BALIK NA SA kani- kanilang trabaho sina Mia at Matthew. Isang linggo na ang lumipas mula sa selebrasyon ng kanilang anibersaryo ay hindi na sila nagkaroon ng oras upang magkita at makapagpasyal. Sunud- sunod na dumating ang mga kliyente ng binata.. Kung kaya't magkabilaang meetings ang palaging nagaganap. Halos wala ng panahon na silay magkakausap pa ng nobyang si Mia dahil sa sobrang busy ng bawat isa. Bibiyahe naman si Mia papuntang Mindanao para personal na a-attend sa bubuksang panibagong branch ng kanyang Laundry Shop sa siyudad ng Davao City. Kakarating niya lang sa airport nang tumawag si Matthew sa kanyang phone. Agad na kinuha niya sa kanyang handbag ang nag- iingay na cellphone. "Yes, honey?" bungad niya agad nang mabuksan ang camera ng phone. Nakikita niya sa screen ang mukha ng binata. "Where are you now?" agad na tanong nito na kitang kita ang pagod sa mukha. "I'm at airport, hon. Kakarating ko lang. Ikaw, nakauwi ka na ba?" tanong niya nang mapansin na nasa ma
SMOOTH naman ang naging resulta sa ginawang soft opening ng bagong branch ng laundry shop ni Mia dito sa Davao City. Iilang mga business personalities and politicians ang dumalo. Taos- puso ang kanyang pasasalamat sa lahat lalong- lalo na at nagugustuhan ng mga ito ang puwesto ng kanyang pinatayuang shop. Marami ang natuwa lalo na ay nakapuwesto ito sa lugar na kung saan malapit sa mga establisiyemento ng mga empleyado, mapa- private man o public employees. Mostly said, putting up a laundry shop in this area is such a perfect choice. It would be very convenient for everyone: residents, boarders, tourists, and even students. And laki ng kanyang pasasalamat dahil ay hindi siya nahirapan na aasikasuhin ang lahat ng mga kakalanganin mula sa pagbili ng lupa hanggang sa pagpapatayo ng two story building at lalo na for the opening. She packs all her things and gets ready for her flight back to Manila. On her way to the airport, her phone suddenly rang and it was Matthew. She felt a b
MATTHEWNAGKUKUMAHUG NA bumaba ng hagdan si Matthew. Kailangan niya kasing magmamadali dahil ay may conference meeting siya ngayong umaga. Pagdating sa ibaba ay dere- deretso siya sa pintuan nang marinig ang boses ng kanyang abuela. Napatigil siya saglit at nilingon ito."Matthew, apo hindi ka lang ba muna kumain?" tanong agad nito na parang inaabangan ang kanyang pagbaba."Ah, sorry Lola hindi na. Doon na lang siguro ako sa opisina kakain. Kailangan ko kasing magmamadali dahil may meeting ako ngayong umaga."Aba at sunud- sunod na 'yan apo. Hindi puwedeng paglipasin mo ang almusal. Halika ka rito, saluhan mo na lang muna ako." paanyaya ng abuela. Naisip niya na maraming beses na hindi niya na ito nakasabay sa pagkain dahil masyado siyang maagang umalis at gabi na rin siya masyadong makakauwi. Palagi kasi siyang nag oovertime dahil nais niyang matapos na agad ang mga projects niya. Tiningnan niya muna ang oras mula sa suot niyang relo. It was six o'clock in the morning and the meet
MIA"WHAT?!" Ano ka ba naman, Mia. Bakit mo naman kinansela. Hinayaan mo na sana si Kuya ang bahalang maghanap ng paraan kung paano niya e manage iyong mga branches ng kompanya na pinagawa niya." reaksiyon nito matapos niyang sabihin na hanggang ngayon ay wala pa ring petsa ang kasal nila ni Matthew dahil siya mismo ang nag-kansela nito. "Eh, ano naman ang magagawa ko. Ayoko naman na papipiliin ang kapatid mo. Alam mo naman kung gaano niya pinahalagahan ang lahat ng kompanya na hawak niya. It will be a delimma for him if I force him to choose, Merna." pagpapaliwanag niya sa kaibigan. "So, you think he might choose the company over you? Wala ka bang tiwala kay Kuya ha, Mia?" anito."Alam mo subok na 'yan si Kuya, minsan ng humarap sa mabibigat na problema ang kompanya namin noon pero naresolba niya iyon nang mag- isa."dagdag pa nito."Eh, ngayon pa ba na nandiyan ka na, ang tanging babaeng nagpapasaya sa buhay niya ngayon, ang nagpapabalik sa kanya na muling magtiwala sa pag- ibig?"
GABI NA NANG MAKAUWI sina Mia at ang kaibigang si Merna. Namamasyal pa kasi ang dalawa at naisipan rin na magpapalinis ng kanilang kuko sa parlor na nasa loob ng mall. Pagkatapus ay nagkakasundo rin silang pumunta sa pinakamalapit na carnival at enjoy na enjoy silang sumakay ng klase- klaseng rides doon. Kahit papaano ay nag- eenjoy rin ang kanyang kaibigan. Kahit na nakikita niya sa mukha nito na may itinatago itong kalungkutan. Pero hindi niya ito pinuwersa na sasabihin kung anu man ang nagpapagulo sa isip nito. Hinintay niya lang ito na kusang magsasabi. Kaya ay nang pagkatapus nilang mamasyal ay sabay na rin silang kumain sa malapit na restaurant doon. Pagkatapos kumain ay inaya niya na itong umuwi na ngunit ay saglit itong nag- isip at walang sabi- sabing hinila siya nito at dinala sa may parke. Naghihingal pa silang pagkarating doon dahil ay nilalakad lamang nila ito. Nagpahinga muna sila saglit, hanggang sa magsalita si Merna. Inilabas nito lahat ng sama ng loob na
SA KABILANG DAKO naman ay humihingal na dumating si Therese sa kanyang condo. Pagkapasok ay agad niyang isinarado ang pinto. Abot- abot ang kaba na napaupo sa sofa hawak ang sariling dibdib. Hindi niya akalain na aabutan at makikilala siya ng mga tao sa loob ng mall. Kahit pa ay suot niya ang kanyang malaking sombrero. Naisipan niya kasing pumunta ng mall upang mamili ng mga damit na kanyang susuotin. Iilan lang kasi ang kanyang dinala mula France. Dahil ayaw niyang mahahalata sa ina. Hindi kasi alam ng kanyang mommy na uuwi siya ng pinas. Nang makalabas na ito mula sa hospital at doon na sila dumeretso sa bahay ng Uncle niya kasama ang isang nurse na mag- aalaga rito. Dahil ay tinawagan siya ng kanyang manager na kailangan niyang lumipad papuntang pinas dahil sa Boracay mangyayari ang panibago niyang photoshoot. Hindi niya ito pinaalam ng ina dahil siguradong hindi siya nito papayagan. Ewan niya lang kung bakit ayaw ng mommy niya babalik dito sa pinas. May iilang negosyo pa ri
MIA MARAHANG ibinaba ni Mia ang teleponong hawak niya. Katatapus lang nilang mag- usap ni Matthew. At nagtatanong ito kung maaari ba silang magkita ngayon? Napapaiisip siya kung anu ang importateng pag- uusapan nila. Habang kausap niya kasi ito ay nahihimigan niyang mayroon itong nais na sasabihin ngunit mas pinili nito na magkita na lang upang pag- uusapan iyon. Bakit kaya na para siyang kinakabahan? sa loob loob niya. Nagmamadali siyang pumasok sa banyo ng kanyang opisina upang maglinis sa sarili at makapagbihis. Yes, may sarili na siyang office. At kailangan niya iyon dahil palaki na ang negosyo niya kailangan niya ng mga tauhan na makakatulong sa mga paper works. Minsan ay dito na rin siya natutulog sa tuwing kailangan niyang mag oovertime, kaya may iilan siyang mga gamit na dinala niya rito. Binilisan niya na ang pagbibihis at baka maabutan pa siya ni Matthew na hindi pa nakapagready. Mainipin pa naman iyon. Pagkatapus na inayos ang sarili ay muli siyang humarap sa sa
MIA NATUTULALANG NAPATITIG si Mia sa pagkain na nasa kanyang harapan. Nasa labas sila ngayon ni Matthew para mag- dinner. Hanggang dito ay hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang mga nangyayari sa kanilang dalawa sa loob ng kaniyang opisina. Ang mga sandaling muntik na silang makalimot ng kasintahan.Naiisip niya na anumang oras ay baka hindi niya makakaya pang pigilan ang sarili na bumigay sa binata. Paano na lang ang pangako niya sa sarili na pahalagahan niya ito at ibigay niya lamang ang kanyang pagkakababae sa taong pinakamamahal niya kapag sila ay kasal na. At alam niyang si Matthew iyon. Bawat gagawin ng binata ay nahihirapan siyang mag- resist dito. Aminado siya sa sariling gustung- gusto niya ang bawat dantay ng mga palad nito sa balat niya. Iba ang epekto ng binata sa pagdating sa ganitong gawain. Mahal na mahal niya ang nobyo kaya ay kay dali niyang nadadarang sa bawat haplos nito. "Hey? What were you thinking, hon? Aren't you going to eat?" pukaw nito sa kanyang ma