Share

Chapter 43

HANGGANG SA DUMATING na ang araw na kinakailangan ng umalis ni Benjamin patungong Palawan para sa site inspection ng project nito sa S.A Construction. Ito na rin ang unang araw ng convention nila kaya naroon si Evie sa Shangri-La hotel para magasikaso.

Dinagsa ang booth nila kaya imbes na makabalik pa siya sa office ng after lunch, hindi na niya maiwan ang ilang katrabaho niyang nakakatanggap ng maraming inquiries at orders kaagad.

"Pasensya na Miss Evie, ikaw pa tuloy ang nangolekta ng mga possible clients." saad pa ng katrabahong si Ofel.

"Okay lang, ano ka ba? Mabuti nga yan at marami kayong nakuha, matutuwa si director niyan." pagngiti pa niya rito.

"Pwede ka ng mauna, Miss Evie. Kami ng bahala rito magligpit."

"Okay sige, ise-send ko na lang din ito at kung may mga pahabol pa kayo, iwan niyo na lang, ako ng mag-check bukas pagbalik ko rito ah?" at bumalik na siya ng tuon sa laptop niya.

"Sige po, Miss Evie. Salamat."

Nauna na nga si Evie munang umalis sa hotel.

Kinabukasan, sa opisina muna si Evie nagtungo para asikasuhin ang ilang inquiries at gawain niya rin lalo't wala si Benjamin, kapag lunch break, umuuwi siya sa apartment niya para pakainin at bigyan ng gamot si Steve at saka dumidiretso na siya sa hotel para tumulong naman sa convention.

Habang nagta-type sa laptop niya ng mga na-summary na inquiries, tumunog naman ang phone niya sa bulsa ng coat niya at dinukot rin kaagad ito.

"Hello, good afternoon?"

(Hey, Evz? How's the convention?) bungad naman ni Benjamin sa kabilang linya.

"Ahm, okay naman din. Maraming nag-i inquire sa booth natin."

(That's good to hear.)

"How's Palawan?"

(It was good. Maganda pa rin dito.)

"Eh yung -- location?"

(It was good too, nasa city naman kaya accessible.)

"Great then."

(By the way, I called because I have to ask you about sa bidding na in-email ko sayo nung nakaraan.)

"Bidding?" tila nagtaka naman si Evie at napasapo ang ulo ng biglang maalala ito. "Ahh oo, yung bidding." pagpapalusot naman niya. Sa sobrang dami ng ginagawa at iniisip niya, talagang nakaligtaan na niya ito.

(Have you check it? Malapit na yun.)

"Ahm, sorry Benj. I haven't check it, ngayon palang." mabilis namang inipit nito ang phone sa leeg niya at nag-open sa laptop niya ng email.

Kaagad naman din niya nakita ito kaya binuksan na niya ang details. Binasa niya ito at it was a five million contract bidding kaya kailangan nilang salihan. Ngunit biglang nanlaki ang mga mata niya at napalapit sa screen ng laptop dahil sa nabasa pa.

"Ahm, Sir Benj? Sa -- Palawan ang bidding?" tila hindi naman siya makapaniwala.

(Yeap! Surprise!)

"Great.. So, ise-send ko na lang ba sayo ang lahat ng --"

(Ahm, unfortunately Evz -- you have to attend on that here in Palawan too.)

"What?!"

(Yes! Sakto, pagkatapos ng convention, kinabukasan flight na going here after office. So, I'll see you here, okay?)

"Wait, Benj --"

(Yes?)

"Ahm, sure ka? Ako pa ang a-attend? I mean, nandyan ka naman na. Pwede ko naman i-send na lang sayo ang lahat tapos ikaw na lang magpa-print. Makakatulong mo naman sina Fe at --"

(I want you to be here, okay? Saka, may meeting kami nun nila Silver ng umaga, wala talagang a-aattend.)

Napabuntong hininga na lamang si Evie at hinihilot ang sintido.

"Fine! I'll see you there."

(Yes! You're the best!)

"I know, right? Ciao!"

Damn! I think God has still his ways to get close to him.

Huling araw na ng convention at masasabing naging successful ang kanilang booth bilang pinakamaraming naging inquiries at sales na rin. Hindi na um-attend si Evie ng ceremony dahil kailangan pa niyang bumalik ng opisina para tapusin ang bidding files at mapasa na rin sa logistics ang mga inquiries na dala niya galing convention.

"Good afternoon Ma’am, tulungan ko na po kayo?"

"It's okay? Kaya ko na toh!" pagsigurado pa niya at nginitian na lang ang empleyadong nakasalubong siya sa mula sa entrance dahil sa makapal na papel at folders na hawak niya ng dalawang kamay niya.

Prente siyang nagmamadali maglakad kahit pa naka-heels, mabuti na lang at naka-one suit halter back and long pants siya na pinatungan niya ng coat.

"Evie! Evie!"

Hindi naman malaman ni Evie kung sino ang tumatawag sa kanya kaya napahinto na lamang siya sa paglalakad.

Biglang napasimangot ang itsura niya ng makita ang babaeng tila nagmamadaling makalapit sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapataas-taas ng kilay.

"Sofie.."

"Evie, where's Benjamin?" tila confident pa nitong tanong sa kanya ng mahinto sa tapat niya.

Huminga naman ng malalim si Evie at sinusubukang kalmahin ang sarili. She even put a fake little smile.

"Why are you still looking for him? Doesn't he -- dumped you?" tila pagtataray ng dating ni Evie at para namang napapahiya si Sofie.

"Ahm, of course not! We just had a -- misunderstanding." pagpapalusot pa nito.

"Really? -- You know what Sofie, at first I thought you'll be good for Benjamin. I've known him for a long time and trust me, you are totally not his type."

Napapalunok naman si Sofie at hindi makatingin ng diretso kay Evie.

"I thought Benjamin is just being a jerk for not officially dating you but now I know why."

"Wh -- what do you mean?"

Biglang binagsak ni Evie ang mga dalang papel at folder sa tapat niya na kinabigla ni Sofie. Biglang nagseryoso ang tingin niya rito habang napapatagis bangang.

"Pinipilit ko pa naman siyang ligawan ka na dahil mukhang patay na patay ka naman sa kanya, pero ngayon? Alam ko na kung bakit ayaw kang seryosohin ni Benjamin." biglang binagsak niya rin sa sahig ang shoulder back niya.

Nabibigla naman si Sofie sa ginagawa ni Evie kaya bahagya siyang napaatras.

"Maganda ka nga, pero ang baho ng ugali mo! Kaya siguro -- inaayawan ka na ni Benjamin. 'Cause you’re nothing but a desperate bitch."

"Anong sabi mo?!" tila galit na singhal nito at tangkang sasampalin si Evie ngunit nasalo ni Evie ang pulsuhan niya at mahigpit na hinawakan ito. "Bitawan mo ko, you bitch!" paghigit niya ng kamay niya pero hindi ito binibitawan ni Evie.

Halos pagtinginan naman na sila ng mga taong dumadaraan doon dahil sa bigla nilang sigawan.

"Matatanggap ko pa kaartehan mo at pagiinarte mo na ayaw mo kay Steve -- pero yung gawan siya ng hindi maganda? Na kamuntik mo ng patayin ang aso ko? Tingin mo palalagpasin ko yun?" malakas na binitawan ni Evie ang kamay ni Sofie ngunit bigla niya itong sinampal na labis na kinabigla ni Sofie at ng ilang taong nakakakita sa kanila.

"Ugh?!"

Nanlalaki ang mata ni Sofie at hindi makapaniwala habang nakahawak sa pisnging nasampal ni Evie. Napapaatras siya ngunit si Evie naman ay naglalakad papalapit sa kanya.

"A -- anong pinagsasasabi mo?" tila pagmamaang-maangan pa nito.

"Benjamin told me everything. At pasalamat kang wala tayo sa beach ngayon kung hindi, baka ikaw ang nilunod ko!"

Nanggagalaiti naman si Sofie ngunit ayaw magpatalo. Habang nakapayuko si Evie at dinadampot ang bag at mga papel na binagsak niya kanina, bigla siyang sinugod ni Sofie at hinawakan ang buhok niya.

"Aargh! You bitch!" mahigpit na hawak nito sa buhok ni Evie ngunit hindi ito pumapalag sa kanya.

"Bitawan mo ko habang kalmado pa ko, Sofie. Isa!"

"How dare you?!" pinaangat niya si Evie habang nakapasabunot rito, napahawak na lamang si Evie sa buhok niya ngunit hindi pumapalag.

"Ma’am, Ma’am! Awat na po!" paglapit na ng security sa kanila.

"Bitawan mo ko, Sofie. Dalawa!"

"Alam mo, akala mo kung sino kang nagmamaganda?!"

"Gaga! Maganda talaga ako!" buong lakas na hinawi ni Evie ang kamay ni Sofie kaya napabitaw na ito sa buhok niya at napaatras. Nabunutan naman siya ng ilang pirasong buhok kaya lalo siyang nanggigigil rito.

"Miss Evie, okay lang po --"

"Ayos lang ako, kuya Jorge. Huwag kayong makikialam." tumuuon siyang muli ng tingin kay Sofie at parehas silang nanggagalit ang tingin sa isa't isa. "So, 'where can your hair take you?!' -- part three!" biglang sinugod na niya si Sofie at nahablot ang nakalugay at mahabang buhok.

"Aaahhh!!!" malakas na tili ni Sofie at hindi nagpadaig ng mahablot rin ang buhok ni Evie.

Parehas nilang kinakalog at winawagayway ang mga ulo ng bawat isa at kahit subukan ng securities na pagawatin sila, tila natatakot naman na ang mga ito. Dumami rin ang mga taong nakikiusosyo sa paligid nila na halos ang lahat ay nagchi-cheer pa kay Evie.

"You fucking bitch!!!" nanggagalaiting sigaw pa ni Sofie.

"Yes I am! You whore!" malakas na naitulak ni Evie si Sofie kaya napapaatras ito. At dahil mataas ang heels ng sapatos na suot ni Sofie, na-out of balance na siya at natumba. Napatumba rin si Evie ngunit nakapadagan siya kay Sofie.

"Argh! Get off of me!!!" pilit na hinahampas pa ni Sofie si Evie ngunit gumanti rin ito sa kanya.

Napabitiw sa buhok ni Sofie si Evie at napabangon, ngunit dahil pinaghahampas pa siya ni Sofie, pinaghahampas niya rin ito at mas nasasampal niya ng pagkailang ulit dahil nakapaupong dagan siya rito.

"Hindi kita malulunod -- pero bubukulan kita!" hinablot ulit niya ang buhok ni Sofie.

"Aaahhh!!!"

Inuuntog-untog ni Evie sa sahig ang ulo ni Sofie habang nagtititili ito. Nanlalaban naman si Sofie sa paghampas at kalmot kay Evie ngunit hindi na niya ito alintana.

"Miss Evie, Miss Evie! Tama na po!" biglang awat na ng dalawang security na pwersahang inangat si Evie habang nakahawak sa pagkabilang braso nito.

"Bitawan niyo ko kuya! Hindi pa ko tapos sa babaeng yan!!!" pagpupumiglas pa ni Evie ngunit naibuhat na siyang palayo kay Sofie.

Inalalayan naman ng isang security si Sofie na parang ginulpi ng sampung tsonggo. Halatang nahilo ito at humahangos.

"I will sue you!" galit na pagduro pa nito kay Evie.

"And I will sue you too for trying to kill my dog!" sighal din ni Evie na inaawat pa rin. Kahit humahangos din ay ayaw niyang magpapigil.

"Tama na po Miss Evie, huminahon po kayo." umayos naman na ng tindig niya si Evie at inalis ang pagkakahawak sa kanya ng mga security. Huminga siya na malalim kahit pa nanggagalaiti pa rin.

"Paalisin niyo ang babaeng yan dito sa office!" pagduro niya pa kay Sofie na nakapaupo pa rin. "At kahit kailan, huwag na huwag niyong papapasukin!"

May ilang empleyado namang nagaabot kay Evie ng shoulder bag niya at ang mga papeles na naikalat na niya kanina.

"At ikaw Sofie," pagtuon niya muli rito. "siguraduhin mong huwag na huwag kang magpapakita sa akin, dahil kahit nasaan tayo, ingungudngod kita!" sabay walkout na niya rito. Nagsisitabihan naman ang mga taong madadaanan niya na lahat ay nag-cheer up sa kanya.

NANG makaakyat siya sa 10th floor, naibagsak niya ang mga gamit sa mesa niya at saka bumuntong hininga ng malalim. Pabagsak rin siyang napaupo sa swivel chair niya at mariing napapikit. Napahawak siya at tingin sa buhok niyang paniguradong magulo na dahil sa nangyari kanina.

"Kawawa ka naman." pagtukoy niya sa hawak niyang buhok.

Sandaling nagpahinga lang si Evie at inumpisahan na naman niya ang trabaho pa niya. Wala siyang oras sa personal matters niya ngayon dahil marami pa siyang dapat na asikasuhin kaya ibinalik niya kaagad ang wisyo niya sa mga gagawin.

Kinabukasan ay halos lahat ng empleyadong nakakakita sa kanya simula ng pumasok siya sa opisina ay kinakantyawan at mas binabati siya. Noong una ay nahihiya siya ngunit kalaunan ay natatawa na lamang siya. Naipakita pa sa kanya ng mga ito ang ilang kuhang videos kung papaano niya lampasuhin si Sofie.

"Please? Huwag niyo ng i-post yan. Baka mag-viral." tila pagbibiro pa niya sa mga ito habang kumukuha ng pangatlo na niyang tasa ng kape sa kitchenette ng opisina.

"Hahaha! Nako Miss Evie! Wala pala sa nipis ng katawan yan? Eh kayang-kaya mong ibalibag yung jowa ni director!"

"Fyi! Hindi siya girlfriend ni director! Naghahabol lang siya!"

"Totoo ba Miss Evie? Pinatay niya daw ang aso mo?" tanong pa nito habang nakatingin kay Evie na nakatayo sa gilid ng counter.

"Kamuntik lang! Actually si Benj -- si director pa ang nakakita nun at nasabi sa akin, kaya nako!" as she rolled her eyes and sip on her coffee. "Pasalamat siya at yun lang nagawa ko sa kanya!"

Natawa na lang silang lahat dahil talagang nag-trend siya sa buong opisina. Panigurado ngayon ay mas takot na sa kanya ang mga empleyadong naroon kaysa kay Benjamin.

Pagkaakyat niya sa cubicle niya, nakatanggap siya ng text mula sa boss niya at mahina na lang siyang natawa at napailing rito.

I know what you did, tell me more when you get in here.

Text pa nito sa kanya with matching laughing and flexing arm emoji.

Bumalik na si Evie sa trabaho niya dahil kinakailangan na niya itong matapos ngayon bago ang flight niya mamayang gabi patungong Palawan. Si Benjamin na rin ang nag-ayos ng hotel room natutuluyan na niya roon kung saan doon din daw silang lahat naka-check in.

BAGO umalis si Evie patungong airport, dinala na muna niya si Steve sa isang malapit na vet clinic at doon muna ipapaiwan upang mas maalagaan ito dahil hindi pa fully recovered ang aso niya.

Pabalik na sana siya sa kotse niya nang may mahagip ang mata niya kaya napahinto siya at napatingin roon.

"Welcome to our salon! What service would you like madam?" magiliw na bati naman sa kanya ng makapasok siya sa loob.

"Ahm, just a hair cut, please?" nakangiti niya ring sagot dito.

"This way madam, have a seat."

Napatingin na lamang sa sarili niya sa salamin si Evie habang iniintay ang maggugupit sa kanya.

Umuwi muna siyang apartment niya para kunin ang ibang gamit niya at maiuwi ang kotse niya. Mag-grab na lang siya patungong airport.

Tinext na siya ni Benjamin kung saang hotel siya dapat tumuloy mamaya pagkalapag niya at magta-taxi na lamang daw siya.

Habang nakaupo sa eroplano, tila may kung anong bumabagabag sa kanya. Hindi niya alam kung kaba ba o excitement ang nadarama niya ngunit kanina pa malakas ang kabog sa dibdib niya. Nanlalamig ang mga kamay at paa niya, mabigat ang pakiramdam ng paghinga niya at tila natatakot siya.

Hindi niya sigurado kung dahil sa makalipas ng mahabang panahon ay makakabalik na siya ng Palawan, o dahil alam niyang baka magkita na naman silang muli ni Silver.

Pagkalapag ng eroplano at labas ni Evie sa airport ay sinariwa na muna niya ang malamig at sariwang hangin ng lugar. Just like the old times.

Kaagad na rin siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Ivy Luxury Hotel kung nasaan sina Benjamin.

Wala pang trenta minutos, nasa entrance na kaagad si Evie ng hotel at tinulungan ng valet sa kanyang mga gamit.

"Evz!" napabaling kaagad siya sa tumawag sa kanya.

"Miss Evie! Welcome here!" bungad din ni Fe na buong ngiti ring nakasalubong sa kanya.

"Sir Benj! Fe!"

"Oh wow? Your hair!" napansin kaagad ni Benjamin ang mas maikli ng buhok ni Evie na hanggang balikat na lang.

"Ang galing naman Miss Evie! Nandito ka rin! Sa wakas may makakasama na ko!" paglambitin pa nito sa braso ni Evie.

"Let's go to your room first, and then let's have a dinner?"

"Late na ah? Hindi pa kayo nakakapag-dinner?" tanong pa ni Evie nang makasakay sila ng elevator.

"Ahm --"

"Tapos na, Miss Evie. Nagaaya kasi si Sir Silver sa bar dito sa hotel, doon sa roof top. Kasi last night na namin dito sa Palawan, bukas sabay-sabay rin tayong uuwi ng Manila." magiliw pang sabat ni Fe.

Napatingin naman si Evie kay Benjamin na tila nagpapalusot at nagpipigil ng mangiti.

"Sumama ka na, Miss Evie! Kwento mo sa amin yung nangyari sa inyo nun ni -- ni Miss Sofie!" nae-excite pa ito at kapit muli sa braso ni Evie.

Tila nahiya naman si Evie dahil talagang alam na alam na rin ng mga ito ang nangyari. Napapasulyap naman siya kay Benjamin na hindi naman naaalis ang ngiti sa kanya.

Pagkalagay nga lang ng mga gamit ni Evie sa kwarto niya na katabi ng kwarto ni Benjamin rin, ni hindi man lang siya nakaupo at hinatak na kaagad na siya ng mga ito sa elevator patungong roof top ng hotel.

Bumungad kaagad sa roof top ang malakas na party sounds at round pool sa gitna na may ilang nagsu-swimming, napapaligiran rin ng mga recliner chairs at sa left side nito ang bar area na may ilang stool bar chair sa harap. May mga large pax tables and chairs rin sa paligid at marami ring guests na naroon.

"Ayun sila!" pagturo pa ni Fe sa isang nagkukupulang grupo. Kaagad sila napatingin roon at napamilyar ni Evie ang mga katrabaho niyang nakaupo roon.

Nauna na si Fe na maglakad patungo sa mga kasamahan nila at inalalayan naman ni Benjamin si Evie patungo roon.

Tila nabunutan ng tinik si Evie dahil ng makalapit siya sa mga ito ay wala ang taong tila kinakatakutan niyang makita.

"Hi Miss Evie! Nandito ka rin pala?" tila excited na bati sa kanya ng isang engineer mula sa S.A Construction.

"Oh? Nasaan si --"

"Yan na pala si boss!"

May kung ano hangin ang umihip sa likuran niya at nagtaasan ang mga balahibo sa likod niya.

Hindi naman masidlan ang sayang nadarama ni Silver ng malamang magtutungo rin si Evie sa Palawan. Hindi man niya pinapahalata, pero nasasabik na siyang makita na itong muli. Noong nalaman niya ang araw ng pagdating ni Evie ay hindi na siya mapakali, sa sobrang tense niya, lagi siyang naiihi.

Hanggang sa nalaman niyang nasa baba na ito ng hotel kaya makailang balik na siya sa banyo banyo para umihi. Kahit likuran pa lang nito ang natatanaw niya mula sa pinaglabasan banyo, gusto na niyang manakbo para yakapin ito ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili. Tila nabigla pa siya dahil umikli yata ang buhok nito.

Naglakad siya palapit rito at nahinto sa likuran ni Evie, habang nakatingin sa kanya ang lahat, ito naman ang hindi makapaling man lang at kaagad na naupo na lang katabi rin ni Fe.

Nagpatuloy sila sa pagiinuman at pagkukwentuhan, habang si Evie ay kumakain ng kung anu-anong pulutan at pagkain na nasa table nila. Nag-order pa ito panibagong batch ng pulutan habang umiinom ng beer.

"Miss Evie? Napanood ko sa gc namin yung video mo!" saad pa ni Kyle na katrabaho niya.

Napatigil naman si Evie at tingin rito.

"Grabe! May pagka-amazona ka pala Miss Evie? Sabi nila, ginulpi mo raw yung girlfriend ni director?" tila kantyaw pa sa kanya nito na kinahiya naman niya. Napapatulala naman ang mga taga S.A Constructions team lalo na si Silver.

Napaaway na naman siya?

"Ahm, hindi sa ganun.."

"Nako! Kung nandun lang ako Miss Evie! Baka tinulungan pa kita! Teka? Ano bang nangyari?"

Napapatingin naman si Evie kay Benjamin na tila nanghihingi ng tulong rito sa pagpapaliwanag.

Na-explain na ni Evie at Benjamin ang totoo sa mga katrabaho nila. Laking gulat rin ng mga ito na magkakasama pala sila nila Silver sa beach house nito. Hindi sila makapaniwala na ganun ang nangyari kaya pala ganun na lang din ang galit ni Evie kay Sofie.

Hindi rin makapaniwala si Silver sa mga nalaman kung papaano nga kamuntik malunod si Steve at kamuntik na rin ikapahamak ni Evie. Nakaramdam din naman ng awa ito kay Evie dahil pang ilang beses na ito napapaaway.

"Susko! Napakasama naman pala ng Sofie na yun! Animal abuser!"

"Hayaan mo na! Naturuan ko na ng leksyon!"

Nagpatuloy sila sa pagiinuman at kwentuhan patungkol sa nangyari sa kanila habang narito sa Palawan. Tanging pakikinig lang ang ginagawa ni Evie sa mga ito, panay sulyap sa kanya si Silver ngunit naging casual lang siya rito at kung maaari ay iniiwasan niyang tingnan o kausapin.

Dahil last inspection na ng mga ito bukas, at si Evie naman ay dadalo sa isang bidding sa umaga, nagpasya silang bisitahin na rin ang hotel/resort ni Khalil na binibenta kay Silver bago sila tuluyang umuwi ng Manila.

NANG maubos na ang kanilang mga ininom at kinakain, nagkaayaan naman na rin silang bumaba sa kani-kanilang kwarto dahil pare-parehas silang dapat na magising ng maaga.

Hindi magkakasama sa isang floor ang mga hotel rooms nila, naunang bumaba sa 18th floor sina Evie at Benjamin, at laking gulat rin ni Evie ng bumaba ng elevator si Silver kasunod nila.

"Good night Sir Benjamin, Sir Silver! Miss Evie!" pagpapaalam pa ni Fe sa mga ito.

"See you tomorrow, Miss Evie." pagngisi pa ng engineer ni Silver kay Evie kaya napatalim siya ng tingin rito.

"Good night." at tuluyang sumara ang elevator.

"Malapit lang din rito ang municipality ng Puerto Princesa, pwede kitang ihatid muna bukas --"

"No need, magta-taxi na lang ulit ako."

Paguusap naman ng dalawa habang naglalakad na patungo sa mga hotel rooms nila. Nasa likuran lang din naman nila si Silver na tila nakikinig.

"Okay sige, update me na lang how does it goes." bigla namang nahinto na si Benjamin dahil doon na rin ang kwarto niya.

"Of course. I got it." at pagtapat na rin ni Evie sa pintuan ng hotel room niya.

"Bro! See you tomorrow!" pagtugon pa ni Benjamin kay Silver na nasa kabilang pintuan rin kasunod ng kwarto ni Evie.

"See you!" sagot naman nito kaya napasulyap si Evie sa kanya.

Nauna namang pumasok na si Evie sa silid niya at gayun na rin ang dalawang kalalakihan.

Pagkasara at lock ni Evie ng pinto ay napabuga siya ng malakas na hangin na tila nakahinga ng maluwag. Kanina pa kasi pigil na pigil na naman ang mga paghinga at kilos niya dahil alam niyang nakatingin sa kanya si Silver.

At dahil sa nakainom siya, she needed a shower para mahimasmasan man lang siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status