Hi! Two more chapters and we are done.
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Who are you?" kinakabahang tanong ni Elyssa sa lalaking kaharap nang mapagtantong hindi niya ito kilala.Mabilis siyang napaatras nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa batuhan at naglakad palapit sa kanya. Naliwanagan ng sinag ng buwan ang mukha nito kaya't malinaw sa kanya na hindi nga ito si Jevy.Kahit nanginginig ang kamay sa klase ng pagkangisi nito sa kanya ay hindi niya iyon pinahalata. Pilit niyang nilalabanan ang takot at taas noo itong hinarap.Lalong naging malapad ang pagkangisi ng lalaki habang unti-unting itong humakbang palapit sa dalaga."Tama nga ang sabi ni Jevy. You're a beauty!" mala-demonyong wika nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.Nakadama ng takot si Issay dahil sa uri ng titig ng estrangherong lalaki. Pilit niyang inihakbang ang paa paatras habang papalapit ito sa kanya. Hindi niya ito kilala pero kilala nito ang kasintahan niya. Gayunman ay hindi siya maaring magtiwala rito, lalo na sa uri ng mga tingin nito."Huwag kang lalapit!" pasigaw niyang pig
Anim na buwan ang matuling lumipas at medyo gabay na ni Elyssa ang pamumuhay sa Maynila. Kasalukuyan siyang nagtatarabaho sa factory na pinapasukan ng pinsan niyang si Marra, ang nag-iisang taong nilapitan niya pagkatapos takasan ang insidente na halos gabi-gabi ay dumadalaw sa panaginip niya.Walang alam ang tatay niya pati ang lola niya sa nangyari sa kanya. Pero bilang assurance sa mga ito ay kinontak ito ni Marra tatlong buwan matapos siyang tumakas. Halos mabaliw ang mga ito sa pag-aalala kung anong nangyari sa kanya ngunit hindi niya sinabi sa mga ito ang totoo. Humingi lamang siya ng tawad dahil hindi nakapagpaalam nang maayos sa mga ito.Si Marra rin ang sumagap ng balita tungkol sa nangyaring insidente. Umuwi ito ng Antique isang linggo pagkatapos ang sorpresang pagdating niya nang Maynila, upang makibalita.Saka lamang siya nakahinga nang maluwang dahil buhay pa ang lalaking muntikan ng gumahasa sa kanya, pero hanggang ngayon ay nanatili itong naka-coma. At magpasa-hanggang n
"So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" nang-aasar na tanong ni Louie sa kaharap nang hindi ito umimik at nanatiling nakamasid sa kanya. He smirked seeing the woman's face stunned by his outstanding looks.Well, hindi niya maitatanggi, guwapo naman talaga siya-hindi sa pagmamayabang- kaya nga maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.Naaliw siyang pagmasdan ang gulat sa mukha ng dalagang kaharap. Nakaawang ang mga labi nito habang nakatulalang nakatitig sa kanya.Maya-maya'y bigla nitong itinikom ang nakabukang labi saka kapagkuwan ay nagsalita."Excuse me?" mataray na bulalas nito. Ikinurap-kurap nito ang mata upang itago ang embarrassment, ngunit hindi na iyon nakaligtas kay Louie. Itinaas nito ang kilay upang takpan ang pamumula ng pisngi, na tahimik niyang ikinangisi. "Hindi isang katulad mo ang pinapantasya ko. Tse!"Louie chuckled to himself. Alam niyang pilit nitong tinatago ang pamumula ng pisngi sa pagitan ng pagsusungit nito kaya bahagya na lang niya itong tinawanan.Ngumi
Kinabukasan, alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Issay. Maaga ang biyahe niya papuntang Baguio at ipinagpasalamat niya na malapit ang istasyon ng bus sa condominium na tinitirhan nila."Here I come, Jevy. It's been so long and I can't wait to see you. Wait for my surprise!" malapad ang ngiting bulong niya sa sarili habang nakatitig sa picture nito sa wallpaper ng cellphone niya. Walang kaalam-alam ang kasintahan na pupuntahan niya ito sa Baguio.Upang maiwasan ang matagal na biyahe ay ipinikit niya ang mata upang umidlip. Ang tainga niya ay sinalpakan niya ng earphone at nakinig ng music.Hindi malalim ang tulog niya dahil manaka-naka siyang dumidilat upang sulyapan ang paligid. Hindi niya kayang pigilan ang excitement na nararamdaman. Sa wakas makalipas ang anim na buwan ay magkikita na rin sila ni Jevy.Nagising nang tuluyan si Elyssa dahil sa malakas na sigaw ng konduktor ng bus. Malapit na sila sa destinasyon nila. Mabilis niyang niligpit ang gamit at inihanda ang sa
"What's with that girl?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Louie sa sarili.Ilang minuto na siyang sumusunod sa dalaga pero hindi pa rin niya mawari kung saan ang destinasyon ng paa nito. Nagrereklamo na sa pagod ang binti niya. Louie's been an athletic type of person but he's mentally tired of following thatwoman. Even so, his heart still yearn to walk behind her. Hindi niya mawari pero kahit nagrereklamo ang isip ay ayaw sumunod ng puso niya. It's still wants to follow the woman wherever she want to go.Ngayon pa ba ako magrereklamo? Ngayong mas may rason kung bakit ko tatanggapin ang alok ni Papa sa factory?Lihim na napangisi si Louie habang nakatitig pa rin sa dalaga. Ilang metro ang agwat niya pero wala itong kaalam-alam na may sumusunod rito. What a careless woman! Napailing siya sa naisip at bahagyang nangalit ang ngipin. Paano kung ibang lalaki ang sumusunod dito? She will be in danger without her knowing!Hindi alam ni Louie pero nanikip ang dibdib niya sa inis dahil sa is
Napahinto sa paglalakad si Elyssa nang nakaramdam ng matinding pagod. Nanghihinang napaupo siya sa isang bench na nadaanan sa labas ng isang establesimyento na hindi siya sigurado kung ano. Pagod na pagod siya. Mentally and physically. Durog na durog din ang puso niya dahil hindi pa rin niya kayang i-absorb ang nangyari kaninang umaga.Matagal-tagal na siyang naglalakad ng walang patutunguhan dahil gulong-gulo ang isip niya. Pati cellphone niya ay lowbat na rin kasabay ng pag-lowbat ng pagmamahal niya kay Jevy.Humugot siya ng mahinang buntong-hininga upang pagaanin ang sarili ngunit hinayaan niyang pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Naninikip ang dibdib niya. Mixed emotions rummaging inside her. Hindi na niya mawari kung sakit, poot o pagkaawa sa sarili ang nararamdaman. She felt betrayed.Mula sa kinauupuang bench ay wala sa sariling napatingin siya sa katapat na bar. May ribbon cutting na nagaganap marahil, ay grand opening ng bar