Share

Chapter 118

Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa.

"These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie.

Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?

Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.

Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?

"Insan!”

Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.

“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status