Share

Billionaire's Secret Marriage
Billionaire's Secret Marriage
Penulis: Aiza Garcia

Chapter 1

Takbo lang ako ng takbo, kanina pa ako tumatakbo. Pagod na pagod na ako kakatago at kakatakbo. Bakit ba ako hinahabol ng mga ito, eh, wala naman silang mapapala sa akin dahil isa lang ako palamunin. Wala akong trabaho, kaya palamunin at pabigat sa pamilya ang tawag sa akin. Tapos sabi din ng ate ko, ang tamad ko daw kahit nalinis ko na ang buong bahay.

Mukha daw akong cellphone at iyan ang hindi totoo dahil isa akong prinsesa.

Nung may nakita akong taxi na huminto sa harapan ko may mabilis akong sumakay

"Manong, kahit saan po! Magbabayad po ako basta makaalis lang po ako dito." Sabi ko habang nakatingin sa likod ko. Tinitignan ko kung nakasunod pa sila sa akin.

"Manong-" napatigil ako sa dapat na sasabihin ko ng nakatingin siya sa akin.

"Manong kahit saan nga po. Paandarin niyo na, may pambayad naman po ako, may humahabol lang sa'kin." Kinakabahan ngunit malumanay na sabi ko, baka mahabol nila ako.

Ayokong makasal! Sakal na sakal na nga ako tapos ipapakasal pa nila ako. Wala na akong trabaho tapos mapupunta pa ako sa isang kuripot na lalaki. No way! Kahit marami akong pimples alam ko kung anong deserve ko.

Muli akong tumingin sa aking likod at hindi ko pa nakikita ang isa sa kanila.

Muli akong humarap sa kanya at nakatingin pa rin siya sa rear mirror at parang nakatingin siya sa side ko. Kaya tinignan ko naman iyon.

"Hi." Nahihiyang bati ko.

May katabi pala ako at hindi ko napansin.

He's wearing suit, serious look at straight lang ang tingin sa harapan. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

He's tall and white skin. Foreigner na naman. For sure, maraming pera ito. Okay na, kaso ayaw ko nga pala sa mga foreigner mahirap kausap, tapos ang pangit ng mga accent nila. Hindi ko maintindihan.

Napayuko ako at napakapit sa kanyang braso nang makita ko silang dumaan.

Nasa harapan sila at palinga-linga sa paligid. Doble ang tibok ng puso ko. Mahigpit ang pagkakagat ko sa aking labi.

Nung tumingin dito ang lalake ay nagsumiksik ako sa d****b nitong lalaki at mahigpit na kumapit sa kanya. Plantsahin ko na lang ang nagusot niyang suit mamaya. Ang bango niya. Amoy dollars. Kung siya ang pinili sa akin ni ama hindi na ako magrereklamo at tatakbo. Mayaman na at amoy dollars pa!

Hindi naman problema ang pakikipag-usap sa kanya dahil may g****e translate naman.

Nag angat ako ng tingin sa aking side at nakita ko ang isang bodyguard na nakatayo dito sa bintana at lumilinga-linga.

"Huwag niyo akong ibibigay." Mangiyak ngiyak na pakiusap ko. I bit my lower lip dahil sa sobrang kaba.

Kapag nakuha nila ako dead end ko na.

"Manong pwedeng paki andar na magbabayad naman po ako.” Mahinang paki-usap ko.

Tumingin siya sa lalakeng katabi ko na parang nanghihingi ng permiso at nang tumango itong lalaking amoy dollars ay pina-andar niya ang sasakyan, doon naman ako nakahiga ng maluwag.

Inangat ko ang tingin ko at sobrang lapit na ng mukha namin. Mas gwapo siya sa malapitan. Ang nipis ng labi niya at kulay rose pink ito. Sakto lang din ang kapal ng kilay niya. Kung pagmamasdan siya nasa awra niya na tinitingala siya at makapangyarihan.

Na mesmerized ako sa ganda ng mukha niya.

Napaayos lang ako ng upo ng tumikhim ang nasa harapan. “Sorry.” Sabi ko sa kanya ngunit pinagpagan niya ang kanyang suit at hindi pa rin tumitingin sa'kin.

Arte! Wala naman akong dalang germs.

Tahimik lang ang buong biyahe at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Kinalkal ko ang bag ko para matawagan ang aking kaibigan para magpasundo pero hindi ko mahanap ang Nokia phone ko at wala akong wallet. Patay!

Double trouble na this. Ano ng gagawin ko?

"Can I borrow your phone?" Mahinang tanong ko sa katabi ko ngunit, hindi na niya ako sinagot o nilingon. Nasa harapan niya ang kanyang tingin.

Mas nilakasan ko ang boses ko. "Pwede ko ba hiramin ang cellphone mo?" Ulit ko pero hindi pa rin ito sumagot.

"Can I borrow your phone? May tatawagan lang ako.” Tinutok ko na ang bibig ko sa left ear niya para marinig niya ako.

"No." Maikling sagot nito.

Ayun, marunong naman palang magsalita. Hindi siya pipi pero bingi siya. Major turn off.

"Emergency lang." Maikling sagot ko.

"No." Malamig na sagot niya at hindi pa rin tumitingin sa akin. Parang robot a****a. Isang tanong, isang sagot tapos hindi pa gumagalaw. Straight lang ang tingin.

Ginalaw galaw ko ang kamay ko sa harapan niya pero hindi man lang ito kumurap.

"Wow ang galing kuya, Robot po pala itong kasama naten." Amaze na sabi ko.

“Invented po ba ito kuya? Kasi, in the future mga robot na ang mabubuhay dito sa planet. Ang galing po ng mga tao, ang galing nilang sirain ang mundo. By the way, magkano niyo po ba itong nabili?” Natatawa naman ang driver ngunit pinipigilan niya lang.

"Kuya, can I borrow your phone?" Nag puppy eyes pa ako. Sa kanya na lang ako manghihiram.

"No." Matigas na sagot nitong robot na katabi ko. Hindi naman siya ang kausap ko bakit siya ang sumasagot?

"Sunget mo naman! Manghihiram lang! Babalik ko din naman! Hindi ko naman nanakawin!" Reklamo ko, “at saka pwede ba manahimik ka,” inirapan ko siya, “hindi naman ikaw ang kinakausap ko. Ang pangit naman ng pagkakagawa sa’yo.” Inirapan ko siya ulit.

Narinig ko na tumawa ang driver, “Ma’am hindi po siya robot. Boss ko po iyan.” Sagot niya habang tinatago ang tawa. Napatango na lang ako.

"Nakalimutan ko lang 'yung sa'kin sa bahay. Hmpp!” Paliwanag ko dito sa katabi ko. Pinag cross niya ang kamay sa kanyang braso.

"Why they are chasing you?" Seryosong tanong nito sa akin.

"Sikret! Peram mo muna akong phone bago ko sabihin." May pagka chismoso din pala ito.

"Sigina." Niyugyog ko siya.

Kinuha nito ang panyo sa pocket pants at iyon ang ginamit para alisin ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

"Arte muh! Wala naman akong virus o germs! Mas malinis pa ako kesa sayu!" Sinamaan ko siya ng tingin, “At saka anak ako ng isang hari kaya huwag mo akong ginaganyan.” Pananakot ko sa kanya.

Madiin niyang ipinikit ang mga mata niya at para na siyang napipikon sa akin. "Roger, stop the car." Matigas na sabi niya at nagtitimpi lang. Naalerto ako sa inutos niya.

Mabilis naman na itinabi ni manong driver ang sasakyan at napatingin ako sa buong paligid. Nasa isang bridge kami at nasa malayo na kami. Hi-way na ito.

"Get. Out." Madiin na sabi nito at binuksan niya ang kanyang mga mata. Napalunok ako nang sumalubong sa akin ang mga dark brown niyang mga mata.

"Nag jo-joke l-lang ako.” Nag peace sign ako sa kanya.

"Roger." Matigas na tawag niya sa kanyang driver. Lumabas naman ito at binuksan ang pintuan sa aking pwesto at hinawakan niya ako sa braso para palabasin at humawak naman ako sa lalake na katabi ko.

"Kuya huwag po! Nooooo!" Hysterical na sabi ko. Sigaw iyan. Malakas na sigaw.

"Can you please lower the fuvk your voice." Iritadong utos niya.

"Sir, huwag niyo po akong paalisin! Sigi na po! Mag be-bahave na po ako! Huwag niyo po ako dito ibaba kahit sa malapit na hotel na lang po." Naiiyak na sabi ko.

Hinila ako ni Roger para makaalis sa sasakyan.

I grab the chance when kuya Roger answers the caller. Mabilis akong bumalik sa sasakyan at umupo sa kandungan nitong matandang masungit na lalaki, inilagay ko sa leeg niya ang dalawang kamay ko, bali, nakayakap na ako sa kanya.

He stilled when I sit in his lap.

"Sir, the investor is waiting for you at Hotel Del Rosario. They arrived at the hotel by now."

"Tell them we're on our way."

"Yes, sir!" Sagot nito bago isinara ang pinto at nag drive na.

Napangiti naman ako. Mukhang nakalimutan na nila ang tungkol sa akin.

Mabilis lang kaming nakadating sa five star hotel.

Bigla niya akong tinulak at nauntog ang noo ko sa bintana ng kotse at lumabas naman ang dalawa na parang hindi nila kasama ako kasama. Lumabas siya sa pinto kung saan siya nakaupo. Ngayon niya lang ako itinulak, bakit hindi niya ako itinulak kanina?

Ang sama ng ugali! Porke gwapo! Hmpp!

Kaya ayaw ko sa mga gwapo dahil pangit ang mga ugali nila. Sa mga pangit na lang, at least wala pa akong magiging kaagaw at iibigin akong tunay.

Kung ako boyfriend nang lalaking iyan, hihiwalayan ko talaga siya.

Nang mabored ako kakahintay sa kanila dito sa sasakyan at lumabas ako para makalanghap ng hangin ng siyudad. I inhale the polluted air,

Umupo ako sa entrance ng hotel kung saan may hagdan at nangalumbaba ako.

Hindi niya naman matawagan ang kanyang kaibigan para makahingi ng tulong at ang dalawang lalake ay ayaw naman siyang pahiramin ng cellphone.

Sinubukan niyang manghiram sa mga taong nakikita niya ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito kaya lalo siyang napasimangot.

It's already past 7 in the evening at apat na oras na siyang naghihintay sa labas ng Hotel.

Nangangalay na ang puwet niya sa kakaupo at kakatayo.

Hindi pa siya nakakapag lunch at wala pa siyang ligo at amoy pawis na siya kakatakbo niya kanina, kung saan-saan na rin siya sumuot para matakasan ang mga humahabol sa kanya.

Inaantok na siya at gusto na niyang maligo.

Nang mapansin niya na papalabas na ang mga ito ay mabilis siyang tumayo at sumakay sa kotse na kasabay nila. Mahirap na baka iwan siya ng mga ito.

Wala naman nagsasalita sa kanila at ang katabi niya ay tahimik na nakapikit, mukhang napagod sa ginawa sa loob.

Wala naman sigurong threesome na naganap. Napatakip siya sa kanyang bibig at humagikgik.

Huminto sila sa isang condominium at sumunod siya sa lalaki hanggang loob, nasa likuran siya nito at kaya naman ng huminto ito ay nabangga siya sa likod niya.

"Are you following me?" He asked coldly at tinaasan pa ako ng isang kilay.

"Bulag ka ba? Kanina mo pa ako kasama." Tinarayan ko siya.

He sighed na parang nagtitimpi sa ugali ko.

"Ay, pwedeng makituloy? Kahit ngayon lang?"

"No. Get lost! Stop following me!" Sagot nito at muling naglakad ng mabilis. Ang hahaba ng mga hakbang parang tikbalang.

Dahil mabait ako, hindi ako nakinig sa kanya at hinabol siya. Kinalabit ko siya to get his attention.

"Sigi na ngayon lang naman and beside wala talaga akong matutuluyan ayaw mo naman akong pahiramin ng phone para sana magpasundo sa kaibigan ko." I followed him in the elevator.

He deeply sighed again at may kinuha sa bulsa ng pantalon.

Nakatingin siya sa iphone nito na nakalahad sa harapan niya, tinignan ko siya at hindi siya nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng palihim, bibigay din pala, nag papabebe lang. Excited ‘kong kinuha ito at pumunta sa call log. Mabilis na nawala ang kanyang ngiti ng marealized na hindi niya memorize ang number ng kanyang kaibigan.

"Ay, hindi ko pala memorize ang number nila hehe." Binalik ko ito sa kanya.

"Pwedeng makitira na lang?" Pakiusap ko.

"I don't know you." Walang emosyong sagot nito.

"I'm Jiselle Mika Alcantara. 26 years old. I'm currently living in Makati City. I have part time job and half tambay." Nilahad ko ang aking kamay para makipagkamayan ngunit napahiya ako dahil hindi man lang niya tinaggap.

"How about you?" I curiously asked. Parang pamilyar ang amoy niya sa akin.

"I still don't know you." Sagot nito at hindi pinansin ang aking tanong.

"Basta nagpakilala na ako pwede na iyon." Ngumuso ako.

Hindi na ulit siya sumagot at lumabas ng elevator nang bumukas na ito.

Sumunod akong pumasok sa loob ng condo nito at wala man lang kagamit-gamit ang loob ng condo nito.

"Wow ang manly." Bulalas ko.

"Saan ako matutulog? At saka may damit ka ba na pambabae diyan? Hindi pa kasi ako naliligo at saka gutom na ako. Makikikain na rin ako ah." Paalam ko kahit wala naman siyang sinabi na papatuluyan niya ako.

"You'll sleep on the sofa and I don't have female dresses here. My fridge is also empty" He licked his lower lip at hinubad ang suot nitong coat.

Pumunta ako sa kusina para tignan ‘kung nagsasabi ba siya ng tototo. At oo, kahit tubig walang laman ang fridge niya.

"Wow! daming laman." Sarcastic na komento ko.

Inilibot ko ang buong paningin at sakto lang ang laki ng condo niya at may isang kwarto, mukhang para lang sa kanya talaga.

"Pwede makahiram ng damit mo? Please? Salamat!" Inadvance ko na dahil alam ko naman na hindi ako papahiramin.

Nakaupo lang ako sa sofa habang naghihintay ng damit ngunit may nag doorbell, binuksan ko naman iyon at si Manong Roger ang nakita ko.

"Here's your personal needs, Madam." Roger smiled at me.

"Sakin ito? Weh?" Binuksan ko ang laman at puro pambabae na damit ang nandito, may mga sabon, shampoo at toothbrush pa, may panty at mga bra din.

"Salamat Manong Roger!" Sigaw ko dahil nakalayo na siya.

Mabait naman pala eh.

Mabilis akong naligo at ang galing naman nilang pumili ng damit dahil sakto lang sa akin. Wow amazing cap stories.

Hay nakakapagod ang araw na ito.

"Mister pwedeng makihiram ng pera? Babayaran ko rin." dinikit ko tenga ko sa pinto. Nasa kwarto na siya.

"Mister?" Kumatok ulit ako.

"Bubuksan ko na ito huh? Di ka kasi sumasagot!" Sigaw ko.

Akmang bubuksan ko na kaso kusa itong bumukas.

"Peram pera. I’m hungry!" Hinihimas ko ang tiyan ko para ipakita sa kanya na gutom na talaga ako.

"I waited you outside the hotel for almost 4 hours at saka wala pa akong kain ng lunch." Napakamot ako sa batok ko.

"So what."Balewalang sagot niya. Lumabas siya sa kanyang lungga at sinundan ko siya ng tingin.

"You're too demanding. I didn't know you. I let you to come here in my condo and you keep on demanding and too noisy"

"Eh, kung pinakain mo na ako edi wala ka ng maririnig sa'kin.” Diba? “At saka babayaran naman kita." Wala siyang logic.

"How can you pay me? Someone is chasing you and you don't have money."

"Edi kapag nagkita tayo babayaran kita! Hindi ko naman sinabi sa'yo na babayaran kita ngayon!"

He tsked at may kinalikot sa kanyang phone at maya maya pa ay may nag doorbell at mabilis ko naman iyong binuksan.

"Sabi ko na pagkain!"

Mabilis ko itong binuksan. Ang daming pagkain.

"Thank you kuya!" Nag flying kiss ako sa nag deliver.

Bumalik na ako sa sofa kung saan siya nakaupo kanina.

"Salamat mister. Babayaran kita kapag nagkita ulit tayo! Love you!" Sigaw ko and he stops from entering his room.

I just realized what I had said.

I saw him, he clenched his fist.. He turn around to face and his expression is blank. Ang sama ng tingin sa akin.

I am doomed!

Komen (4)
goodnovel comment avatar
aaytsha
English version available in Novelnow
goodnovel comment avatar
aaytsha
There's English version of this in Novelnow
goodnovel comment avatar
Yvonne Ward
Any chance of this in English?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status