Share

Chapter 34 (Dwight)

PRESENT TIME...

"HERE we are."

Naputol ang pagmumuni-muni ni Syrellie nang marinig ang boses na iyon ni Dwight.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa apartment nang dahil sa napakahabang pagmumuni-muni niya sa nakaraan.

Maging ang binata ay napakatahimik kanina. Hindi nga lang siya sigurado kung ano ba'ng mga iniisip nito—kung pareho ba silang nagbalik-tanaw.

Marami pang mga nangyari pagkatapos na malaman niyang nagpanggap ito. Pero wala na siyang balak na alalahanin pa iyon. She planned to close that painful chapter of her life...with him.

"Salamat." Akmang lalabas na sana siya nang hawakan ni Dwight ang braso niya. Kunot-noong napabaling siya rito.

"Kumusta na siya?"

"Who?"

"Iyong anak...mo."

Pasimple niyang ipiniksi ang kamay nitong nasa braso niya. "Okay naman," matabang niyang tugon. "Sige, lalabas na—"

"Puwede ko ba siyang makita?"

Bigla ay tinambol nang kaba ang dibdib niya. Hindi nito puwedeng makita ang kambal. Puwede sana kung si Kelly lang.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lorna Seprado Soriano
sana sabihan niya si Dwight na may anakk sila at kambal...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status