CEO's Love Redemption

CEO's Love Redemption

By:  Funbun  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings
67Chapters
509views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Mia na matapang at palaban ay mapapasabak sa isang misyon. Ang misyon na ito ay ang magpapanggap na may relasyon sila sa apo ng Donya, na walang iba kundi ang aroganteng binata na si Matthew Delos Reyes. Napagkasunduan nilang dalawa na gumawa ng kontrata kapalit nito umano ay babayaran siya ng masungit na binata ng limang milyon. At ang pagpapanggap na ito ay magtatagal hanggang sa tatlong buwan lamang. Ngunit ay may lihim na nararamdaman ang dalaga para sa binata. Ang binata na walang tiwala sa katagang "Pag- ibig". Ang tanong, magbabago ba ang lahat sa tatlong buwan na ito?

View More
CEO's Love Redemption Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Funbun
*Dear Readers,* I am writing to inform you of an accidental upload issue concerning Chapter 24 of this book. It appears that this chapter was uploaded twice. Please disregard the first upload of chapter 24. Instead, proceed to chapter 24 marked with a ...( check sign). Thank You. Funbun
2024-06-08 13:10:28
0
user avatar
Ssam_grl
thumbs up!
2024-06-02 15:33:17
1
default avatar
chalk83
Ang ganda pala ng story na to. Gusto ko si Mia girl palaban!. At nakakakilig! hayys.. Miss Author bilisan mo ng update di nako makapaghintay.. sobrang ganda!..
2024-06-02 06:23:08
1
67 Chapters
Chapter 1
Araw ng linggo, nagmamadaling umalis si Matthew nang mabasa ang ibinigay na mensahe ng kapatid na si Merna. Siya ay pupuntang ospital na kung saan naka admit ang kanyang lola."How's Lola?" puno ng pag alalang tanong niya sa kapatid na si Merna. Kadarating lamang niya sa ospital. Huli na nang matanggap niya ang mensahe sa kanya ng kapatid.Agad na nabaling ang tingin niya sa abuela na nakahiga sa hospital bed. Maputlang- maputla ang mukha nito, mababakas doon ang pinagdaanan nitong hirap."Lola had a heart attack again, Kuya Matthew, " tugon ni Merna. Namumugto ang mga mata nito. "Nang pumasok si Manang Adelfa sa room niya kanina, nakahandusay na si Lola sa sahig. Kung nahuli pa ng ilang minuto bago siya nadala sa hospital, malamang.... malamang wala na siya..." Umiiyak ito habang nagsasalita.Nilapitan niya ito upang yakapin at aluin. "Kumusta na siya ngayon?" tanong niya na nakatingin pa rin sa abuela. Ang kanilang abuela na si Doña Tranquelina Delos Reyes ang solong nagpalaki sa
Read more
Chapter 2
"So, Ano'ng balak mong gawin ngayon?" Hindi alam ni Matthew kung ano ang isasagot sa tanong ni Danny , ang kaibigan at right hand niya sa kompanya. Pagkatapos matiyak na ligtas na sa peligro at komplikasyon ang abuela ay nagpasya siyang umalis na muna ng hospital upang makapag isip-isip ng paraan. Hinayaan niyang ang bunsong kapatid na muna ang magbantay at matulog doon kasama ng matanda.Kahit madaling-araw na, dumeretso parin siya sa bahay ng matalik na kaibigan. Pupungas- pungas pa ito nang pagbuksan siya ng pinto kanina. Alam niyang sunud- sunod na reklamo sana ang matatanggap niya kanina mula rito kung hindi lamang nito makita na problemado siya. Naglabas ito ng beer sa terasa ng bahay nito.Mabuti na lamang at hindi nagising ang asawa nitong si Amanda. Inaanak niya ang limang taong gulang nitong anak ng mga ito. "Hindi ko alam, pare," mabigat ang loob na sagot niya rito. "Kailanman, hindi ko hinangad na manggaling sakin ang ikinalulungkot o ikabibigat ng loob ni Lola. She's all
Read more
Chapter 3
MIA'S POVANO? BABAYARAN ako ng kuya mo para magsinungaling kay Lola Lina? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ano na lang ang iisipin ni Lola Lina sa akin kapag natuklasan niya ang totoo? At saka, hellooo...?? Kapani-paniwala bang magugustuhan ako ng mayabang...... este, masungit na Matthew na yon, eh, allergic nga sa akin 'yon, di ba? Saka bakit na ako ang naisip ng kuya mo na pagpapanggaping nobya, ang dami- dami namang babaeng umaaligid sa kanya? Doon na lang siya mamili," mahabang litanya ni Mia nang marinig ang sinabi ng best friend niyang si Merna."Ano ba ang pumasok sa kukote ni Matthew Delos Reyes at naisipang siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Lola Lina?"Alam niya na wala itong magandang pakikitungo sa kanya noon pa. Sa tuwing magkakasalubong sila, parang lagi siya nitong inuuri at nilalait kapag tinitingnan siya nito. Pagkatapos ngayon ay may gana pa itong hingin ang tulong niya? Ano sha helloo..!'Mia, hindi naman niya actually hiningi ang tulo
Read more
Chapter 4
MIA'S POV"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. "" Hindi, ah!" tanggi niyo. "Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito. Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa.'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya.Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at
Read more
Chapter 5
"MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili. "Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?" "Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin. So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito. "Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito. "Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?" Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito. "Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniy
Read more
Chapter 6
MIA POVGUSTONG mapahagalpak ng tawa ni Mia habang pinagmamasdan niya ang tila paglalaban ng isip ni Matthew. Tila hindi nito alam kung seseryosuhin ang mga sinasabi niya o hindi. Kaya naman nang titigan siya nito ay ni hindi siya ngumiti. Pinanatili niyang seryoso ang ekspresyon ma mukha niya kahit pa ang totoo ay gustung- gusto na niyang matawa. Makaganti man lang siya kahit sa simpleng paraang iyon. Kung anu- ano ang kalolokohan na sinasabi at itinatanong niya rito at wala naman itong mapagpipilian kundi sumagot sa mga tanong niya. Masarap din palang paglaruan ang mokong na ito, eh. sa loob- loob niya. "Naku, ito lang naman pala ang tinutukoy sa menu, eh," aniya na ang tinutukoy ay ang pagkaing inihain ng waiter sa kanila. " Hindi ko makilala ang mga tawag dito sa menu, iyon pala beef lang din na nilagyan ng kung anu- anong dekorasyon. Tapos ang mahal mahal pa. Naku, wala rin itong ipinagkaiba sa tapa na niluluto sa tapsilogan namin. Baka mas mainam pa iyon kasi may libreng toyo,
Read more
Chapter 7
MATTHEW POVWALA NA SA PANINGIN NI Matthew ang motorsiklo ni Mia ngunit nanatili pa rin siyang tulala at hindi makahuma sa huling salitang binitiwan nito kanina. Hindi niya alam kung seryoso ito, o talagang gusto lamang nitong gulatin siya. Kung ang huli ang intensiyon nito, nagtagumpay ito. Totoong na- shock siya ng husto. 'Number one rule, huwag kang mai-inlove sa akin... mahihirapan ka lang. Hindi kita type... mga katagang laging umaalingawngaw sa isip niya.Napailing na lang siya. Kahit kailan, ang lakas talaga ng loob ng babaeng iyon. Siya, iniisip nitong maii-inlove dito? She must be dreaming! Kung hindi siya nito type, lalo namang hindi niya ito type. At imposibleng magkagusto siya rito. At tama ito. He hated her guts. He didn't like the way she talked and the way she acted. Malayung- malayo ang personalidad nila. Bukod doon, hindi maalis sa isip niya na pareho ito at si Jenny ng pinanggalingan. Isang oportunista si Jenny at manloloko. Hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni
Read more
Chapter 8
MIA POVTAHIMIK NA pumasok sa loob ng sasakyan sina Matthew at Mia. Parehong walang kibo ang dalawa sa loob ng sasakyan ng huli patungo sa Tapsilogan niya. At alam niya ang dahilan niyon. Pareho silang nakakaramdam ng guilt. Parehong nanunuot sa kalamnan nila ang sinabi ni Lola Lina kanina. Tulad niya, marahil ay iniisip rin nito ang paniniwala ni Lola Lina na totoong magnobyo sila ni Matthew. Napabuntung- hininga siya. Napakahirap dalhin niyon sa dibdib. Tinamaan siya sa mga sinasabi kanina ni Lola Lina. Sa ilang sandali ay parang gusto na rin niyang maniwalang totoo ngang sila ni Matthew ay totoong nagmamahalan.Nakakatouch naman kasi ang mga binibitiwang mga salita ni Lola Lina. At some point back there, she had wished everything wasn't a lie. That she and Matthew weren't pretending. And for that magical moment, she had quietly wished she could really be the woman who could make Matthew believe in love again.At iyon ang talagang halos hindi niya mapaniwalaan. Hindi siya makapaniw
Read more
Chapter 9
MIA POV PAKAUNTI na ang tao at iilan na lang ang natitirang kumain sa loob. Kaya ay nagpahanda na si Mia ng pagkain para sa kanilang tanghalian. "Ano'ng pumasok sa isip mo?" agad na tanong ni Mia sa binata nang sa wakas ay makaupo na sila at maihain ang kanilang tanghalian. Kanina niya pa itong gustong itanong rito ngunit ay walang siyang pagkakataon na isatinig iyon dahil nais niya muna na mapagsolo sila at para walang makakarinig sa pag- uusapan nila. Nakaalis na ang mga kapatid niya para pumasok sa school. Parehong sizzling na pusit ang napili nilang ulam na may side fish na ginisang pechay. Mukhang napagod at nagutom nang husto si Matthew. Hindi agad ito sumagot sa tanong niya dahil abala ito sa pagkain. Lalo itong gumuwapo kapag ganoong hinahayaan nito sa sariling maging simple at makihalubilo sa mga simpleng tao. Hindi niya maiiwasang mapangiti habang pinanood niya ito na maganang kumain. Ibang- iba ito kaysa noong inang magsalo sila sa pagkain sa isang fancy restaurant up
Read more
Chapter 10
MIA POV MAGKALAHATING ORAS na ang lumipas mula nang umalis si Matthew. Heto at hindi pa rin mapakali si Mia. Wala sa sarili na pinanood ang pinto na kilabasan ng binata. Mabuti na lang at iilan na lang ang tao at di niya na kailangang tumulong sa mga tagasilbi sa kusina. Muli siyang napaupo nang ma- realize na tila masaydo siyang naapektuhan. Nang mahimigan niya ang lungkot at galit sa tinig nito habang nagsasalita kanina, parang gusto niyang pawiin iyon. Gusto niyang tulungang maiba pang pananaw nito sa pag- ibig. Sa maikling oras, nasaksihan niya na hindi puwedeng maging totoong matapobre ang isang Matthew Delos Reyes gayong may kakayahan itong magsilbi at makitungo nang maganda at maayos sa mga ordinaryong tao. Tumulong ito sa canteen nila gayong may- ari ito ng isang malaking kompanya at sanay na pinagsisilbihan at sinusunod ang bawat utos nito. Señorito ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Ngunit kanina ay nagsilbi itong waiter doon. At nakita niyang parang nakawala
Read more
DMCA.com Protection Status