Share

Chapter 5

"MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili.

"Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?"

"Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin.

So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito.

"Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito.

"Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?"

Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito.

"Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniya at nagpa tiuna na patungo sa entrance ng restaurant.

"Okay." Sumunod na ito sa kanya.

Iginiya sila ng waiter sa mesang ipina- reserved niya.

Pagkabigay niya ng order niya sa waiter ay binalingan niya si Amia na kasalukuyan pang tumingin sa menu.

"What would you like?" tanong niya pa rito.

Ngumiwi ito. Kapagkuwan ay isinara nito amg menu at tumingin sa kanya.

"Hindi ko kilala ang mga pagkain. Kung anu- ano kasi ang mga pangalan. Baka magkamali pa ako. Kung ano na lang ang order mo, ganoon na rin ang sa akin. Mango juice na lang ang drinks ko," anito.

"Oh, okay," aniya. "For two na iyong order ko," aniya sa waiter. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa kaprangkahan ni Amia. Nakalimotan niyang hindi nga pala ito nahihiyang sabihin kung ano ang tunay na nararamdamn at opinyon nito.

Hindi ito kagaya ng iba na nagpa- pretend pa, huwag lang mapahiya.

"So, I'm sure halos nasabi na sa'yo ni Merna ang lahat," aniya rito nang makaalis ang waiter. Tumango ito.

"Sasabihin natin kay Lola Lina na nagkalapit tayo at eventually, naging tayo.

Magiging tayo for three months. Pagkatapos ng panahong iyon, sasabihin natin na hindi nag- work out relasyon natin dahil na- realized nating magkaiba talaga tayo ng mga gusto at magkalayung magkalayo ang mga pananaw natin sa buhay. Peo sabihin natin na mutual decision iyon at nagpasya tayong maging magkaibigan na lang.

"Tama ba lahat ng sinabi ko?"

Tumango siya.

"I'm doing this for the sake of Lola Lina," aniya.

"Alam ko, Ginagawa ko rin ito para kay Lola Lina. Although sana nga, tama ang paraang gagawin natin."

"For lola?" aninya na parang di naniniwala.

"How about for the money?"

Naningkit ang mga mata nito .

"O, siya sige, sasabihin ko na ang gusto mong marinig,tutal hindi ka rin naman mananahimik dyan.

Oo ginagawa ko pa ito para kay Lola Lina at para sa five million pesos na ibabayad mo sa akin, satisfied?"

"Don't get me wrong, Amia. Ayoko lang magkaroon ng utang na loob kahit kanina.

Tama lang naman na bayaran ko ng serbiyong ibibigay mo ," aniya.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag. From day one, alam ko naman na kung gaano kaliit ang tingin mo sa akin. So, kung iisipin mo na pumayag ako mainly because of the money, wala na yon sa akin. Hindi na bago iyon. Huwag kang mag- alala pagbubutihin ko ang trabaho ko para hindi mo pinaghinayangan ang limang milyong ibabayad mo sa akin."

"Amia....."Pero utang na loob, Matthew, tigil- tigilan mo na ang katatawag sa akin sa buong pangalan ko.

Para akong nabibingi, eh. 'Mia' na lang ang itawag mo sa akin dahil iyon amg tawag ng lahat sa akin. At saka, baka magtaka pa ang lola mo kung maya't maya eh, ' Amia' ang itatawag mo sa akin."

"I'm sorry," aniya.

"Mia nalang ang itawag sa akin, okay? O kaya naman...."

Ibinitin nito ang sasabihin at muling ngumisi. Tila may pilyang ideya na namang naglalaro sa isip nito

"O kaya naman ay ano?" tanong niya.

"Kapag nasa harap tayo ni Lola Lina, gawin mong malambing ang tawag mo sa akin para kapani- paniwala naman

"Tawagin mo akong 'sweetheart' o kaya ay ' honey'.

Pero mas type ko iyong honey'. Parang mas sweet, Ikaw? ano sa tingin mo?"

"Kahit ano," sagot niya. Hindi siya makatingin nang diretso rito. Bakit ba kayang- kaya nitong makipag- usap sa kanya sa ganoong paraan? Walang kahit sino sa mga empleyado niya ang nagagawang kausapin siya nang ganoon. Kahit ang iba pang taong nakakahalubilo niya ay ilag sa kanya. And he wanted it that way. Pero si Amia, parang hindi niya ito kayang mapasunod sa gusto niyang

gawin a ikilos nito kahit pa may kasunduan sila.

"Aba, make up your mind!" anito.

"Importante rin iyon. Wala namang magjowa na walang endearment sa isat-isa. At saka..."

"Mag- jowa?" nakakunot- noong tanong niya.

"Mag- jowa hindi mo alam? Naku, Matthew where have you been? Hindi na masyadong ginagamit ngayon ang salitang ' magnobyo o di kaya'y mag- nobya.

Magsyota na o kaya ay mag- jowa," anito.

At saka dapat may theme song din tayo."

"Theme song?"

"Oo, Iyon bang kanta ng mga mag- jowa," anito.

"Parang lolo at lola mo," 'ALL THE WAY' ni Frank Sinatra ang theme song nila.

Si Merna at ang jowa niyang si Rafael, ' Because of you' ni Celine Dion. 'Kahit na maputi na ang buhok ko' theme song naman ng nanay at tatay ko." mahabang litanya nito.

"Lahat ng kilala kong couples,eh, may theme song talaga. Kataka- taka naman kung tayo ay wala."

"Kailngan pa ba talaga iyon?" nakakunot ang noong sabi niya.

"Siyempre, Mabuti na iyong sigurado. Alam mo naman si Lola Lina, maraming mga tanong. Mabuti na yong handa tayo," sabi nito.

"So, ano? Honey o sweetheart?" pangungulit pa rin nito.

Napatitig siya rito. Gusto niyang alamin kung seryoso ba talaga ito sa mga pinagsasabi o ginu- goodtime lamang siya nito. Sinalubong naman nito ang tingin niya. Mukhang seryoso ito.

"Ano?" anito.

"All right, 'honey' would do," napilitang sagot niya.

"Shoot!" Honey it is. Actually iyon din ang type ko. Kapag nagka- jowa na rin ako, iyon ang type kong maging tawagan namin," sabi nito.

"Eh, yong theme song natin?" dagdag nito.

"Ahm... I don't know."

"Wala ka bang favorite na love song?" tanong nito.

Umiling siya. Naiilang siya sa tinatakbo ng usapan nila. Pakiramdam niya, pang teenager ang paksang pinag- uusapan nila.

"O, sige, toka ko na iyon. Ako na lang ang mag- iisip ng theme song natin, okay?" nakangiting turan nito.

Dumating ang order nila kaya pansamantalang nahinto ang pinag- usapan nila.

Tahimik naman si Matthew na kumakain habang iniisip ang lahat na sinabi ni Mia.

Nagtataka sa sarili kung bakit wala man lang siyang naging reklamo sa lahat ng pinahayag nito.

Para bang kaydali lang dito ang magsasalita ng ganon sa kanya. Kilala si Matthew sa pagiging istrikto at metikuluso sa kompanya.

Pero sa isang iglap lang ay kaydali siyang napasunod sa babae. Ang babaeng pinaka ayaw niya dahil sa kakaiba nitong pag uugali at mga galaw na siyang hindi pang karaniwang makikita sa lahat ng babae na naging kasalamuha niya.

Napaisip siya kung ba kaya lahat ng naging tugon niya sa lahat ng request nito. Kahit pa ang kajologan nito.

Basta para kay Lola ay gagawin niya ang lahat para mapasaya lamang ang abuela.

Kahit pa ay medyo nakukulitan siya sa babeng ito ay nakakatuwa naman itong kasama kahit papaano.

Yon nga lang ay maraming requests. Hindi kaya sinasadya lang ang lahat ni Mia ang lahat.

Napabuntung- hininga na lamang siya sa iisiping iyon.

Kailangan niyang pakisamahan ito sa lahat ng gusto dahil napakahirap ng maghanap pa ng babaeng mapagkatiwalaan ngayon.

Ayaw na ayaw na niyang maloloko uli ng isang babae.

Tama na ang minsang pagkakamali niya sa kamay ng babaeng walang awang sinaktan ang puso niya.

"Hey, Bakit nakatitig ka lang diyan sa pagkaon mo? Kumain ka na at nang makauwi na tayo." pukaw nito sa napakahabang takbo ng iniisip niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status