Share

Chapter 55

CHAPTER 55

NANG nasa labas na si Anastashia hindi na niya hinintay pang makitang sumabog ang buong building na siyang pagmamay-ari din ni Fr. Agad na sumakay si Anastashia ng kanyang kotse. Hindi na rin niya hinintay pa ang kanyang mga magulang dahil nasabihan na naman niya ang mga ito.

“Condolence sa inyong lahat,” sabi niya habang nagmamaneho na pala sa buong building.

Saglit lang ang lumipas ay nakarinig na si Anastashia ng malakas na pagsabog. Sa narinig niyang iyon ay namutawi sa kanyang mga labi ang malapad na ngiti.

“Bagay na bagay sa inyong mga hayop na kayo ang mamatay ng walang kaalam-alam,” muling pagsasalita ni Anastashia.

Hindi maiwasan ni Anastashia ang mapangiti ng sobra. Para bang naging panatag siyang nagawa niya iyon sa ganoong kadaling panahon. Hindi man lang siya pinagpapawisan.

Tumunog ang cell phone ni Anastashia. Nakita niya ang registered number ng kanyang papa.

“Hi!” bungad niya rito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status