"BABIES, Mama will just go to the restroom. Just wait for me here, okay?" Syrellie said to her twins.
"Mama, can we go with you?" tanong ni Kenjie. Nag-puppy eyes pa ito. Alam niyang nagpapa-cute ito para pumayag siya.She stared at Kenjie. Ayaw niya sanang isama ang mga ito sa restroom dahil hindi naman siya magtatagal doon. She just wanted to pee. Kanina pa siya naiihi. Hindi naman siya makapag-CR agad dahil marami pa siyang inasikaso buhat nang makalapag ang eroplanong sinasakyan nila galing Paris, France.Bumuntong-hininga siya. "Alright. But promise me, you, two, will behave, okay?" Pinaglipat-lipat niya ang titig sa dalawa niyang anak."Yes po, Mama!" magkapanabay na tugon ng kambal.Hinawakan niya ang palapulsuhan ng mga ito. Tumayo siya. "Yaya, dito lang ho muna kayo," aniya nang mapansing akmang susunod si Yaya Melly sa kanila. Ito ang tumayong yaya ng kambal mula nang maipanganak niya ang mga ito. "Pakibantayan ho muna ang mga g"GOOD morning, Sir," halos panabay na bati sa kaniya ng mga empleyado pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kompanya.Derederetso lang si Dwight sa paglalakad. Ni hindi niya nilingon ang mga ito. Hindi niya pinagkaabalahang ngitian, ni tanguan man lang.Pagkatapos sa airport ay agad siyang nagpahatid kay Manong Oscar sa kompanya na pag-aari niya sa Ortigas. He was a workaholic person, kaya naman kahit na kakarating lang niya buhat sa biyahe ay agad siyang nagtungo sa DMSolivan Group of Companies, Philippine Inc.Ang building na kinaroroonan ng kompanya niya ay solong pagmamay-ari niya. May apatnapu't limang palapag iyon. Anim na palapag ang inuukopa ng kompanya niya, at nasa mataas na bahagi iyon. Ang iba nama'y pinaparentahan niya. May sarili rin siyang penthouse sa building na iyon, para kung sakaling ayaw niyang umuwi sa condo o sa bahay niya ay roon siya naglalagi.Naipundar niya iyon sa sariling sikap at tiyaga. Mga apat na taon na rin mula nang magtayo siya ng kompanya sa Pili
Hi, Beloved Readers!Nagkamali po ako ng post sa Chapter 2. Hehe! Pabasa na lang po uli ng update ko maybe tomorrow. Ipapa-remove ko po muna sa Editor ko 'yong Chapter 2 na na-post. Nagkamali kasi aketch. Kulang din po na-update ko. Medyo mahina kasi WiFi dito sa liblib na pook. Haha! Pasensya po, tao lang. ;)I'll be updating Chapter 2 again. Paantay na lang. :)Thank you po pala sa mga walang sawang nagbabasa, nagka-comment at nagbibigay ng gems. Much appreciated. 'Love yah all. ;)Pa-rate na rin po doon sa cover page kung hindi po malaking abala sa inyo.Thank you and God speed! :)
REVISED VERSION of Chapter 2. May idinagdag po ako sa last part. Hinabaan ko na lang update para sulit. Hehe! Pabasa na lang po uli from top to bottom. Thank you! :)***"GOOD morning, Sir," halos panabay na bati sa kaniya ng mga empleyado pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kompanya.Derederetso lang si Dwight sa paglalakad. Ni hindi niya nilingon ang mga ito. Hindi niya pinagkaabalahang ngitian, ni tanguan man lang.Pagkatapos sa airport ay agad siyang nagpahatid kay Manong Oscar sa kompanya na pag-aari niya sa Ortigas. He was a workaholic person, kaya naman kahit na kakarating lang niya buhat sa biyahe ay agad siyang nagtungo sa DMSolivan Group of Companies, Philippine Inc.Ang building na kinaroroonan ng kompanya niya ay solong pagmamay-ari niya. May apatnapu't limang palapag iyon. Anim na palapag ang inuukopa ng kompanya niya, at nasa mataas na bahagi iyon. Ang iba nama'y pinaparentahan niya. May sarili rin siyang penthouse sa buildi
"YOUR radiance resonates beauty not just on the outside, but also in the inside..."Hindi na natagalan ni Syrellie ang mga titig ni Dwight. Iniiwas niya ang paningin dito."Thank you all for coming and making this event a success," he ended with a closing remark.Marahang ipinikit ng dalaga ang mga mata. Dumilat siya uli, saka napabuntong-hininga. Kung alam lang niya na kompanya ni Dwight ang kumuha sa kaniya, nungkang papayag siya na maging endorser ng produkto nito. Kahit pa tutukan siya ng shotgun ng may-ari ng Agence Seo Marseille ay hinding-hindi siya papayag. Magkamatayan na't magkamatayan.Bakit ba kasi hindi niya inalam muna ang mga detalye ng pinirmahan niyang kontrata? Dapat din pinilit niya ang may-ari ng Agence Seo Marseille na magsabi kung ano'ng pangalan ng kompanyang kukuha sana sa serbisyo niya. Ang tanging alam lang kasi niya'y ang brand name ng produkto ng mga ito. Hindi niya inalam ang iba pang mga detalye patungkol sa kompanyan
IINAT-INAT na gumising si Syrellie. She had a peaceful sleep. Pakiramdam niya'y matagal siyang nakatulog. Her sleep was awesome and she felt like she was newly recharged. Ang lamig pa ng silid niya. Pakiramdam niya'y nasa alapaap siya nang mga sandaling iyon.She smiled, then slowly opened her eyes.Napamulagat siya. Nanlaki bigla ang mga mata niya. Iba ang natutunghayan niya ngayon. Wala rin siyang naririnig na ingay ng mga anak niya. She wasn't in her room!Kasabay ng pagbabalik sa alaala ng pag-trespass niya sa penthouse na iyon ay ang pagbalikwas niya nang bangon.She roamed her eyes around. Napaawang ang mga labi niya nang masilayan si Dwight na prenteng nakaupo sa pang-isahang couch na malapit sa may sliding door. Tila ito haring nakadekuwatro habang pinagmamasdan siya. Hawak nito sa kaliwang kamay ang isang glass ng wine. Habang sa isa naman ay ang vape nito.He was wearing a navy blue robe with manly-slippers on feet. Nakalugay an
"HOY! Magbihis ka! B-Bakit ba humarap ka sa 'kin nang walang suot? Ang bastos nito!" litanya ni Syrellie habang pinapasadahan ng tingin ang makalaglag panty na katawan ng binata.Dwight chuckled. "At sino bang humarap sa 'ting dalawa? Ikaw naman, ah!" patay-malisya nitong tugon.Aba't pinilosopo pa siya. Ngali-ngaling batukan na niya ito. Naikuyom niya ang kamao. Kasabay ng paniningkit ng mga mata niya ay ang pag-iisang linya ng mga labi niya dahil sa inis."Kasi naman pinatunog mo 'yang high-tech sliding door mo. Pasalamat ka wala akong sakit sa puso, kundi aatakihin ako sa 'yo! Naku naman, ayoko pang mamatay. May mga anak pa ak—" Natutop niya ang sariling bibig. Shit! Mahuhuli pa siya sa katabilan ng dila niya.Dwight creased his brows. "What did you just say? Mga anak?" He emphasized the word 'mga.'"A-Ah, wala. I mean, hindi. D-Dinala ko kasi 'yong dalawa kong Shih Tzu. Oo, tama, dinala ko...'yong Shih Tzu. A-Anak kasi ang turing ko s
FLASHBACK...NANGINGINIG ang buong katawan ni Syrellie habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa malaking salaming nasa harapan niya.Halos mapangiwi siya sa nakikita niya. Nakasuot lang siya ng lacy panty at bra. Sexy lingerie kung maituturing. Halos wala nang maitago sa kaniya. Kitang-kita ang kasingit-singitang bahagi ng katawan niya. Halos lumuwa rin ang dibdib niyang bahagya lang natatabunan.Kulay pula ang suot niyang lingerie, kaya naman litaw na litaw ang kaputian niya. Oo, maputi siya dahil sabi sa kaniya ng kaniyang tiyahin ay French national daw ang tunay niyang ama. Isang sundalo raw ang kaniyang ama, at nakilala nito ang kaniyang ina dahil na rin sa tiyahin niya. Nagtatrabaho kasi sa isang bar ang tiya niya noong kabataan pa nito.Ang sabi pa ng Tiyang Letty niya ay inagaw raw ng ina niya ang French national niyang ama na hindi naman niya nakilala. Pagkatapos kasi nitong buntisin ang kaniyang ina ay basta-basta na lang nito iniwan at hindi na nagpakita pa.Tuwang-tuw
"SHE'S all yours tonight, Dwight MS!" narinig niyang saad ng isang lalaking naroon.Tila napapasong iniiwas ni Syrellie ang paningin sa tinawag na Dwight. Hindi niya matagalan ang mga titig nito. Waring nanunuot iyon sa bawat himaymay ng pagkatao niya."Yoo-hoo! Let's start the ball rolling!" sigaw ng isang lalaking may pagka-chinito, kaya naman napabaling ang paningin niya rito. Iwinagayway nito sa ere ang isang kamay na may hawak na bote ng alak.Hindi siya makagalaw. Tila tuod lang siyang nakatayo sa labas ng kahon. Marunong naman siyang sumayaw, sa katunayan ay magaling siya sa larangang iyon. Pero tila nanghihina ang mga tuhod niya nang mga sandaling iyon. Tila wala iyong lakas."Sasayawan ba tayong lahat niyan?" narinig niyang tanong ng isang lalaking prenteng nakaupo sa pang-isahang couch. Tingin niya rito'y may halong banyaga. Mukhang half Spanish."Of course!""No!"Magkapanabay na tugon ng dalawang lalaki. Nagp