SAMBAKOL ang mukhang umupo sa swing na naroon ang batang si Sofia. Nagpunta siya sa likod-bahay nila dahil sa inis na nararamdaman.Napapadyak siya ng mga paa habang hawak ang malaking barbie doll na ibinigay ng kaniyang ama.Nakakainis kasi si Jeremy. Kanina pa siya nagpapa-cute dito sa labas ng bahay nila. Hindi man lang siya pinapansin. Bagkus ay sa isang batang babae nakapokus ang atensyon nito. Eh, mukha ngang mas matanda 'yon sa kanila.Walong taon kasi siya. Si Jeremy naman ay sampung taong gulang. At ang gurang na babaeng iyon ay mukhang dose anyos na.Mula nang tumuntong siya ng pitong taon ay crush na niya si Jeremy. Ewan ba niya, basta masaya siya kapag nasa malapit lang ito. Jeremy was too caring. He was so sweet. Mabait ito sa kaniya at maalaga, kaya marahil nagustuhan ito ng batang puso niya."Gotcha!" bulalas ng isang batang lalaki sa kaniya. Kasabay niyon ay ang pagwasiwas ng mumunting palad nito sa harapan ng mukha niya. Sumayaw-sayaw pa ang mokong na animo'y may upbea
"AND where do you think you're going, slut?!"Bahagyang napatigil si Syrellie sa paghakbang. Kahit na hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa may kadiliman ang kinaroroonan nila ay alam niya kung sino iyon.Imbis na patulan ang lalaki ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Ngunit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay pabigla siya nitong hinaklit sa braso."Don't you ever turn your back on me kapag kinakausap pa kita!" mahina ngunit madiin nitong saad."Kung ayaw mong talikuran ka ng kausap mo, matuto kang rumespeto! Don't call me names dahil may pangalan ako!" bulyaw niya sa mukha nito. Kahit kinakabahan ay nagtapang-tapangan siya. Ayaw niyang magpalupig dito. Ayaw niyang makita nito ang kahinaan niya.He smirked. "Why? Are you not used to those effin' names, gold..digger..slut?!"Awtomatikong dumapo sa pisngi nito ang palad niya. Masyado na nitong niyuyurakan ang pagkatao niya. Hindi siya nito lubusang kilala!"What did you just do?!" Naningkit ang mga mata nito."S
DEREDERETSONG naglakad si Dwight sa kinaroroonang Ninoy Aquino International Airport. Kararating lang niya galing sa one month business trip sa bansang Italy kung saan nagtayo siya ng panibagong branch ng kompanya niya roon. Mahigit kumulang dalawang taon pa lang mula nang maipatayo niya ang kompanya sa bansa ng mga Italyano, pero masasabi niyang isa na iyon sa mga lumalagong negosyo niya.Elliegance Timeless Grace Beauty Essentials was one of his businesses under DMSolivan Group of Companies. It catered one of the bests and soaring international brands of beauty products for men and women locally and abroad. At masasabi niyang mabilis ang paglago ng business niyang iyon dahil bukod sa kilala siya sa larangan ng negosyo ay talaga namang maganda rin ang epekto ng mga produktong ibinibenta nila. Their brands received positive feedbacks on wide variety of consumers worldwide.Dwight peered at his Breitling watch. "Freak!" Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapagtantong mahigit kumulang k
"BABIES, Mama will just go to the restroom. Just wait for me here, okay?" Syrellie said to her twins."Mama, can we go with you?" tanong ni Kenjie. Nag-puppy eyes pa ito. Alam niyang nagpapa-cute ito para pumayag siya.She stared at Kenjie. Ayaw niya sanang isama ang mga ito sa restroom dahil hindi naman siya magtatagal doon. She just wanted to pee. Kanina pa siya naiihi. Hindi naman siya makapag-CR agad dahil marami pa siyang inasikaso buhat nang makalapag ang eroplanong sinasakyan nila galing Paris, France.Bumuntong-hininga siya. "Alright. But promise me, you, two, will behave, okay?" Pinaglipat-lipat niya ang titig sa dalawa niyang anak."Yes po, Mama!" magkapanabay na tugon ng kambal.Hinawakan niya ang palapulsuhan ng mga ito. Tumayo siya. "Yaya, dito lang ho muna kayo," aniya nang mapansing akmang susunod si Yaya Melly sa kanila. Ito ang tumayong yaya ng kambal mula nang maipanganak niya ang mga ito. "Pakibantayan ho muna ang mga g
"GOOD morning, Sir," halos panabay na bati sa kaniya ng mga empleyado pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kompanya.Derederetso lang si Dwight sa paglalakad. Ni hindi niya nilingon ang mga ito. Hindi niya pinagkaabalahang ngitian, ni tanguan man lang.Pagkatapos sa airport ay agad siyang nagpahatid kay Manong Oscar sa kompanya na pag-aari niya sa Ortigas. He was a workaholic person, kaya naman kahit na kakarating lang niya buhat sa biyahe ay agad siyang nagtungo sa DMSolivan Group of Companies, Philippine Inc.Ang building na kinaroroonan ng kompanya niya ay solong pagmamay-ari niya. May apatnapu't limang palapag iyon. Anim na palapag ang inuukopa ng kompanya niya, at nasa mataas na bahagi iyon. Ang iba nama'y pinaparentahan niya. May sarili rin siyang penthouse sa building na iyon, para kung sakaling ayaw niyang umuwi sa condo o sa bahay niya ay roon siya naglalagi.Naipundar niya iyon sa sariling sikap at tiyaga. Mga apat na taon na rin mula nang magtayo siya ng kompanya sa Pili
Hi, Beloved Readers!Nagkamali po ako ng post sa Chapter 2. Hehe! Pabasa na lang po uli ng update ko maybe tomorrow. Ipapa-remove ko po muna sa Editor ko 'yong Chapter 2 na na-post. Nagkamali kasi aketch. Kulang din po na-update ko. Medyo mahina kasi WiFi dito sa liblib na pook. Haha! Pasensya po, tao lang. ;)I'll be updating Chapter 2 again. Paantay na lang. :)Thank you po pala sa mga walang sawang nagbabasa, nagka-comment at nagbibigay ng gems. Much appreciated. 'Love yah all. ;)Pa-rate na rin po doon sa cover page kung hindi po malaking abala sa inyo.Thank you and God speed! :)
REVISED VERSION of Chapter 2. May idinagdag po ako sa last part. Hinabaan ko na lang update para sulit. Hehe! Pabasa na lang po uli from top to bottom. Thank you! :)***"GOOD morning, Sir," halos panabay na bati sa kaniya ng mga empleyado pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kompanya.Derederetso lang si Dwight sa paglalakad. Ni hindi niya nilingon ang mga ito. Hindi niya pinagkaabalahang ngitian, ni tanguan man lang.Pagkatapos sa airport ay agad siyang nagpahatid kay Manong Oscar sa kompanya na pag-aari niya sa Ortigas. He was a workaholic person, kaya naman kahit na kakarating lang niya buhat sa biyahe ay agad siyang nagtungo sa DMSolivan Group of Companies, Philippine Inc.Ang building na kinaroroonan ng kompanya niya ay solong pagmamay-ari niya. May apatnapu't limang palapag iyon. Anim na palapag ang inuukopa ng kompanya niya, at nasa mataas na bahagi iyon. Ang iba nama'y pinaparentahan niya. May sarili rin siyang penthouse sa buildi
"YOUR radiance resonates beauty not just on the outside, but also in the inside..."Hindi na natagalan ni Syrellie ang mga titig ni Dwight. Iniiwas niya ang paningin dito."Thank you all for coming and making this event a success," he ended with a closing remark.Marahang ipinikit ng dalaga ang mga mata. Dumilat siya uli, saka napabuntong-hininga. Kung alam lang niya na kompanya ni Dwight ang kumuha sa kaniya, nungkang papayag siya na maging endorser ng produkto nito. Kahit pa tutukan siya ng shotgun ng may-ari ng Agence Seo Marseille ay hinding-hindi siya papayag. Magkamatayan na't magkamatayan.Bakit ba kasi hindi niya inalam muna ang mga detalye ng pinirmahan niyang kontrata? Dapat din pinilit niya ang may-ari ng Agence Seo Marseille na magsabi kung ano'ng pangalan ng kompanyang kukuha sana sa serbisyo niya. Ang tanging alam lang kasi niya'y ang brand name ng produkto ng mga ito. Hindi niya inalam ang iba pang mga detalye patungkol sa kompanyan