"So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" nang-aasar na tanong ni Louie sa kaharap nang hindi ito umimik at nanatiling nakamasid sa kanya. He smirked seeing the woman's face stunned by his outstanding looks.
Well, hindi niya maitatanggi, guwapo naman talaga siya-hindi sa pagmamayabang- kaya nga maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.Naaliw siyang pagmasdan ang gulat sa mukha ng dalagang kaharap. Nakaawang ang mga labi nito habang nakatulalang nakatitig sa kanya.Maya-maya'y bigla nitong itinikom ang nakabukang labi saka kapagkuwan ay nagsalita."Excuse me?" mataray na bulalas nito. Ikinurap-kurap nito ang mata upang itago ang embarrassment, ngunit hindi na iyon nakaligtas kay Louie. Itinaas nito ang kilay upang takpan ang pamumula ng pisngi, na tahimik niyang ikinangisi. "Hindi isang katulad mo ang pinapantasya ko. Tse!"Louie chuckled to himself. Alam niyang pilit nitong tinatago ang pamumula ng pisngi sa pagitan ng pagsusungit nito kaya bahagya na lang niya itong tinawanan.Ngumisi siya. Diyata't 'di nito alam kung sino siya."Hey, 'di ba dapat magpasalamat ka sa akin imbes na tarayan mo ako? Muntik ka nang mabukolan dahil sa pagpapantasya mo. Katanghaliang tapat, ah!" pang-aasar ni Louie rito. Inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito. Aliw na aliw siyang pagmasdan ang babaeng ito. Hindi niya mawari pero magaan ang pakiramdam niya habang tinititigan ito. Lalo na ang pamumula ng pisngi nito na lalong nagpapalitaw ng angking ganda nito.Mabilis naman siyang itinulak ng dalaga upang magkalayo ang katawan nila."Heh! Lumayo ka nga!" mataray pa ring asta nito. "Ikaw naman ang may kasalanan. Kung hindi dahil sa biglaang pagsulpot mo, hindi ako magugulat at hindi ko nabitawan ang steaming iron!" nanggagalaiting sumbat pa ng dalaga.Napaawang ang labi ng binata. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Aba't, ito pa talaga ang may ganang manumbat?"Teka, sino ka ba? Pa'no ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong nito muli bago pa man siya makaimik.Louie's lips twitched in amusing way. Inayos niya ang pagkakasuot ng sunglasses at nakapamulsang hinarap ang dalaga."I am just passing by, and I saw this beautiful lady smiling out of nowhere. It makes my heart flutter, and wanting to come close to you!" Kinindatan niya ito na lalong ikinapula ng pisngi nito.Pero kahit kasing pula na ng kamatis ang pisngi nito ay isang nakakatakot na irap pa rin ang iginanti nito."Hmp! Wala akong oras sa mga preskong katulad mo!"asik nito. Iyon lang saka mabilis siyang tinalikuran.Nakangiting sinundan ni Louie ng tingin ang dalaga."Hmm... Interesting, and she's pretty. I wonder why she doesn't know me."KAASAR!!!" naiinis na maktol ni Issay sa sarili habang mag-isang nakaupo sa canteen. Dito siya dumiretso matapos iwan ang preskong lalaki sa steaming area. Mabuti na lang at saktong breaktime na niya. Sino ba'ng preskong lalaking 'yon at lakas makapangsira ng araw?" naiinis na bulong niya at nilantakan ang in-order na spaghetti."Hey, wazzup!"Bahagya lang niyang sinulyapan ang paglapag ng tray sa harap niya at humigop ng milkshake. She knows it's Ellen, one of her boardmate and her closefriend at the factory.She needs to cool down. Naiinis siya sa pang-aasar ng lalaking hindi naman niya kilala.Narinig niya ang pagbuga ng hangin ng kaharap dahil hindi niya ito sinagot. nagtataka marahil ito kung bakit nakabusangot ang mukha niya."C'mon, Issay. Bakit ba sambakol 'yang mukha mo?" maang na tanong ng kaibigan.Marahas siyang napabuga ng hangin bago sinagot si Ellen."There's someone that pissed me off!" nag-angat siya ng tingin dito. "Hai naku, Ellen, kung nakita mo lang sana ang preskong lalaking 'yon, ang lakas makapanira ng araw!" naiinis na reklamo niya rito."Who?" Ellen asked, arching her perfect eyebrows."Don't know. I can't see his face clearly. Imagine, sa loob ng factory nakasuot ng gucci shades?" naaasar na kuwento niya."That sounds interesting!" komento nito habang patuloy sa pagsubo ng pagkain na in-order nito."Interesting? Anong interesting do'n?" she reacts.Ngumisi si Ellen na para bang may iniisip na kakaiba."Issay, you are pissed, but you still manage to know his brand of shades?"Natigilan siya sa sinabi nito. Ibig sabihin pinagmasdan nga niya ang lalaki?Ipinilig niya ang ulo dahil biglang nag-flashback sa isip niya ang nangyari pati na ang ngiti nitong makalaglag panty.Tsss! Kala mo kung sino'ng guwapo makapagpa-cute wagas! Sa isip-isip niya saka biglang natigilan. "Wait! Did I say guwapo? Lihim siyang napangiti pero 'di iyon nakaligtas sa paningin ni Ellen."What's with the smile, Issay?" tudyo agad nito.Dagli siyang napaangat ng tingin dito."Tsss.. nothing. May naalala lang ako," kaila niya."Sus! Kunwari ka pa! Sino 'yan? Si Jevy ba?" pang-uusisa nito.Bagama't hindi ito ang nasa isip niya, sumang ayon na lamang si Issay. "Ahm.. Yeah.." aniya saka tumayo at niligpit ang pinagkainan."Ahh..." tumango-tango ito na parang nakuntento sa sagot niya. "So, tuloy ang surprise visit mo sa kanya next week?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Nang hindi siya sumagot ay sinabayan siya nito ng tayo.Nilingon niya ito."Yup, why?""Ahm, just makin' sure. Pinayagan ka ba ng pinsan mo? Malayo ang Baguio...""Oo naman..." mahinang sagot niya. Sa totoo lang nagtatampo ang pinsan niya sa kanya. Ayaw kasi siya nitong payagan, siya lang talaga ang nagpupumilit na pumunta nang Baguio.Balak kasi nitong i-celebrate ang birthday niya sa Tagaytay kasama ang boyfriend nito at iba pang kasamahan nila sa trabaho. Tinanggihan niya ang pinsan dahil gusto niyang makasama si Jevy sa kaarawan niya. Ayaw sumama sa kanya ni Marra papuntang Baguio, kaya siya na lang ang mag-isang pupunta. Kahit pa nga bahagya siyang kinakabahan dahil first time niya."Ows, sigurado ka? Ang akala ko kasi 'di ka niya papayagan eh!" hindi makapaniwalang saad ni Ellen. Mabilis ang hakbang nito habang nakasunod sa kanya."Oo naman, kaso nga lang babalik din ako kaagad dahil may pasok pa ako the nextday. So, after next week ko pa siya masamahan papuntang Tagaytay," pag-e-explain niya.Tumango ito at nagpaalam na pupunta ng banyo, habang siya naman ay dumiretso sa recreation area upang tawagan si Jevy.Kinabukasan, alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Issay. Maaga ang biyahe niya papuntang Baguio at ipinagpasalamat niya na malapit ang istasyon ng bus sa condominium na tinitirhan nila."Here I come, Jevy. It's been so long and I can't wait to see you. Wait for my surprise!" malapad ang ngiting bulong niya sa sarili habang nakatitig sa picture nito sa wallpaper ng cellphone niya. Walang kaalam-alam ang kasintahan na pupuntahan niya ito sa Baguio.Upang maiwasan ang matagal na biyahe ay ipinikit niya ang mata upang umidlip. Ang tainga niya ay sinalpakan niya ng earphone at nakinig ng music.Hindi malalim ang tulog niya dahil manaka-naka siyang dumidilat upang sulyapan ang paligid. Hindi niya kayang pigilan ang excitement na nararamdaman. Sa wakas makalipas ang anim na buwan ay magkikita na rin sila ni Jevy.Nagising nang tuluyan si Elyssa dahil sa malakas na sigaw ng konduktor ng bus. Malapit na sila sa destinasyon nila. Mabilis niyang niligpit ang gamit at inihanda ang sa
"What's with that girl?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Louie sa sarili.Ilang minuto na siyang sumusunod sa dalaga pero hindi pa rin niya mawari kung saan ang destinasyon ng paa nito. Nagrereklamo na sa pagod ang binti niya. Louie's been an athletic type of person but he's mentally tired of following thatwoman. Even so, his heart still yearn to walk behind her. Hindi niya mawari pero kahit nagrereklamo ang isip ay ayaw sumunod ng puso niya. It's still wants to follow the woman wherever she want to go.Ngayon pa ba ako magrereklamo? Ngayong mas may rason kung bakit ko tatanggapin ang alok ni Papa sa factory?Lihim na napangisi si Louie habang nakatitig pa rin sa dalaga. Ilang metro ang agwat niya pero wala itong kaalam-alam na may sumusunod rito. What a careless woman! Napailing siya sa naisip at bahagyang nangalit ang ngipin. Paano kung ibang lalaki ang sumusunod dito? She will be in danger without her knowing!Hindi alam ni Louie pero nanikip ang dibdib niya sa inis dahil sa is
Napahinto sa paglalakad si Elyssa nang nakaramdam ng matinding pagod. Nanghihinang napaupo siya sa isang bench na nadaanan sa labas ng isang establesimyento na hindi siya sigurado kung ano. Pagod na pagod siya. Mentally and physically. Durog na durog din ang puso niya dahil hindi pa rin niya kayang i-absorb ang nangyari kaninang umaga.Matagal-tagal na siyang naglalakad ng walang patutunguhan dahil gulong-gulo ang isip niya. Pati cellphone niya ay lowbat na rin kasabay ng pag-lowbat ng pagmamahal niya kay Jevy.Humugot siya ng mahinang buntong-hininga upang pagaanin ang sarili ngunit hinayaan niyang pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Naninikip ang dibdib niya. Mixed emotions rummaging inside her. Hindi na niya mawari kung sakit, poot o pagkaawa sa sarili ang nararamdaman. She felt betrayed.Mula sa kinauupuang bench ay wala sa sariling napatingin siya sa katapat na bar. May ribbon cutting na nagaganap marahil, ay grand opening ng bar
It took a few seconds before Issay processed what the man had said. Nang rumehistro sa utak niya ang sinabi nito ay napamulagat siya. Eyes bulging in terror and heart beating like a drum."What!?" gulat na bulalas niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya na parang niraragasa ng daga. How could she follow this stranger? Porke't ba guwapo na magtitiwala na siya kaagad? Ngunit bakit hindi niya maiwasang humakbang upang sumunod dito?Bumaling sa kanya ang lalaki na may pilyong ngiti sa labi. Naliliwanagan ng street light ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang ngiti sa mukha nito."Yep! You heard me right, Miss Castillo. Don't worry. I will make you happy on this wonderful evening!" tukso pa nito.Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Binilisan niya ang paghakbang upang pumantay sa lakad nito. He is tall and his legs strode longer. Kaya malalaki rin ang hakbang na ginagawa niya upang makasabay sa paglalakad nito."No! Give me back my wallet, now! Or else, ipapapulis kita!" Nakapamaywang
Napigil ni Elyssa ang hininga nang magtagpo ang mata nila ng lalaking minsan ay naging malaking parte sa buhay niya. Bakas sa mukha nito ang galit at hinanakit. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito pa ang nagagalit sa kanya. Aren't they the ones that fooled her? Dapat siya ang magalit. Dapat siya ang maghinanakit, hindi ang mga ito.Nakaramdam ng pangongonsensiya si Elyssa na hindi niya akalaing mararamdaman niya. Ngunit agad din itong napalitan ng panibugho nang makitang lumapit dito ang babaeng kinasusuklaman niya. Wala sa huwisyong humigpit ang hawak niya sa balikat ng kasayaw."Any problem?"Napukaw ang diwa ng dalaga nang biglang magsalita ang kasayaw. Marahil naramdaman ang mariing pagpisil niya.Umiling si Issay at matamis na ngumiti upang itago ang tunay na nararamdaman na ikinanoot ng nito ng kasayaw. Ngunit alam ng dalaga na basang-basa ng lalaki ang bawat kilos niya."Nothing!" blanko ang mukhang sagot niya. "Tara, upo na tayo," yaya na lang niya. Wala na siyang gan
Napalingon si Elyssa nang biglang dumating sa tabi niya ang lalaking kanina pa nanggugulo sa kanya."Kanina pa kita hinahanap, hon," nakangiti pa ring dagdag ng lalaki . Lumapit ito sa kanya at huminto sa tabi niya habang malamlam ang matang nakatitig sa kanya. Ni hindi nito binigyan ng pansin ang dalawang kaharap niya at sa kanya naka-focus ang atensyon nito. Napabaling naman ang tingin ni Jevy at Julie rito."Siya ba ang pinagpalit mo sa'kin Issay?" mapait na tanong ni Jevy sa kanya. Bakas sa boses nito ang hapding naramdaman na 'di niya maintindihan kung bakit. Samantalang siya naman itong pinaglaruan. Siya dapat ang makaramdam ng sakit, hindi ito."Oo!" taas-noong sagot niya. Walang pakundangang sinakyan niya ang pagpapanggap ng lalaking katabi. If this is the reason for Jevy to stop bothering her, she will pretend. She will pretend that nothing had happened. That she didn't know someone like Jevy. Na hindi siya nagmahal ng isang katulad nitong manloloko.Pero ang mata ni Elyssa ay
Napakunot-noo si Louie nang sa pagbalik niya sa bar counter na pinag-iwanan niya kay Elyssa ay wala na ang dalaga. Tanging backpack nito ang umuukupa sa inuupuan nito. Labis ang pagtataka niya at baka kung saan ito nagtungo. Imposibleng pupunta ito ng kung saan-saan o kahit sa banyo dahil hindi na nito kayang buhatin ang sarili sa sobrang kalasingan nito. Binilisan niya ang hakbang at kaagad na lumapit kay Minho."Hey, pare. Nakita mo si Elyssa?" puno ng pagtatakang tanong niya nang makalapit sa kaibigan. Abala ito sa paghahalo ng inumin nang madatnan niya.Saglit nitong itinigil ang pagsasalin ng alak at kunot ang noong umangat ng tingin sa kanya."Huh? 'Di ba kasama mo siya?" hindi makapaniwalang tanong nito.Parang nawala ang kalasingan ni Louie dahil sa sagot ng kaibigan. Marahas niyang naihilamos ang kamay sa mukha."Hindi, pare. Iniwanan ko siya saglit dito dahil pumunta ako ng banyo. I definitely know that she was drunk and passing out. Kaya imposibleng pupunta iyon kung saan-sa
"Pa, naman! How could you trust Louie in Line factory!?" Mataas ang boses na nakipagsagutan si Dexton sa ama. Mainit ang ulo niya sa balitang inilipat ng ama ang pamamahala ng Line Factory sa bunso niyang kapatid na si Louie. "Pareho nating alam na bata pa siya. Kakayanin kaya niya ang pressure sa factory? Ano na lang ang sasabihin ng board kung isang inexperience ang mamamahala sa kumpanya? Isa pa, ako na ang nagpapatakbo sa Line factory for how many years!" Hindi kayang tanggapin ni Dexton ang naging desisyon ng ama kaya sinugod niya ito sa opisina nito upang komprontahin. Ang malaman na hindi na siya ang magiging presidente ng kumpanyang kaytagal niyang pinahalagahan ay isang malaking dagok para sa kanya. "Yes, you are the current president of the Line factory. Pero, nakukulangan pa rin ang board of directors sa kakayahan mo. And besides nakikita nila kay Louie ang potential ng kompanya. They need to decide and compromise who is better for running the industry. It's their money at