Share

Chapter 41

Hindi pa man tumutunog ang alarm ay nagising na si Trixxie. Tuwing umaga ay siya ang naghahanda ng mga gamit sa school ng anak. Bumaba na siya sa komedor kasama si Tatiana na nakabihis na. Kaagad lumapit ang anak kay Yaya Pacing at niyakap nito ang matanda. Isa iyon sa mga konsuelo ni Trixxie, ang pagiging malambing ng mga anak. Hindi niya alam kung saan nakuha ng mga anak ang ugaling iyon. Sila ng Kuya Harvey niya ay pawang mga sutil na bata kahit anong disiplina ng mga magulang nila.

Inihatid ng tanaw ni Trixxie ang ang anak at mga pamangkin sa sinakyan nilang malaking van. Sa dami ng mga batang kailangan ihatid sa skwela ay napabili ang mga magulang ng bagong sasakyan. Ang dating isang drayber na iisa ay nadagdagan pa.

Hapon ng may hindi inaasahang bisita si Trixxie. Ang mga kaibigan na sina Trinity at Barbie. Malayo pa lang ay halos mapunit na ang mga bibig ng mga ito nang matanaw si Trixxie.

“OMG T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status