Share

Chapter 3 It's a Guess

KINAUMAGAHAN may mga pinapirma na siya sa'kin.

"I'll pass this and don't go anywhere. We still can't sure your safety." Habilin niya at ttumango lang ako sa kanya

"I'll go first." Umalis na siya dala ang mga papel na mga pinirmahan namin.

Lalabas na sana ako ng condo nang biglang may kumatok. Pinagbuksan ko kaagad ito ng pinto at babaeng retokada ang bumungad sa akin.

Tinaasan niya ako ng kilay ng makita ko siya.

"Yes? What can I help you?" Magalang na tanong ko.

"Who are you?" Mataray na tanong pabalik ng babae.

Basta na lang itong pumasok sa loob at binangga ang aking balikat.

"Hey, trespassing ka! Alam mo ba na rude kapag bigla ka na lang pumapasok basta-basta?"

"I'm Atty. Kienzo Girlfriend." Pagpapakilala nito sa sarili.

"Eh, hindi ka naman mukhang girlfriend niya mukha ka niyang tita." Hanas ko.

"What?!"

Napatakip naman ako sa bibig ko.

"Ops, nadulas lang." Kaka mop ko lang kasi kanina dito sa condo.

"Who are you ba, huh?! And what are you doing in his condo?!" Asik nito sa akin.

"Init ng ulo. Mag judge ka muna." Kinapa ko ang bulsa ng pants ko at binigay ko sa kanya ang juicy na judge.

"What the hell?! Sino ka ba, huh? Are you his maid?" Tinignan niya ako mula hanggang paa. Ang init naman ng ulo niya. Sigaw ng sigaw.

"Mukha ka pa ngang maid sa'kin.” Sagot ko.

Oo, maganda siya but I am beyond beautiful. Marami lang akong pimples sa pisngi kaya ‘di halatang maganda ako.

"Get out!" Nanliliksik ang mga mata niya. Ang bilis naman magalit.

"Mama mo get out." Pang ti-trip ko sa kanya.

Lalabas na lang ako ng condo at magliliwaliw sa labas kesa sa maurat sa pagmumukha ng baklang 'yon.

Tatawagan ko na sana si Atty nang maaalalang wala akong cellphone.

Sumakay ako sa bus at balak ‘kong kumain sa labas. Binigay sa akin ni Atty. Ang isang ATM card niya para may magamit daw ako pansamantala. Makapal ang mukha ko kaya kaagad ‘kong tinanggap.

O diba, kakapirma pa lang namin kanina at may pa iwan- iwan na ng ATM card si pogi.

Masaya akong naglalakad papunta sa Ice cream parlor ng biglang may humawak sa magkabilaang braso ko.

"Mr. Huang." Natigalgal na sabi ko.

"Ikaw laging takas. This time hindi na ikaw takas." Sabi nito sa akin.

Pinalibutan ako ng mga tauhan nito at napapatingin na din ang mga taong nadadaan. Akala siguro nila shooting ito.

"Dalhin iyan. Ikaw benta sa'ken pero ikaw laging takas. Ayuku sa'yo sayang pera ko sa'yo."

"Ayoko din sa'yo! Ang panget mo!" Balik na sagot ko.

"Ikaw a tapang a tao." Sagot naman niya sa akin.

"Ikaw a baho a chinese!" Binaletan ko siya. Anong akala niya magpapatalo ako? Mas mabango pa nga ako sa kanya kahit walang deodorant.

"Dalhin na 'yan." Utos niya sa mga tauhan niyang bouncer sa bar.

"Teka lang! My father fix marriage me to someone, kaya ibalik mo na pera niya. Ayaw niya na din sa'yo."

Sabi ko bago pa ako mahawakan ng mga kanyang bouncer.

"What?! Wala sabi sa'kin." Nadala naman siya sa sinabi ko.

"Kasal na ako. Kaya hindi na ako nakatira sa kanila." Kalmado na sagot ko.

"Usap kame maayos. Ikaw punta sa'kin kapalit tulong business."

"Hindi na niya kailangan tulong mo. Kasal na ako."

"Hindi pwede. Ikaw sama sa'kin. Sayang pera khu." Nahihirapan na sabi niya sa English.

Pinilit ko na magpumiglas sa mga lalaking nakahawak sa'kin pero ayaw pa rin nila akong pakawalan

"Palayain mo na ako dahil wala ka na mapapala sa'kin. Kahit tawagan mo pa ang aking Ama. Nakahanap na siyang ibang tutulong sa kanya at walang iba kundi ang asawa ko. Pupunta nga ako sa bahay para masabi namin sa'yo ang tungkol dito."

"Hindi! Ikaw sama pa rin sa'kin." Pilit nito.

"Ikaw kulit!" Sigaw ko sa kanya. Ang bobo naman niya!

"Ikaw sasampahan ko ng kaso. Asawa ko attorney." Pagmamalaki ko.

"Basta ikaw sama sa'kin."

Pinilit nila ako sumama sa kanila.

"Ayoko nga! Ikaw ipapakulong kita! This is kidnapping!" Sigaw ko sa kanya at walang paki ‘yong taong nakakakita sa amin. Nanonood lang sila at hindi man silang tutulong.

"Tulong!" Malakas na sigaw ko pero walang pumapansin sa'kin. Tulungan niyo ako, wala ako sa isang drama.

Nakasunod lang sa likod ang iba niyang mga tauhan.

Sinubukan ko na tadyakin ang isa pero naka ilag siya, parang alam na nila ang gagawin ko.

"Pwede ikaw tahimik!" Sigaw sa'kin ni Mr. Huang.

"Ayoko sa'yo. Ikaw tigas ulo. Bagsak negosyo ko sa'yo, kapag ikaw ganyan." Naiinis na sabi niya. Ayaw ng mga chinese sa malas, sino ba naman ang may gusto?

"Babagsak talaga negosyo mo dahil isusumbong at ipapakulong kita!" Dinuraan ko siya.

"Ikaw bastos." Akmang sasampalin na niya ako ng inunahan ko siya ng tadyak at dinuruan ko din ang isa.

Buti na lang tatanga- tanga mga tauhan niya. Magaling pa yata ako makipag one on one combat sa kanila.

Mabilis akong tumakbo palayo pero lahat sila nakasunod sa'kin. Hide and seek na naman. Ang pangit ng buhay kapag isang action.

Lord sabi ko bigyan mo akong romance life na may poging prince charming, hindi action.

Napadpad ako sa hi-way at mabilis ang takbo ng mga sasakyan.

Tumingin ako sa likod ko at malapit na sila sa'kin kaya lakas loob akong tumawid. Mataba kasi sila kaya mabagal tumakbo.

Malakas na busina ang narinig ko.

Napapikit ako and I waited na may tumama sa'kin pero wala akong naramdaman. I slowly open my eyes at sobrang lapit na sa'kin ng kotse.

Tumingin ako sa likod. "Ikaw babae disgrasya ka!" Malapit na sila sa'kin.

Hindi ko na pinapansin ang mga sasakyan na dumadaan at bumusina sa akin. Akmang tatakbo na ulit ako nang may lumabas sa kotse na nasa harapan ko.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang makita ko siya.

"Atty!" Masayang tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at nagtago sa kanyang likod. Nabuhayan ako ng loob.

"Mr. Huang meet my husband." Sabi ko habang nakasilip mula sa likod ni Atty.

"Siya yung sinasabi ko sa'yo na matandang pinapakasal nila sa'ken." Bulong ko sa kay attorney.

"Save me. Pinipilit nila akong sumama sa kanila." Sumbong ko sa kanya.

"Who are you? Why are you chasing my wife?" Kalmadong tanong ni Attorney sa Chinese.

Napanganga naman si Mr. Huang sa sinabi nitong katabi ko.

"Why are you chasing my wife?" Ulit niya habang nakakunot ang noo. Bigla niya akong kinuha sa likod niya at hinapit papalapit sa kanya. "Do you know that I can file a case for kidnapping? You're not in your country, Mr. Huang. I'm a lawyer and I can do everything to send you to prison. If you want to live a peaceful life here, stop pestering my wife." He said straight forward yet serious.

Mr. Huang looked scared. Mukha naman siyang na-threathend sa sinabi nito.

"If ever you touch her again. I won't think twice about sending you to prison." Kalmadong sabi niya at napatingin ako sa kamay niya na nasa bewang ko.

Kinikilig ako.

That's all he said and he held my hand and guided me in the car. Before I enter I bleeh his bodyguards. His men is all stupid.

“Loser!” Nag dislikes ako.

"Hi. Kuya Rodger." Bati ko sa kanya and he greeted me with a smile.

Kienzo lends his hand and Manong Rodger give him the car key.

I breathe.

I went to the passenger seat even though he did not say anything. Diba ganito naman talaga? Basta, kinikilig pa rin ako sa nangyari kanina.

A hot husband just saves his cute wife in danger.

"Thank you for saving me." I said when we're inside the car.

He started the engine and sighed.

He's silent the whole ride and he did not talk to me.

Pagbalik namin sa condo niya ay wala na 'yung babae kanina.

"Thank God!" Bulalas ko.

"Ano pa lang ginagawa mo kanina doon?" Niluwagan niya ang kanyang tie.

"What are you doing there? Didn’t I told you to wait me here and don't go out." Seryosong sabi niya habang nakakunot noo at hinubad ang coat na suot.

"Wow ang hot naman." Mahinang sabi ko. Bakit ‘di pa niya hubarin pati long sleeve niya?

"I got hungry and beside the maid- the woman who came here shoo me away." Sumandal ako sa sofa.

Lalo itong napakunot noo.

"Is she your girlfriend?" Deretsang tanong ko.

"I don't have a girlfriend." Balewalang sagot niya. He licked his lower lip.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Akala ko girlfriend mo 'yung mukhang maid na 'yon! Kung oo, ang panget ng taste mo!" Asik ko.

"Edi, mag asawa na tayo?" Umalis kasi ito kanina para ipasa ang marriage paper namin.

"Yeah." maikling sagot nito sa akin.

Pumunta ito sa kusina kaya sinundan ko siya.

Kumuha siya ng watah sa fridge. "Eh, wala ba akong singsing?" Nabulunan naman ito sa iniinom na tubig.

Bumaba ang tingin niya sa nabasa niyang white long sleeve niya. "What?!"

"Eh, diba, mag asawa na tayo, eh dapat bigyan mo ako ng singsing." At saka pinakita ko ang ring finger niya, "look, it's empty." Ngumuso pa ako.

Napapailing na lang si Kienzo sa kanya.

"I'll buy you one tomorrow." He continue to drink water at ipinagpatuloy nito ang pag-inom.

"Dapat ikaw din meron!" Remind ko. Baka slow siya at ako lang ang bibilhan niya.

"Whatever." Sagot nito sa akin at inilagay sa sink ang baso.

Umalis na ito sa kusina kaya sinundan ko ulit siya.

"Why are you following me?" Naiiritang tanong nito sa akin.

Kanina tahimik tapos naiinis ngayon naman naiirita.

"Gutom na ako." Reklamo ko at hinimas ko ang tiyan ko. "Dapat hindi mo ako ginugutom at hindi tama iyon." I added.

"Are you really that thick face?" Nagbuga siya ng usok at niluwagan ang necktie.

"Grabe ka naman Atty." Lumabi ako at tumabi ako sa kanya sa sofa.

"Atty. Gutom na talaga ako. Hindi naman ako nakakain kanina kasi hinabol ako ng mga bodyguard ni mabahong chinese." Nagpapaawa effect pa ako. At saka malapit na mag lunch.

"At saka lawyer ka pa man din, ang yaman mo tapos wala ka man lang pangkain sa asawa mo.” Pangungunsensya ko sa kanya. “ Paano kapag nagka anak tayo? Edi gugutumin mo kame?" Napahawak naman ako sa aking bibig nang marealized ‘ko ang aking sinabi ko at napatingin naman siya akin.

"Gusto ko ng fried chicken at saka pizza. Pang order mo ako, huh? Love you!" Mabilis na ko at patakbong pumasok sa kwarto nito. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pro tip: Kung hindi makapal ang mukha mo walamg mangyayari. ‘Kung hindi ka mag fi-first move, walang baby na mabubuo.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Neng Panganiban
pwede b bawas bawasan mo Ang kadaldalan mo. Sige ka pag nairita Yan d k n nya tutulungan. Tuluyan Kang makasal sa........Ewan daldal mo...️...️............
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
hahaaa un ba un panuntunan
goodnovel comment avatar
Jae Y
Ang ganda ng story nakakatawa na nakakakilig...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status