Share

Chapter 34

Napabuntong-hininga si Mang Guillermo sa pinagdadaanan ng anak.Nagkalat ang bote ng beer sa mesa habang nakayukyuk na si Gavin doon. Mahirap nga naman ang kalagayan nito. Ang babaeng mahal nito ay hindi pwedeng angkinin dahil may asawa si Gavin. Ang mga anak naman nito ang ay ang isa ay kinamumuhian ang ama, samantalang ang isa ay iba ang kinikilalang ama.

Hindi napansin ng mag-ama ang bagong dating na si Dianne. Galing ito sa Centro para magliwaliw at ang nadatnang eksena ay nagpainit sa ulo nito.

“My God Gavin! You look like a mess.” Nilapitan nito ang asawa at inagaw ang bote ng beer na hawak ni Gavin. “Alam mo naman na bawal sayo ang alcohol!” Tiningnan ni Dianne ang biyenan at pinagsabihan. “Grabe Tay, hindi mo man lang inawat ang anak ninyo!”

“Kita mong may pinoproblema ang asawa mo. Hayaan mo siya. Malaki na siya at alam na kung ano ang masama sa mabuti. Hala mag-usap kayong mag-asawa.” Tumaliko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status