Share

Chapter 2 Atty

Pagkagising ko ay wala na siya sa buong condo and good thing ay may pagkain siya na iniwan. Mabait naman pala siya. Poging mabait, hihi.

Umalis din ako sa condo niya pagkatapos ko maligo. I won't stay any longer at saka maghahanap pa akong pwede kong pagtaguan and I need to contact Weltry. I need a help from him.

Putik!

Napatago ako dahil nandito sila. Nasa hallway na ako at pasakay na ng elevator nang makita ko sila.

Shit! Paano nila nalaman na nandito ako?

May tinitignan sila sa kanilang hawak na kung ano at lumilinga-linga sa paligid.

"Ayun siya!" Mabilis akong tumakbo pabalik sa condo nu’ng masungit na lalake.

"Sorry!" Sabi ko sa nabangga ko.

Sumakay ako sa elevator at nagmadali na masara ito.

"Bilisan mo!" Pindot ako ng pindot sa button.

Malapit na sila hindi pa rin sumasara ito. Napapapikit na ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan itong sumara.

Kinakabahan ako dahil nandito lang sila.

Pagkabukas ng elevator ay bumukas din ang isang elevator na nasa harapan at mabilis akong naglakad ng hindi nila nakikita.

Bakit ang bilis naman nila?

Mabilis akong pumasok sa loob at nakita pa nila ako at doon ko nalaman na ang dami nila. Mas lalo silang dumami.

Nilock ko ng maigi ang ang pinto at sinara lahat ng mga bintana. Narinig ko naman ang katok nila.

"Miss, ikaw labas dyan kung ayaw saktan!" Dinig kong sabi nung isa.

Kinakalampag nila ang pinto.

Kinakabahan na ako.

"Sira namin ito ikaw kapag di labas!" Sigaw pa niya.

Palakas ng palakas ang kalampag sa pintuan.

Pumasok ako sa kwarto at nilock ang pinto. Hinarangan ko din ito ng kung ano ano.

Buong araw akong nakakulong sa kwarto at napabalikwas ako ng higa ng biglang bumukas ang kwarto.

Napaatras ako

"No!"

Nakapasok sila sa loob at nandito din siya

"Nooo!" Lumapit sila sa akin at hinawakan nila ako.

Pilit akong nagpupumiglas.

"Don't touch me !" Sigaw ko sa kanila ngunit ang higpit ng pagkakahawak nila sa akin.

Tinadyakan ko ang isa sa kanila at mabilis na lumapit sa kanya at nagtago sa kanyang likod.

"Please huwag mo akong ibibigay sa kanila."Mangiyak-ngiyak na paki-usap ko at nakayakap na ako sa kanya.

Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.

Kaya ba nila nalaman dahil sinabi niya?

"No! No! No! Please!"

Lumapit sila sa akin at pilit na hinihiwalay sa kanya.

"Huwag mo akong ibibigay." Pagsusumamo ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Please huwag!" Sigaw ko nang pilit nilang akong nilalayo sa kanya.

"Ikaw lagi takas. Tara na!" Sabi ng mataba sa kanila at pilit akong kinaladkad palabas.

Pinabayaan niya lang ako kunin ng mga ito. This is the end of my life.

Nang nasa pinto na kame ay napakapit pa ako sa pinto.

"Kapag hindi ka bumitaw makakatikim ka sa'kin." Banta nung isa.

"Please huwag niyo akong kunin. Dodoblehin ko binibigay sa inyo, huwag niyo lang akong kunin!" Mas nilakasan ko ang sigaw ko.

"Tigil drama!" Nagtitimping sigaw ni baboy.

Sapilitan nila akong pinalabas sa condo at kinagat ko ang kamay ng isa at ang isa ay mabilis kong tinadyakan.

"Punong puno na akong sayong babae ka!" Bago pa ako makalayo ay nahila niya ang buhok ko at mabilis niya akong sinuntok sa tiyan kaya napaluhod ako sa sakit.

"What the fuck did you do!" Isang boses ang namayani sa buong paligid. Boses na nakakatakot at parang papatay. Boses na nakakatakot at may dalang panganib.

Parang umiikot ang sikmura ko at paningin ko. Ang sakit ng ginawa niya. Ganito pala ang feeling ng masuntok sa tummy. Napaupo ako sa sahig at napatingin ako sa kanila.

I saw him punching the other one at biglang na lang may mga backup siyang kasama at pinagsusuntok itong mga matabang tauhan ng chinese na iyon.

"All of you get lost. Leave her alone" Matigas at malamig na sabi niya.

"Hindi pwede iyon! Pinapasok mo kame para kunin siya at magagalit si boss kapag di namin siya k-kasama.” Tutol ng isa sa kanila habang nakahawak ang mga tauhan nito sa mga lalaki para hindi sila makagalaw. Ang iba naman ay mga pasa sa mukha. Mabuti nga sa inyo.

"I'm Atty. Kienzo Vladimir and I can sue you and your boss. I can file a case for hurting her. Anti Violence for women." Kalmado pero nakakatakot na sabi niya.

Matagal tinignan ng leader nila si atty bago nagsalita. "Balik kami dito!" Umalis silang lahat at si atty naman ay binuhat niya ako.

"Thank you!" Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Does it hurts?" Hinawakan niya ang parte na nasuntok sa akin at napa aray ako. I heard him cussed.

We rode the elevator and it took 3 minutes at nagbukas na ito. Pumasok kami sa condo niya.

"Why are they chasing you?" Umalis siya at pumunta sa kusina.

Pinunasan ko ang luha ko.

Kumuha siya ng first aid kit. "Ako na.” Prisinta ko ngunit hindi siya pumayag. He insist.

Mabait naman pala ng konti.

"Women in our family destined in fix marriage or they'll sell us. At ayoko magpakasal sa isang matandang Chinese! Ang baho niya hindi siya naliligo! Kaya tumakas ako at hinahabol nila ako! That ugly old man owning a bar, at binebenta niya ang mga babae at alam ko na ganu’n ang gagawin niya sa'kin." Humarap ako sa kanya.

"Please marry me." Seryosong sabi ko. Naptigil siya sa paglagay ng betadine sa bulak.

Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at lumunok ako. It’s now or never. I will Try or I will forever regret this.

"I need your h-help.” Lumunok ulit ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko. Alam ko komplikado ang hiling ko sa'yo but please, babayaran kita kapag naka ahon ako or kung anong gusto mo ibibigay ko. I know hindi ka papayag na walang nakukuha" Pinunasan ko ang luha ko.

Pagod na kasi ako at ito na lang ang tanging paraan na alam ko.

Hindi siya nagsalita.

He didn’t blink. "We don't know each other.” Matigas na sabi niya.

"Please? Kahit gawin mo akong PA, maid, alalay, taga laba, taga utos, taga linis, or what! Gagawin ko ang lahat!" Desperada na talaga ako.

"I won't marry a stranger." Matigas na sabi niya at pinagpatuloy ang naudlot na ginagawa. His voice is full of finality.

"Nagpakilala na nga ako, eh!" Frustrated na sabi ko.

"Marrying you? How does it help your situation?"

"Kapag kinasal tayo hindi na nila ako guguluhin kasi bawat isa sa'min ay pinapakasal nila or binebenta"

Kapag binili kami panigurado pakikinabangan lang din kami, at 'yung pera na pinambayad sa amin ay triple ang balik nu'n sa kanila.

Niyugyog ko ang balikat niya "Please? Please. I'll do everything. Hindi ko naman ako kailangan patirahin dito. I will leave after we get married. I just need your surname." I begged. I need his surname as proof.

Nakatingin ako sa kanya at umaasa sa na papayag siya. I'm waiting for his answer.

Ang sagot niya ay ang magiging kapalaran ko habang buhay.

Ayaw ko na, eh. Pagod na ako tumakbo. I want a normal life again.

His answer stops my world. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naiiyak ako na naluluha at natatae.

“No.”

Comments (2)
goodnovel comment avatar
aaytsha
The English version of this is at Novelnow
goodnovel comment avatar
Rene Babbington
don't understand this story line, maybe if it was in English????
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status