Share

Chapter 3

MIA'S POV

ANO? BABAYARAN ako ng kuya mo para magsinungaling kay Lola Lina? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ano na lang ang iisipin ni Lola Lina sa akin kapag natuklasan niya ang totoo? At saka, hellooo...?? Kapani-paniwala bang magugustuhan ako ng mayabang...... este, masungit na Matthew na yon, eh, allergic nga sa akin 'yon, di ba? Saka bakit na ako ang naisip ng kuya mo na pagpapanggaping nobya, ang dami- dami namang babaeng umaaligid sa kanya? Doon na lang siya mamili," mahabang litanya ni Mia nang marinig ang sinabi ng best friend niyang si Merna.

"Ano ba ang pumasok sa kukote ni Matthew Delos Reyes at naisipang siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Lola Lina?"

Alam niya na wala itong magandang pakikitungo sa kanya noon pa. Sa tuwing magkakasalubong sila, parang lagi siya nitong inuuri at nilalait kapag tinitingnan siya nito. Pagkatapos ngayon ay may gana pa itong hingin ang tulong niya? Ano sha helloo..!

'Mia, hindi naman niya actually hiningi ang tulong mo. Babayaran niya ang serbisyo mo,'

ananng kontrabidang bahagi ng isip niya.

'Kahit pa! Ganoon na rin iyon! anang sa isip.

'"Mia, relax ka lang muna. Pakinggan mo muna ako, okay? At saka, hindi naman si Kuya ang nakaisip na ikaw ang gawin niyang maging girlfriend. Kundi ako!" nakangiwing sabi ni Merna.

"Ikaw? At bakit naman ako ang naisip mong ipain diyan sa kuya mo?" naninising tanong niya sa kaibigan. Hindi siya makapaniwalang ginawa nito iyon." Alam mo naman kung gaano kaliit ng tingin sa akin n'On. Mula nang ipakilala mo akong kaibigan mo at nalaman niyang hindi nyo ako kauri, pinagsupladuhan ako ng kuya mo. Akala niya yata , nakikipagkaibigan lang ako sa iyo dahil may mapapakinabangan ako sayo. Numero unong matapobre at snob ang kuya mo."

"Hoy, ano ka ba? kuya ko parin 'yon. Hindi naman siya ganoon dati, nagbabago lang talaga siya mula noong....." pagtatanggol naman ng kaibigan sa kapatid nitong masungit.

"Naku, Merna, tigilan mo nga ako. Alam mong totoo ang sinabi ko. Talagang matapobre ang kuya mo." sagot naman niya rito.

"Di ba, naikuwento ko na sa'yo kung bakit siya nagkaganoon?" anito.

'"Ang tagal nang nangyari no'n, hanggang ngayon di pa rin siya maka-move on? Pati ako nadamay pa sa kasalanan ng Jenny na iyon," sabi niya.

Nakikilala at naging magkaibigan niya si Merna dahil sa parehong university sila nag aaral. Mamahalin ang university na 'yon at nakapag- aral siya roon dahil may scholarship siya. Nagkrus ang mga landas nila ni Merna nang makita niya itong hino-hold up malapit sa university nila. Hindi siya natakot at tinulungan niya ito. Dahil lasing at nag- iisa lang ang lalaking nang hold- up dito, bumagsak agad iyon nang batuhin niya.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. Parehong freshmen sila noon sa kursong Business Management. Nang maging magkaibigan sila ay masungit, suplado, at galit na sa mundo ang Kuya Matthew nito. Noong una niyang masilayan ang mukha ay talaga namang hinahangaan at pinagpantasyahan niya agad ito. Ngunit pinutol na niya ang anumang nararamdamang pagnanasa kay Matthew Delos Reyes mula nang tahasan nitong sabihin sa kanya hindi raw ito magtataka kung bakit kinaibigan ko ang kapatid niya na si Merna dahil may mapapala raw ako sa kapatid nito.

Kaya lahat ng nararamdaman ko para dito ay pilit kong nilimot dahil na realized ko na mahirap na magkakagusto sa katulad nitong pag uugali. May pagkakataon kasing nililibre siya ni Merna, lalo na noong sa fieldtrip nila at nalaman iyon ni Matthew dahil ito ang nagbibigay ng pera at allowance kay Merna. Kaya lalong nagagalit ito sa akin. Kaya mula noon ayaw na niya na lilibrehin pa siya ng kaibigan.

Bahagyang lumabot ang puso niya nang malaman ang pinagdaanan nito sa kamay ng isang babaeng katulad niya na nagmula rin sa isang mahirap na pamilya.

Sabi ni Merna, mula nang mabigo sa pag- ibig ay tuluyan nang nag- iba ang pag uugali ni Matthew. Naging aloof at masungit daw ito. Sa tingin niya ay naging matapobre din ang binata.

Pilit naman niyang inintindi ito pero nagsawa na rin siya. Dahil patuloy pa rin kasi ito sa panlalait sa kanya sa tuwing makikita niya akong kasa- kasama ang kapatid niya. Kung kaya't pinakaiwas- iwasan niya na lang na magkatagpo ang mga landas nila ni Matthew, lalo na kapag nagpupunta siya sa bahay ng mga ito.

"Kung bakit naman kasi ako pa ang isina-suggest mo sa kuya mo, eh. At saka, sigurado ka bang pumayag siya sa sinabi mong ako ang tatayong girlfriend niya?" paniniguro niyang tanong sa kaibigan.

"Wala namang iba na puwede naming pagkatiwalaan. Actually, ayaw nga rin sana ni Kuya na ikaw, kasi nga raw magkaibang- magkaiba kayo. Taga Earth daw siya at ang tingin niya sa'yo ay.... eh...eh..."

"Ano? Sabihin mo na. Hindi ako masasaktan sa anumang sasabihin ng kuya mo," udyok niya rito.

"Taga- Earth siya at ako ay tagasaan naman sa tingin niya?"

"Taga- ibang planeta ka raw," sagot nito.

"Kakaiba talaga 'yang Kuya mo, no? In fairness, may sense of humor din pala siya. Taga- ibang planeta pala, ha? Ang lakas ng loob,"aniya.

Tatawa- tawa naman ito. "Ayaw mo ba n'on?

Kapag pumayag ka sa proposal ni Kuya Matthew, matutuloy na ang panibagong branch ng Tapsiloga mo at ng isa pang laundry shop mo. Ang pinaka- maganda sa lahat, makakaganti ka na sa kanya," anito na parang hindi kapatid nito ang tinutukoy nito.

"Makakaganting paano?" kunot ang noong tanong niya dito.

" Dahil magpapanggap kayong magnobyo, puwede mo ng sabihin sa kanya ang matagal mo nang gustong sabihin. You can tell him what you think of him. Hindi siya makakaangal dahil humihingi siya ng pabor sa'yo." nakangising paliwanag pa nito sa kanya.

Gusto niya ang punto nito. Ilang beses na ba niyang na- imagine ang sitwasyong magkakaroon siya ng pagkakataong mapagsabihan ang high and mighty na de Matthew Delos Reyes! Maipapaabot niya rito ang opinyon niya tungkol dito. Puwede niyang litanyahan ito tungkol sa tamang asal. But on second thought....

"Mabuti kung isipin ni Matthew na binibigyan ko siya ng pabor. Mamaya, ipamukha pa niya sa akin na bayad ako," nakasimangot na sabi niya.

"Then fight back," suhestiyon nito na parang napakadali lamang ng gusto nitong ipagawa sa kanya.

" Pagkakataon mo na para ipakita kay Kuya Matthew kung sino at ano talaga ang pagkatao ni Amia Acosta. Para mapahiya siya sa kung anumang iniisip niya tungkol sa'yo." Tumaas ang isang kilay niya dahil doon.

"Teka muna, Baka nakakalimutan mo kung sino ang pinag- uusapan natin dito, Merna?"

"Of course not! We're talking about my dearest brother here," anito.

"Gusto ko ring matauhan siya, no. Gusto ko na may magsabi sa kanya kung ano ang hindi tama sa ginagawa at sinasabi niya. At wala na akong ibang naiisip pang makakagawa n 'on kundi ikaw lang. At least, kapag pumayag ka, may excuse at dahilan ka na para gawin iyon."

"Kakaiba ka rin talaga, no?" naiiling na wika niya.

"Isa pa, siyempre inaalala ko rin si Lola," lumungkot ang hitsura nito.

" Ang tanging makakapagpasaya sa kanya ngayon ay iyong makita si Kuya na masaya sa piling ng isang babaeng muling makapagpapabalik ng tiwala nito sa pag- ibig at sa kapwa niya."

"Pero, Merna, parang lolokohin ko naman si Lola Lina," nakalabing wika niya.

"Hindi naman niya iyon malalaman. Kapag, palalabasin n'yo lang na hindi nag- work out ang relasyon ninyo. Na magiging magkaibigan pa rin kayo at hindi na muling magiging bitter si Kuya. We just want Lola to stop worrying. Iyon lang naman."

Para na rin niyang Lola si Lola Lina. Itinuring siya ng matanda na parang tunay nitong apo. Madalas nga nitong sabihin na siya lamang daw ang nakakapaghalakhak dito dahil sa mga pakuwela niya at sa pagiging jologs niya.

Masayang- masaya rin siya dahil hindi niya naranasan kung paano magkaroon ng lolo at lola.

Bata pa siya nang maulila siya sa ama. Naulila silang tatlong magkakapatid at mag- isang itinaguyod ng kanilang nanay. Kaya nga ginawa niya ang lahat upang makapagtapos ng pag- aaral dahil noon pa ay pinangarap na niyang pahintuin sa pagtatrabaho ang nanay niya, lalo pa at naging sakitin na ito noon.

Ngayon, masasabi niyang maayos na ang buhay nila. Dalawang taon muna siyang nag- empleyo sa isang kompanya bago huminto at nagpasyang paunlarin ang itinayong maliit na tapsilogan. Naging patok iyon dahil nakapuesto iyon sa tapat ng isang malaking university at maraming establishments sa paligid.

Nang makaipon, nakapagpatayo siya ng isang laundry shop. Ipon at utang sa bangko ang ipinuhunan niya noon. Si Merna ang naging guarantor niya kaya madali siyang nakahiram ng pera sa bangko.

Ngayon, balak niyang magtayo pa ng tig- isang branch ng tapsilogan at laundry shop niya. Pero kulang pa ang puhunan niya.

Matagal na siyang inaalok ni Merna na pahihiramin ng malaking halaga dahil alam nitong hindi siya tatanggap ng bigay. Ngunit kahit iyon ay hindi niya magawang tanggapin. Iniisip niyang baka makarating iyon sa kaalaman ng kapatid na si Matthew at baka kung ano ba naman ang isipin ng binata sa kanya.

"SIGE na, Mia. Pumayag kana," pagsusumano ni Merna. Napatitig siya rito.

" Merna, para kasing ang hirap gawin, eh. "Tapos, magsisinungaling pa ako kay Lola Lina at kailangan ko pang makasama nang madalas ang Kuya mo. Paano ako kikilos sa harap n'on? Baka lagi lang kaming magbangayan."

"Do it na lang for Lola," pakiusap nito.

"Talagang miserable siya, eh

At labis niyang ikaliligaya na makitang umibig uli si Kuya."

"Sa akin? Umiibig sa akin ang kuya mo? Maniniwala ba si Lola Lina sa ganoon?"

"Trust me, Mia, paniniwalaan iyon ni Lola. Isa pa, dati pa naman siyang may nakitang spark sa inyo ni Kuya," nakangiting sabi nito.

Napakunot-noo siya.

"Ano'ng sabi mo? Ano'ng spark- spark iyang pinagsasabi mo. Paano mo masabing ganon, ni kahit pagsulyap nga sa akin ay hindi magawa ni Matthew 'yon. Hay, naku tigil- tigilan mo ako sa mga ganyan ha, Merna."

"Totoo iyon," anito. "Hindi ko lang iyon gawa- gawa. Sinabi talaga minsan ni Lola na iba raw ang pakiramdam niya sa inyo ni Kuya. Si Kuya Matthew raw, kahina- hinala ang walang dahilang disgusto niya sa'yo. Parang masyadong exaggerated lang daw." wika nito.

"Parang may gustong itanggi na ewan. Tapos ikaw naman, kapag nasa bahay ka, hindi mo raw nakakalimotang itanong kung naroon din ba si Kuya. At kapag nalaman mong wala, agad kang nagpapasalamat. Pero para naman daw hinahanap mo si Kuya, " ngingiti- ngiting sabi ni Merna.

Nanlalaking mga matang napatitig siya rito.

Hindi niya inaasahan na ganoon pala ang naging pagkikilanlan ni Lola Lina sa kanya.

ITUTULOY ANG PAKSANG ITO SA CHAPTER 4.....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status