Share

Chapter 5 Grandfather

<Mia>

Nagising ako na masakit ang ulo ko. I checked my phone at ang daming missed calls at tawag ni Ethan.

Ethan gago:

“Where the hell are you Mia Zoey?”

Makasabi sa buong pangalan ko , akala mo talaga.

“Mia Zoey Inarez - Mendoza it's fucking one in the morning. Where. The. Hell. Are. You?!”

Binasa ko pa ang iba.

“Answer my calls!”

Ang dami niya naman missed calls.

307 missed calls.

89 text messages.

Ang dami niya naman oras mag text sa'kin.

“I told you to text me!”

Ay galit na si master. Hindi ko naman alam na tumatawag siya kasi sinilent ko ang phone ko at saka sa inis ko nakalimutan ko na siyang itext at umuwi.

Bigla akong nabadtrip.

I checked my other messages pero ni isang text o tawag wala akong natanggap galing kay Yunnie.

Inis akong bumangon at muntik na akong madapa nang may masagi ako.

Nakita ko si Chimmy at Lomi na magkayap sa carpet. Nakatulog na kami dito sa sala.

Umalis na ako sa bahay at hindi na ako nagpaalam sa kanila. Hinahanap na ako sa bahay, patay ako, nandoon si Lolo na mabangis. Ano naman ang ginagawa ng mabahong matanda na iyon sa bahay namin.

Inayos ko muna ang sarili ko at nagpabago para hindi ako mangamoy alak. Iniwan ko muna ang bag ko sa kotse para hindi halatang umalis ako.

“Ay nandito ka pala.” kuware nabigla ako. 

Ang matanda ang bumungad sa akin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri.

“Pumunta ka daw sa grocery sabi ng asawa mo.’

Sinabi niya iyon? Pinagtatakpan niya ako. Okay sige makikisabay na ako sa alon. Nasaan naman kaya ang lalaking iyon? At bakit itong matandang mabaho na ito ang sumalubong sa akin?

Hindi na kasi nag text si Ethan sa’kin.

“Ah oo.” nauutal na sagot ko. Nakatayo pa rin ako sa pintuan.

Tumingin niya sa likod ko na parang may hinahanap.

“Nasaan ang mga pinamili mo?”

“Nasa kotse, hindi ko muna kinuha kasi napagod ako kakabuhat kanina sa mga pinamili ko at saka ipapabuhat ko na lang iyon mamaya kay Ethan, masakit na talaga ang balikat ko.” 

minasahe ko ang kaliwang balikat ko para kunware nangalay ako sa kakabuhat.

“Ay, gusto mo ba ng maiinom?” alok ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa loob.

Kinuha ko siya ng tubig. “Bakit ka nga pala nandito?” pag-iiba ko ng usapan.

“Wala ka bang pasok?”

“Huh?” napakurap ako. Ang dami naman niyang tinatanong.

“Freelancer ho ako, hindi mo na maalala? I can manage my task at pwede akong mag work kahit na anong oras ko gustuthin. Hawak ko ang oras ko, lolo.” umupo ako sa sofa at pasimple kong minamasahe ang ulo ko, baka tanungin na naman sa'kin at tanungin na naman ako.

“Wala ka naman mapapala sa pagiging freelancer. Ano ba naman iyang trabaho mo, para kang tambay.”

“Pake mo ba.” bulong ko

“Ah ganu’n ba? Hindi ako aware, Lo. nakabili kasi akong digital camera ko at saka dahil sa pagiging freelancer ko nakakapag travel ako.” pamilyang mapanlait.

“Ah, hindi ba ang asawa mo ang gumastos sa mga lakad mo?” pang-iinsulto niya. 

"Oo, madalas siya ang gumastos. May problema ka ba doon?" Ayaw naman kasi akong pagastusin ni Ethan, at hindi ko na kasalanan iyon. Sabi niya sa'kin, ipunin ko daw ang mga pera ko at kapag may kailangan ako para sa trabaho may magagastos ako.

“Pumasok na sa trabaho ang asawa mo kanina pa.”

Ah, kaya pala. Ilang weeks na siyang hindi nakapasok dahil sa akin, I'm sure namiss nu’n yung work place niya.

“Nag grocery ka ba talaga?” 

“Oo noh, kulit mo. Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Si Ethan na nga nagsabi na nag grocery ako ayaw mo pa maniwala.” sabi ko.

“Ayusin mo po sumagot, ah.” Pinalo niya ako sa paa gamit ang tungkod niya.

Kahit na matanda na malakas pa rin. Sabagay, matagal mamatay ang mga masasamang damo. Joke lang. Baka may magalit.

"Anong nginingiti mo diyan?"

"Wala!" Ngumiti ako sa kanya at nag peace sign.

“Pasensya pagod lang at masakit lang ang katawan… anong oras ka aalis?” 

“Pinagtatabuyan mo na ba ako?”

“Ah, hindi naman ah!” may work pa pala ako mamaya, ay hindi ko sure, hindi ko pa tinignan ang schedule ko. Parang tinatamad na ako mag trabaho.

Namimiss ko na si, Yunie. Parang gusto ko siyang puntahan sa Siargao.

“Sige, upo ka muna diyan. Feel at home. Papasok muna ako sa kwarto para makapagbihis.” paalam ko at sinundan niya ako ng tingin.

Ayaw kong kausap ang matandang iyon napaka istikto, napaka perfectionist pa. Tapos kung makatanong sa akin para naman akong may ginawang kalokohan. Napaka talaga ng matandang iyon. Kapag ako nagkaroon ng chance mamili ng magiging pamilya hindi ko sila pipiliin.

Maka lait sa mga freelancer akala mo talaga. Dukutin mata ng mga taong mababa ang tingin sa mga freelancer.

Hindi nila alam napaka flexible ng work na ito.

I texted Ethan kung anong oras siya uuwi.

NANDITO AKO sa Quezon City may client ako today, nakakahiya na-late pa ako. Hindi ko naman kasi tinignan ang schedule ko.

Tinawagan ako ng kaibigan ko na bakla dahil birthday ng anak niya sa susunod na linggo, at ako ang kinuha niya para mag photoshoot sa anak niya.

Mabuti pa mga kaibigan ko sinusuportahan ako sa pagiging freelancer ko.        

                     

“Hoy, ano iyan?!” napkurap ako dahil binatukan ako ng malakas ni Jarold. Muntik pa masubsob ang mukha ko sa cake.

“Anong ginawa mo sa cake, teh? Sinayang mo ang cake, ang mahal niyan.”

Nandito kame sa coffee shop, nilibri niya muna akong kape.

“Paano ba naman kase nasa bahay iyong matandang mabaho na iyon!” naiinis na sabi ko. 

“Tapos tanong ng tanong at kung makapanglait sa trabaho ko akala mo naman siya ang nagppapakain sa akin, at saka hindi naman siya ang nagpapa suweldo at nagpapakahirap. Ang dami kayang gustong kumuha sa akin ‘yung ibang client ko nagkakagusto pa sa akin.” mahabang sabi ko.

Tinignan ko ‘yung cake at lusaw-lusaw na at hindi na makakakain. Muli kong pinanggigilan ang cake na nasa harapan, gusto ko lang ibuhos ang inis ko ngayon, naiinis talaga ako sa pamilya ko napaka pakelamero nila. Mabuti pa si Ethan may maganda at masayang pamilya. Kainggit naman.

“‘Yung lolo mong pakialamero?” Alam niya dahil nag kukwento ako sa kanya.

Tumango ako  bilang sagot. “Siya ‘yung bumungad sa akin kanina sa bahay, mabuti na lang sinabi ni Ethan na namalengke ako kahit hindi naman. Hindi ako umuwi sa bahay galing ako sa bahay ni Lorena, nag inuman kami. Nag biyahe pa akong malayo tapos hindi naman pala pupunta si Yunnie… Tapos ‘yung Ethan na iyon text ng text sa akin hindi man lang nagsabi na umalis na siya papuntang work.

“Inom ka muna ng tubig, high blood ka masyado at umuusok na iyang ilong mo sa inis” imbis na tubig ang ibigay niya sa akin ay kape ang ibinigay.

“Hindi naman tubig ito eh!” sigaw ko sa kanya para may mapatingin sa akin.

“Ay sorry naman sis. Iyan muna inumin mo.” ngumiti siya sa akin ng matamis pero iyung mukha niya nanggigigil na rin.

“Ay, kamusta naman pala si fafa Ethan? Teh, ang gwapo niya talaga.” kinikilig na sabi ni bakla at hinampas niya ako sa balikat.

One time kasi nakita niya Ethan sa personal, nasa vacation kami sa Cebu at nandoon din siya.

“Asawa ko iyon huwag kang ganyan at saka may asawa ka na.” inirapan ko siya. Nakakainis siya, gusto pa niyang maki-hati.

“Teh, hindi ko naman mahal iyon at saka hindi ko talaga kayang magmahal ng isang babae. Iyong minamahal ng puso ko is lalaki talaga. Pinakasalan ko lang naman siya para sa bata. Alam mo naman, iniwan kami ng tatay ko, at ayaw ko naman maranasan ng anak ko ang hindi kumpletong pamilya.” 

Naaawa ako sa kanya, kung worst ang kalagayan ko mas grabi ang sa kanya, ay hindi! Mas worst ang sa akin dahil napaka pakilamero ng mga taong nasa paligid ko, samantalang siya pwede niyang gawin ang gusto niya at tanggap siya ang pamilya niya.

“Paano iyan bakla? Hind mo naman mahal ang asawa mo bakit mo pinakasalan? Kawawa ang babae, hindi na siya pwedeng umalis sa marriage niyo. Para mo siyang itinali at pinaasa ang bata na isa kayong masayang pamilya.

Tumingin ako sa labas. Naka pwesto kami sa bintana at sobrang  init sa labas. Konti lang ang mga tao ngayon dahil mamaya pa ang off ng mga nagtatrabaho dito. Kapag 5pm na marami ng tao sa labas at makikita mo ang mga barkadang nag hahang-out after tiring work.

“Iyon na nga.” malungkot na sabi niya. “Nagkakamabutihan na kami ng Ryan.”

“Huh? Sinong Ryan?” never heard that name before. Wala pa siyang nakukwento sa akin at saka heto ang first time na pagkikita namin after my marriage, hindi nga sila invited at saka pirmahan lang sa papel ang nangyari.

“Yung kinwnto ko sayo nung minsan sis, yung nakilala ko sa baguio. Ayun nahuhulog na ang babaeng puso ko sa kanya, bisexual din pala siya, inamin niya sa akin at, may something na sa amin. Sinabi ko naman sa kanya na may pamilya na ako but he’s still pursuing me lalo na at alam niyang hindi ko naman mahal ang asawa ko.”

May kanya-kanya talaga tayong karanasan at kwento sa buhay. Iba’t ibang sitwasyon.

“Magpa-annul na lang kayo at saka bata pa yung anak mo, may mamahalin pa naman siya na magiging ama niya kesa sa kinukulong mo sila sa isang sitwasyon na hindi naman totoo at sitwasyon na magkakasakitan lang kayo. Your daughter is still a kid, ang gusto lang ng mga bata ang totoong pagmamahal.”

Hindi siya sumagot at parang nag-iisip ng malalim.

Tumingin ako sa pambasag na relo. Umalis na kaya si tanda sa bahay? Ayaw kong nasa bahay iyon para siyang CCTV at espeya na nasa bahay. Jusko dai, kapag nasa bahay iyon kailangan maayos ang pakikitungo ko kay Ethan, kung hindi, isang maling galaw lang malalaman na sa court ang ginawa ko.

“Hello. Sorry na-late kami.”

There it is. Ang aming hinihintay na reyna.

“Hello, Mia” she kissed my cheeks.

“Hello, girl.” bati ko sa anak niya na one year old pa lang. Kinurot ang psingi niya. Ang taba ng pisngi.

“Pasensya na natagalan kami, naabutan kami ng traffic. At saka, dumaan pa kasi ako dun sa kinuhanan namin na designer para sa event.” paliwanag niya.

“Hello, my beautiful daughter. How’s your lakad with mommy, ah? Nag enjoy ka ba?” tanong ni Jarold sa anak na babae. Kinuha niya iyon mula sa ina at siya nag buhat. 

Kahit sabihin na bakla si Jarold hindi naman halata sa kanya, at saka makikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal niya ang anak niya. At saka ang gwapo niya para mapagkamalan na bakla.

“Hello, I am Mia Inarez” pagpapakilala ko

“Ano ba, stop the formality. Nagkita naman tayo sa isang event,” umupo siya sa tabi ni Jarold. 

Their baby is beautiful at kamukha ni Jarold. She is wearing a princess dress color pink and a white headband.

“My, anong gusto mo?” Jarold ask her.

“Caramel.” she sweetly smiled. Hay paano kaya kapag nalaman niya na may karelasyon na lalaki ang asawa niya. We are both on the same boat ang naiiba lang ay may anak sila at nabuntis lang ni Jarold hetong si babae kaya niya pinakasalan, he can get out of the marriage, nasa kanya iyon pero ako hindi pwede, lahat sapilitan. Pakiramdam ko wala na akong kalayaan.

“May I know kung saan niyo balak gawin ang photoshoot niya? May suggestion ako pero kayo ang bahala baka may napili na kayong lugar."

We discussed the photoshoot thing and ask me for a discount. Balak din nila akong kunin na photographer para sa birthday niya kaso package iyo at naka schedule na ako sa iba for the day. Birthday Party 'yun at saka hindi ako puwede, kailangan du'n maraming cameraman sa paligid.

I look at them secretly and I even took a picture of them.

Sana all totoong happy.

Kain na lang akong happy na mani mamaya.

“Ay teka. Mia, look at this.” busy kami sa pag didiscuss ni mother tungkol sa birthday ng anak niya ng may pinakita sa akin sa Jarold sa cellphone niya. He is busy with his phone and to his daughter, hindi man lang siya tumulong at ni isang suggestion wala siyang ibinigay.

“Si Yunnie ba ito?" Tanong niya habang tinitignan ng maigi ang nasa screen." May kasama siyang girl sa dagat. Look at their picture.” hindi pa niya binibigay sa akin ang cellphone niya ay kusa ko na iyon kinuha sa kanya, hinablot ko na nga, eh.

I saw Yunnie with a woman na nasa dagat sila at naka akbay pa siya sa babae.

“Oh, hiwalay na kayo, teh?” mahinang tanong niya.

Hindi ko pinansin ang tanong niya. “Ano nga ulit iyon?” Tanong ko kay Mother.

Family bonding my ass. She is with the woman na may matagal na may gusto sa kanya.

May pa-Siargao Siargao ka pang nalalaman, ah.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status