Share

Chapter 29

Nagising si Jazz na magaan ang kanyang pakiramdam dahil kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman niya nang malaman niyang umuwi pa rin sa kanya ang kanyang anak sa kabila ng lahat.

Alam niyang naguguluhan pa rin ito sa totoo lang at hindi pa rin ito makapaniwala. Alam din nitong napakarami nitong tanong sa isip nito. Siguro ay naiisip na nito ang dahilan kung bakit ayaw niya itong pauwiin ng Pilipinas.

Kahit bata pa ito ay malawak na ang isip nito kaya alam niyang kahit bata pa ito ay marami na itong tanong sa kanyang isip.

Bumangon na siya mula sa kanyang kama at dumiretso sa banyo.

Pagkalabas niya nga ng banyo ay dumiretso naman siya sa pinto kung saan papunta sa veranda na nasa kanyang silid. Pagkabukas niya ng salaming pinti ay sinalubong kaagad siya ng preskong hangin.

Napapikit siya. Ilang taon na rin ang lumipas nang huli niyang maranasan ang ganito. Ang tumanaw sa papasikat na araw tuwing umaga habang nagkakape, isang dekada na.

Nailibot niya ang kanyang tingin sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status