Share

Chapter 31

Katulad nga ng sabi niya kay Vin ay inihatid niya ito. Ginamit nila ang isang kotse ni Vince na nakaparada lang doon. Mabuti na lamang at iniiwan nito ang susi kaya nagamit nila kahit wala ang pahintulot nito .

Mabuti na lamang at kahit papano ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang mga eskinita doon kaya natunton niya pa rin ang bahay na minsan ay naging tahanan niya rin.

Nang tumapat ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Axe Finn tahimik lang siya at iginilid ang sasakyan sa tabi. Wala siyang balak bumaba, ayaw niyang magka- engkwentro sila ni Axe Finn.

Ayaw niyang makipagsagutan sa harap ng anak niya mismo dahil alam niyang galit si Axe Finn sa kanya.

Sino ba naman ang hindi magagalit sa pagtatago niya ng kanyang anak mula rito. Kahit sino naman siguro ay magagalit siya kung siya ang nasa sitwasyon nito ngunit hindi rin siya nito masisisi dahil kasalanan naman nito kung bakit niya itinago rito ang kanilang anak.

Hinintay niya ang kanyang anak na bumaba at ibinaling na lamang sa kalsa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status