Share

Chapter 59

Shanra

Excited ako habang inaayos ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Kaninang umaga ay tinawagan ako ni Craig at sinabihan na ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Hindi tuloy ako magkandatuto sa pag-aayos sa aking sarili. Gusto ko na maganda ako sa paningin ng mga magulang niya. Maganda at presentable. Ito ang impression na gusto kong iwan sa mga magulang niya. Kaya sinigurado ko ngayon na kahit simple ay presentable naman ang aking ayos.

Isang plain pink sleeveless na bestidang medyo hapit sa aking katawan at abot hanggang sa aking tuhod ang haba ang napili kong isuot. Mabuti na lamang at binili ko ito noong huling beses na nagtungo ako sa mall. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko lamang na nakalugay at nilagyan ko lamang ng dalawang hair clip sa gilid ng aking ulo. Light make up naman ang inilagay ko sa mukha ko na bumagay sa suot kong dress. Matangkad na ako kaya tenernuhan ko lamang ng sandalas na one inch lamang ang taas. Kapag magsuot ako ng sandals na mataas ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status