Share

Chapter 92

“O Rekdi, nasaan si buntis?” Bungad sa akin ni Eric, pagkaupong pagkaupo ko sa dining area. Nagsipagtinginan pa ang mga taong ito sa likuran ko sa pag aakalang nahuli lang sa paglalakad ang girlfriend ko. Iba talaga ang charm ng babaeng mahal ko, heto ako sa harapan ng staff ko pero hindi man lang ako binati o alukin ng almusal bagkus ay unang hinanap si Stacy. Nasaan na kaya ang loyalty ng mga ito, nasa akin pa rin kaya o nandoon na kay Stacy?

“Itigil n’yo na ang paglingon, wala siya ngayon. Hindi ko siya kasama.” Malungkot na sabi ko. Kagabi pa lang na nagsabi si Stacy na hindi siya sasama sa akin sa pag uwi sa bahay ko ay sobra na ang lungkot na naramdaman ko. At kanina naman, habang papunta ako rito sa location ay ramdam na ramdam ko na may kulang. Wala na akong kasabay papunta rito, walang nakaupo sa tabi ko. Wala iyong magandang tanawin na parati kong nakikita tuwing babaling ako sa kanan habang nagmamaneho ako.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status