Share

Chapter 131

Hindi ko na pa binigyan ng pagkakataon si Koko na makapagsalita at mabilis na bumalik sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Ayaw kong pigilan niya ako dahil kahit anong gawin niya ay hindi na magbabago ang isip ko.

Singbilis ng kidlat ang mga galaw ko habang nagbibihis. I wear a tight and stretchable jeans and a black racer back. Hinablot ko ang boots ko at isinuot. Kumuha ako ng belt bag ay inilagay doon ang mga bagay na sa tingin ko ay magagamit ko doon.

Bago ako umalis ay hinablot ko ang baril ko. Habang pababa ako ay isinusuot ko ang aking jacket.

"Miss Lauren? Bakit po ganyan ang ayos niyo? Saan po kayo pupunta?" tanong ng isang katulong nang nasalubong niya ako sa kusina.

"May pupuntahan lang ako saglit. Pakisabi Kay Dad na babalik din agad ako," wika ko at nilampasan siya.

"Pero Miss—"

Isinara ko na ang pintuan sa likod ng kusina at dumiretso kung nasaan sina Koko.

"Koko, asan na yung kabayong pinapakuha ko—"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status