Share

Chapter 10

Napakunot-noo si Louie nang sa pagbalik niya sa bar counter na pinag-iwanan niya kay Elyssa ay wala na ang dalaga. Tanging backpack nito ang umuukupa sa inuupuan nito. Labis ang pagtataka niya at baka kung saan ito nagtungo. Imposibleng pupunta ito ng kung saan-saan o kahit sa banyo dahil hindi na nito kayang buhatin ang sarili sa sobrang kalasingan nito. Binilisan niya ang hakbang at kaagad na lumapit kay Minho.

"Hey, pare. Nakita mo si Elyssa?" puno ng pagtatakang tanong niya nang makalapit sa kaibigan. Abala ito sa paghahalo ng inumin nang madatnan niya.

Saglit nitong itinigil ang pagsasalin ng alak at kunot ang noong umangat ng tingin sa kanya.

"Huh? 'Di ba kasama mo siya?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Parang nawala ang kalasingan ni Louie dahil sa sagot ng kaibigan. Marahas niyang naihilamos ang kamay sa mukha.

"Hindi, pare. Iniwanan ko siya saglit dito dahil pumunta ako ng banyo. I definitely know that she was drunk and passing out. Kaya imposibleng pupunta iyon kung saan-sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status