“WITH Beckett Clainfer po?” pag-uulit ni Joan. Napakurap pa ito nang ilang beses dahil sa gulat. “Pina-block n’yo po ang pangalan niya sa newsletters kanina, at nagawa ko na po iyon. Bakit nagpapa-schedule ka ng appointment sa kan’ya ngayon?” “At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan kuwestiyunin lahat ng ipagagawa at gagawin ko?” tanong ni Vivianne sa kan’ya pabalik, may bahid ng inis ang tono ng boses nito. “Hindi porket ikaw ang paboritong tauhan ni Alfred ay gagan’yan ka sa akin. Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang anak niya—Ang tagapagmana ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Natahimik naman si Joan doon. Nakaramdam siya ng inis sa pananalita ni Vivianne, pero tama naman ito. Kahit ano’ng gawin niya ay mananatili lang siyang tauhan. “Pasensiya na po, Ma’am Vivianne,” paghingi na lang niya ng paumanhin. Umirap si Vivianne at umismid. Hindi man siya nakikita ni Joan ay alam niyang iyon ang ginawa ng amo. “Do it as soon as possible. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling
SAMANTALA, pumunta na si Vivianne sa Allamino Mansion. Pagpasok niya pa lang sa sala ay nandoon na si Alfred sa sofa, nagbabasa ng diyaryo at tila hinihintay ang pagdating niya. “Alam mong darating ako, ano? Ang bruhang Joan na naman ba ang nagbalita sa ‘yo?” ani Vivianne bago umupo sa couch katapat ni Alfred. “Mas maayos siyang kausap kaysa sa’yo, kaya huwag mo siyang pagsalitaan nang gan’yan,” sita naman sa kan’ya ng ama. “Kung siya lang sana ang naging anak ko, hindi na magiging ganito kahirap sa akin ang lahat,” dagdag pa nito. Umismid si Vivianne at umirap. “E’di ibigay mo sa kan’ya ‘yong kumpanya at ang mafia. Akala mo ba ay maghahabol ako rito sa yaman mong nakuha naman sa kasamaan?” “Yamang nakuha ko sa kasamaan pero ginagamit mo rin at ng nanay mo, Vivianne,” sagot ni Alfred. Malalim at nakatatakot ang tono ng boses nito. “Kung wala itong pera ko ngayon, akala mo ba ay mapagagamot mo si Ella? Kahit umiyak ka ng dugo ay hindi mo kakayaning makuha ang halaga para mapanatilin
THERE’S no use crying over spilled milk.Iyan na lang ang paulit-ulit itinatatak ni Vivianne sa isip habang pilit ginagawan ng paraan ang problemang kinahaharap. The situation is not getting any better. Hindi man lang sila ine-entertain ng client, at mas lalo lang dumadagdag ang disappointment ni Alfred sa kan’ya.Dinadagdan pa ito ng panggagatong ni Joan sa ama tungkol sa kakayahan ni Vivianne pamahalaan ang Mafia. Paulit-ulit itong pinakikiusapan si Alfred na baka kailangan nito ng makakatulong sa pamamahala, at alam naman ni Vivianne na ang sarili nito ang irerekomenda niya sa oras na pumayag ang ama.“No need. My daughter needs to handle this alone, or else, she will rely on someone kada mahihirapan siya sa mga problema. Mag-focus ka na lang sa trabaho mo, at sundin ang mga iuutos sa ‘yo ni Vivianne,” saad ng ama habang naglalakad ito at chine-check ang ibang operasyon sa loob ng warehouse.Napangisi si Vivianne na nasa likuran lang ng ama matapos marinig ang tinuran nito. Napatin
“MA’AM Fiona…” mahinang pagtawag ni Vivianne sa dating katrabaho.Hindi na niya alam ang sasabihin pagkatapos no’n. Kahit naman hindi nito sabihin, alam niyang ayaw ni Fiona sa kan’ya noon pa man. Siguro dahil alam nito kung ano ang gagawin niya… na sasaktan niya lang din si Beckett pagdating ng panahon.‘Kung galit man siya sa akin, wala naman akong magagawa roon,’ pakunsuwelo ni Vivianne sa sarili. Alam niya namang wala na siyang lugar dito sa Syneverse sa umpisa pa lang.Pero hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari. Mabilis na lumapis sa kan’ya si Fiona at niyakap siya nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya at hindi kaagad nakagalaw.“M-Ma’am Fiona?”“Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo ni Beckett, at ayoko rin naman siyang tanungin. Alam kong gusto niyang pinagdadaanan ang mga bagay-bagay nang mag-isa…” ani Fiona. May lungkot sa tono ng boses nito. “Pero alam mo ba kung gaano kapariwara ang buhay ni Beckett nang mawala ka?”Vivianne was not even surprised upon hea
TILA NAPASO ang buong katawan ni Vivianne sa tingin na ‘yon, pero kaagad niya ‘yon iwinaksi sa isip.“Alam mo kung bakit.” Umupo si Vivianne sa couch at nagdekuwatro. “You’re not usually like this. Artista ang clients mo madalas, pero hindi naman artista ang top client namin. Marami ka na rin namang client sa dami ng koneksyon mo, pero bakit kailangan mong kunin ang sa akin?”“It’s because business is business, Vivianne,” sagot ni Beckett bago tinapik ang lamesa gamit ang mga daliri niya. “Hindi ba at sa ‘yo ‘yon galing? Trabaho lang at walang personalan.”“Nagtatagalog ka na?” tanong ni Vivianne, tila gulat na gulat sa narinig. “Infairness, ha. Mas maganda ang accent mo ngayon kaysa noon.”“And I believe it is none of your business, Miss Allamino,” ani Beckett sa malamig na tono. “Anyway, I didn’t expect you to know that it was me who stole your client that fast. But I was more shocked, seeing that you know about my illegal business. You’re stalking me. You’re still into me.” Bigla
“OW. FUCK!” reklamo ni Beckett nang bigla na lang inuntog ni Vivianne ang noo sa lalaki. Napangiwi siya, at ganoon din si Vivianne. That move was really a double-edged sword, but it was effective. “Shit, are you okay—”“Huwag ka lalapit sa akin!” biglang sigaw ni Vivianne at inangat ang mahabang payong na nakita niya sa tabi ng couch, dahilan para hindi matapos ni Beckett ang sasabihin. “I swear, ihahampas ko ‘to sa ‘yo! Huwag mo isiping n-nagbibiro ako!”Pero imbes na matakot ay mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Beckett. Napatawa pa nga ito nang bahagya dahil sa ginawa ng dalaga. “Damn, baby. Mas lalo yata akong natu-turn on kapag nagagalit ka—”Itinaas ni Vivianne ang hawak na payong kasabay ng matalim nitong tingin. Napahalakhak na lang muli si Beckett bago itinaas din ang magkabilang kamay, tila sumusuko na. “Fine. I’ll shut up, baby.”“‘Yong client ko, Beckett,” ani Vivianne, muling ibinabalik ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito, at siguradong hindi ‘yon para tugunan
“MA,” pagtawag ni Vivianne sa ina na si Ella habang nakakunot ang noo. “Bakit po kayo nandito? Hindi ba dapat ay nagpapahinga kayo roon sa kuwarto?” aniya bago lumapit sa ina. Inalalayan niya ito. Baka kung mapaano ka.” “Nanghihina lang ako, anak, pero kinaya ko namang maglakad.” Ngumiti si Ella sa kan’ya bago itinuro ang pinto. “Tingnan mo, mula sa kuwarto ko ay nakapaglakad ako hanggang dito. Kahit papaano, g-gumaan ang pakiramdam ko…” Biglang nahirapang magsalita si Ella. Hindi na rin siya makahinga nang maayos. Matagal nang ganito ang pakiramdam niya at hindi niya rin alam kung bakit. Wala siyang ideya sa kung ano ang sakit niya. Siguro ay dahil ikinulong lang siya ni Alfred dito sa bahay kaya naman hindi na rin kinaya ng katawan niya. “Hay. ‘Yan ba ang gumagaan ang pakiramdam, ma? Halos pinagpapawisan na nga ang noo mo.” Napailing na lang si Vivianne. Inalalayan niya sang ina para umupo roon sa gilid. “Paano ka pala nakapunta rito, ma? Wala bang nagbabantay sa ‘yo roon sa kuwar
“ARE YOU sure?” Tumaas ang kilay ni Alfred. “Nakuha mo ang kliyente mula kay Beckett? Wala pa akong natatanggap na tawag.” Tiningnan niya ang phone para i-confirm ‘yon. “Baka hindi pa tapos i-process. You know, busy ang taong ‘yon. He’s doing his jobs and businesses at the same time,” sagot naman ni Vivianne. “But I will call him again to remind him. Give me thirty minutes, and I will take back that client.” Hindi kaagad sumagot si Alfred. Imbes ay tinitigan lang nito si Vivianne na tila binabasa ang nasa utak nito. Matapos ang ilang segundo ay saka pa lang ito nagsalita. “Make sure you’re not bluffing,” aniya bago umalis at iniwan si Vivianne sa loob ng gym. Bumuntong hininga si Vivianne bago kinuha ang phone niya sa bulsa. This is the last thing she wanted to do, pero ito ang kailangan niyang gawin. Gamit ang personal number ay tinawagan niya si Beckett. “To what do I owe the pleasure, mademoiselle?” tanong ni Beckett pagkasagot nito ng tawag, may halong pang-aasar pa sa tono n