Gabi na nang nakauwi kami ni Britney. Natagalan kami sa salon dahil nakipag-kwentohan pa siya kay Tina. Kumain na rin kami ng hapunan sa isang fast food restaurant. "I'm so in love with my new nails!" nakangiting sabi ni Britney pagpasok namin sa bahay habang nakatingin sa bago niyang nail extension. "Dapat nagpa-nail extension ka rin," sabi niya bago umupo sa couch. "Hindi ako kumportable, Brit. At saka, ayos lang sa akin na ganito ang kuko ko," sabi ko bago humiga sa couch. I'm so sleepy. Ganito ba kapag buntis? Palagi na lang akong inaantok at nagugutom. "Nag-enjoy ka ba ngayong araw?" tanong ni Britney sa akin. Bumangon ako at inaantok siyang tiningnan. "Yes, of course. Sobrang nag-enjoy ako sa lakad natin," sagot ko at inihilig ang ulo sa couch. "Mabuti naman kung ganun. Dapat masanay ka na lalo na't walang linggong hindi ako magwawaldas ng pera," sabi ni Britney. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Nahihiya ako sa aking kapatid dahil may naabot na siya sa buhay sa
"Sayang naman. Ipapakilala rin sana kita sa mga friends and naging classmates ko before," sabi ni Britney at pinaglaruan ang hawak niyang lapis. "Sumama ka na, please. Para naman hindi nila ako painomin ng marami. Alam mo naman kung gaano ako kahilig pumarty at uminom ng alak. I can't say no to all of my friends," dugtong niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin. "Ngayon lang naman. Next time hindi na kita kukuliting sumama," pagpupumilit niya. "Basta huwag kang iinom ng marami. Alam mo namang hindi pa ako marunong magmaneho ng sasakyan," sabi ko kay Britney. Napalunok ako nang bigla niya akong yakapin. "Ang bait mo talaga. Hindi mo talaga ako matitiis no?" sabi niya at tumawa. "Promise, hindi ako iinom ng marami mamaya. After the party ay uuwi rin tayo baka mapagalitan tayo ni Daddy." "Wait, nagpaalam ka na ba kina Mommy at Daddy na pupunta tayo mamaya para sa opening ng bar ng kaklase mo?" bigla kong tanong kay Britney. Mamaya rin kasi sila dadating. Umiling si Britney. Tina
Iminulat ko ang aking mata nang naramdaman ko ang malamig na kamay na humahaplos sa akin. Nakita ko si Mommy sa gilid ng kama. Nakayuko siya habang humihikbi. "Mommy..." napapaos kong tawag sa kaniya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at pinunasan ang mukha gamit ang kaniyang kamay. "Are you alright? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Mommy at hinawakan ang mukha ko. "I'm alright. Medyo nahilo lang ako kanina," sagot ko. Ngumiti ako para mapanatag ang loob ni Mommy na ayos lang ako. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nakita ko sina Britney at Daddy na natutulog habang nakaupo. Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito at may pumasok na doctor. Itsura pa lang ay mapapansin mong isa itong Pilipino. Dahan-dahan din nagmulat sina Britney at Daddy ng kanilang mga mata. Nakangiting lumapit ang doctor sa amin. "She's six weeks pregnant. Congratulations!" sabi ng doctor at ibinigay ang isang papel kay Mommy. Dumapo ang paningin nilang lahat sa akin. Puno ng pagtataka ang
Inisa-isa kong binalikan sa aking isipan ang nangyari sa aking buhay simula nang lumayas ako sa amin. Muntikan na akong maging bayarang babae, binili ni Liam at ginawang girlfriend sa isang linggo. Nahulog ang loob ko kay Liam at bigla na lang naging opisyal ang engagement nina Celine at Liam. Naisip ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Liam bago namin ginawa ang bagay na 'yon. Nadala ako sa kaniyang sinabi na mahal niya ako. Pero bakit ngayon parang hindi totoo ang lahat niyang ipinapakita at ipinaparamdam? He betrayed me. Ang sabi niya ay ako lang ang mahal niya. Naniwala ako sa kaniyang mga sinabi sa akin. Lahat pala nang 'yon ay puro kasinungalingan. Hindi ko matanggap sa aking sarili na nagpaloko ako dahil sa pag-ibig. Nagpaubaya at nagparaya ng dahil sa pag-ibig. Agad akong bumigay sa kagustohan ni Liam. Naniwala ako agad sa mga mabulaklak niyang salita. Ang sakit isipin na pinaglaruan at pinagkaisahan ako ng dalawang pamilya. Smith at Coper. Napalitan ng galit ang aking pak
"Pasaway na buntis!" asik ni Britney nang nakita niya akong dinidiligan ang mga halaman sa labas ng bahay. Umupo siya sa bench habang kumakain ng dessert. "Inutosan mo na lang sana ang katulong natin. Anytime pwede kang-" "Britney, manganganak na yata ako!" sigaw ko nang naramdaman ko ang paglabas ng tubig sa aking private part. Nabitawan ko ang hawak kong hose at napahawak ako sa aking tiyan. Sa susunod na linggo pa dapat ako manganganak. Muntik ng mabilaukan si Britney sa kaniyang kinakaing dessert. "What?! Mommy manganganak na si Francine!" sigaw ni Britney at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Dahan-dahan akong umupo sa bench at iniinda ang sakit ng aking tiyan. "Baby, huwag ka munang lumabas, please," I whispered. "Francine!" agad akong napalingon sa gawi nina Mommy at Britney. Tumatakbo sila patungo sa akin kasama ang midwife at nurse na kinuha ni Mommy. Hindi ako pwedeng manganak sa hospital dahil walang nakakaalam sa pagbubuntis ko. Natatakot din ang aking pamilya sa mg
Chineck ko si Mommy, humihinga pa siya pero nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata. "Mommy, labanan mo ang sakit mo, please," sabi ko habang umiiyak. Pagdating namin sa hospital ay agad kaming sinalubong ng doctor ni Mommy. Inalalayan nila ako sa paglabas ni Mommy sa sasakyan. "Mrs. Maxey, naririnig mo ba ako?" sabi ng doctor at chineck ang vitals ni Mommy. "Please save my mother. Kung pwede ay operahan niyo siya ngayon, Doc," pagmamakaawa ko sa doctor. Bumuntong hininga si Dr. Mondragon at agad na nag-iwas ng tingin sa akin. Sumunod ako sa kanila papasok ng hospital. Ipinasok nila si Mommy sa emergency room. Agad akong hinarangan ng mga nurses dahil bawal daw akong pumasok. Pabalik-balik ako sa paglalakad habang tinatawagan sina Daddy at Britney. Hindi ako mapakali. Nanginginig na rin ako sa takot. "Dad..." napapaos kong sabi nang sagotin ni Daddy ang aking tawag. "Nasa hospital na po kami. Ipinasok nila si Mommy sa ER. Nasaan na po kayo?" Isang malalim na buntong hininga l
Five years later. Nangako ako kay Daddy na tatanggapin ko ang posisyon bilang bagong CEO kapag nakapagtapos ako sa pag-aaral at maging ganap na lawyer. Gusto ko munang abotin ang aking pangarap. Gusto kong ipakita sa lahat ng tao na kahit may anak na ako ay hindi ito hadlang sa aking mga pangarap. Kinakabahan ako habang ini-scroll pababa ang List of Bar Passers. Hinahanap ko ang aking pangalan. Ngayon kasi ilalabas ang result ng mga nakapasa sa bar exam. "You passed!" sigaw ni Britney nang nakita niya ang resulta sa bar exam sa kaniyang phone. Napapikit ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. Gusto kong makasigurado. Nag-scroll ako pababa sa mga surnames hanggang sa nasa letter M na ako. Hinanap ko ang aking pangalan. Muntik ko ng mabitawan ang aking phone nang nakita ko ang aking pangalan. MAXEY, BLAKELEY FAVRAEU "Oh my God! You are one of the top examinees!" sigaw ni Britney. Napalingon ako sa kaniya. "Girl, you are the top 1 among thousands of examinees!" dugtong ni Britn
Maaga akong gumising dahil dadalo kami sa pagbibigay ng awards sa mga top employees bg aming kompanya. Ngayon din ang araw kung saan formal na i-a-announce ni Daddy ang pagiging CEO ko sa aming kompanya. Kinakabahan ako lalo na't may trauma ako sa mga malalaking event. Hindi ako gaanong nakikipaghalubilo sa ibang tao dahil hindi pa ako nasasanay. Nahihiya pa rin akong humarap sa kanila. Ngayon din ang unang araw na makikita ako ng lahat lalong-lalo na sa mga taong naging parte ng aming kompanya. I will not hide anymore. I will show to everyone na deserving ako sa posisyon. Hindi ko bibigoin ang aking pamilya lalo na't malaki ang tiwala nila sa akin. Ito na ang simula ng aking paghihiganti sa mga taong umapi sa aking pamilya. Sisiguradohin ko na makukuha ko rin ang hustiyang hindi namin nakuha dati. Maghahanap ako ng matibay na ebidensiya laban sa mga taong naging sangkot sa pagkaasidente namin. "Mommy, you're so gorgeous!" puri ng aking anak na si Max pagbaba ko ng hagdan. I am we