"HONEY, did you miss me?" malambing ang boses na saad ng babae. "I've missed you so badly, Dwight..."
Dwight? Gustong matawa ni Syrellie. Nasaan si Dwight? Si Dwayne naman kasi ang kasama niya ngayon. Marahil ay napagkamalan nitong si Dwight ang narito sa Hacienda Solivan. Hindi iyon nagkapagtataka sapagkat magkamukha ang dalawa.Pasimple niyang hinagod nang tingin ang babaeng kaharap. She looked familiar. Maganda ito at sopistikada. Tingin nga niya sa aura nito'y mukhang modelo. Petite kasi ito at matangkad. The woman was wearing a gray coloured long sleeve mini dress with white buckle belt on her waist. She just tied her hair up in a mini bun style. It exuded the woman's sophisticated aura, lalo pa't naka-makeup ito.Nagmukha tuloy siyang basahan kung itatabi rito. Naka-shorts lang siya at loose shirt nang mga sandaling iyon. Tsinelas lang din ang suot niya sa paa. Medyo basa pa ang damit niya. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting insecurity sa katawan.PRESENT TIME..."HERE we are."Naputol ang pagmumuni-muni ni Syrellie nang marinig ang boses na iyon ni Dwight.Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa apartment nang dahil sa napakahabang pagmumuni-muni niya sa nakaraan.Maging ang binata ay napakatahimik kanina. Hindi nga lang siya sigurado kung ano ba'ng mga iniisip nito—kung pareho ba silang nagbalik-tanaw.Marami pang mga nangyari pagkatapos na malaman niyang nagpanggap ito. Pero wala na siyang balak na alalahanin pa iyon. She planned to close that painful chapter of her life...with him."Salamat." Akmang lalabas na sana siya nang hawakan ni Dwight ang braso niya. Kunot-noong napabaling siya rito."Kumusta na siya?""Who?""Iyong anak...mo."Pasimple niyang ipiniksi ang kamay nitong nasa braso niya. "Okay naman," matabang niyang tugon. "Sige, lalabas na—""Puwede ko ba siyang makita?"Bigla ay tinambol nang kaba ang dibdib niya. Hindi nito puwedeng makita ang kambal. Puwede sana kung si Kelly lang.
"MAMA, we enjoyed a lot!" magkapanabay na bulalas ni Kelly at Kenjie. Hawak niya si Kenjie sa kamay. Habang si Kelly nama'y akay ni Yaya Melly.Gusto niyang matawa sa dalawa. Kambal na nga ang mga itong naturingan, halos kambal din ang mga sinasabi. Palaging magkapanabay. "Masaya si Mama na nag-enjoy and dalawang bubwit ko." Ngumiti siya. "May gusto pa ba kayong puntahan, mga anak?" tanong niya pa. Nasa Mall of Asia kasi sila. Inilibot niya roon ang dalawa. Pinapaglaro niya ang mga ito sa iba't ibang indoor playgrounds. Binilhan niya rin ang mga ito ng mga damit at laruan. Pero hindi lamang niya dinamihan. Baka mag-excess baggage pa sila oras na bumalik na sila ng France. "We wanted to eat, Mama. We're already starving," magkasabay na namang tugon ng mga ito, saka napahagikhik. "Okay then. We'll eat first before we go home. Where do you want to eat?" Saglit na nag-isip ang dalawa. Tila hindi ng mga ito alam kung
"MAMA, you forgot your cellphone!" Halos panawan ng ulirat si Syrellie nang makita si Kelly na nasa bungad ng pinto. Hawak nito sa kanang kamay ang cellphone. Iwinawagayway pa nito iyon na tila ipinapakita sa kaniya. Wala sa loob na napabaling siya kay Dwight. Waring naestatwa itong titig na titig lamang kay Kellly. Dali-dali siyang lumapit sa bungad ng pintuan. Kinuha niya sa pagkakahawak ni Kelly ang cellphone, at isinilid iyon sa bag. Pinatalikod niya ang anak at akmang papapasukin muli sa loob nang maramdamang may humawak sa braso niya. Mariin siyang napapikit. She just stood there for a moment, heart racing, her breath caught in her throat. Kahit na hindi niya ito lingunin, alam niyang si Dwight iyon. Ito lang naman kasi ang tao roon. She held her breathe. Hindi niya alam ang gagawin. She knew the moment had arrived—mabubuking na talaga siya nito. Akmang lilingunin niya ang binata nang sakto namang lu
"CAN I introduce myself as their father, Ellie?" tanong ni Dwight nang eksaktong makahinto ang kotse nito sa parking lot ng DMS building.May pagsusumamo sa mga mata ng binata habang nakatitig sa kaniya. Ngunit imbis na madala ay napakunot-noo lamang si Syrellie.Mayamaya'y bigla siyang bumunghalit nang tawa—isang mapang-uyam at sarkastikong tawa. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito para hilingin iyon sa kaniya. Gayong n'ong mga panahong kailangang-kailangan niya ito'y ipinagtabuyan lamang siya.Muling nanariwa ang sugat na idinulot nito sa kaniya. Sumeryoso siya. She cleared her throat."We better get going." Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kotse nang hawakan siya ni Dwight sa braso. Salubong ang kilay na binalingan niya ito. "I know I am their father, Ellie! I can feel it. So you don't have any choice whether you like it or not! Kaya't karapatan nilang malaman 'yon! At karapatan kong magpakilala sa kani—"
"MAMA! Tito Dwight!" masayang bulalas ni Kelly nang eksaktong mabungaran sila nito sa may pintuan ng apartment.Inihatid siya ni Dwight pagkatapos ng photoshoot. Ayaw sana niya, pero sobrang mapilit ang binata, kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa kagustuhan nito.Maaga silang natapos. Hanggang alas-dos lang kasi ng hapon ang photoshoot time nila. Sa mga susunod na araw ay ang TVC naman ang kukunan. Pagkatapos n'on ay malaya na silang makakabalik ng France.Napangiti si Syrellie. Excited na siyang makauwi. Konteng tiis na lang, at hindi na niya makikita pa si Dwight. Mailalayo na niya rito ang kambal.She bent down para magpantay sila ni Kelly. "How's my baby?"Agad na yumakap ang anak sa kaniya. Pinupog siya nito ng halik. Natatawang gumanti siya. Ang sweet talaga ng anak niyang ito."Great, Mama! We just played and watch videos on Yo*tube," tugon nito, saka bumaling kay Dwight. "Hi, Tito Dwight! Thank you f
"PUWEDE ba muna tayong mag-usap?" seryosong tanong ni Syrellie kay Dwight. Kasalukuyan silang naglalakad patungong pintuan. Pauwi na ang binata. Pinapatulog na kasi ni Yaya Melly ang kambal, dahil pasado alas-otso na ng gabi. Oo, gan'on katagal ang inilagi nito sa apartment nila. Doon na nga rin naghapunan si Dwight. Ito ang um-order ng pagkain nila. Nagpa-deliver na lang ito ng Jollibee foods. Iyon kasi ang request ni Kelly. Mukhang nagustuhan ng anak niya ang pagkain sa Jollibee. Sabagay, sino ba naman ang hindi? Halos yata lahat ng bata ay gusto si Jollibee. Gusto sana niyang tutulan ang request ni Kelly. Hindi kasi maganda sa kalusugan ang gusto nitong kainin. Pero sinabi ni Dwight na paminsan-minsan lang naman daw—na sinang-ayunan naman ni Yaya Melly. Pinagkaisahan siya ng dalawa. Mukhang wala na siyang kakampi. Napalabi siya sa naisip. Ngali-ngaling tadyakan na niya kanina si Dwight, umuwi lang ito. Kaso kapag nakikita niyang nag-i-enjoy at masayang-masaya ang mga anak nila'y
NANG makauwi sa kaniyang condo ay agad na hinagilap ni Dwight ang resulta ng Semen Analysis o Male Fertility Test na isinagawa sa kaniya mahigit limang taon na ang nakakalipas. Mabuti na lang at naitago pa niya iyon. N'ong gumaling kasi siya sa erectile dysfuntion niya ay agad siyang nagtungo sa kaniyang doktor na nagtatrabaho sa Solivan Medical Hospital na pag-aari ng pamilya nila. Nagpa-checkup siyang muli nang mga panahong iyon. Gusto kasi niyang makasiguro. Gusto niyang makasiguradong walang problema sa sperm count niya, and that he was still capable of impregnating a woman. Hindi naman sa nagdududa siya. He was just eager to know if his sperm was still healthy despite the fact that he suffered from erectile dysfunction. Noong mga panahong hawak-hawak na niya ang resulta, at nabasa na niya iyon ay halos gumuho ang mundo niya. Gumaling nga siya sa sexual dysfuntion niya, pero nagkaproblema naman sa sperm count niya. His doctor told him that he was not capa
"WHAT does this mean, Dr. Zachary?" Inis na ibinalibag ni Dwight ang hawak na papel. Iyon ay ang resulta ng Semen Analysis niya five years ago. Base sa nabasa niya. Magkaiba ang resulta na natanggap niya. Ang resulta noon ay nagsasabing baog siya. Habang ang bago nama'y nagsasabing malusog ang sperm cells niya, at marami ang sperm count niya. Samakatuwid, he wasn't a barren man. Hindi siya baog! Kahit ilang lahi pa ang i-produce niya ay kayang-kaya niya. Napahilamos siya ng mukha. Nagpalakad-lakad siya nang paroo't parito habang nakapamulsa sa faded denim pants na suot. Nang dahil sa resultang iyon, nagkaleche-leche ang buhay niya. At ang masakit pa sa lahat, hindi niya pinangatawanan ang pagiging ama sa mga anak nila ni Syrellie, dahil lamang sa akala niyang hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis nito—ang akala niya'y nagpagalaw ang dalaga sa ibang lalaki. Hinusgahan na naman niya ito nang wala namang dahilan. Damn! Marami na siyang kasalanan kay Ellie.