Share

Chapter 7

MATTHEW POV

WALA NA SA PANINGIN NI Matthew ang motorsiklo ni Mia ngunit nanatili pa rin siyang tulala at hindi makahuma sa huling salitang binitiwan nito kanina. Hindi niya alam kung seryoso ito, o talagang gusto lamang nitong gulatin siya. Kung ang huli ang intensiyon nito, nagtagumpay ito. Totoong na- shock siya ng husto.

'Number one rule, huwag kang mai-inlove sa akin... mahihirapan ka lang. Hindi kita type... mga katagang laging umaalingawngaw sa isip niya.

Napailing na lang siya. Kahit kailan, ang lakas talaga ng loob ng babaeng iyon. Siya, iniisip nitong maii-inlove dito? She must be dreaming! Kung hindi siya nito type, lalo namang hindi niya ito type. At imposibleng magkagusto siya rito.

At tama ito. He hated her guts. He didn't like the way she talked and the way she acted. Malayung- malayo ang personalidad nila. Bukod doon, hindi maalis sa isip niya na pareho ito at si Jenny ng pinanggalingan. Isang oportunista si Jenny at manloloko.

Hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni Mia ngunit hindi niya maiwasang maalala si Jenny rito. Magkaiba ang dalawa sa kilos, ugali at pananamit. Ngunit sa kabila niyon, naiisip niya si Jenny kapag nakikita niya si Mia. Parehong mukhang inosente ang mga ito ngunit hindi ba't nagkamali siya ng pagkilatis sa tunay na pagkatao ng dating nobya?

Bakit niya kailangang maapektuhan nang ganoon sa sinabi ni Mia? Alam naman niyang imposibleng mangyari ang sinabi nito. He would never fall in love with Amia Acosta. She wasn't just his type.

Hanggang sa makauwi siya ay hindi pa rin maalis- alis sa isip niya ang sinabi nito. Agad na binuksan ang kanyang laptop at magsimulang magtrabaho. Nais niyang maging busy ang utak niya upang sa ganoon ay maiiwasan at mai- alis na sa isip niya ang mga salitang binitawan ng dalaga sa kanya kanina.

LUMIPAS ANG MGA ARAW at heto sila ngayon ni Mia kaharap ang kanyang abuela. Ipinakilala niya rito na si Mia ang bagong girlfriend niya. Hindi siya makapaniwala na wala siyang makitang reaksyon mula rito. Hindi niya inaakalang walang kahirap- hirap na tatanggapin ng kanyang abuela ang pagpapakilala niya kay Mia bilang kanyang nobya. Inaasahan niya na magdududa ito at magtatanong nang husto kung paanong nangyaring naging magkasintahan sila ng dalag.

"Oh, it's about time...." Iyon lang ang sinasabi nito, ngiting- ngiti pa. Kitang- kita sa anyo nito na masayang masaya ito sa ibinalita nila ni Mia dito.

He didn't know but it seemed Tranquelina Delos Reyes had been expecting it to happen. At ngayon ay masayang- masaya ito na nangyari na ang inaasahan nito. Hindi niya maiwasang magtaka.

Alam niyang naging malapit na nang husto si Mia sa puso ng kanyang abuela. habang pinagmamasdan niya ang dalawa na naglalakad sa hardin, pagkatapos nilang mag usap ay agad naman nitong isinama si Mia. Ni hindi na nito magawang imbitahin ako na sumama sa kanila. Nasaksihan niya kung paano napapangiti at napapatawa ng dalaga ang kanyang abuela. Humahalaklak pa nga ang matanda. Well, malamang ay kung anu- ano na namang kalokohan ang sinasabi ni Mia dito.

He composed himself When they saw them approaching. May hawak na tungkod ang lola niya habang nakahawak ito sa braso ni Mia.

"Naku, hijo, hindi ko mapilit itong si Mia na dito na kayo mag- lunch," sabi ng kanyang abuela nang makalait ang mga ito

"Sa ibang mga araw na lang ho, Lola," nakangiting wika naman ni Mia. "Kailangan ho talaga ako ngayon sa tapsilogan dahil may sakit iyong dalawang helper namin. Dagsa ho kasi ang mga tao, lalo na kapag lunchtime."

"Pangako mo 'yan, hija. Aasahan ko 'yan. Kulang pa ang pagkukuwentuhan natin," anang Lola niya. Kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya at kinuha ang kamay niya. Binalingan ito ni Mia at kinuha rin ang kamay ng dalaga.

Bago pa sila makahuma ay pinagsalikop na nito ang mga kamay nila.

"Hindi niyo alam kung paano niyo ako pinaligaya sa magandang balita na ibinigay niyo sa akin. Sa puso ko, alam ko na darating ang araw na ito. Ang makita ko kayong dalawa na matagpuan ang tunay na pag- ibig sa katauhan ng isat-isa. Magmahalan kayo mga apo. Mia, mahalin mo at alagaan ang apo ko. He'd been through a lot. At alam ko na ikaw ang makakapagpabalik ng paniniwala niya sa pag- ibig." masayang pahayag ng matanda.

Hindi nakakibo si Mia. Mukhang ito man ay talagang nagulat sa sinabi ng kanyang abuela.

"At, ikaw, Matthew hijo..." baling ng matanda sa kanya. Alam kong hindi ka nagkamali ng pagpili ng babaeng mamahalin sa pagkakataong ito. Alagaan mo si Mia. Ibigay mo sa kanya nang lubos ang pagmamahal at pagtitiwala mo. Doon lang ay masaya na ako." dagdag nito.

Pagkatapos ay salitan silang niyakap ng matanda. Nang dumako ang tingin niya kay Mia ay nahuli niya ang pasimpleng pagpahid nito ng luha.

"L-lola, kailangan na ho naming umalis. Babalik na lang ho ako sa ibang araw," sabi ng dalaga.

"O, siya sige, lumakad na kayo. Matthew, mag- iingat sa pagmamaneho lalo na at kasama mo si Mia," bilin pa ng abuela sa kanya.

Siya man ay halos hindi makakibo. Tila nanuot sa bawat himaymay ng kanyang katawan ang mga salitang binitiwan sa kanila ng abuela. And he felt so guilty.

"Yes, Lola. We'll go ahead," kapagkuwan ay sabi niya pagkatapos halikan sa noo ang matanda. At ganoon rin ang ginawa ng dalaga sa kanyang abuela.

HABOL ng tingin ni Donya Tranquelina ang papalayong sina Matthew at Mia habang nakapagkit sa mga labi ang matamis na ngiti.

Lingid sa kaalaman ni Matthew, gising na siya noong sa ospital at narinig niya ang pag- uusap nito at ng kapatid na si Merna. Alam niyang nagpapanggap lamang na magnobyo ito at si Mia. Ngunit hindi siya nagagalit sa mga ito. Bagkus ay masaya siya na ang dalagang si Mia ang kinuha ng dalawa.

Naniniwala siyang kung may babae mang may kakayahang pawiin ang lungkot ni Matthew at ibalik ang tiwala nito sa pag- ibig, ay si Mia iyon. Habang nagpapanggap ang mga ito, magkakaroon ng pagkakataon ang dalawa na makilala ang isat-isa. At sigurado siya na mabubuksan muli ang puso ni Matthew sa pagkakataong ito.

Napangiti siya sa isiping iyon. Kung nalalaman lang ng mga ito na maraming paraan ang pag- ibig . Walang sinuman ang makakakontrol o makakalinlang kapag ito ay kusang titibok. Alam niya sa puso niya na darating ang araw na matatagpuan din ng mga ito ang pag- ibig para sa isat-isa. Hindi niya alam kung kailan o paano ngunit ito ay nasisiguro niya. Kusa itong matatagpuan sa katauhan ng bawat isa. At iyon ang pinakahihintay niya na mangyari.

Nakikita niya iyon sa pakikitungo ng mga ito sa isat-isa. In time, she knew, they would both see it too. Sana lang, kapag dumating ang araw na iyon ay huwag maging matigas ang ulo ng mga ito at hayaan ang sarili na yakapin ang damdaming iyon. Kapag ginagawa ng mga ito iyon, tiyak na magiging napakasaya ng mga ito.

Maaring matanda na nga siya ngunit alam pa rin niya kung paano kumikilatis ng mga taong totoong ayaw sa isat-isa at ng mga taong pilit lamang ignorahin ang tunay na nararamdaman sa isat-isa. Alam din niya king saang kategorya nabibilang sina Matthew at Mia.

Dahil noon pa man ay nakikita niya sa bawat titig ng mga ito ang tunay na naramdaman para sa isat-isa, ngunit ay hindi nila ito binigyang pansin bagkus ay pinaiiral ng mga ito ang kani- kanilang pride. Natatakpan nito ang damdamin na nais umusbong. At ngayon ang pagkakataon upang matuklasan ng bawat isa ang nararamdaman na pilit itinago sa kanilang puso.

Sa isiping iyon, masayang pumasok na siya sa loob ng bahay. Dalangin niya na sana ay naroon pa siya upang ma- abutan at makikita pa ang magiging mga apo niya sa tuhod na mula sa dalawang ito. At siya ang pinaka- masayang Lola kapag dumating ang araw na iyon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ssam_grl
...️...️...️ go mia
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status