Share

Chapter 52

Shanra

Agad akong umupo sa tabi ni Doctor Nules na maluwag ang pagkakangiti sa akin. Pagkaupo ko ay umusog agad siya palapit sa akin. Pinigilan ko ang aking sarili na umusog naman palayo sa kanya.

"Natutuwa akong makilala ka, Tina. At katulad ko ay mahilig ka rin pala sa kulay white," nakangising kausap niya sa akin. "By the way, my real name is Doctor Eric Nules. Single and very much available," pakalala nito sa sarili pagkatapos ay inalis ang maskarang nakasuot sa mukha nito.

"Mas natutuwa akong makilala ka, Doctor Nules. Lalo na sa nalaman ko na single ka pala," sagot ko naman sa kanya. "Wapang malulungkot na asawa't mga anak sakaling mawala ka."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya sa akin ngunit hindi naman lumayo. Sa halip ay mas lalo pang niyang idinikit ang kanyang balat sa aking balat kaya para na kaming kambal na magkadikit ang mga katawan.

"Walang asawa at mga anak na malulungkot sakaling mawala ka sa kanila at mapunta ka sa akin," dugtong ko sa aking sinabi.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status