.

Bigla namang lumapit ang aso kay Silver na kumakawag ang buntot at tila sabik ito sa binata. Hinimas at pinisil-pisil pa ni Silver ang aso na tuwang-tuwa rin sa kanya.

"Parang kilalang-kilala ka na ng aso ah?" pasaring naman ni Benjamin. Napasulyap naman si Silver sa kanya.

"Ah -- baka naamoy niyang mahilig lang din ako sa aso." palusot naman nito.

Makalipas ng ilang minuto ay ready to go na rin si Evie, nag-brown cropped top fitted blouse ito at black jagger pants with brown sneakers.

Nag-volunteer naman na si Silver maghugas ng ginamit nilang baso dahil alam din nitong hindi marunong sa gawaing bahay si Benjamin.

"Before we go, I just want to ask a favor." pagharap pa ni Evie sa dalawang lalaki. Si Silver na katatapos lang maghugas sa sink, at si Benjamin na nakaupo sa dining table.

"What is it?" tanong naman ni Benjamin rito.

"Can I take Steve with us?"

Nabigla man ang mga ito sa tanong ngunit wala namang nakikitang problema kung sakali.

"Sure!" sabay pang sagot nila Silver at Benjamin kaya natuwa si Evie. Nanakbo ito sa may dulo ng babang cabinet ng kitchen sink at kinuha ang makapal na leash.

"Stevie baby!" pagtawag ni Evie sa aso at kumakawag naman itong lumapit sa kanya. "You're coming with mommy!" natutuwa pa nitong saad saka kinabit ang tali ng aso sa collar nito.

Natuwa naman si Benjamin dahil hindi niya nakikita ang side na ito ni Evie. He seems overwhelmed.

Nang makarating sila sa mga kotse nilang nakaparada sa labas ng compound, nakita ni Evie na rover ulit ang dala ni Silver, at ang audi naman kay Benjamin.

Natigilan naman si Evie dahil hindi siya sigurado kung kanino sasakay. Habang hawak niya ang tali ng aso at ang bag pack niya, pinagsalitan niya ng tingin ang mga kotse.

"Sa akin ka sasakay." saad naman ni Silver.

"Kung ayoko?" pagmamatigas naman ni Evie.

"Dadaanan pa natin yung jowa ni Benjamin, alangang makipagsiksikan ka sa kanila? Saka mas malaki ang likod ko, doon si Steve." saad lang nito at saka lumapit sa back door seat at binuksan yun. Pinasakay naman kaagad doon ni Evie ang aso. Kinuha naman din ni Silver ang bag pack niya at nilagay sa compartment.

Nagbusina naman na si Benjamin sa kanila na senyales na handa na itong umalis. Sumakay na rin naman sila kaagad sa kotse. Nauunang magpatakbo si Benjamin at convoy naman si Silver dahil dadaanan pa nila sa Makati si Sofie.

"Tell me, pakana mo toh noh?" tanong pa ni Evie habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan.

"Oo." pormal lang na sagot ni Silver.

"Talagang ginagamit mo pa si Benjamin."

"Siya lang naman ang pwede kong malapitan."

"Walang kamalay-malay yung tao na ginagamit mo lang siya."

"Uy hindi ah? Naging kaibigan ko na rin siya. Parang si Khalil."

Napalingon naman na si Evie kay Silver at sumulyap naman din ito sa kanya bago binalik ang tingin sa kalsada.

"What?" hindi na makatiis na tanong ni Silver dahil tinitingnan siya ni Evie ng masama.

"Sana siya na lang ang inaya mo, sila ni Sofie, tutal siya ang friend mo di ba?"

"And you are his friend too, kaya hindi yun papayag na hindi ka sumama."

Napabuntong hininga naman si Evie rito dahil na-corner na naman siya. Kahit pa siguro magsinungaling siyang may lakad siya, hindi siya tatantanan ng mga ito.

"Saka -- we're friends di ba?"

"Hindi tayo friends."

"Eh di lovers."

"Ex-lovers!"

"Turn into lovers ulit."

"In your dreams!"

"Yes, and I'm making sure it will become reality."

Naasiwa naman ang reaksyon ni Evie sa mga banat ni Silver.

"Malubay ka nga! Ang baduy mo!"

"Aren't you excited?" nangingiti pang tanong ni Silver at sinamaan ulit na naman siya ng tingin ni Evie.

"Excited excited ka dyan? Kung hindi lang sasama rin si Ingrid, hindi ako sasama noh!" pag-crossed arms pa nito.

"I've asked them. Titingnan daw ni Khalil kung makakahabol sila dahil nasa Davao pa rin sila."

"What's your plans ba? Bakit mo toh ginagawa?" seryoso pang tanong ni Evie habang nakatanaw pa rin sa bintana ng kotse.

"I've told you, this time I will justify it by every means."

"That's bullshit! Gusto mong patunayan ngayon ang lahat ng mga sinabi at pangako mo noon? Para saan pa? It's too late! We're over!" bakas na sa tono nito ang pagkainis.

"Yes, we might be over. But it doesn't mean I couldn't start again. We could start again."

"Start again? Tss! Kalokohan! You had all your chances before. More than a year of chances. Pero anong ginawa mo? Sinayang mong lahat!" matalim namang napatingin si Evie kay Silver.

"That's why I'm trying to ask your forgiveness."

"Save your sorry ass, Silv. Wala ka ng mapapala sa akin. I'm so done with your bullshits."

"You can say whatever you want but it won't change any thing about how desperate I am to have you again."

"Hindi ako laruan na pwede mong iwanan kapag nagsawa ka, at babalikan na lang ulit kapag nagsawa ulit sa iba. You're just part of the story I can't tell anymore."

"Yan ka na naman sa mga figurative speech mo, ang aga aga ini-english mo ko."

"Ikaw nauna ah!"

Inirapan na lamang ni Evie si Silver at balik ulit ng tingin sa bintana.

"Ang sabi mo kalimutan na natin ang nakaraan, pero ikaw itong hindi makapag-move on. Masyado kang bitter --"

"Wala kang karapatan sabihin sa akin yan! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko!" halos mangilid naman ang luha ni Evie dahil nagagalit siya sa sinasabi ni Silver.

"Hindi mo rin naman alam ang pinagdaanan ko, so quits lang di ba? Oo sige, nasaktan ka. Nagdusa, nahirapan. Ako rin naman! Akala mo ba madali talaga para sa akin na mawala ka? Gago na ko kung gago dahil binalewala kita, iniwan kita sa ere. Masyado lang din akong nasasaktan dahil alam kong kahit anong sabihin ko, nasasaktan kita! "

"Alam mo palang nasasaktan ako bakit patuloy mo pa ring ginagawa?! Alam mo naman na ang solusyon sa problema natin pero bakit hindi mo ginawa?!"

Napuno ng bulyawan ang loob ng sasakyan kaya napapatahol ang aso.

"Huwag kang sumigaw, baka natatakot si Steve." saad pa ni Silver na nakapagpatikom Evie. Ramdam niyang tense ito dahil parang hinihingal.

"I'm sorry -- pero kahit ikagalit mo at ipagtabuyan mo ko, hindi ako titigil hangga't hindi mo ko napapatawad." mariing saad pa ni Silver.

Huminga naman na muna ng malalim si Evie upang makalma ang sarili, pinipigilan niya rin ang pagpatak ng mga luha niya dahil ayaw niyang makita ito ni Silver. Kailangan niyang tatagan ang sarili.

"Kung patatawarin na ba kita -- titigilan mo na ko?" tahasang tanong pa ni Evie. Napasulyap naman sa kanya si Silver.

"What do you mean?"

"Kung patatawarin na ba kita, titigilan mo na ang pangungulit sa akin at lahat ng ginagawa mo para magkalapit ulit tayo."

Napa-smirk naman si Silver.

"Ang utak mo rin naman talaga eh noh?" pagpipigil pa nito ng tawa at napapailing na lang dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Evie. Either kasi sa pipiliin niyang patatawarin siya nito ngunit kailangan niyang tigilan na si Evie o hindi nga niya titigilan ito ngunit hindi naman siya nito patatawarin.

"Bigyan mo naman ako ng win-win situation. Either sa mga yun, talo ako eh."

"Bakit? Kompetisyon ba ito? Kailangan may manalo?"

"Hindi, pero this is matter of life and death. Can't you see? Kung talagang iniwan at ayoko na sayo noon, eh di sana ngayon may iba na ko, may asawa na ko. Sana hindi na kita kinukulit ngayon na patawarin pa ako. Pero ni hindi ko magawang mag-entertain ng ibang babae kahit sabihin kong single naman na ko, sinubsob ko ang sarili ko sa pag-ahon ulit ng kompanya ko. Hindi ko kasi maloloko yung puso ko eh, alam na alam kong ikaw pa rin ang laman nito."

Natahimik naman si Evie sa mga sinabi ni Silver dahil ganoong-ganoon pa rin siya hanggang ngayon. Sinubsob niya ang sarili sa pagtatrabaho para lang makalimot ngunit pagkasahanggang ngayon, ang binata pa rin ang nilalaman ng puso niya.

"Pinanghawakan ko rin naman yung mga sinabi mo sa aking ako na ang huli. Totoong ikaw na lang din talaga ang gusto kong maging huli."

"Of course, people will start Missing you and come back to you when they've failed to replace you!"

"I never tried to replace you either."

"Whatever, Silver! Whatever you say, what's done is done and we've crossed the line! You ditched me so I distant myself. So it's obviously over for us."

"Over for you, not on me."

Muling natahimik ang dalawa sa byahe hanggang sa makarating ng bahay ni Sofie. Ayaw naman ng bumaba ni Benjamin kaya hindi na lamang din sila bumaba ng kotse. Halos kalahating minuto pa sila nito pinagintay bago sila nakabalik ng byahe.

HABANG binabaybay ang NLEX, nagtungo muna silang Bocaue exit upang makapamili ng mga lusis, kwitis, fountain at mini fireworks na rin na gagamitin nila sa pagsalubong ng bagong taon.

Napakaraming tao roon kaya sina Silver at Benjamin na lamang ang bumaba at bumili. Makalipas ng halos isang oras, nakabalik na rin naman sila.

"The usual kapag magbabagong taon, di ba abalang-abala ka sa bagsakan ng prutas mo sa Urdaneta? Eh bakit narito ka?" tanong pa ni Evie nang makabalik si Silver sa kotse at inaayos ang seat belt nito.

"Yeap! Pero ngayon may tao na ko dun. Dati kasi wala eh, kaya kailangan ako pa mismo ang magpunta."

"Ang sabihin mo pinaghandaan mo lang din kasi ito. Kung hindi rin naman ako kasama, hindi ka magaaya ng getaway na ito."

"Exactly!"

"Eh di wow! Pero noon inuna yun kaysa makasama ako ng bagong taon. Palibhasa wala kang mapapakinabangan sa akin."

"Hindi totoo yan! Oo, inuna ko nga noon yun, kaya nga bumabawi ako sayo ngayon di ba? Gusto kong gawin at bawiin ang lahat ng okasyong dapat magkasama tayo noon."

"Whatever. As if namang maibabalik mo pa ang oras at panahon na nasayang noon!" pagtingin na muli nito sa bintana.

Binuhay naman na ni Silver ang sasakyan at nagmaneobra sa parking.

"Hindi ko nga maibabalik na, kaya nga gagawa na lang tayo ng panibago di ba?"

Hindi naman na siya inimikan ni Evie sa byahe.

Matapos ay nakapag-stopover na muli sila sa TPLEX, nasa restroom naman ang mga babae, at magkasamang nagpa-takeout naman ang mga lalaki.

"Ang dami mo yatang order? Ganoon na ba kalakas kumain si Evie?" biro pa ni Benjamin dahil limang sausage roll, isang pecan brownies at isang vegan cookie ang order ni Silver aside sa large latte at black coffee nila. Na-intimidate pa siya rito dahil parang alam na alam na nito ang gustong pagkain ni Evie, samantalang siya na matagal ng kilala ito ay hindi pa masyado kabisado. Si Evie kasi talaga ang palaging nag-o order para sa kanila.

"Steve. Baka lapain ako ng aso niya kung hindi ko rin pakainin." sagot pa ni Silver na kinatawa ni Benjamin.

"Hey!" paglapit naman ni Evie sa mga ito habang nagiintay ng orders nila.

"Speaking of the witch, where's Sofie?" tanong pa ni Benjamin.

Nagkibit balikat naman si Evie rito. "I don't know? Baka nasa banyo pa."

Habang nagiintay sila ng orders, lumapit si Benjamin kay Evie at tila bumulong.

"Pst oy? Pinopormahan ka na ba nito ni Silver?" kahit daanin sa biro ni Benjamin, seryoso ang intensyon niya sa tanong.

Nanlaki naman ang mga mata ni Evie ngunit hindi nagpahalata. Pakiramdam niya, mabibisto na siya.

"U -- uy hindi ah? Walang ganun." mariin niyang pagtanggi pa.

"Sabagay, wala namang masama. Single ka, single siya." dagdag pa nito ngunit may kung anong paglabag pa rin sa kalooban niya.

"Benj, alam mong ayoko pa makipagrelasyon. Ayoko muna sa ganyang commitments."

"Eh bakit nga ba?"

Napatingin naman si Evie sa boss. "Kasi it's complicated!"

"Sino ba yang huling nanakit sayo na yan at nawalan ka na yata ng paniniwala sa pag-ibig? Dinadamay mo tuloy kaming mga matitino sa pagka-bitter mo."

Nangingiti na lamang si Evie sa kakulitan ng boss niya at napapailing.

Kung alam mo lang Benj, yang lalaki sa likod mo yun!

Bigla namang inakbayan ni Benjamin si Evie at nilapit ulit ang mukha niya sa tainga nito.

"Basta ah? Sabihan mo kaagad ako kapag pinopormahan ka na niya, o kahit nagpaparamdam pa lang."

"Ano? Multo lang?"

"Basta! Alam mo na yun! Ha? Ha?" niyakap pa ni Benjamin na mabuti si Evie at ginulo ang buhok nito.

"Ano ba Benj?!" natatawa na lang ding pagsuway ni Evie kay Benjamin. Alam niyang concern talaga ito sa kanya kaya gusto lamang nito na magingat siya. She feels guilty naman kasi hindi niya masabi rito ang buong katotohanan.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Silver ang pagkukulitan ng dalawa na parang mga bata. Kung hindi niya siguro kilala si Benjamin at kung wala itong girlfriend, baka napagselosan na niya talaga pero hindi niya maiwasang ma-intimidate sa closeness ng dalawa. Mukhang malalim na rin ang pinagsamahan ng mga ito.

"Ehem!"

Napatingin naman si Silver sa nag-fake cough sa tabi nila. It was Sofie na mukhang nanlalaki na ang butas ng ilong. Nakasuot ito ng sunglasses kaya hindi niya makita ang buong reaksyon.

Kahit pa napansin na ng dalawa si Sofie, hindi pa rin natigil si Benjamin sa pangaasar kay Evie.

"Oh sige, bruha ka na ngayon!" paggulo pa rin nito sa buhok ni Evie habang nakaakbay.

"Pashnea ka Benj!" pilit namang inaabot ni Evie ang buhok rin ni Benjamin para magulo ito.

"Ehem!" mas nilakasan ni Sofie ang lang tikhim niya at doon na natigilan si Evie kaya binitiwan na rin siya ni Benjamin.

Kumapit naman kaagad si Sofie kay Benjamin na hinayaan lamang ito.

Inayos naman kaagad ni Evie ang buhok niya at pinusod ito into messy bun.

Pagkadating ng orders nila ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang kotse at nag-drive ulit.

Habang kumakain si Evie, sinusubuan niya rin si Steve na nasa back seat ngunit nakatunghod sa kanya dahil pinapakain niya.

"You look cute together." pambasag naman ni Silver. Na-gets naman kaagad ni Evie ito.

"Alam mo, pagselosan mo ng lahat, huwag lang si Benjamin." saad naman ni Evie habang sinusubuan ng hinihimay niyang sausage roll ang aso.

"At bakit naman ako magseselos?" denial king!

Natawa naman ng bahagya si Evie rito sabay kain din ng sausage roll.

"Benj is like a brother to me, a best friend. You know he's a good person."

Napatango-tango naman si Silver. "I know. Kaya nga hinahayaan ko lang na siya lang ang lalaking close sayo."

Napairap naman si Evie rito at napapailing.

"Uy, subuan mo naman ako oh? Gugutom na rin ako eh." saad pa ni Silver dahil focus siya sa pagmamaneho.

"Ano ka baby?"

"Ako na ngang nagda-drive oh? Kaya hindi ako makakain."

"Eh di palit tayo, ako na munang nagda-drive, tapos ikaw naman ang kumain."

"Ayoko, sige na please. Gutom na talaga ako." tila pagsusumamo pa ni Silver.

Pinagkukunuotan naman siya ni Evie ng noo dahil alam niyang nagpapabebe lang ito sa kanya.

Medyo labag man sa loob, kinuha ni Evie ang paper bag kung nasaan ang pagkain pa at kinuha ang sausage roll.

"Bawal sayo toh eh." saad pa ni Evie.

"Eh yan lang available na gusto ko."

Inayos naman ni Evie ang sausage roll at pinakagat kay Silver. Halos ngiting tagumpay naman si Silver sa pagkagat ng pagkain ngunit kaagad na may nalasahang kakaiba.

"Grabe naman toh! Pati yung papel pinakain sa akin." reklamo pa nito habang ngumunguya.

"Abay malay ko bang napakalaki mong kumagat?!"

"Pakuha!"

"Ayoko nga! Kainin mo na lang din yan." pero sa loob-loob ni Evie sinadya niya ito.

ILANG oras pa ang lumipas, ginising na lamang ni Silver si Evie ng malapit na sila sa beach house.

"Mommy! Mommy!" saad pa ni Silver habang inuuga ang hita ni Evie. Nagising rin naman kaagad ito.

"We're home again, mommy!" maligayang saad pa nito.

"Stop calling me that! Baka may makarinig sayo, lalo na kung sina Benjamin." inis namang suway pa ni Evie pero nginingitian lang siya ni Silver.

"Ang sarap lang sa pakiramdam na naiuwi na naman kita dito sa bahay natin."

"It's not bahay natin, it's just yours!" pagmamatigas pa ni Evie. "Stop saying those kind of things, alam naman nating hindi ganun ang nangyari."

"It's ours. Pina-renovate ko ang boring na bahay kong toh na naaayon sa gusto mo. At alam mong totoo ang sinasabi ko noong una mo palang na punta rito."

Hindi naman na nakaimik si Evie dahil totoo ang sinabi ni Silver. Mula sa furnitures at facilities ng bahay, naaayon lahat sa mga plano nila noon sa dream house nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status