Share

Chapter 2

"So, Ano'ng balak mong gawin ngayon?" Hindi alam ni Matthew kung ano ang isasagot sa tanong ni Danny , ang kaibigan at right hand niya sa kompanya. Pagkatapos matiyak na ligtas na sa peligro at komplikasyon ang abuela ay nagpasya siyang umalis na muna ng hospital upang makapag isip-isip ng paraan. Hinayaan niyang ang bunsong kapatid na muna ang magbantay at matulog doon kasama ng matanda.

Kahit madaling-araw na, dumeretso parin siya sa bahay ng matalik na kaibigan. Pupungas- pungas pa ito nang pagbuksan siya ng pinto kanina. Alam niyang sunud- sunod na reklamo sana ang matatanggap niya kanina mula rito kung hindi lamang nito makita na problemado siya. Naglabas ito ng beer sa terasa ng bahay nito.

Mabuti na lamang at hindi nagising ang asawa nitong si Amanda. Inaanak niya ang limang taong gulang nitong anak ng mga ito.

"Hindi ko alam, pare," mabigat ang loob na sagot niya rito. "Kailanman, hindi ko hinangad na manggaling sakin ang ikinalulungkot o ikabibigat ng loob ni Lola. She's all we have. Alam kong nag aalala siya sa akin. But I didn't know na sobra ang pag alala niya."

" Well, to tell you honestly, Matthew, we're all worried about you,". sabi ni Danny.

Napatingin siya rito.

"All right, all right, " anito. " Hindi ko na muna isasama ang sarili ko at ang iba pang mga taong concerned sa'yo.

For now, let's concentrate about Lola Lina. Well l, hindi ko naman kasi siya masisisi. Mahal na mahal niya kayo ni Merna. Siyempre nag alala iyon dahil malaki ang ipinagbago mo buhat nang...." hindi nito itonuloy ang sasabihin at halip ay napabuntong-hininga na lamang.

"Look, Matthew, It's been what? Six years? Mahabang panahon na ang lumipas pero para sayo, parang kahapon lang iyong nangyari. Ever since that day , you've been different. Kaya siguro ganoon na lang ang pag alala ng Lola mo sa'yo.

"But why can't everybody leave that aspect of my life? Hindi ko ginustong mag alala kayo, lalo na si Lola. Matagal nang nangyari iyon, Danny. I'm over it. Really. Why is it such a big deal that I've changed from old Matthew after what happened? I believe I have change for the better. And I'm not sulking over what happened six years ago. I've moved on. Kinalimutan ko lang naman ko lang naman ang pagiging marupok noon. Masama ba iyon?"

"Matthew, our concern at this moment is Lola Lina. You want to make her feel better, right?"

Tumango siya.

"Then mag- isip tayo ng isang bagay na puwede mong gawin na talagang ikakatuwa at ikapapanatag ng loob niya," suhestiyon nito. " Ano ba iyong isang bagay na gustung- gusto niyang makita sa'yo, o makita niyang gawin mo? Iyong lage niyang hinihiling sa iyo?"

Nagkibit- balikat siya.

"Surely, there must be something, " anito.

"Iyong bagay siguro na madalas niyang sinasambit sa'yo."

Napatitig siya rito. "Ano, pare? Wala ka bang maisip?"

Muling sinasariwa sa isip ni Matthew ang mga pagkakataong na laging tinatanong ng abuela sa kanya.

Nang maalala ay, bigla siyang natahimik. Hindi naman kasi niya alam paano ito simulan.

Laging tinatanong ng kanyang abuela noon, mga ilang taon matapos mangyayari ang ginawa ng dating nobya sa kanya. Minsan ng hiniling ng kanyang Lola na sana ay bigyan niya ng pagkakataon ang sarili na magmahal muli. Lagi niya naman itong tinatanggihan sa panahong kinukulit siya tungkol sa mga ganoong bagay.

Para kasing hindi pa handa ang puso niya na umibig muli. At ayaw niyang tulungan ang sarili na tumibok muli para sa isang babae. Nadadala na kasi siya sa mga panahong nilloloko siya ng matindi sa dating karelasyon. Kaya lage niyang iniiwasan ang tungkol sa ganitong usapin

Nakaalis na si Matthew sa bahay nina Danny nang wala parin siyang maisip na paraan upang magiging masaya ang kanyang abuela. Wala siyang maisip na ibang bagay na mag- aalis sa pag alala ng Lola niya sa kanya. Hindi naman ora mismo na ibalik niya ang sarili sa dating siya.

Isa pa, sanay na siya at mas komportable siya sa matthew ngayon.

Gising na si Merna at nagkakape nang makabalik siya sa hosptal. Sabi nito, nagising na rin daw kanina ang lola nila at agad siyang hinanap.

Ipinagtimpla siya nito ng kape. Siya naman ay nasa napag-usapan parin nila ni Danny ang naiisip.

"Kuya Matthew, drink your coffee at lalamig na yan," ani Merna sa kanya. "Ano ba ang iniisip mo? Huwag ka na rin masyadong mag-alala kay Lola. In- assure naman ng doktor sa atin na stable na siya at ligtas sa anumang complications, hindi ba?"

"Y-yeah. Iniisip ko lang iyong sinabi ni Danny."

"Sa kanila ka ba galing ngayon?"

Tumango naman siya. "Ano ba ang sabi niya?" tanong nito sa kanya.

"Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit inatake si Lola sa puso." aniya pagkatapos bumuntung- hininga.

"Kuya......"

"It's the truth. Merna, " aniya. "Hindi ko man gustong maging dahilan ng kalungkutan ni Lola, ako pa rin ang dahilan niyon... dahil sa sobrang pag- alala niya sa akin. Sinabi ni Danny na mag- isip ako ng isang bagay na makakapagpasaya kay Lola kapag ginawa ko. Pero hindi ko naman alam kung ano ba ang dapat kong gawin."

"I know what you must do, Kuya," tila biglang na- excite na bulalas nito. Nangingislap ang mga mata nito.

"Then what?" nakakunot ang noong tanong niya sa kapatid.

"Have a lovelife, Kuya!" tila kinikilig na sabi pa nito.

"What?!"

"Have a lovelife," ulit pa nito. "Magpakilala ka ng girlfriend kay Lola. Sigurado, kapag nakita ka niyang masaya sa piling ng babaeng minamahal mo, magiging masayang- masaya siya. Hindi na siya mag- alala pa sa'yo.

"How can I do that? I don't even have a steady date," aniyang hindi makapaniwala sa suhestiyon ng kapatid, ngunit ikinokonsidera niya iyon. "And if I have to do that, I should have someone to introduce to her as soon as possible. And it's......."

"Eh, di magpakilala ka na lang ng kunwaring girlfriend. "Tapos, sasabihin mo lang kay Lola na hindi iyon nag- work out. Ganon lang kasimple, Kuya. At least iisipin ni Lola na talagang nakapag moved on ka na," sabi pa nito.

"I don't know...." naiiling na turan niya. "Saan naman ako hahanap ng babaeng magkukunwaring girlfriend ko? Iyong hindi mag a-assume ng kung anuman. Iyong hindi mag-e-expect at magde-demand ng kung anu-ano mula sa akin. Kailangang malinaw rin sa kanya na isang pagkukunwari lamang ang lahat. Maraming oportunistang nagkalat diyan na..."

"Here we go again," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Puwede ba, huwag mo munang isipin ang mga ganoong mga bagay?"

"Saan nga ako makakahanap ng babaeng ipapakilala kay Lola? Iyong papayag sa isang kasunduan at susunod sa kasunduang iyon? Baka mamaya, e- blackmail pa ako."

"Tapos na ang problema mo, Kuya," anito na maluwang ang pagkakangiti. "May kilala ako na puwedeng magpanggap na nobya mo. Iyong hindi ka iba- blackmail at hindi lalagpas sa kung ano ang mapagkasunduan ninyo."

"S-sino?"

Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. My friend, Mia."

"Si Amia Acosta?" bulalas niya.

"Kuya, magigising si Lola niyan, eh! ang lakas ng boses mo!" saway nito sa kanya.

"Si Mia? Iyong kaibigan mong taga ibang planeta?"

"Yes, you're right,Kuya

Ang kaibigan kong si Mia. She's the perfect choice," sagot nito.

"No way!" mariing tanggi niya. He couldn't stand that woman!

"And why not? Mabait naman si Mia, Kuya," taas- kilay na tanong ni Merna.

"Walang maniniwala na puwede akong magkagusto sa kaibigan mong iyon, Bunso. Much more, si Lola," aniya.

"Diyan ka nagkakamali ," anito. Iniisip nga ni Lola na kaya raw ayaw na ayaw mo kay Mia ay dahil hindi mo matanggap na sa kabila ng pagiging kakaiba ng kaibigan ko, may effect din siya sa'yo," nakalabing wika nito.

"Lola said that?"

Sunud-sunod na tumango ito. "Kahit pa. Amia Acosta is out."

"Bakit? May naiisip ka bang iba na puwede?"

Iyon ang problema, wala siyang maisip.

Naguguluhan na humarap siya sa kapatid.

"Pag- iisipan ko pa yan,Bunso. Hindi madali ang trabahong ito. Alam mo naman si Lola, matalino iyon. Madali lang nitong mahahalata na nagpapanggap lang kami o hindi kasi kabisado na rin niya ang kaibigan mong 'yon.

"Kailangan yata talaga nito ang matinding drama, upang hindi agad makakahalata si Lola."

Napabuntong- hininga na lamang siya sa lahat ng suhestiyon ng kapatid niya. Ne wala man lang itong pag- aalinlangan sa naiisip na solusyon ng kanilang problema.

Naguguluhan man ay kailangan niyang pag iisipan ito ng maigi. Hindi biro ang ganitong klaseng problema, nakasalalay din rito ang kalusugan ng abuela.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status