Share

XVII. Let's Enjoy The Beach

Natatawa na lamang si Max sa dalawa.

“She’s cool,” lumapit sa kanya si Elise.

“Yeah, she makes him laugh.”

“You knew her?”

“Just an acquaintance, I knew his ex-boyfriend.  Why all the questions Elise?” tanong ni Max with a mischievous smile.

“Nothing!  I’m just curious, they looked good together.  Do you honestly believe na wala talagang namamagitan sa kanila?”  curious na saad ni Elise.  She was itching to know because if this girl was the one who could break Marsden’s wall then she wanted to make sure she was worth it.

Max thought of the picture and mysteriously said.  “I don’t know but it’s for them to find out and for us to wait patiently dear,”  sabay tapik sa pisngi ni Elise at tuluyan ng umalis para magpahinga sa sarili niyang kwarto…he was also travel weary.   Max knew Trisha had already cracked the outer shell Marsden had built to protect himself from the hurt again.  Hopefully though he is not mistaken in his assessment of her character.

★★★

Dalawang oras ding namahinga si Trisha.  Ala-una nang tingnan niya ang kanyang wrist watch at nagsimula ng magbihis panligo.  Excited siya dahil kanina pa niya gustong yakapin ang napakaasul na dagat na kanina ay pinagmamasdan niya sa terrace.  She didn’t want to admit but she actually missed this kind of place, this kind of life na walang ibang iniisip kundi ang mag-enjoy kasama ang pamilya.  Noong buhay pa ang kanyang mga magulang, kapag vacation pumupunta rin sila sa kanilang rest house in Cavite.   She enjoyed every moment of it.  ‘Yon lang kasi ang mga panahon na hindi nag-aaway ang kanyang parents, ‘yong mga araw na silang magkapatid ang focus ng mga ito at hindi ang trabaho o mga amiga, kumpare, kumare.  But reality always strike her and insisted that those moments could never be repeated dahil ngayon hindi na siya mayaman at wala na rin ang parents niya.  These moments with Marsden, with all the luxuries a rich man can offer are all fleeting times time.   It is so good sometimes to feel the relaxation, without worries, free from work, free from heartbreaks and she wanted to enjoy the most of it.

“Oh my! Chloe!” inis na sigaw ni Trisha at itinapon ang maliit na navy blue bikini sa kama.  Kinuha niya ang isa pang bikini na nasa kanyang bag, she was relieved nang makita ang light pink na tela dahil sigurado siyang sa kanya ito.  Ngunit nang makita niya ang disenyo nito sigurado siyang hindi ito sa kanya dahil napakasexy nito.  Napaupo si Trisha sa kama.  “Bakit ko ba kasi hinayaan ang bestfriend kong mamili?  Sabi ko na nga ba eh.  Chlo talaga.” 

Kagabi dahil may unplanned overtime sila nagpresenta si Chloe na siya na ang mage-empake ng kanyang overnight bag dahil wala naman itong gagawin pagkatapos nito sa trabaho kaya pumayag siya.  Mayroon naman siyang mga bikini na once or twice lang niyang nasuot at inasahan niyang ito ang pipiliin ng kaibigan.  Modest ang mga bikini niya, fully covered talaga ang kanyang mga dibdib hindi tulad ng mga inempake nito na tiyak na binili nito ng mabilisan.  Well, reliable rin naman ang judgment ng kaibigan in terms of fashion dahil nagtatrabaho ito sa isang fashion company but she really can’t wear it.  Palagi siyang sinasabihan ng kaibigan that her body was made for sin at ayaw niyang ito ang maging impression ng mga kaibigan ni  Marsden.

She breathe and took the navy blue bikini.   “I don’t have any choice,” bulong niya sa sarili.  Pagkatapos itong isuot ay tinignan niya ang sarili sa half body mirror na nasa loob ng CR.  “Well…not bad,  kaya lang napakaprovocative naman nito, sabihin pa lang seductress ako,” bulong niya sa sarili habang itinatali ang strap nito sa leeg.  “Oh my, kakahiya naman nito.” 

Dati naman no’ng mayaman pa sila nagbibikini na siya kapag naliligo sila ng beach pero hindi siya naiilang dahil bata pa ang kanyang isipan at tsaka pamilya at kaibigan ang kasama niya.  Kung tutuusin dapat mas confident siya ngayon dahil sa magandang kurbang nakuha niya sa pagtatrabaho sa mga fast food chains at reastaurants no’ng nag-aaral pa siya.  Pasalamat rin siya na kahit dumaan sa hirap at puno ng trabaho ay namaintain niya ang flawless at makinis niyang kutis.  Ito ang palaging pinapaalala sa kanya ng mommy niya noon, ang alagaan ang kanyang kutis tulad ng kanyang mommy.  Dati kasi itong model.

Mabuti na lamang at nakatago ang maliit ngunit napakaitim na nunal sa gitna ng kanyang dibdib.  Mapapansin talaga ito at ayaw niyang matuon ang paningin ng mga kaibigan ni Marsden sa kanyang dibdib lalo na ang mga lalaki.

She took a deep breath, lumabas ng CR at kinuha ang cover up minidress sa kanyang bag.  V-neck ito at beige ang color.  Pagkatapos itali ang buhok in a loose ponytail, naglagay siya ng sun screen all over her body and wore the dress.  She also put a light face powder sa kanyang mukha at manipis na pink lipstick sa kanyang mga labi.  Nang matapos ay sakto namang may kumatok sa pinto.

Nang buksan niya ito ay nakita niya ang gwapong kaibigan.  Nakasuot ito ng puting tshirt showing the wide span of his shoulders and the hardness of his chest.  His lean and very masculine.  Nagtataka si Trisha dahil sa mga nagdaang araw masyado niyang napapansin ang manly factors ni Marsden which she always tried to suppress.  Siguro masyado lang kaming nagiging close, that’s why. Nasabi niya sa sarili.

“Hey!” bati niya dito.  Nananalangin siya na sana hindi nito napansin ang pagsuri niya sa magandang katawan nito.

Marsden cleared his throat after a while.   “Hi! Ready?”

“Yup! Teka lang.”  Dali-dali niyang kinuha ang sling bag.  She was blushing at napakabilis din ng tibok ng kanyang puso especially nang makita niyang napatitig ito sa kanya kanina.  As if he was momentarily stunned by her beauty.  Ridiculous!  Trisha silently laughed at herself. 

Hindi alam ni Marsden kung paano pipigilan ang atraksyon para sa kaibigan.  These passed days everytime he saw her, all he wanted to do was to kiss her lips and feel those curves that called him to sin.    Nagtatalo ang kanyang katawan at isipan dahil alam niyang mali.  Hindi si Trisha ‘yong tipo ng babaeng for dating and playing only.  She was the kind of woman who is worth marrying but Marsden is the kind of man who avoided women like her.  For him, she is one of the best friends a lucky man can have at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa tawag ng kanyang katawan so he resolved to suppress the urge.

Ngunit nang buksan nito ang pinto and discreetly checked him out. God!  He wanted to pushed her inside and show her how much it affected him.   Pero bago pa man niya gawin ang nasa isip, his rational thought ruled so he cleared his constricting throat and calmed himself. 

This is bad! Nasabi ni Marsden sa sarili.  He like the way they are right now.  Magkaibigan sila at komportable sa isat-isa.

“So, are you enjoying somehow?”  tanong niya dito nang buksan ang pinto sa entrance.

“Siyempre naman, you’re friends are nice,” anitong nakangiti.

May sasabihin pa sana siya nang lumapit si Max.

“Wow Trish…you’re so se—” hindi nito natapos ang sasabihin dahil tinapik niya ito ng malakas sa balikat.

“Easy man,” reklamo nito.  “Wow Trish, you’re so–pretty!” saad nito.

Nginitian lamang ito ni Trisha at nagpatuloy na sila sa pagbaba sa dalampasigan papunta sa nakadaong na yate.

“I’m going to show you the best place to enjoy swimming,” aniya kay Trisha.

“I’m getting excited,” saad naman ni Max na nauna nang sumampa sa yate.

Nakasakay na ang lahat at kanya kanyang pumwesto sa lower deck samantalang si Trisha naman ay hinila ni Marsden paakyat sa upper deck kung nasaan ang captain.

Lumapit si Trisha sa railings and enjoyed the strong wind.  It felt so good at pinapasalamatan niya si Marsden sa pag-aasikaso sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata.  “Aawit na ba ako ng My Heart Will Go On?,” natatawa niyang turan.

Marsden laughed at itataas sana ang dalawa niyang braso upang itulad kay Rose sa Titanic nang natatawa niya itong kurutin sa tagiliran.

They were laughing when she saw Rheanne who looked so beautiful in a black and white butterfly maxi dress and the cute Myrtelle wearing bikini and a white cover up watching them.  Nginitian niya ang mga ito but they just snobbed her at nagpatuloy na sa pagtanaw sa dagat.  With a girl’s intinct,  alam ni Trisha na ayaw sa kanya ng dalawa.  Kahit kanina ng ipakilala siya ni Marsden sa mga ito, iba ang tingin ng dalawa sa kanya. Pero hindi niya ito gaanong pinansin dahil para sa kanya ang importante Marsden already breach the initial awkwardness with his friends at masaya siya para dito.

Kalaunan tumigil ang yate at namangha si Trisha sa  maliliit na isla ng puting dalampasigan sa gitna ng napakalawak na dagat.  Makikita pa rin ang Rest House sa di kalayuan.

Bumaba na silang lahat sa tubig kung saan lamang maaring pumwesto ang yate at tumungo sa mababaw na parte at  di alintana ang basang damit at sikat ng araw.  

Nang makarating sa pinakamalaking isla agad nagtanggal ng damit ang mga ito at ang iba ay masayang tumakbo papunta sa dagat.

Nakangiti si Marsden sa kanya.  “Com’on let’s enjoy the beach,” paanyaya nito sa kanya.

Trisha also felt the enjoyment nang makitang masayang naghahabulan sina Max at Myrtelle kaya naman agad niyang hinubad ang kanyang cover up over her head exposing her sexy bikini at tinapon sa buhangin kung nasaan ang T-shirt ni Marsden.  Agad siyang tumakbo papunta sa dagat at lumangoy sa napakalamig na tubig.  She was so embarassed nang marealized na napatingin sa kanya sina Dave, Max and even Suzette and Elise when she took off her dress kaya naman agad siyang nagtago sa tubig.  Ang mas nakakahiya pa  ay ang naisip niyang magiging reaksyon ni Marsden but as she looked at him before she ran off, he haven’t even looked at her and it somehow hurt her a little and the most embarassing part was she wanted him to appreciate her sexy look.

Habang lumilipas ang oras mas naeenjoy ni Trisha ang pagswimming especially ng isali siya nina Elise and Suzette sa laro ng mga ito na patagalan umahon.  Natawa siya dahil para itong mga bata.  Si Elise ang palaging natatalo at si Suzette naman ang palaging nananalo.

“Ang daya mo Sue,” reklamo ni Elise.

“Anong madaya, sanay lang kasi ako.  Ikaw ba naman ang piliting isuot ang napakaliit na mga damit halos araw-araw,” nangingiti naman nitong saad.

“Sige na nga ikaw na lang Trish,” sabay kuha sa kamay niya.

“Talo ka rin kaya sa kanya,” ani Suzette.

“Kailangan ko bang magpatalo El, just say the word,” sabay kindat niya dito.

“Oh I like you sister,”  nakangiting saad nito sabay yakap sa braso niya.

Natawa silang tatlo habang ang mga lalaki naman ay nakita nilang naglalaro ng habulan sa tubig samantalang sina Myrtelle at Rheanne naman ay nagsa-sun bathing at nag-uusap na nakahiga sa dalampasigan with their shades on.

“So how did you met Mars?” tanong sa kanya ni Suzette.

“Magkapitbahay kami in our elementary days.  We’re actually friends back then but we just saw each other again last month.  Well, after seventeen years of not knowing if we’re still alive,” pabiro niya.

“Wow!  So it’s like fate had brought you back together,”  saad ni Elise excitingly.

Ngumiti lamang si Trisha dito dahil hindi naman talaga niya alam kung maniniwala ba siya sa fate.  But if fate had a hand in putting them together what other surprises it has in store for them both?

“Well, I for once never believed in fate.  We made our own choices in life.  Every decision has its own consequence,”  seryosong saad ni Suzette.

“Yes! But they met without making a choice.  They we’re both so far apart then suddenly met.  How can you explain that?” Elise arguably said to Suzette.

“Perhaps it’s just a small world?” presenta niya dito pero hindi na nakikinig ang dalawa dahil busy ang mga ito sa pagpoint out ng mga opinion.  Nangingiti na lamang siyang nakikinig sa mga ito.

“JESUS!”  bulalas niya nang may maramdaman sa kanyang paa.  Kinilabutan siya bago pa man niya marinig ang halakhak ni Marsden sa kanyang likuran.

“Sira ka talaga.”   Trisha splashed water rapidly in Marsden’s face.

Natatawa lang ito habang iniiwas ang mukha sa tubig na tumatama sa dibdib nito.

“Akala ko ahas,”  naiinis na natatawa niyang saad dito.

“Sabihin mo akala mo pating noh?” panunukso nito.

“Hindi ah!  Dito may pating?Posh! Nakakatawa,”  aniya na nakangiti at pilit pinipigilan ang imahinasyon dahil nagkakaroon na siya ng goosebumps as she looked at the wide open sea.

“Ahhhhh!” sabay yakap kay Marsden ng napakahigpit nang may biglang humawak sa balikat niya  and later realized na si Max lang pala nang marinig niya ang napakalakas na tawa nito.

Tawang-tawa si Elise, Sue, Max at lalo na ang kaibigang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang baywang nang dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sa leeg nito.  She can feel his laughter in her chest and lightly punched his shoulder to cover up the sensation.

“You’ll gonna pay for it,” she playfully said to Marsden.  Lumapit siya kina Elise and whispered.  “So, how will I make him pay?”

“You’re dead man,” nangingiting saad ni Max kay Marsden nang nagtawanan ang mga babae habang nag-uusap ng pabulong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status