ShanraMahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela ng kotse ko habang sinusundan ko ang kotse ng lalaking matagal ko nang hinahanap. Sa pagkakataong ito ay hinding-hindi ko na siya hahayaan pang makaligtas mula sa aking mga kamay. Kailangan ko siyang makausap para malaman ko kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin ang aking pamilya.Nang huminto sa tapat ng isang bakeshop ang kotse ng lalaki ay huminto rin ako ilang metro ang layo mula sa kanya para hindi niya mahalata na sinusundan ko siya. Nakita kong lumabas siya at bumili ng tinapay pagkatapos ay muling pumasok sa kotse at agad na umalis. Patuloy ko siyang sinundan hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang lumang bahay na bungalow ang style. Nang lumabas siya sa kotse niya ay mabilis akong pumarada sa likuran ng kotse niya at nagmamadaling lumabas. Ngunit agad akong napansin ng lalaki kaya bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay bigla siyang tumakbo pabalik sa kanyang kotse at mabilis iyong pinaandar palayo sa akin. Agad
ShanraPagkatapos kausapin ni Craig ang mga pulis na humuli sa akin ay hinayaan na nila akong umuwi. Ngunit pinapangako nila ako na hindi ko na uulitin ang ginawa kong violation. Paano ko naman mauulit iyon gayong patay na ang taong hinahabol ko? Nangako sa mga pulis para pauwiin na nila ako dahil gusto ko nang magpahinga. Pakiramdam ko ay napagod ako sa ginawa kong pakikipaghabulan sa assassin na kasamang pumatay sa aking pamilya. Ngunit walang magandang nangyari ang aking pakikipaghabulan dahil nahuli pa tuloy ako ng mga pulis at namatay ang taong kailangan ko ng buhay. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam na tila pagod na pagod ang aking katawan. Dumaan sa matinding training ang katawan ko ngunit hindi naman ako nakaramdam ng ganitong pagod. Kaya sa habang nagbibiyahe kami gamit ang aking kotse ay hindi ko napigilan ang sarili ko na makatulog. Nagising na lamang ako nang inilapag niya ako sa ibabaw ng aking kama. Mabuti na lamang at may doorknob na ang aking pintuan at
ShanraBasang-basa ang damit ko at halos naliligo na ako sa pawis habang nakadapa sa lupa at hinihintay ang pagdaan ng sasakyan ng mga pulis kung saan nakasakay si Juni. Nakarating sa kaalaman ng BAS na hindi sa Munting Lupa ililipat ng kulungan si Juni kundi sa isang espesyal na kulungan sa may Batangas. Ginawa raw ang kulungan na iyon para sa mga miyembro ng BAS na mahuhuli ng mga pulis. Kumpleto raw ang facility ng kulungan na lilipatan ni Juni. Lahat ng klaseng pang-torture ay makikita raw doon. Hindi nakayang paaminin ng mga pulis si Juni kaya nagdesisyon na ang PNP na dalhin na sa espesyal na kulungang iyon si Juni. Ang spy ni Ninong sa loob ng PNP ang nag-tip din na ngayong araw ililipat si Juni.Kinarkulo ni Ninong ang oras ng pagdaan ng sasakyang kinalululanan ni Juni sa lugar kung saan namin haharangin ang sasakyan para makuha ito. Ito ang pinag-meetingan namin nang ipatawag niya ako.Mayamaya lamang ay daraan na ang sasakyan kung saan kami nagtatago. Mapuno ang kaliwang bah
ShanraKatulad ng hula ko ay nagwala nga ang ama ni Juni matapos nitong malaman na namatay ang anak nito habang inililigtas namin. Lahat kami ay pinagmumura nang ipatawag kaming lahat na kasama sa rescue operation."Ang dami ninyo na mga skilled assassin pero hindi ninyo nagawang mailigtas ang aking anak! Mga inutil! Mga walang silbi!" galit na galit na sigaw sa amin ng ama ni Juni na si William Jung. Isa itong businessman na half-Korean-half-Filipino.Isa sa mga matataas na miyembro ng BAS si Mr. Jung at sa unang pagkakataon ay nagpakita siya sa amin ng kanyang mukha. Sa limang matataas na members ng BAS ay tanging si Ninong lamang ang kilala namin ng personal ngunit hindi na ngayon. Dahil sa sobrang galit ni Mr. William Jung sa failed mission namin na mailigtas ng buhay ang anak nito ay hindi na nito inalintana na malaman namin ang kanyang identity."Sir, nailigtas na namin si Juni at paalis na sana kami ngunit hindi namin napansin na may isa pa palang pulis na hindi tuluyang namata
ShanraPagkatapos ng nangyaring meeting namin sa opisina ni Ninong ay hindi na muna ako nagpunta sa BAS headquarters. Balak kong bisitahin si Mr. Jung ngunit hindi ko muna itinuloy ang aking plano. Tiyak na nakahanda ito ngayon dahil iisipin nito na agad ko siyang pupuntahan para muling tanungin tungkol sa nangyari 6 years ago. Ngunit hahayaan ko munang ibaba niya ang depensa niya laban sa akin. Gusto kong isipin muna niya na natatakot akong puntahan siya sa bahay niya dahil maraming mga tauhan niya ang nagkalat sa loob at labas ng bahay niya. Uunahin ko na muna ang dalawang tao na kailangan pang magbayad sa akin. Sina Doctor Carla Guinto at Roberto Soriano.Gaya ng nakagawian ko kapag may taong iaassassinate ako ay overall na damit na kulay black at bonnet ang suot ko ngayon. Ngayong gabi ko papasukin ang bahay ng babae para maningil. Siya muna ang uunahin ko kaysa kay Soriano dahil pahihirapan ko muna ito bago ko patayin.Wala pang alas siyete ng gabi ay umalis na ako sa bahay ko at
ShanraExcited ako habang inaayos ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Kaninang umaga ay tinawagan ako ni Craig at sinabihan na ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Hindi tuloy ako magkandatuto sa pag-aayos sa aking sarili. Gusto ko na maganda ako sa paningin ng mga magulang niya. Maganda at presentable. Ito ang impression na gusto kong iwan sa mga magulang niya. Kaya sinigurado ko ngayon na kahit simple ay presentable naman ang aking ayos.Isang plain pink sleeveless na bestidang medyo hapit sa aking katawan at abot hanggang sa aking tuhod ang haba ang napili kong isuot. Mabuti na lamang at binili ko ito noong huling beses na nagtungo ako sa mall. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko lamang na nakalugay at nilagyan ko lamang ng dalawang hair clip sa gilid ng aking ulo. Light make up naman ang inilagay ko sa mukha ko na bumagay sa suot kong dress. Matangkad na ako kaya tenernuhan ko lamang ng sandalas na one inch lamang ang taas. Kapag magsuot ako ng sandals na mataas ang
ShanraMag-isa lamang ako sa mesa na pinagdalhan sa akin ni Craig dahil nagpaalam siya sa akin na sasagutin lamang ang tawag sa kanyang cellphone. Kanina ay ipinakilala sa akin ng mommy ni Craig ang halos lahat ng mga bisita nito na dumalo sa party nito. May pagmamalaki ang boses ng mga magulang ni Craig habang ipinapakilala ako sa mga bisita at kamag-anak nitong dumalo. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil tanggap ako ng mga magulang ni Craig ngunit at the same time ay nag-aalala ako at natatakot na sa oras na matuklsan nila ang aking tunay na pagkatao ay magalit sila sa akin. Masaya na ako ngayon at gusto kong manatiling masaya. Ngunit kakalimutan ko na lang ba ang sinapit ng aking pamilya para lamang maging masaya ako sa piling ng lalaking minamahal ko? Kaya ko ba na maging makasarili?"Hi, Miss. Nag-iisa ka lang ba sa table mo? Puwede ba kitang samahan?" nakangiting tanong ng lalaking lumapit sa table ko kaya naputol ang malalim kong pag-iisip."N
Shanra Dinala ako ni Craig sa loob ng kanyang kuwarto at pinaupo sa gilid ng kama niya pagkatapos ay saglit na iniwan para kumuha ng pamalit kong damit sa kuwarto ng kanyang mommy. Pagbalik niya ay may dala na siyang dress na kulay puti na maganda ang tela. Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang damit at pagkatapos ay kumuha ng malinis na puting towel at tinulungan niya akong tuyuin ang aking buhok at mukha."Sorry. Dahil sa akin ay nasira ang birthday ng mommy mo," paumanhin ko sa kanya. Kung hindi lamang ako tinangkang itulak ng Veron na iyon ay hindi ko sana maiisip ang tricks na ito laban sa kanya. Kaso sumusobra na siya at kailangan na niyang turuan ng leksiyon."Wala kang kasalanan. Si Veron ang may kasalanan dahil ayaw ka niyang tigilan," kontra ni Craig sa aking sinabi habang patuloy na tinutuyo ang aking mukha."Kaso nalaglag ako sa tubig kaya mukha akong basang sisiw sa paningin ng mga magulang mo. Hindi na ako maganda sa paningin nila," nakasimangot ang mukha na sabi ko sa ka