Ang haba, hehehe. Malaki siguro ang coins. Anyway, thank you, guys, sa pag-aabang. Sana 'wag kayong magsawa. Sa hindi pa nakakabasa ng SOLDIER'S FIRST LOVE at DESIRE OF A CEO, basahin niyo na. Parents ni King at Ayeisha po 'yan. Completed na rin po. -BOSZBROKEN
AYEISHA NAPANGITI ako nang makita ang mga tsikinini ko sa leeg. Grabe pala kung makabakod si King, as if naman may aangkin pa sa akin na iba. Si King lang ang tanging pinayagan ko. Hindi ko pa naramdaman sa iba ang gano’ng pakiramdam. Pero saglit akong natigilan nang maalala ang mga maiinit naming tagpo sa Caramoan. Isa ‘yon sa hindi ko makakalimutan talaga, ang saya-saya kasi ng puso ko, lalo na kapag kasama si King. Nalungkot din ako bigla. Pero may nakaraan pa pala ako. Hindi ko dapat maramdaman iyon. Wala pa akong maalala. Palaisipan sa akin ang lalaking nanakit sa akin. Mukhang kailangan ko nang balikan ang lahat bago kami magkita ni King. Ayoko ng may tinatago sa kan’ya. Baka maging dahilan pa ng hindi namin pagkasunduan. Napahawak ako sa baba ko mayamaya. Wala akong suot na underwear pa dahil kakaligo ko lang, at bathrobe lang ang suot ko, at kararating ko lang sa bahay namin. “Anong nangyari sa ‘yo, anak? Bakit ka may gan’yan?” Bigla kong naitago nang marinig ang boses n
AYEISHA“H-hi,” ani ko kay Ytan at itinabi ang kobyertos. Nakasunod siya ng tingin at sa paraan nang paglapag ko kaya napalabi ako.Galing si Ytan sa mayamang pamilya kaya malamang, alam niya ang proper etiquette. Tinatapos ko na ang pagkain ko dahil baka makita niya ang mga galaw ko kapag nasa ganitong klaseng kainan. Saka baka magtanong siya sa akin bakit ako lang kumakain dito tapos magarang kainan pa. Kasambahay ni King tapos kumakain sa mamahaling restaurant? “Are you alone?”Napatango ako sa tanong niya. Wala naman kasi akong kasama kaya hindi ako p’wedeng magsinungaling.Tumingin ulit si Ytan sa kinakain ko.“Bakit mag-isa ka lang?” Naupo na siya sa harapan ko.“A-actually, nagpa-reserve ang kaibigan ko dito dahil may pag-uusapan kami, kaso hindi siya natuloy dahil biglang na-busy.”“Oh. Okay.” Ngumiti siya kaya ngumiti na lang din ako.“K-kumusta na pala?” ani ko.“I’m good. Ikaw?” Natigilan siya mayamaya at parang may naalala. “Hindi mo na pala ako binalikan.”Ay, oo nga pal
AYEISHA “WALA po bang iniwan si Mommy?” tanong ko sa kasambahay nang mababaan ko. Hindi man lang nagsabi si Mommy na aalis kasama si Daddy. Hindi pa niya naibigay ang susi ng silid na gusto kong buksan. “Wala po, ma’am. Sa susunod pa naman na araw pa ang balik nila ng Daddy mo.” “Sh*t!” ani ko. “Paano ko kaya mabubuksan ang silid na ‘yon?” tanong ko sa kasambahay namin, as if naman may alam siya kung paano. “Kung mahalaga po ang kukunin niyo doon, siraan niyo na lang po ang door knob,” suhestiyon niya. “May pamapaayos naman po kayo,” ani ng kasambahay namin sabay ngiti. Napaisip ako bigla. “Kapag ba sinira ko, maibabalik kaagad?” “Tanong ko muna kila Neil, ma’am, kung kaya nila. Pero may nabibili naman po kung sakaling papalitan. Ang problema lang, baka magalit ang Mommy mo.” “Tatawagan ko po siya ngayon. Pakitanong na lang muna sila Neil.” “Sige, ma’am.” Tumalikod siya sa akin mayamaya. Narinig ko rin ang pagtawag niya sa isa naming tauhan sa bahay. Pumasok ako sa silid k
AYEISHA PAPUNGAS-PUNGAS na tinungo ko ang pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Bahagyang nagising si Halina, pero alam kong babalik pa ‘yon sa tulog dahil maaga pa. Late din na nakatulog ‘yon kakalaro sa kan’yang tablet na regalo sa kan’ya nila Mommy. Sapo ko pa ang mata ko nang magbukas ng pintuan. Kaagad kong ibinaba ang kamay ko nang mapagsino ang nasa harap ng aming pintuan. “K-King,” anas ko nang bigla niyang hapitin ang aking beywang sabay yakap nang mahigpit sa akin. “I missed you, labs.” “A-ang aga mo naman yatang bumalik.” “Actually, right after kitang tawagan nagpahatid kaagad ako dito.” “Ano? Eh, si Kalei, inistorbo mo para lang makauwi kaagad dito?” “‘Yan ka na naman, labs. Si Kalei na naman iniisip mo. Eh, ako ba?” Akmang hahalikan niya ako nang iiwas ko ang aking mukha. Bumitaw ako sa ako sa kan’ya dahil baka may makakita sa amin. “Ang tanda mo na para alalahanin. Nasaan nga si Kalei?” “Ouch. Nasasaktan ako, labs.” “OA mo na, King.” Tumawa lang siya
KING KAKABABA ko lang ng telepono ko nang marinig ang katok sa pintuan ng aking opisina. Alam kong si Asha na iyon. Sinadya kong magpahatid dito sa kan’ya ng pagkain para mabantayan ko siya. Ayaw niyang magpadala sa ospital kaya mas mabuting dito ko na lang siya i-monitor. Kinabahan kasi nang makita ko siyang gano’n kagabi. Hindi ko na nga siya pinapasok pero siya lang itong makulit. Kaya heto, i-corner ko siya sa opisina para hindi na siya maka-kontra. Naibilin ko na ang mga bata kanina kila Nenita. Saka may chopper dito incase na may mangyari sa kan’ya. Nasabi sa akin ni Nenita na minsan, nahuhuli niyang nakatingin sa kawalan ang dalaga. Mukhang may bumabagabag sa kan’ya pero ayaw niyang sabihin. “Hi, labs.” Mabilis kong pinadapo ang labi ko sa kan’ya na ikinabigla niya. Muntik na din niyang mabitawan ang pagkaing dala niya. “Lagi mo na lang akong binibigla, King.” Tinampal pa niya ang aking braso na ikinangiti ko lang. “Sorry na agad. Lagi kasing nag-aanyaya ang labi mo kaya ga
AYEISHA “A-anong ibig mong sabihin, Asha?” “Malaking parte ng alaala ko ang nawawala. Anim na taon na akong ganito. Tanging magulang ko lang ang nakikilala ko.” “K-kaya ba sumasakit ang ulo mo kagabi?” “Oo, King. Sa totoo lang, napapadalas siya.” Tumitig siya kapagkuwan. “So, hindi ka sigurado kung single ka?” Hindi maalis ang kunot sa noo niya kaya napalunok ako. “Sabi naman ng magulang ko, nabigo daw ako. Pero hindi ko alam kung kami pa bago ang aksidente. Iniisip ko rin na baka kasal ako. Pero parang hindi din, ang apelyido ko ay ‘yon pa rin.” “A-Alcaraz?” tanong niya na ikinatango ko. Hindi ko p’wedeng sabihin ang totoong pangalan ko. Hindi pa nga kami nag-uusap ni Bem. Tikom rin si Benrick nang tanungin ko kung sino ang lalaking nanakit sa akin. Malamang, ayaw niya akong masaktan kaya tikom siya. Tinampal ko ang sarili ko. Pero malakas ang kutob ko na si King na nga ang lalaking iyon. Pero magkakaiba ng bersyon. Si Ayeisha lang talaga ang makakapagsabi nang totoo. “Sino
AYEISHA NAGTAAS ako nang tingin kay Bembem. “Ano bang meron kay King at baliw na baliw ako sa kan’ya?” ani ko sabay sapo ng mukha gamit ang dalawang kamay.“Hindi ko alam kung anong nakita mo sa kan’ya maliban sa guwapong mukha, girl. Kahit ako, ‘yon din una ko nakita sa kan’ya. Pero isa lang ang alam ko, puso natin ang nagdidikta sa ‘tin kung sino ang mamahalin. At hindi kayang gawin ng isip ang pumili, mas lalong hindi kayang pigilan. Masasaktan tayo lalo, doble pa sa nararamdaman natin kung susuwayin natin ang puso natin. At sa ‘yo? Sinunod mo lang ang nais ng puso mo.”Tumayo ako at nagpabalik-balik sa harap niya pagkuwa’y tumingin ulit ako sa kan’ya.“Alam mo ba kung sino ang nobyo ko ngayon?” Natawa pa ako nang pagak.Napaayos nang upo si Bembem pero bahagyang kumunot ang noo niya. “May nobyo ka ngayon?”“Meron.” Napabuga pa ako ng hangin sabay hilot ng sintido. “Sino?”“King Hernandez.”Literal na nanlaki ang mata ni Bembem sa sinabi ko. “Oh my G! Nagbibiro ka lang, girl. Ri
AYEISHA NAG-ANGAT ako nang tingin kay King nang mapansing hindi na siya nagsalita. Kakatapos lang niya akong angkinin. Mas lalo tuloy akong nakaramdam nang pagod. Pati antok ay kumakaway na rin. “King, si Halina at Kalein, hindi ko na mapuntahan sa sobrang pagod,” anas ko. “Okay. Matulog ka na.” Hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti ako bago pumikit. Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay at nagmula iyon sa labas ng silid ni King. “Daddy! Open the door!” “Tito King! Wala po ba kaming school?” Napabalikwas ako nang bangon at tumingin kay King na tulog. “King! Ang mga bata… H-hindi nakapasok,” ani ko. “Oh, God, labs. Okay lang umabsent kahit isang beses lang. Matulog muna tayo.” Kinabig niya ako pahiga pero nagpumilit ako bumangon. “Ano ka ba! Nasa labas sila kumakatok.” “Oh, fvck!” Napailitan siyang naupo. Tumitig siya sa akin kapagkuwan. “Morning, labs. Hindi ka ba magbibihis? Makikita ka nila dito.” Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko. “Oo nga pala. Wait, sa banyo mu