Share

Billionaire’s Desire (Tagalog)
Billionaire’s Desire (Tagalog)
Author: MhardzGuivarra

Chapter 1

CHAPTER 1

KANINA PA nakarating si Anastashia sa kanilang tagpuan ni Michel. Naiinip man siya sa matagal na pagdating nito ay tiniis na lamang niya dahil matalik din naman niya itong kaibigan. Kanina lang din siyang panay ang silip sa kaniyang relos dahil may pupuntahan siya pagkatapos ng kanilang pag-uusapan.

Nag-order na ng kape si Anastashia para sa kanilang dalawa dahil ayaw niyang habang nag-uusap sila, wala silang iinumin. Kinakaadikan din niya kasi ang pag-iinom ng kape.

Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi nadako ang kaniyang paningin sa pagbukas ng pinto sa coffee shop kung nasaan siya ngayon. Ganoon na lang din ang kaniyang tuwa nang makumpirmang si Michel ngayon na kinina pa man talaga niyang hinihintay.

“Salamat at dumating na rin ang pinakamabuti kong kaibigan,” aniya sa sariling unti-unting tumayo para salubungin si Michel. Tuluyan nang nakapasok si Michel. Nakita siya kaagad nito kaya nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kaagad na nag-ngitian silang dalawa.

Hindi pa man tuluyan nakalapit si Michel sa kaniya ay malapad na ang braso nito para sa kaniyang pagyakap nito. Hindi mapigilan ni Anastashia ang lihim na pagngiti. Isa ito sa palagi nilang ginagawa lalo na kapag iilang araw din silang hindi nagkikita.

Nang makalapit na talaga siya dito ay niyakap niya ito ng napakahigpit.

“I miss you,” saad niya.

“I miss you, too.” Mahigpit ang yakap ni Michel sa kaniya.

Matapos ang kanilang yakapan ay inaya na niya itong maupo sa upuan na in-occupy niya.

Pagkaupo pa lang nila ay tinawag na kaagad niya ang waiter para sa second order niya para sa kanilang dalawa ni Michel. Nakuha naman ng waiter ang kaniyang hudyat.

“So, kumusta ka na?” tanong niya dito.

Umayos ng upo si Michel bago sumagot. “Ayos lang naman ako, ‘no.”

Tumango-tango siya bilang sagot dito.

“Itutuloy mo pa ba talaga `yang binabalak mo, Anastashia? Hindi mo ba talaga babaguhin `yang pasya mo?” may pag-alalang tanong nito nang hindi na siya umiimik. Iyon din naman ang hinintay niyang itanong kaagad nito sa kaniya.

At pagkatapos iyong itanong ni Michel sa kaniya ay hinigop nito ang kapeng kanina lamang nito tinitigan. Pagkatapos ay muli itong bumaling sa kaniya ng tingin. Ang tingin nito ay may paninigurado.

Lihim na natuwa si Anastashia sa kaniyang sarili.

“Yes! I’m really sure about it. Hindi ko na babaguhin ang desisyon kong `to. I have no doubt, Michel. Kagustuhan ko `to.” Nababanaag sa boses niya ang sobrang kagustuhan sa naging pasya niya. Inalis ni Anastashia ang kaniyang mata sa kausap na kaibigan upang ibaling ang tingin sa ibang direksyon. Lumandas sa labi niya ang simpleng ngiti.

Alam niyang pipigilan talaga siya sa naging desisyun niya. Wala naman siyang hindi puwedeng gawin. Nakaplano na iyon sa kaniyang isip. Hindi na iyon mababago ni kahit sino pa man.

Alam niyang hindi siya nito mapipigilan. Iyon ang nasa kaniyang isip noon. Gusto ni Anastashia na susuportahan siya nito. Pero kung pipigilan siya, Michel couldn’t make it anymore. Buo na iyon lahat sa isip niya at hindi niya na kailangang baguhin pa. At sa nakikita ni Anastashia sa ekspresyon ng mukha nito ay talagang hindi nito gusto ang kaniyang binuong desisyon. But she must act normal, hindi siya nagpahalata rito na nasisiyahan siyang naghihirapan ito sa naging desisyun niya. At wala siyang dapat ipag-alala sa bagay na iyon dahil iyon naman talaga ang goal niya.

“You have to make sure of your decision, Ana,” patuloy pa nito, muling sumimsim sa baso.

Noon pa man ay protective kind of a friend na si Michel sa kaniya. Maalalahanin ito pagdating sa kaniya kaya gano’n na lang ito kung umasal. Kung ano mang mga bagay na kailangan niyang pagdedesisyunan ay dapat ding alam ni Michel ang lahat nang iyon. Kasama niya noon pa man si Michel sa lahat ng mga problemang nasasangkutan niya. But this time, hindi ito isang problema na kaniyang kailangang gagawan ng solusyon. Siya mismo ang gagawa ng problema dahil iyon naman talaga ang kaniyang plano.

May puot siyang naramdaman sa kaniyang puso na matagal na talagang nakatago. Kinimkim niya iyon ng matagal. This time, alam niyang may patutunguhan na ito.

Matalik silang magkaibigan at walang sekreto sa isa’t isa. Iyon ang hindi totoong nangyayari sa kanilang dalawa. Hindi i-de-deny ni Anastashia na may sekreto siyang hindi sinabi kay Michel pero mababaw lamang iyon hindi kagaya kay Michel. Nalaman niya iyon. At iyon din ang dahilan kung bakit hindi na katulad ng dati ang kaniyang pakikitungo rito. Nang nalaman niya, parang hindi na siya ang dating kaibigan nito.

Para na rin magkapatid ang kanilang turingan sa isa’t isa noon. Siguro nitong makaraan lang ay napapansin na ni Michel ang pag-iba niya ng pakikitungo rito. Iyon din man talaga ang ginawa niya. Pinaparamdam niya iyon kay Michel para mas eksaktong hindi na ito magtataka.

Sa tuwing nagkaroroon siya ng boy friend nandiyan lamang si Michel para suportahan siya. Maraming beses na rin siya nitong pinagtanggol sa nang-aapi sa kaniya. Walang kasing katulad na kaibigan si Michel kaya hanggang ngayon, ganito ito kung umasta.

Pero ang hindi niya matanggap ngayon ay iyong naramdamn niyang hindi nito matatanggap ang kaniyang desisyon. Nararamdaman ni Anastashia iyon dahil sa tingin pa lang nito sa kaniya ay talagang palihim na may disgust. Matagal na iyong sinabi ni Anastashia bagaman hindi siya kampante na sa phone lang nito alam ang bagay na iyon. Kaya dito sa loob ng coffee shop ay sasabihin na talaga niya iyon.

Sa katunayan, matagal na rin niyang napapansin na may parang nag-iba sa pakikitungo nito sa kaniya. Akala niya noong una ay nagkakamali lang siya pero habang tumatagal ay mas lalong naging kakaiba. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang maging totoo na rin kaibigan si Michel.

“Do I have to say it again, Anastashia? Kailangan pa ba nating mag-away uli?” muling pagsasalita nito. Hindi niya alam kung paano niya ito pakitutunguhan ngayon.

Alam ni Anastashia na hindi na maganda ang timpla ng boses nito. Napangiti na lang siya ng lihim. Hindi siya natatakot kay Michel.

She had to say something to Michel. Pero nakikita niya sa ekspresyon ng mukha nito ang pagkabahala at pag-alalal. She wondered if it was a fake or not. Mula noon, alam na nni Anastashia na magaling magtago ng nararamdaman si Michel. Kaya nitong magmukhang kaaawa-awa kahit hindi naman talaga nito naramdaman ang emosyong iyon.

“I have said that to you already,” aniya. She just wanted to confirm it from Michel.

Gusto niyang sa bibig nito mismo, sa personal, masasabi nitong pinapayagan siya nito kahit puwede naman talaga niyang gawin iyon ng kusa without Michel’s permission. Itong nangyayari sa kanilang dalawa, isang pilit at pakitang-tao lang.

“But you must think it twice, Anastashia,” mahinan saad nito. Tiningnan ang kape kung ubos na ba o may laman ang baso. Pagkatapos ay tumingin ito sa kaniya ng may pang-iimbestiga.

Sinalubong naman niya ang titig nito. Hindi niya pinahalata na magkaroon ng hidwaan sa kanilang titigan. Ngumiti si Anastashia.

Gusto ni Anastashia ang tumawa ng malakas kaso pinigilan niya lang. This was not the right time to do so.

“Parang nag-iba ka na, Michel.” Siya ang humiwalay sa kanilang titigan.

Hindi sumagot sa kaniya si Michel bagkus ngumiti lang ito sa kaniya na parang wala lang. Nginitian na lang din niya ito.

Dito sa Downtown Café, malapit lang din sa kaniyang bahay ay kung saan sila ngayon. Isang nature-friendly na coffee shop ang kanilang naging tagpuan para pag-usapan ang bagay na lagi niyang binabanggit dito noong nakaraang buwan. At kahit na malayo ang pinanggalingan ni Michel ay hindi ito nagdalawang-isip na siputin siya rito sa Mindanao. Galing si Michel sa Visayas—sa Samar, para sa business trip nito pero nang tinawagan niya ito ay hindi ito nagdalawang-isip na puntahan siya. Puwede naman nitong sabihin sa kaniya na hindi ito puwedeng bumalik dito sa Mindanao para lang pag-usap ang bagay na ito pero ginawa talaga ni Michel. Hindi rin niya alam talaga kung ano ang iniisip nito ngayon. Hindi siya na-gi-guilty sa ginawa niyang ito. Hindi rin siya nakaramdam ng awa. Siguro tama lang na ginawa niya ito kay Michel dahil malaki rin ang atraso nito sa kaniya.

“Sana ay naintindihan mo `ko,” muli niyang pagsasalita nang hindi na umimik si Michel. Kinuha niya ang baso sa lamesa at sumimsim muna. Hindi pa ubos ang kaniyang kape. Muli siyang nagsalita pagkatapos ubusin ang kape. “Iyon lang ang gusto kong makuha sa iyo ngayon.”

Napalingo-lingo si Michel. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang inasta.

“Akala ko talaga ay nagkaliwanagan na tayo nito dati pa, eh,” sabi nito sa hindi makapapaniwala habang tumitig na lang sa baso.

“I told you. Hindi kita titigikan hanggang hindi ka papayag,” aniyang hinimas-himas niya ang hawakan ng baso.

Para namang nabunutan ng buhok sa kilikili si Michel dahil sa sinabi niyang iyon. Sumama ang ekspresyon sa mukha nito.

Sa nakikitang ekspreson ng mata nito, masasabi talaga ni Anastashia na galit ito. Nagpipigil lang dahil may iniingatan ding public figure na hindi dapat nito sasayangin.

Natuwa siya sa pangyayaring ito.

“My God, Anastashia! Naririnig mo ba `yang sinasabi mo? Hindi mo ba alam kung anong klaseng tao iyang si Arthuro Gatciano?” Ang ekspresyon sa mukha nito ay hindi maipinta ni Anatashia. Matagal na niyang gustong gawin na sorpresahin si Michel sa kaniyang binabalak.

“I know it, Michel,” aniya. Gusto niyang paikutin ang kaniyang mata. Pero hindi ito ang tamang panahon para gawin niya iyon.

“Iyon naman pala, eh. He’s a dangerous man, Anastashia. Hindi mo ba iyon inisip?” sabi nito sa boses na nakakainis.

Pilit niyang pinakalma ang kaniyang sariling damdamin. Hindi niya akalain na mangyayari sa kaniya ang magalit ng ganito kay Michel. Hindi niya inisip noon na aabot ito sa ganitong sitwasyon. Well, kung hindi lang talaga siya nimulan ni Michel ay hindi talaga ito mangyayari ngayon.

“Hindi kita papayagan sa pag-apply sa kompanya ni Arthuro, Anastashia. Hindi puwede at hindi maaaring mangyari!” parang nanggigigil na ito. Halos mabasag na ang baso sa higpit ng pagkahawak ni Michel.

Dahil sa ipinapakitang galit nito sa kaniya, natuwa siya ng lihim. Hindi ito ang inaasahan niya at wala ito sa kaniyang plano. Pero sa kaniyang naiisip, kailangan niyang gumawa ng dapat.

“I know that, Michel. Pero hindi ako nakaramdam ng takot sa kaniya. At may rason ako kung bakit ko `to ginagawa. You let me do this.” Inilapit niya muna ang baso sa kaniyang labi bago niya muling hinagilap ang mga mata ni Michel para titigan. Natawa siya sa kaniyang ginawa dahil wala na palang laman ang kaniyang baso. “Bakit hindi mo ako papayagan? Di ka naman ganiyan dati, ah? What happened to you, Michel? Saan na `yong dating ikaw?” sunod-sunod niyang tanong dito. Tinitigan niya ang wala na niyang laman na baso bago muling tiningnan si Michel.

Nakakunot ang noo nito at bakas ang galit sa mukha. Kung hindi lang siguro sila nasa publikong lugar, sa tingin niya ay masasampal siya nito.

Anastashia made a tricky smile. “Alam ko na kung bakit hindi mo gusto na maging secretary ako ni Arthuro Gatciano, Michel. Dahil nga ba ay mapanganib siya?”

Kalmado lang niyang itinanong iyon, naghihintay siya kung may gagawin bang hakbang si Michel para kumontra sa kaniya.

Hindi niya ikinabahala ang naging ekspresyon ni Michel nang sabihin niya `yon. Hindi niya mawari ang namutawing ekspresyon sa mukha nito. She saw the mixed emotion on Michel’s face.

Nanatili siyang kalmado pero may binabalak na siya.

Muli siyang nagsalita, “o baka ay ayaw mo lang na mapalapit ako sa taong mahal mo?”

“Anastashia!” mabilis nitong tugon. Hindi na nakatiis at napatayo na ito.

Ngumiti siya sa naging reaksyon nito. Ngayon, ipinapakita na talaga niya iyon sa kay Michel.

Kinatitigan niya ulit ang mata nito. Wala siyang pakialam kung ano na ang naramdaman nito ngayon para sa kaniya. Hindi niya bibigyan ng atensyon ang emosyong nararamdaman nito. Ang gusto ni Anastashia ngayon ay ang masunod ang kaniyang gusto.

Nagpatuloy si Anastashia sa pagsasalita. “Am I right, Michel? Nababahala ka ba talaga para sa akin? O ayaw mo lang talaga na mapalapit ako sa Arthuro mo?”

“Hindi kita pinipigilan, Anastashia! I’m just concern!” mabilis na tugon nito. Naging mailap ang tingin nito na parang may itinago sa kaniya. “Y-yeah, just that. No other means. Be considerate naman, oh!”

Hindi niya napigilan ang kaniyang tawa. Sa harap nito, malakas niyang binulwak ang kaniyang tawa. Nakikita niya ang pagiging agresibo sa mata nito.

“Concern,or what?” Alam niyang may iba pang dahilan si Michel. Alam niya `yon. Hindi lamang nito masabi sa kaniya na siyang gusto niyang marinig galing mismo sa bibig nito. And she knew that those secrets were not for that time to reveal. O talagang matagal na niyang alam ang bagay na iyon?

“A-ano ba ang gusto mong palabasin?!” nagkikibot- kibot ang labi nito habang isinatinig iyon. “Sabihin mo nga ngayon!”

“Dapat ako ang nagtanong niyan, Michel. Ano ba ang gusto mong palabasin?” aniya rito na may nakalolokong ngiti sa labi.

She could feel now the tension between her and Michel. Kulang na lang ay magtagisan sila ng mga titig. Kitang-kita ni Anastashia mismo sa dalawang mata niya kung paano nangunot nang nangunot ang noo ni Michel sa sandaling iyon. Pinipigilan lamang nito ang tunay na nararamdaman. Hindi lang inis ang naramdaman nito, galit na ito at marunong lamang magtimpi.

`Pagkuwan ay nag-ayos na ng sarili si Michel. “Kailangan ko na nang bumalik sa Samar. Mabuti pa na huwag na natin itong pag-uusapan pa!” nagmadali itong tumayo.

Wari ni Anastashia na napupuno na sa inis ang kaibigan niya. Inayos nito ang mamahaling bag bago isinakbit sa balikat.

“O, sige!” may excitement sa boses niya. And shemanaged a fake smile to Michel. Kung aalis na ito ay hindi niya ito pipigilan. Wala sa kaniyang isipan iyon.

Wala na sa pakialam niya ang pigilan pa ito. Mas mabuti na iyon.

Ngunit hindi siya maaaring mabigo sa kaniyang tunay na pakay, ang plano niya. Kung aalis na ito, tama na sasabihin niya ang makapagsorpresa nito. “I got hired sa kompanyang pagtatrabahuan ko, Michel. Sa kompanya ni Arthuro.”

It was more of a authoritive voice of her. Kahit kinakabahan siya ay nagawa niya iyon.

Ikinahinto iyon ni Michel na siyang dahan-dahang lumingon sa kaniya. “What?” hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi.

Tumayo na rin siya. Inayos ang sarili bago muling humarap sa nagulat na kaibigan. Ngumiti siya rito ng peke, malaking ngiti. “Don’t worry. Hindi ko naman aakitin ang Arthuro mo. Hinding-hindi ko iyon gagawin.”

Pero hindi iyon totoo. Isa sa plano niya na akitin si Arthuro nasa plano na iyon.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan niya ang nakatigil na si Michel. Hindi man lang ito nakapagsalita pero ang bibig nito ay nagkikibot-kibot na parang may gusto pang sasabihin.

Kung ikinawindang iyon ni Michel, kulang pa iyon. Anastashia was prepared. Kaya huminto siya nang hindi pa tuluyang nakalalayo sa kinalalagyan ni Michel. Humarap siya rito. “You can’t blame someone — me, dahil alam ko na ang lahat. Get enough of the pretending, Michel. Nagsawa na ako sa ginagawa mo. Nagtiis ako ng mahabang panahon at ngayon… kailangan mong magbayad!” At siya’y nagpatuloy na sa paglalakad. Wala siyang lingong tumalikod sa hindi nakapagsalita niyang kaibigan.

Kasabay rin sa pagtalikod niya ay ang pagtakwil niya rito bilang isang matalik kaibigan niya sa buhay niya. Hindi na niya kailangan ng kaibigang katulad lamang ni Michel. At kung tutuusin ay kulang pa iyong ibinigay niyang sindak kay Michel kung i-kukumpara iyon sa kaniyang naranasan sa panloloko nito sa kaniya. Walang-wala iyon kumpara sa ginawa nito sa kaniya noon.

Matagal na siyang peneke ni Michel. Masakit iyon para sa kaniya dahil dalawang taon siyang naging tanga. O talagang hindi lang dalawang taon?

Dalawang taon na naniniwala rito. Ang akala niya ay totoong kaibigan si Michel, iyon pala ay peke ito. Ang masakit pa ay inagawan siya nito ng nobyo. Nang dahil sa panggagago ni Michel ay nasaktan siya ng sobra. Para ba na binaril ng paulit-ulit ang kaniyang dibdib at sinasaksak ng maraming beses.

Mahal na mahal ni Anastashia si Clifton, ang dati niyang nobyo. Tipong hindi niya binibigyan ng sakit sa ulo ang dating nobyo at ni hindi niya ito pinagbuhatan ng kamay. Kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam sa nobyo na hindi niya ito mahal. She was in loved with Clifton. But Clifton was like bubbles, he faded fast. Ang nobyo niya na bigla na lamang naglaho sa kaniyang tabi, nakapatong na pala ito sa katawan ni Michel. Iyon pala’y iba na ang kasama nito sa kama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status