Share

Chapter 61

Shanra

Dinala ako ni Craig sa loob ng kanyang kuwarto at pinaupo sa gilid ng kama niya pagkatapos ay saglit na iniwan para kumuha ng pamalit kong damit sa kuwarto ng kanyang mommy. Pagbalik niya ay may dala na siyang dress na kulay puti na maganda ang tela. Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang damit at pagkatapos ay kumuha ng malinis na puting towel at tinulungan niya akong tuyuin ang aking buhok at mukha.

"Sorry. Dahil sa akin ay nasira ang birthday ng mommy mo," paumanhin ko sa kanya. Kung hindi lamang ako tinangkang itulak ng Veron na iyon ay hindi ko sana maiisip ang tricks na ito laban sa kanya. Kaso sumusobra na siya at kailangan na niyang turuan ng leksiyon.

"Wala kang kasalanan. Si Veron ang may kasalanan dahil ayaw ka niyang tigilan," kontra ni Craig sa aking sinabi habang patuloy na tinutuyo ang aking mukha.

"Kaso nalaglag ako sa tubig kaya mukha akong basang sisiw sa paningin ng mga magulang mo. Hindi na ako maganda sa paningin nila," nakasimangot ang mukha na sabi ko sa ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status