Share

Chapter 63

KATULAD ni Vivianne, nagulat din ang mga tauhan ni Alfred nang makita na nakatutok ang baril ni Beckett sa kanila. Matalim at nakatatakot ang tingin nito, dahilan para mapaatras sila nang bahagya.

Walang nakapagsalita sa kanila sa takot na baka iputok ni Beckett ang baril niya at ubusin silang lahat. Hindi man alam ng mga katulong ang tunay na katauhan ng binata, ngunit alam ‘yon ng mga guwardiya.

At alam din nila kung gaano kabrutal si Beckett ngayon sa mga nakakaaway niya. Hindi na siya takot sa dugo, at handa nitong gawin ang lahat para kay Vivianne.

“Ibaba mo na ‘yang hawak mo. Mas lalo tuloy nilang tinututok ang baril sa atin,” utos ni Vivianne sa asawa habang palinga-linga ang tingin. “Mag-aalala si mama kapag nakarinig ng putukan dito sa ibaba.”

“Then tell them to drop their guns first, because I’m not planning to be vulnerable while all their guns are pointing at us… Especially you,” sagot naman ni Beckett habang nakatuon pa rin ang atensiyon nito sa harap at binabantayan ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status