Share

Chapter 48

"GIMME THAT --" pagtayo at tangkang hablot ni Evie ng note mula sa kamay ni Silver ngunit mabilis itong nailayo sa kanya ng binata. "Akin na sabi eh!" sinubukan niya ulit hablutin ngunit itinaas na ni Silver ang kamay dahilan para mas hindi maabot ni Evie ito kahit pa nagtatalon na ito para makuha iyon.

"Sunshine pala ah? Si Sunshine ka na ba?" tila sarcastic pang saad ni Silver na nakataas pa ring mabuti ang kaliwang kamay habang hawak ang note.

"He's just being sweet. Nothing more." paliwanag naman ni Evie na napatigil na sa pagabot ng note kay Silver.

"Yun na nga eh! Bakit kailangan niyang maging sweet sayo?"

"Because he's my friend, and my boss too. Concern lang siya dahil siguro -- sa pinagdadaanan ko?"

"He's my friend too but I haven't received any of that yet." naibaba na ni Silver ang kamay at saktong may lumabas mula sa opisina ni Benjamin.

Sabay pa silang napatingin roon at lumabas nga si Benjamin kasabay ang ilang board members. Mabilis nitong nasalubong ang mga paningin nila ngunit, seryoso ang mukha nito pero biglang nagliwanag at nalagyan ng ngiti ng humarap sa kanila.

"Silver!" magiliw na bati nito at lumapit sa may cubicle ni Evie.

Napansin ni Evie na nilagay ni Silver sa bulsa ng coat niya ang note bago humarap kay Benjamin.

"Hey, man!" at nag-apir naman silang dalawa.

"Parating na si chairman, I'll introduce you to him later on."

"My pleasure."

Napabaling ng tingin si Benjamin kay Evie at nakita nito na nasa mesa na ng dalaga ang basket na in-order niya para dito kaya mas lalo siyang napangiti.

Napansin ito ni Silver kaya napatingin rin siya kay Evie. Tila nagiiwas naman si Evie sa dalawang lalaking nasa harapan niya kaya naghahanap siya ng dahilan para makaiwas hanggang sa mapatingin na siya sa may elevator.

Nagliwanag ang mukha niya at bumakas ang kaunting ngiti.

"Si -- si chairman. He's here." tila na-excite ito kaya sabay pang napabaling ang lahat sa elevator.

Nakita nila na naglalakad na si Benedict with his head held high and his subordinates.

"Dad!" pagsalubong naman ni Benjamin rito at bahagya silang napayakap bilang pagbati.

Mabilis nabalingan ni Benedict si Evie na nakangiti sa kanya.

"Miss Evie! Lalo ka yatang gumaganda ah?" biro pa nito ng makalapit kina Evie na kinatuwa naman ng dalaga.

"Nice to see you again, chairman. Kamusta na po?"

"Ah! So good, so well! Sayang nga hindi ka naisama ni Benjamin noong holidays. Na-Miss ka namin ni Jasmin." saad pa nito.

"Ayos lang po, chairman. Nakausap ko rin po nun si madam Jasmin."

"Ah, dad. I would like you to meet our newest investor." pagbaling pa nito sa katabi ni Evie na si Silver. "This is Mr. Silver Alessandro of S.A Constructions."

"Nice to finally meet you, Mr. Chairman." pagbati pa ni Silver at haya ng kamay nito.

"Pleasure to meet you too, Mr. Alessandro. I've heard a lot of your company. It's an honor to our company you choose us to invest with." pagabot rin ng kamay ni Silver at nagkamayan sila.

Nangiti naman si Silver rito na kinagalak ring makilala ang ama ni Benjamin. Labis itong natutuwa dahil sa wakas ay nakilala na niya ito, nais niya magpasalamat rito dahil sa pagtulong din nito kay Evie ngunit hindi na lamang niya pinahayag.

"Let's all come in." paghaya pa ni Benedict kay Silver sa pagpasok nila sa conference room. Nakasunod na lamang din si Benjamin sa mga ito at nagpahuli muna si Evie dahil kinuha pa nito ang laptop niya bago tuluyang pumasok ng conference room.

Nagtatagal rin ng meeting, panay ang hikab ni Evie sa kinauupuang mesa habang nakatutok sa laptop niya at nag-operate ng ilang presentation habang nag-minutes of meeting.

Laging nakasulyap sa kanya sina Benjamin at Silver ngunit pilit niyang hindi magpaapekto sa mga ito. Napapansin rin ni Silver ang panay tingin at ngiti ni Benjamin sa gawi ni Evie kaya imbes na mapangiti siya sa tuwing titingin sa dalaga, nagiging masama ang tingin niya rito kaya ginagantihan siya nito ng pag-irap.

Makalipas rin ng ilang oras na diskusyon, natapos na ang meeting at ang karamihan ay kinakausap pa rin si Benedict. Maraming naka-Miss rito kaya lahat naman ay kinakausap niya.

Nauna ng lumabas si Evie ng conference room para bumalik sa cubicle niya, parehong nakasunod ng tingin lang sina Benjamin at Silver rito ng lumabas kaya nagkatama ang mga paningin nila.

Parehong walang reaksyon ang dalawa ngunit kaagad na ngumiti si Benjamin na bahagya rito bago bumaling ulit ng tingin sa iba.

Nagpapaintay naman si chairman kay Silver dahil nais pa siya nitong makausap kaya nagtungo na lang din sila ni Benjamin sa opisina nito.

Napansin ni Evie na sabay pumasok sina Benjamin at Silver sa opisina nito, tila kinakabahan siya pero hindi niya alam kung bakit.

Napapatulala siya at napatigil sa pagta-type sa laptop niya ng biglang may pumasok sa isip niya.

Maguusap kaya sila? Tungkol lang naman siguro sa trabaho? O di kaya -- sa akin?

"Ayt! Bahala sila!" saad na lang niya sa sarili at napapailing ng ulo dahil nagaalala siya. Bumalik na lang siya sa trabaho niya at doon na lamang nag-focus muli.

DUMIRETSO si Benjamin sa kanyang swivel chair at sumunod naman sa kanya si Silver na nakatayo sa tapat niya.

Tila nagtaka naman si Benjamin rito dahil seryoso lang ang reaksyon ni Silver, alam niyang ganito ito palagi ngunit tila may kakaiba rito sa ngayon.

Bumuntong hininga naman si Silver saka bahagyang lumapit pa kay Benjamin, dinukot nito ang small note na kinuha niya kanina at inilapag sa mesa ni Benjamin.

Napatingin roon si Benjamin at tila alam na niya ang pakay nito.

"I have no right to be against this, but I won't give up too." mariing saad ni Silver rito.

"I know. And so am I. And I know Evie will never agree upon this."

"We're just having a hard time now, man."

"But it doesn't mean she wouldn't have a right to choose, especially if it will make her happier. Isn't it that's what you wanted too, man?"

Tila nagkakasukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Nagtatantsahan ngunit hindi naman nagkakasamaan ng loob.

"You think it won't look fair, but actually wala namang argabyado sa atin dito. Palagi nga kami magkasama ni Evie, pero ikaw ang minahal niya."

"I will make her happy again."

"And so am I."

Napangiti na lamang ng bahagya si Benjamin kay Silver at tila nagkakaunawaan na sila patungkol sa kompetisyon nila kay Evie. Hindi ito dapat mahalata ng dalaga kung hindi pareho silang mananagot rito.

Nagkausap naman na sina Silver at ang ama ni Benjamin na si chairman Benedict patungkol sa projects na pinagsasamahan ng mga kompanya nila. Labis na natutuwa ito kay Silver dahil naging malapit na rin ang anak niya rito.

Naging casual pa rin sina Silver at Benjamin sa pakikipagusap sa isa't isa na tila walang lihim na kompetisyon sa pagitan nila. Para pa rin silang mag-best friend na umasta at tila napapanatag naman si Evie tingnan ang mga ito.

Inaya sila ni chairman na makapag-dinner out at syempre walang takas si Evie roon kaya kasama rin itong magdi-dinner kasama nila Silver, Benjamin, chairman at dalawang subordinates nito.

Panay business ang pinaguusapan ng mga ito na pinapakinggan lang ni Evie. Hanggang sa nabanggit na ni chairman ang tungkol sa project nila sa Palawan na tila kinatigil ni Evie.

"Of course, dad. It was a good start there. Silver's branch in Palawan will be our stepping stone too as we're working together."

"I agree. I've added the solar panels as the most recommended to have in every projects I will offer and accept."

"That's great to hear! You two are really working on together, I'm glad to have you in our company, Mr. Alessandro."

"Please Mr. Chairman, just Silver." as he insist.

Napabaling naman ng tingin si Benedict kay Evie na tila natatahimik.

"How about you, Evie? I've heard you won half of the bidding project in Palawan, right?" diretsong tanong ni chairman na kinatigil ng lahat at baling kay Evie.

May kung anong kumuryente naman kay Evie bago nakabalik sa wisyo niya ng mapatingin kay chairman.

"Ahm, yes chairman."

"That's good to know. You really did a great job."

"But we won't continue that project." pagsingit ni Benjamin na kinabigla rin ng lahat kaya napatuon sa kanya ang atensyon ng lahat.

"What do you mean we won't --" pasimpleng bulong pa ni Evie rito.

"Well, I have reviews na masyadong mababa ang offer nga natin sa project na iyon. Laking tuwa lang ng mga makakakurakot sa budget." prenteng paliwanag ni Benjamin na kinakatulala ni Evie rito.

"Ahm, my apologies. I should have review briefly the --"

"No, Evz. Not your fault. I've approved that budget to offer. You did a great job on that."

"Hmm? Isn't worth it?" pagusisa pa ni chairman.

"If Mr. Tanioso's involvement in the project, it doesn't even worth a try." seryosong sagot pa ni Benjamin na halatang kinabigla ni chairman at ni Evie.

Nagkatinginan sina Evie at chairman na tila gets na ang ibig sabihin ng isa't isa. Napansin rin ito ni Silver kaya hindi na lamang siya nag-react.

"I agree." sagot pa ni chairman na bumalik sa pagkain.

Nagbalewalaan naman sila kahit pa silang apat lang ang nakakaalam ng pinaguusapan nila. Nakakaramdam naman ng kahihiyan at panliliit si Evie kaya napapayuko ito.

"It will be okay." pabulong pang saad ni Benjamin kay Evie at hinawakan ang kaliwang kamay niya.

Hindi iyon inaasahan ni Evie kaya napapatulala siya kay Benjamin. Isang matipid na ngiti na lamang ang naisagot niya rito.

Napansin naman kaagad ni Silver at tila pagbubulungan nila Benjamin at Evie sa harapan niya, nakita niya ring nakahawak ito sa kamay ni Evie kaya napahawak siya ng madiin sa baso niya at tagis bangang.

Pilit mang maging casual ni Silver pero hindi niya maiwasang magselos dahil sa pinapakitang gesture ni Benjamin kay Evie. He supposedly doing that to her, not him!

Casual lang din naman si Evie sa pagtugon kay Benjamin. Ganito naman na sila noon pa man, pero mas nagiging extra sweet ito pero hindi niya iyon binibigyang pansin. Sa tuwing mapapatingin siya kay Silver na masama ang tingin sa kanila ay umiiwas na lamang siya.

Paniguradong nagiinit na ang tumbong ni Silver sa selos at inis dahil kay Benjamin. Hindi man sabihin ng mga ito, ramdam ni Evie na tila may paligsahan sa pagitan ng dalawang magkaibigan at hindi niya ito gusto.

ANOTHER typical day on work but Benjamin became really extra sweet. Hindi na malaman ni Evie kung dapat pa ba niyang hayaan ito o komprontahin muli.

Benjamin has done nothing to her but all good. That she can't help but to compare with Silver's. She secretly wish that Silver will be like this too even it sounds unfairly for both men.

Sa araw-araw, nakakatanggap si Evie ng random delivery gifts at paniguradong kay Silver o Benjamin lang ito galing. Hinuhulaan na lang niya kung sino sa dalawa ang nagbigay.

Napapansin naman ng ilang katrabaho niya ang madalas na pag-deliever kay Evie ng mga ito ng iba't ibang regalo dahil nakikita rin nila sa cubicle nito ang karamihan.

"Hmm? May secret admirer ka ba, Miss Evie? Daig mo pa suki ng lazada at shopee sa araw-araw na may delivery para sayo." pasaring ni Fe na nakaupo rin sa mesa sa kitchenette at kumuha ng isang cookie na pinapakain sa kanila ngayon ni Evie.

Napapangiti naman si Evie sa mga ito dahil kahit minsan lang siya bumaba rito ay nakikipagkwentuhan pa rin sa kanya ang ilang katrabaho. Madalas niya rin ipamahagi rito ang mga pagkaing binibigay nila Benjamin at ni Silver.

"Nako! Hindi naman nakakapagtaka yun! Mas nakakapagtaka pa nga bakit ngayon lang nagka-secret admirer si Miss Evie di ba?" dagdag pa ni Ofel habang kumakain rin.

"Wala yun noh! They're just being friendly." pagtanggi pa ni Evie sa mga ito habang hinihipan ang tinimplang kape.

"Wow? Can we be friends with them too? Ang gagalante ah?"

"Oo nga? Saka they're? So ibig sabihin more than one?"

"Alam niyo, kumain na lang kayo dyan okay? Ubusin niyo na yang cookies na yan kasi purga na ko!"

"Wala man lang bang clue kung sino yun? Katrabaho ba natin or what?"

Tila napapaisip naman si Evie, hindi sa kinakahiya niya ang mga ito ngunit ayaw naman niyang maging tampulan ng chismis lalo't napagchismisan nga siya noong ka-date niya si Silver sa year-end party nila at ang pakikipagaway niya sa ex-fling ni Benjamin na si Sofie.

"Ahm, basta! Hindi na importante yun!"

"Ay pa-showbiz ka naman!"

Tinatawanan na lang ni Evie ang paguusisa sa kanya ng mga ito.

Bumalik rin kaagad si Evie sa cubicle niya ng matapos magkape.

Nang makauwi na siya, naningkit ang mga mata niya ng may napansing nasa labas ng pintuan niya habang naglalakad papalapit roon.

Napataas siya ng dalawang kilay at napa-squat sa harapan ng isang two-feet tall fluffy belgian malinois stuff toy, may yakap itong isang moscato wine at may nakadikit na nakatuping papel rito. Kinuha niya rin kaagad ito at binasa.

If you miss me, just kiss him so you could feel kissing me too. I miss you so much mommy.

Love, your husband (soon)

Evie just shook her head and just smirk.

"Parehas sila ni Benjamin, napaka-trying hard maging sweet!" pagduro pa nito sa ilong ng stuff toy at kinuha na rin niya ito pati ang wine.

Pagkapasok niya ay sinasalubong siya ni Steve at mas nagiging maligalig ito dahil parang gusto nitong makuha ang dala niyang stuff toy. Inilapag ito ni Evie sa solo sofa chair at pinagtatahulan ito ni Steve.

Napansin iyon ni Evie kaya natatawa siya sa alaga.

"Steve.. Don't attack it." suway niya rito habang nilalagay ang wine sa ref.

Tila galit si Steve rito dahil kamukha niya.

Habang nakatihayang higa si Evie sa kama niya at nakatulala sa kisame, napabaling siya sa gawing kaliwa niya kung nasaan nakalagay ang stuff toy na bigay ni Silver. Kinuha niya iyon at hinawakan ng dalawang kamay niya habang nakapatong sa kanyang dibdib.

Napapabuntong hininga siya habang nakatitig lang rito, kinukurot at pinanggigigilan niya ito pero hihimasin niya ulit.

Hinalikan niya ito saglit at iniharap ulit sa kanya.

"Oo, nami-miss na kita."

Yun lamang at niyakap na niya ang stuff toy bago ipinikit ang mga mata.

AFTER lunch, bumalik na rin si Evie sa mga ginagawang quotations at compiling ng reports. Hindi pa nakakabalik si Benjamin mula sa lunch out nito sa isang kompanya, hindi rin nito sigurado kung makakabalik pa nga kaya solo na naman ni Evie ang opisina.

Siya na naman ang tumatanggap ng mga inquiries at appointments ni Benjamin habang wala pa ito.

*Kriing.. Kriing..

"Yes, Fe?" pagsagot niya kaagad rito habang patapos ng gawin ang mga appointment ni Benjamin for the next week.

(Hi Miss Evie! Nasa office ka pa ba?)

"Oo, bakit?"

(Ahm, pwede favor?) halatang alangan pa ito.

"Hmm? Ano naman yun?"

(Ahm, dun sa cubicle ko, may red folder dun. Laman yun ng quotations at price offer.)

"Oh tapos?"

(Ah eh, pwede pakuha? Tapos -- tapos pabigay kay Sir -- Silver.)

Gustong mabitawan ni Evie ang phone niya. Biglang may kung anong kabog siyang naramdaman na nakakabingi sa kanya.

(Miss Evie?)

"Ahm, yes?"

(Okay lang ba? Hindi ko kasi ma-contact sina Kyle eh. Eh kailangan na daw ngayon yan ng team ng S.A Constructions, may client pa ko ngayon kaya hindi ko na nabalikan kanina.)

"Ba -- bakit kay Silver pa? Di ba dapat dun na lang din sa mga engineers niya?" napapakamot naman si Evie sa pagaalangan. Alam niyang importante ito dahil baka si Benjamin rin ang mag-suffer kapag na-delay pa ang transakyon na ito.

(Eh si Sir Silver ang nag-request niyan. Nasa office pa naman siguro yung sekretarya niya, dun mo na lang paabot kung wala na siya dun di ba?)

Tila nabunutan naman ng tinik si Evie. Naalala niyang pwede nga naman niya kay Matt na lang ibigay ito.

Pero yung thought na pupuntahan na niya ang office ni Silver gives her shiver and goosebumps. Parang ayaw niya na gusto.

"Okay, fine. Tapusin ko lang itong appointment ni director, ihahatid ko na yun bago umuwi."

(Gosh! Thank you so much Miss Evie! Liquidate mo na lang sa akin yung gas mo.)

"Okay sige."

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya ng matapos ang tawag.

Tila mas minadali niya pa ang ginagawa niya upang matapos kaagad at makaabot siya sa office hours kapag hinatid niya ang pinapadala ni Fe sa kanya.

Kinuha na niya ang red folder na sinasabi ni Fe sa cubicle nito at tinext niya si Benjamin tungkol rito, matagal ito bago nakasagot sa kanya, wala naman ito naging pagtutol ngunit ramdam niyang nagalangan ito. Pero work related lang naman, pure business, so why not though?

Nanlalamig ang kamay niya habang nakahawak sa manibela ng kotse at nagmamaneho patungo sa office building ng S.A Constructions. Medyo natatandaan niya ang daan dahil naidala na siya ni Silver noon pero nag-waze pa rin siya para hindi maligaw.

Mabilis pa ang byahe dahil hindi pa inaabutan ng rush hour, mag-alas kwarto pa lang, nakarating na siya ngunit ng papasok na sa parking, parang bigla niya gustong umatras.

Panay ang hugot niya ng malalim na hininga at malakas na pagbuga nito. Namamanhid na ang kamay at paa niya sa lamig dahil sa kaba.

Napapahawak siya ng mahigpit sa folder habang naglalakad papasok ng building, panay pa rin hugot niya ng malalim na hininga.

"Good afternoon Ma’am." bati naman sa kanya ng gwardya.

"Good afternoon, I'm Evie from Yu Solar Panels, I'm here for Mr. Matt? May ibibigay lang na files."

"Ah si Matt po, sige po Ma’am, pasok na lang po kayo at magtanong sa loob."

"Thank you po." pagngiti niya pa rito bago pumasok ng building.

Hindi ganun kalaki ang kabuuan ng opisina ngunit halatang elegante. Lumapit at nakapagtanong siya kung nasaan si Matt at nasabi sa kanyang nasa third floor ito.

Naglalakad pa lamang siya patungong elevator, marami na ang napapatingin. Marahil ay bago ang mukha niya sa lugar. Nang makalabas siya ay halos ang lahat ng taong naroon sa palapag at per cubicles ay napapatanaw at tingin sa kanya.

Nailang na siya dahil tila sinusuri siya ng mga ito, pasimple niyang inayos ang chiffon polo blouse niya at hinawi ang buhok dahil baka nagulo.

"Siya ba yun?"

"Oo yata?"

"Talaga palang maganda noh?"

Hindi siya sigurado kung siya ang sinasabihan pero binalewala na lamang niya.

Nang makita na niya si Matt sa table nito, kaagad niya iyon nilapitan na.

"Hi Matt."

"Uy Miss Evie!" tila hindi nito inaasahan na makita siya. "Ahm, nasaan si Miss Fe?"

"May client pa daw siya eh, kaya ako nautusan niyang magbigay nito." pag-abot na niya ng folder pero hindi tinanggap pa ni Matt.

Hindi naman masidlan ang ngiti ni Matt dahil hindi nito inaasahan si Evie ang darating sa opisina kaya tila natataranta siya.

"Ahm, kay Sir Silver po kasi yan. Ikaw na lang mag-abot sa kanya personally. Palabas na yun ng conference room, kausap lang mga engineers." pagngisi pa nito.

Hindi naman maipinta ang pagkabigla ni Evie dahil tila wala na siyang pagpipilian, narito na siya at hindi na pwedeng umatras.

"Ahm, pwede bang iwan ko na lang? Kasi kailangan ko pang bumalik ng office eh." she nervously lied.

"Saglit na lang! Palabas na yun si Sir." tila nagmamadali itong tumayo at biglang umalis.

Hindi naman na nakaimik si Evie at napabagsak balikat na lang dahil kailangan nga niyang intayin si Silver muna.

Ilang sandali pa ay nagmamadali ring bumalik si Matt sa kanya na tila natataranta at medyo maligalig.

"Ah, tara Miss Evie, doon na lang daw po kayo sa office ni --"

"Ay hindi na! Dito na lang ako magiintay kasi kailangan ko ring --"

"Sige na po Miss Evie. Baka masisante ako kapag -- kapag hindi mo inintay si Sir eh." napapakamot pa ito ng ulo niya at hindi naman mabasa ni Evie kung seryoso ba ito o hindi.

Sumunod na lamang si Evie kay Matt at hinaya siya nito patungo sa pinakadulong pinto ng palapag.

"Dito niyo na lang po intayin ni boss." pagbubukas niya ng pintuan ng silid.

Dahan-dahan naman pumasok si Evie at tila sinusuri ang silid na opisina ni Silver. Malaki rin ito ngunit hindi kasing laki ng opisina ni Benjamin dahil walang sofa set. Parang tanging personal space lang ang mayroon ito sa loob. Gray black ang the usual na makikitang motif, metallic silver naman ang the usual displays lalo na ang world map na nasa likuran na gawa sa metal plate.

Simple lang kung titingnan ngunit ang nakapagpatigil sa kinakatayuan ni Evie ng makita na niya ang nasa 8R size picture frame na nasa ibabaw ng gawing kanang cabinet kasama ng ibang metallic figurines.

Napalapit siya roon at nanlalaki na lamang ang mga mata niya sa nakitang litratong naroon.

Picture nila ni Silver noong nasa year-end party ng kompanya niya. Ito yung kuha kung saan nasa photo booth sila. Yung nakatingin siya sa camera habang nakatingin naman sa kanya si Silver.

Kinuha niya ang frame at pinagkatitigan ito.

"No way.."

Tila napapaisip siya kung may iba na bang nakakita nito, kung kailan pa ito narito at papaano nakakuha si Silver ng kopya nito.

Saka niya napagtanto na marahil marami na rin ang nakakita nito, lahat ng pumapasok sa opisina na ito ay mapapansin kaagad ito. Hindi niya maiwasang isipin na kaya siguro pinagtitinginan siya kanina ng mga empleyado nito dahil baka nakita na ng mga ito ang naka-display na picture nila.

Nanlalamig siya at kinikilabutan sa hiya, gusto niyang komprontahin si Silver dahil nakakaramdam na siya ng sobrang hiya.

Gusto niyang itago o itapon ito ngunit paniguradong makakahanap pa rin ng paraan si Silver na maibalik ito roon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status