"OH MY GAAD, what's happening here?!" bulalas ni Merna nang makauwi na ito sa mansiyon. Kagagaling lang nito sa opisina at gulat na gulat nang maabutan ang tagpo na magkasama silang lahat sa loob ng mansiyon. "At ikaw kuya bakit kayo magkasama ni Mia? Di ba sinaktan mo ang kaibigan ko?" taas kilay nitong sabi. "At ikaw naman, Mia paiyak- iyak ka pa sa opisina mo tapos kaydali mong pinatawad itong kapatid kong nagpakagago." sunud- sunod ang marahas na wika ni Merna hindi nito alintana ang mga sinasabi at tinawag pang gago ang kapatid na si Matthew. Natigilan naman si Matthew sa mga maprangkang mga salita ng kapatid. Ngunit hindi naman ito nagreact dahil batid nitong tama naman ang sinabi ni Merna. Na minsan ay naging gago ito. "O, ba't kayo nanahimik ha? Ikaw talaga babae ka ang rupok mo, bakit hindi mo pinahirapan muna itong magaling kong kapatid ha, Mia?" reklamo ni Merna na halos magkadugtong na ang kilay. Hindi naman nakakibo si Mia, ngayon lang yata siya naubusan ng
MIA"NATHAN? nagulat si Mia nang maabutan sa bahay ang kaibigang si Nathan. Hindi niya kasama si Matthew ngayon sa pag uwi dahil dumeretso pa ito sa opisina. At alam rin ng kanyang asawa na may lakad sila ni Merna ngayon. Pinagbigyan nito ang kakulitan ng kapatid nang paulit- ulit na hilingin ni Merna na magde-date muna silang magkaibigan. Nang una, ay ayaw sana ni Matthew pero naisip din nito sa huli na pagbiyan na lang ang kapatid dahil matagal na ring hindi sila nagkakausap at nagkakasama ng kaibigan. Kaya umuwi siya ng maaga ngayon, dumaan kasi siya saglit sa opisina upang kumustahin ang kanyang mga tauhan doon. "Hey, bakit gulat na gulat ka?" tanong ng kaibigan. "Eh sino bang hindi magugulat eh ngayon mo pa lang naisipang gumayak dito. Nasaan pala si nanay?" tanong niya pagkatapos makipagbeso sa kaibigan."O, Mia anak nandiyan ka na pala." bungad ni nanay Maria na may dala itong tray at nilagay sa mesa. "Magmeryenda muna kayo, hijo. Mia, ikaw ng bahala umaasikaso sa kaibigan
SUMAPIT ang graduation day ng kapatid ni Mia na si Myra. Abala naman ang buong pamilya sa pag eestima ng mga bisita. Sunud- sunod na dumating ang kaibigan at kaklase nina Myra at Mickey. "Hello ma'am, Mia," malaki ang ngiting pagbati ng kanyang sekretarya. Dumating itong mag- isa. Ito lang kasi ang iniimbita niya lalo na at naging kaibigan rin ito mg kapatid. Nitong mga nakaraang araw sinimulan niya na ang pagsasanay sa kapatid sa loob ng opisina. Tinuturuan niya muna ito sa mga basic na paraan sa paghawak ng negosyo, sinanay niya ito para may katuwang na rin siya sa pamamahala ng kanilang papalaking business.Mabilis namang nagkagamayan ng loob sina Janella at Myra, palibhasa ay hindi lang magkalayo ang edad ng dalawa, kaya ito nagkakasundo agad. Wala naman siyang problema sa pag uugali ng kanyang sekretarya dahil kahit na bibong komedyante ito pero pagdating sa trabaho magaling at masipag ito. Yon nga lang pagdating sa breaktime halos napapaligiran ito ng mga kasamahan dahil sa mg
Araw ng linggo, nagmamadaling umalis si Matthew nang mabasa ang ibinigay na mensahe ng kapatid na si Merna. Siya ay pupuntang ospital na kung saan naka admit ang kanyang lola."How's Lola?" puno ng pag alalang tanong niya sa kapatid na si Merna. Kadarating lamang niya sa ospital. Huli na nang matanggap niya ang mensahe sa kanya ng kapatid.Agad na nabaling ang tingin niya sa abuela na nakahiga sa hospital bed. Maputlang- maputla ang mukha nito, mababakas doon ang pinagdaanan nitong hirap."Lola had a heart attack again, Kuya Matthew, " tugon ni Merna. Namumugto ang mga mata nito. "Nang pumasok si Manang Adelfa sa room niya kanina, nakahandusay na si Lola sa sahig. Kung nahuli pa ng ilang minuto bago siya nadala sa hospital, malamang.... malamang wala na siya..." Umiiyak ito habang nagsasalita.Nilapitan niya ito upang yakapin at aluin. "Kumusta na siya ngayon?" tanong niya na nakatingin pa rin sa abuela. Ang kanilang abuela na si Doña Tranquelina Delos Reyes ang solong nagpalaki sa
"So, Ano'ng balak mong gawin ngayon?" Hindi alam ni Matthew kung ano ang isasagot sa tanong ni Danny , ang kaibigan at right hand niya sa kompanya. Pagkatapos matiyak na ligtas na sa peligro at komplikasyon ang abuela ay nagpasya siyang umalis na muna ng hospital upang makapag isip-isip ng paraan. Hinayaan niyang ang bunsong kapatid na muna ang magbantay at matulog doon kasama ng matanda.Kahit madaling-araw na, dumeretso parin siya sa bahay ng matalik na kaibigan. Pupungas- pungas pa ito nang pagbuksan siya ng pinto kanina. Alam niyang sunud- sunod na reklamo sana ang matatanggap niya kanina mula rito kung hindi lamang nito makita na problemado siya. Naglabas ito ng beer sa terasa ng bahay nito.Mabuti na lamang at hindi nagising ang asawa nitong si Amanda. Inaanak niya ang limang taong gulang nitong anak ng mga ito. "Hindi ko alam, pare," mabigat ang loob na sagot niya rito. "Kailanman, hindi ko hinangad na manggaling sakin ang ikinalulungkot o ikabibigat ng loob ni Lola. She's all
MIA'S POVANO? BABAYARAN ako ng kuya mo para magsinungaling kay Lola Lina? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ano na lang ang iisipin ni Lola Lina sa akin kapag natuklasan niya ang totoo? At saka, hellooo...?? Kapani-paniwala bang magugustuhan ako ng mayabang...... este, masungit na Matthew na yon, eh, allergic nga sa akin 'yon, di ba? Saka bakit na ako ang naisip ng kuya mo na pagpapanggaping nobya, ang dami- dami namang babaeng umaaligid sa kanya? Doon na lang siya mamili," mahabang litanya ni Mia nang marinig ang sinabi ng best friend niyang si Merna."Ano ba ang pumasok sa kukote ni Matthew Delos Reyes at naisipang siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Lola Lina?"Alam niya na wala itong magandang pakikitungo sa kanya noon pa. Sa tuwing magkakasalubong sila, parang lagi siya nitong inuuri at nilalait kapag tinitingnan siya nito. Pagkatapos ngayon ay may gana pa itong hingin ang tulong niya? Ano sha helloo..!'Mia, hindi naman niya actually hiningi ang tulo
MIA'S POV"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. "" Hindi, ah!" tanggi niyo. "Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito. Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa.'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya.Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at
"MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili. "Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?" "Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin. So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito. "Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito. "Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?" Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito. "Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniy