Share

CHAPTER 12

Nag-angat nang tingin si Lily sa kaibigan niyang si Gwyneth. Nakaupo ito sa long couch na hindi kalayuan sa office table niya.

“Really, Gwy?”

Tiningnan siya nito na nakakunot ang noo. “What?”

“Nandito ka na naman sa opisina ko? Wala ka ba trabaho?”

Tinawanan siya ni Gwyneth bago ito sumagot. “Kaya nga ako nandito kasi wala, ‘di ba?”

Huminga nang malalim si Lily at bumalik muli sa pagta-trabaho. Napapadalas ang pagpunta rito ng kaibigan niya nitong mga nakaraang araw at hindi siya makapag-trabaho nang maayos.

“Hindi ba ulit dadaan si Ivor dito?” narinig ni Lily na tanong ni Gwyneth.

Hindi tumitingin si Lily sa kaibigan at nakatutok pa rin ang atensyon niya sa kaniyang laptop. “At bakit mo naman naitanong?”

“Na-intriga kasi ako sa kwento mo noong mga nakaraang nagkita kayo. Gusto ko lang naman makita kung paano kayo nakikipag-interact sa isa’t isa.”

Inalis ni Lily ang tingin sa laptop at tumingin kay Gwyneth. Tinaasan niya ito ng kilay. “So, kaya ka nandito? Para maki-chismis?”

Mapang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status