BUSY pa rin sa ginagawang pagbabasa ni Aevo ng kaharap niyang monitor ng computer sa mga sandaling iyon.
Bagama't malayo ang kinaugalian niyang gawain ay tila nasa dugo na niya ang pag-aasikaso sa mga trabaho sa araw na iyon.Sa tatlong oras na kaharap niya ang monitor ay tuluyan na muna niyang inalis ang pansin doon. Sinapo na niya ang noo at hinilot-hilot iyon.Doon naman siya napasukan ni Aizo."Kamusta ka bro, mukhang ginanahan ka sa first day mo huh! sobra mo bang na-miss ang pagta-trabaho dito sa opisina mo," ani naman ni Aizo na nakasandig sa nakabukas na nitong pinto."Yeah, hindi ako napapagod, but my eyes literally tired," sagot nito."Maybe you have to take a break, tara sa baba let's eat!" Aya sa kanya ni Aizo."Mauna ka na, may tatapusin lang ako."Hindi naman nangulit si Aizo at tuluyan umalis na ito.Si Aevo naman ay muling ibinalik ang pansin sa monitor. MaUMALIS na papuntang opisina si Aevo ng umagang iyon. Habang si Minnie ay nasa loob lang ng bahay, kinailangan niyang sundin ang utos ng asawa. Dahil pinagbantaan pa siyang sasaktan lalo kapag hindi siya susunod sa gusto nito.Katatapos lang niyang magpatuyo ng buhok at nakaharap siya ngayon sa salamin. Kung saan kitang-kita niya ang sugat sa noo. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang hapdi ng gamutin niya iyon ng bulak na may antseptic."Hindi lahat ng babaeng nakakatagpo ng prince charming nila ay may magandang happily ever after... katulad mo na lang Minnie," tuya niya sa sarili habang nakaismid sa sariling repleksiyon. Inilihis niya ang manggas ng suot niyang long sleeve at nakita niya ang nagmarkang itim na pasa na si Aevo rin naman ang may kagagawan.At sa tuwing makikita niya ang mga iyon ay labis-labis na hinanakit ang nadarama niya.Sobra siyang nasasaktan, dahil ang matamis nilang pagmamahalan ay tuluyan ng naglaho.
Chapter One Hundred Fifty One: ISANG buhay na buhay na tawa ang naghari. Hindi naman makapaniwalang nakatitig si Minnie sa lalaki. May isang bahagi ng sarili niya namiss niya ang masiglang tawa nito. Napakasarap pakinggan iyon sa kanyang pandinig."Bakit ka ba ganiyan huh," sabi niya matapos na magtigil ito sa walang humpay na tawa na umabot lang naman ng isang minuto.Sapo-sapo pa nito ang tiyan pagkatapos."Ikaw kasi, masiyado kang paranoid. Mag-relax ka naman, ako ito si Gideon. Hindi ka mapapahamak kapag ako ang kasama mo," pagpapakalma nito sa kanya.Inirapan na lang ni Minnie ito dahil sa masiyado itong kumpiyansa sa sarili.Tuluyan na siyang naglakad at nagpatuloy sa pamimili ng mga kulang pa sa listahan niya."Hey! lalayasan mo na lang ako. Mag-usap pa tayo, ngayon lang tayo nagkita pero bakit pakiramdam ko ang layo mo pa rin," may pagka-emosyonal ang tinig ni Gideon kaya upang matigil sa ginagawang pagtutul
NAGING busy man sa trabaho si Aevo ay tuloy-tuloy pa rin ang update sa kanya ni Kit. Ang body guard na kinuha niya para sa asawa.Magmula ng malaman niyang patuloy pa rin na nagkakaroon ng komunikasyon ito at kay Gideon ay nawalan na siya ng tiwala sa babae. Katulad ng ama ay hinding-hindi siya makakapayag na makuha ng ibang lalaki ito.Halos magmamadaling-araw na ng makauwi siya sa mansyon. Patay na rin ang lahat ng ilaw sa loob ng mansyon, tiyak niyang natutulog na ang mga kasama niya. Pansin niya ang malamlam na ilaw sa kanilang silid mula sa kanyang kinatatayuan.Dali-dali na siyang pumasok sa loob. Nakita naman niya kaagad si Kit na nakatayo mula sa harap ng pinto. Napatango ito upang pagbati sa kanya."Sige na pumunta ka na sa guard house, bumalik ka na lang ng umaga pagkaalis ko," bilin niya rito. Tumango naman itong muli at saka ito naglakad paalis.Nang pumasok siya sa loob ng silid nila ay nakita niyang nakahiga sa kama si M
NAG-AAYOS na nga si Minnie ng kanyang sarili nang makarinig siya ng katok mula sa pinto. Inaakala naman niya na si Kit iyon, kaya binuksan na niya at baka may mahalaga itong sasabihin.Ngunit nagulat siya at labis na nagtaka, dahil si Gideon iyon."P-paano kang nakapasok?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Nagpalinga-linga pa siya dahil baka may makakita rito na ibang tao.Sa mabilisan galaw ay agad na niya itong hinila papasok at ini-lock ang pinto."Magsalita ka bakit ka narito?" Pang-uulit ni Minnie sa tanong niya. Paano ba naman, hindi ito sumasagot, nakatitig lang naman ito sa mukha niya habang may masiglang ngiti sa labi."Ano ba! Ngi-ngiti ka na lang ba riyan huh!" Isang malakas na tampal ang ginawa niya sa braso ni Gideon."Aray! ang sakit niyon... grabe ang bigat pala ng kamay mo." Iiling-iling nitong sabi.Pinakatitigan naman siya ni Minnie, naalala niya dati na iyon din ang sinabi ni Aevo sa kanya."H
HINDI maiwasan ni Minnie na mapalunok ng laway habang inilapit pa ni Gideon ang sarili sa kanya. Halos kadangkal na ang distansiya sa pagitan nilang dalawa ng mga sandaling iyon.Sa nagpa-panic na galaw ay mabilis niyang itinulak palayo si Gideon."W-what do you think your doing?" halos nanginig ang tinig niyang tanong sa lalaki."Relax! ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo rito sa mismong silid niyo ng asawa mo," aliw na sabi naman ni Gideon."Lumabas ka na, baka may makakita pa sa'yo na narito ka," inis niyang pagpapalayas sa lalaki."Fine, tawag ka lang kapag may lalakarin ka." Saka ito tuluyan naglakad palabas.Nang mawala ito sa harapan niya ay nahahapong naupo na lang si Minnie sa sariling kama.Hindi niya aakalain na muli silang magkakasama ni Gideon. Akala niya ay hindi na sila magkikita nito."Gosh! paano na, parati na lang kami magkikita ni Gideon. Paano kung hindi ko mapigilan at matangay ako a
UMUWI na masayang-masaya si Minnie at ang mga bata. Maaga pa rin naman sila nakauwi at tiniyak nilang hindi sila gagabihin.Kahit pumayag kasi si Aevo na pumasok si Gideon sa kanila ay nag-iingat pa rin si Minnie na makagawa ng kamalian.Kahahatid lang niya sa loob ng mismong silid si Vonie na maagang natulog dahil sa napagod ito sa paglalaro sa playground. Matapos na mapaliguan at mapalitan ito ng damit pantulog ay pumasok na siya sa sariling silid.Maalikabok sa pinuntahan nila kaya nahlinis na muna siya ng katawan bago muling bumaba. Isang desenting pantulog na lang ang pinili niyang isuot. Nag-bra rin siya dahil may kakausapin pa siya.Nakita nga niya si Gideon na abala ng umiinom sa mini bar ng kanilang mansyon."Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Minnie habang bumababa siya sa hagdan.Tinapunan naman siya ng tingin ng lalaki at nginitian, naalala niya si Aevo sa ngiting iyon."Hinihintay ko kasing umuwi ang
INIS na inis si Aevo dahil nahuli pa siya ni Gideon na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya wala na siyang nagawa kung 'di payagan ang gusto nitong mangyari: Ang makalapit kay Minnie."Hindi ko alam kahit na nawala na ang memorya mo ay mahal mo pa rin siya..." usal ni Aevo na nagpupuyos.Itinago na niya ang mga ginamit at piniling umalis ng maaga sa opisina. Gusto niyang puntahan ang Lolo Ghad niya at Lola Saifa sa mansyon ng mga ito. Kung hindi pa kasi siya gagalaw ngayon ay mauubos na ang oras niya. Mapupurnada ang lahat ng plinano niya kapag nagkataon.Akmang tatayo na siya nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok mula sa nakasaradong pinto."Come in!"Nakita niyang si Aizo ang pumasok. Kita niyang napadako ang tingin nito sa lamesa niyang nakaayos na."Aalis ka na bro?" tanong ni Aizo na naglakad palapit sa kinaroroonan niya.
TULUYAN hinila ni Aizo ang manggas na suot ng lalaki na humahalak lang."Halika! sa labas tayo mag-usap de punggal ka!" mataas ang tinig na sigaw ni Aizo. Mabilis naman niyang nahila ito sa labas ng mansyon.Isang suntok muli ang ipinadapo niya sa mukha nito." 'Yan lang ba ang kaya mo, dapat ganito ka sumuntok!" Dahil sanay sa pakikipag-basag ulo ito ay walang-wala sa kanya ang pagsusuntok sa kanya ni Aizo.Sinipa muna niya ito sa sikmura kaya sumadsad sa semento ito. Hindi ito nakatayo sa lakas ng impact niyon."Hindi ko aakalain na mabilis mong madidiskubre na hindi ako si Aevo. Matalino ka talaga, kaya mas may karapatan ka na maging CEO ng company ni Dad," nakangising sabi nito na hinila si Aizo palapit." Pero alam mo hindi ko papayagan pa na may isa sa inyo na umagaw sa lahat ng kayaman na para sa akin lang dapat. Ako ang panganay sa atin kaya ma