Share

Chapter 4 Law Firm

"Atty, pwede ba akong sumama?" Nakangalumbaba ko na tanong sa kanya habang inaayos niya ang mga gamit niya na kakailanganin.

Ayaw niya pa rin akong palabasin ng condo dahil hindi pa rin daw safe sa'kin, eh, hindi naman ako taong bahay. Ako ang kapatid ni Dora.

"No." mabilis na sagot niya. Napasimangot naman ako.

"Damot." Reklamo ko.

Sinuot niya ang tie niya at palabas na ng condo ng kulitin ko na naman siya.

"Atty. Sama mo na ako! Please??" Nag puppy eyes pa ako kahit hindi ko bagay.

"Tsk." At umalis na.

Ngi.

Kahit wala siyang sinabi ay sumunod pa rin ako sa kanya.

"Atty. Sasama ako noh?" Paalam ko sa kanya. As usual wala akong sagot na nakuha.

Psh!

Sumunod ako sa kanya papasok sa elevator. Hindi niya ako pinansin at busy sa mga papel niya.

"Diba 'yung mga Atty. Maraming alam at madaldal sila. Bakit ikaw ang tahimik mo? Paano pinaglalaban mga clients mo kung ganyan ka katahimik?" Hindi niya ako pinansin at malalaking hakbang siyang lumabas ng elevator.

Suplado naman.

"Atty!" Tawag ko sa kanya. Hinabol ko siya.

Pumasok siya sa isang kotse kaya mabilis din akong pumasok. Baka iwan niya pa ako.

"Atty. May sarili kang company? Building? Firm? Saan ka nag wo-work? Nag wow-work ka or nag tu-twerk?"

Wala pa rin sagot.

Okay, english na lang.

"Atty. Where is your twerk place at? She you have your own farm?" Nakangiti pa akong nagtanong.

Wala pa rin akong nakuhang sagot.

Hay naku, sa lahat ng mga kilala kong Atty. Siya pinaka tahimik. Hindi siya kagaya ni Atty. Harry Roque. Napalabi ako.

Hindi na ako nagsalita dahil wala naman yata siyang balak kausapin ako.

Sumunod lang ako sa kanya nang makababa na kame ng sasakyan at at nandito kami sa isang Judge hall.

Woah! What a mesmerized beauty! Sleeping beautiful.

Nakasunod lang ako sa kanya at hindi niya man lang ako inasikaso.

My hearing pala siya ngayon kaya pala mukhang nagmamadali at busy sa mga papers.

Umupo ako sa kalaban niya at nakita ko siya na parang may hinahanap at nang mapunta sa akin ang tingin niya ay mabilis siyang nag iwas. Nakatayo siya sa harapan at may mga papel na inaayos.

Maya maya pa ay nagsimula na ang labanan. Tahimik lang kaming mga audience na nakikinig. May nag hysterical pa.

Tapos nagmamakaawa pa yung babaeng makukulong doon sa pamilya nung lalake. Basta ang alam ko naipanalo niya ang kaso.

Nakasakay na kami sa kotse nya at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Wow atty. Ang galing mo pala. Apir tayo!" Hindi niya ako pinansin at sa daan lang ang tingin niya.

Namangha ako sa kanya kanina ang galing niya magsalita at naipanalo niya ang kaso. Naka relax lang siya at mukha siyang confidence na mananalo siya.

Hay, sabihin ko na lang mga pinupuntahan namin dahil wala naman akong kausap.

Next destination namin ay isang malaking building at pumasok kami doon.

"Good afternoon, Atty."I saw him nodding on that gurlalo who great taste him.

Nagtataka akong napatingin sa babae. That gurlalo smiled at me.

"Good morning Ma'am." She smiled at me sweetly.

"Uy teka." Mabilis akong tumakbo dahil nakasakay na siya sa Elevator akma na ngang magsasara.

Pumasok kame sa isang office at ang laki.

"Wow na wow." Bulalas ko nang makita ko ang loob.

“Atty, magnanakaw ba tayo dito?” Tanong ko habang ginagala ang paningin sa buong lugar.

“Yes.”

Literal na nanlaki ang mata ko sa sinagot niya.

Nagpapanggap lang siyang isang lawyer.

--

Umupo siya doon sa swivel chair at ang laki ng table. May isang malaking cabinet din dito.

“Yayaman na tayo dito.” Binuksan ko ang isang drawer at napasimangot ako sa aking nakita. Nag eexpect ako ng mga mamahaling mga gamit. Mga folder at envelope ang laman ang drawer na ito. Mukhang mga importante ang mga iyon. Ang dami naman papel. Mapapel siguro ang naka office dito.

“Anong nanakawin natin dito? Mga papel? Tapos ibebenta natin sa junk shop?” Tanong ko sabay tingin ko sa kanya. He’s now busy with the laptop and a folder besides his laptop.

Napadapo ang tingin ko sa nakalagay sa harap ng laptop niya at ang pina center sa table.

Atty. Kienzo Vladimir Velasco.

KVV? Kabibi. Kabebe. Bebe. Bibi. Duck. Quack! Quack! Quack!

May tatlong bibe akong nakita. Mataba, maputi at sexy.

Ah, Sa kanya pala ito. Napaniwala niya ako na magnanakaw kami rito.

“Mapapel ka pala sa buhay.” Komento ko.

Hindi naman niya narinig ang sinabi ko dahil busy siya sa ginagawa niya.

Lumabas ako ng office niya dahil hindi niya rin naman ako kinakausap.

Naglibot ako sa buong building at napansin ko na andaming Lawyer dito at puro may mga kausap na clients. Feeling ko na mga lawyer sila. Ma-feeling kasi ako.

Sino kayang may ari ng farm na nito. Kinuha na niya na lahat yata ‘yung mga magagaling na Atty.

Umupo ako sa isang table at tumingin sa paligid. Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad.

Bahala na. Hahanapin naman na siguro ako nu’n. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Lahat ng mga tao dito mga busy at may kanya-kanyang kausap.

"Good afternoon Ma'am. I'm sorry I'm late. I had emergency." Tumayo ako para makipag kamayan sa kanya.

"Good afternoon din po hehe." Pagasakay ko sa trip niya. aKpag nag honeymoon kami ni Atty. sa kanya ako sasakay.

"Take a sit, Ma'am." Umupo naman ako. Sabi niya, eh.

"By the way, what’s your name again?” Tanong niya habang may tinitignan sa ipod na dala niya.

"Princess Claire Zhu- Ay hindi! Alcantara pala! Ay mali!" Tinignan niya ako ng nagtataka at nanghihinala. “Basta, isa po akong prinsesa at tumakas po ako sa aming kaharian dahil nakakapagod maging prinsesa.” Kuwento ko.

Natawa siya sa sinabi ko. Akala niya nagbibiro ako pero hindi niya nag jo-joke lang ako. "I'm Atty. Glavienca Rodriquez. So what's your concern?" Sumeryoso na siya.

Huh?

Ano bang concern ko? Wala naman ah. Maliban na lang dun sa chinese na panget pero sabi naman ni Atty. Siya ng bahala doon. Nag isip ako ng iba.

"Ganito po kasi iyon Atty. Hindi po ako kinakausap ng asawa ko." His listening kaya nagpatuloy ako sa pagsusumbong.

"What about your husband?"

"Ewan ko sa kanya. Atty. Kausap ako ng kausap sa kanya tapos wala man akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Hindi naman po siya pipi, nagsasalita naman po siya pero bakit hindi niya po ako kinakausap?" Tanong ko sa kanya na nagtatanong. Nagbabakasakali ako na may makukuha akong sagot galing sa kanya.

"Uhu, so, you want to file a case to your husband because he's not talking to you?" Paninigurado niya.

"Hindi po Atty." Mukha naman siyang naguluhan sa sinabi ko.

"Then what is your concern, Ma'am?"

"Yun na nga po Atty. Hindi niya po ako kinakausap." Pag-uulit ko. Tinignan niya ako, ‘yung tingin na, ‘kung okay lang ba ako.

"Ma'm, I'm consulting a case, not a love life problem." He chuckled.

“Hindi Atty.” Pagpilit ko. Hindi niya ako maintindihan. “Ang sama niya sa akin. Pinakasalan niya ako kaso hindi niya ako binigyan ng wedding ring tapos ano.” Nag-isip pa ako ng ginagawa sa akin ng lawyer na iyon, “sabi niya magmamanakaw kami eh, sa kanya naman pala office iyon. Niloloko niya ako.”

Natatawa naman siya sa akin. “Tapos, wala yata siyang balak na mag honey moon kami. Paano na ako?” Pag da-drama ko.

Hindi na mapigilan nitong lawyer na kausap ko na humalakhak sa tawa.

“Atty. huwag kang tumawa hindi ako nakikipagbiruan.” Seryosong sabi ko, “kailangan ‘kong madiligan para mawala ang mga tigyawat ko sa pisngi kasi sabi sa’kin ng isang dermatologist sa kanto namin, magpadilig daw ako at matic na mawawala ang mga pimles ko kas-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang nagliwanag ang mukha ko nang makita ko siyang dumaan dito.

"Wait lang po Atty. time first po muna.” paalam ko at tumayo.

Hinabol ko siya at tinawag.

"Atty. Teka lang!" Sigaw ko sa kanya. “Atty. Ken! Kapag ‘di ka tumigil sa paglalakad, ipagkakalat ko ang nudes mo!” Sigaw ko.

Tumigil naman siya at humarap sa akin. "Hi?" He smiled at me at para naman akong matutunaw sa ngiti niya.

“Did we meet before?” Tanong niya na nagtataka at inaalala ‘kung nagkita na ba kami.

“Bulag ka?!” Marahas na tanong ko sa kanya, “Oo, kanina! May nangyari pa nga sa atin!” Malakas na sigaw ko at napatingin sa amin ang isang babae na dumaan.

Hindi maipinta ang mukha ng kaharap ko.

“Teka, bakit nag-iba ang suot mo na damit? Naka black coat ka kanina bakit naging blue?” Naalala ko kanina ang mga coat na naksabit sa rack closet niya. Malamang nagpalit.

Hindi na siya nakasagot nang, "how's your case Atty. Vladimir?" Napatingin naman ako sa taong nagsalita at si Atty. Rodriquez. Lumapit siya sa'min.

"Magkakilala kayo?" I interrupted. Tinuro ko ang dalawa.

"Yes." They both answered in chorus. Hindi naman obvious.

"How about you two?" Turo niya sa amin ni Atty. Rodriquez.

"He's my husband!" Proud na sabi ko at kumapit sa braso niya.

Parehas naman silang na-schoked sa sinabi ko. Ako din, nagulat. Ipapakita ko mamaya ‘kung paano ‘yung mukha nang nagulat.

"So, siya ang sinasabi mo na asawa mo na hindi ka kinakausap?" Tanong ni Atty. Rodriquez sabay tawa.

"Oo." I answered. Napakunot naman ng noo si Atty. Vladimir na parang di alam ang sinasabi ko.

"Wow. You're married, Man. You didn't invite me huh.” Sabi nitong si Rodriquez.

Humarap ako kay Rodriquez, “pasensya na po Atty. ‘kung hindi ka namin naaya. Tight budget kasi kami nu’n at saka baka kasi mag take out ka pa ng foods.” Nahihiyang sabi ko.

Imbis na ma-offend siya sa sinabi ko ay natawa siya.

"Wait.” Sabi ni Kienzo na parang may naalala. “What advice?” Nagtatakang tanong niya. “ Me? I'm not talking to her?" Paninigurado na tanong niya kay Rodriquez.

Rodriquez, laughed again. "Yes Atty. Vladimir.” Amuse na sabi niya. “ She's my client at sinasabi niya sa akin na hindi mo raw siya kinakausap.” Ngumiti siya ng nakakaloko.

Bigla na lang nag ring ang phone ni Atty. Rodriquez at sinagot naman niya ito.

Umalis siya sandali at bumalik nang tapos na siyang makipag-usap.

"I'm sorry, so you're not my client? My client is here." Tukoy sa akin ni Atty. Rodriquez.

Umiling naman ako.

"Nakiupo lang po ako kanina hehe"

"Oh, I see. I need to go. My real client is here." Paalam nito.

"Hey. Miss." Hinapit niya ako sa bewang kaya napahawak naman ako sa d****b niya. Parang nag iba ang amoy niya. Amoy peso na siya, hindi na dollars.

"So, you're my wife?" Amazed na tanong niya. May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Oo noh! Kakasal lang natin kahapon." Sabi ko.

He smirked at me.

"So, if we're married where is your ring?" Nang uusisang tanong niya at tumingin sa ring finger ko.

"Sabi mo bibilhan mo ako." Ngumuso ako.

"Oh, I see. Did you know that I can sue you for telling everyone that you are my wife?" Binigyan niya ako ng matamis na ngiti pero, hindi matamis 'yon. Mukhang may binabalak.

"Mukha ba akong nagsisinungaling?! May sira ka yata sa utak!" Sigaw ko sa kanya. Kairita siya. Magkaka wrinkles yata ako ng dahil sa kanya.

Tumawa naman siya ng malakas.

"Ok. Ok. I'm sorry. Let's go to my office." hinila niya ako sa kanyang office.

Pagpasok ko sa office niya.

Teka bakit parang may nag iba?

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Neng Panganiban
hayan na!!!! what's next? so exciting............
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
hahahahaa kakalokah
goodnovel comment avatar
Jae Y
............ nice one author I liked it ... stress reliever...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status