Share

Chapter 91

“Daddy naman, may ibang araw pa naman na pwede mong kilatisin si Richard. Isda ba iyon at kailangan mo pang kaliskisan?”

“Stacy naman.” Balik ng tatay ko sa akin. Ngayon na okay na ang relasyon naming mag ama ay bumalik na ang kakulitan niya na sobrang na-miss ko noon. Yes, noon iyon. Ngayon kasi ay parang nagsisisi na ako na bumalik ang pagiging makulit niya. Isang oras pa lang kami naging maayos ay parang na-suffocate na ako sa kanya.

“Dad!” Pinaikot ko pa ang mga mata ko tanda na medyo naiinis na ako at na-gets naman ng Daddy ko ang nararamdaman ko ngayon.

“Anak, gusto ko lang naman na makilala ng husto ang lalaking ipapalit ng baby ko sa akin, or mas tamang sabihin na ipinalit sa akin ng baby ko. Naku parang sumama ang pakiramdam ko ngayon, para akong nahilo dahil may boyfriend ka na, hindi na ako ang only one mo.” Nginitian pa niya ako, iyong klase ng ngiti na hindi mo maintindihan kung para saan

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status